Chapter 23

1281 Words
“Lili? Andiyan ka pa?” bumuntong hininga ako. “Oo” “Oo as in Oo na hihintayin mo ako?” hindi ko alam if nabibingi ba ako dahil rinig ko na medyo masaya si Sir. “Oo as in Oo ibababa ko na po yung tawag.” agad ko inend yung call. Bago ko pa mablock yung number na pinang tawag ni Sir Duke ay muli itong tumawag. Pambihira talaga! Ang bilis naman niya. Dahil ayoko siyang isipin ay pinatay ko yung tawag niya sabay block. Bahala siya magreklamo, 2 days naman akong wala sa Pampanga. Binalik ko yung cellphone ko sa bulsa at nilingon si Sir Midnight, kita ko ang pagsilip niya sa akin sa gilid ng kaniyang mata. Muli na namang umarko ang kilay nito. “Bakit niyo po ako nilagay sa story niyo Sir?” hindi ko talaga maisip na pipicturan niya ako kanina, kaya pala hawak niya yung cellphone niya before kaming kumain. “To irritate him” kumunot ang noo ko, may bad blood ba sila ni Sir Duke? Kasi kung to irritate eh halata namang effective yung ginawa ni Sir Midnight, kung makatawag ba naman. Istorbo na ang ingay pa niya. “Sleep” umiling ako sa sinabi ni Sir. “Natulog na po ako Sir. Hindi na po ako inaantok” sa hindi mabilang na beses ay umarko muli ang kilay ni Sir Midnight. Hininto niya yung sasakyan at inalis yung seatbelt niya. “Sleep” muli akong umiling, ang kulit din pala ni Sir Midnight. “Okay na po ako Sir, nakatulog na ako kanina” dumilim yung mukha ni Sir Midnight. “Matutulog ako Lili, and you will drive” agad itong lumabas ng sasakyan at nakapag palit sa akin ng pwesto. Namalayan ko na lang na ako na yung nagdadrive ng sasakyan. Grabe! Kaya naman pala ni Sir mag explain ng medyo mahaba haba, puro one-word lang kasi siya. Sinilip ko si Sir Midnight na mukhang natutulog at suot yung travel pillow na kaninang ginamit ko. Mukha siyang puyat. Nagfocus ako sa daan. Ilang minuto din akong nagdrve ng makita ko ang pamilyar na daan pupunta sa sundivision namin. Huminga ako ng malalim at binuksan yung bintana. “Good afternoon, kuya. Ito po I.D ko” tumitig sa akin yung guard at nagtatakang tiningnan ako. Mag iisang taon na akong hindi nakakabalik sa bahay namin at mukhang bago yung guard kaya hindi ako matandaan. “Sa Hope Residence po.” “Walang tao doon ma’am. Hindi po natin matatawagan yung nandoon” kamot ulong sabi ni Kuya guard. Ngumiti ako. “Kuya ako po yung nakatira doon, ngayon lang po ako umuwi” nawala ko na kasi yung pass ko kaya hindi ko nadala. “May pass po ba kayo ma’am?” umiling ako. “Nawala ko kasi kuya, pero pwede niyo naman icheck yung name ko sa list” tumango ito at pumasok sa loob ng guard house. Ilang minuto pa ay itinaas na ni Kuyang Guard yung harang. “Ma’am new pass niyo po, welcome back ho” ngumiti ako at tumango sabay paandar ng sasakyan. Sa may bandang dulo yung bahay namin. Pinark ko yung sasakyan sa labas ng bahay. Huminga ako ng malalim. “Let’s go” gulat kong tiningnan si Sir Midnight na gising na pala. Agad itong lumabas at pumunta sa gate ng bahay namin. Lalabas na sana ako ng gulat kong tiningnan si Sir Midnight na umakyat ng bakod. Oo, umakyat siya ng bakod. Hindi ko ata nasabi sa kaniya na may susi naman ako ng gate, nag ala spiderman pa tuloy siya. Ilang sandali pa ay bumukas yung gate kaya naman nagdrive ako papasok. Pagkapark ko ay nakailang buntong hininga ako, ang bigat ng pakiramdam ko. Nasa labas lang si Sir Midnight habang nakatingin sa akin. Ayoko siyang paghintayin kaya naman bumaba ako pero pagkalabas ko ng sasakyan ay biglang bumigay ang tuhod ko. Nagsiunahan ang luhang kanina ko pa pinipigilan, bumalik lahat ng ala-ala sa akin. Mabilis akong niyakap ni Sir Midnight at humagulgol ako ng iyak sa balikat nito. Sobrang bigat. Sobrang bigat ng lahat. Namimiss ko sina Papa at Mama kaya ako bumalik dito sa Nueva Ecija pero kahit bumalik ako sa bahay namin, namimiss ko pa din sila. Hindi na sila babalik kahit bumalik pa ako sa bahay namin at tanging ala-ala lang nila ang naiwan dito. “Shhh. Everything will be alright” No. Hindi magiging okay ang lahat. Wala na akong pamilya, mag isa na lang. Ano pa bang gagawin ko? Bakit ba ako na lang yung natira? Yun ang mahirap, yung ikaw na lang yung natira sa pamilya mo at pilit mong tinatanong kung bakit at ano pa ba ang silbe mo. Lahat ng ala-ala ng bahay na toh ay parang isang malaking alon na humampas sa memorya ko. Lahat ng yun ay nagpapabigat sa damdamin ko, I thought I’m already okay. Okay na ako. Tanggap ko na. Hindi pala. Nang maubos ko lahat ng luha ko ay namalayan ko na lang na nasa loob na ako ng bahay namin. Nilibot ng paningin ko ang paligid, pamilyar lahat. Sobrang pamilyar. Mula sa pinto ng kusina. “Mom look, ang ganda ng pagkakapaint ko diba?” “Ikaw na bata ka! Bakit itim yung pinto?” “Favorite color ko kasi tapos favorite ko pa po lahat ng luto niyo kaya bagay yung kulay” Sa sofa “Ano ba toh? Bakit natutusok ako?” “Pa wag mong galawin yan, may tinago akong pera sa sofa” “Kaya pala! magagalit na naman mama mo nito. Tinahi mo yung green na sofa gamit mo itim na sinulid. Sandamakmak na sermon na naman yan” “Hindi yan makikita ni mama basta wag ka pong aalis diyan” “Aba’t!” Lumapit ako sa sofa at hinawakan yun, katulad ng dati ay nandoon pa din yung itim na tahi. Napangiti ako at napatingin sa ikalawang palapag. “Maria mahabagin! Lili! Magdahandahan ka nga, muntik ka na namang madapa sa hagdan” “Ito talagang si Mama, masyadong maalalahanin. Okay lang po ako” “Umayos ka, hindi kilos ng babae ang pagiging malikot” “Oh bakit nakasimangot toh?” “Papa si Mama kasi sabi hindi daw ako babae” “Ay ngayon mo lang ba nalaman? Akala ko ay alam mo” “Pinagtutulungan niyo na naman ako.” Isa isang nagsilag lagan ang luha ko, hindi pa pala sila nauubos. Tumingin ako sa pinto palabas ng bahay. “Dito ka lang ba?” “Opo ma, may project pa akong gagawin” “Sige, ilang araw lang naman kami ng Papa mo sa Bulacan. Babalik din kami” “Mag order ka na lang ng pagkain, Lili. Wag kang papasok ng kusina baka pagbalik ko sira na yan” “Pa si Mama oh! Iniinsulto na naman ako!” “Hahahaha Nagsasabi lang yung mama mo ng totoo! Sige na, mag iingat ka dito at laging ilock ang bahay. Uuwi din kami agad.” Nakangiti silang lumabas ng bahay. Masaya sila pero huli na yun. Sabi ni Papa uuwi din sila, sinungaling siya. Hindi na sila umuwi nina Mama. Iniwan nila akong mag isa. Napaluhod ako at muling umiyak habang nakatakip yung dalawang kamay ko sa mukha ko. Namimiss ko sila kaya ako umuwi pero mas lalo ko silang namimiss sa pag uwi ko. Ano bang kailangan kong gawin para maging okay na ako. “Lili” muli akong niyakap ni Sir Midnight, sa panglawang pagkakataon ay muli akong umiyak sa balikat niya. “Sir, anong gagawin ko? Namimiss ko talaga sila. Namimiss ko sila ng sobra. Anong gagawin ko Sir?”

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD