“Here we are” pinark nito ang kaniyang sasakyan, akmang bubuksan ko na ang pinto ng magsalita ito.
“Don’t” tiningnan ko siya ng nagtataka.
“Wait for me” dali dali itong lumabas ng kotse at umikot sa kabila para pagbuksan ako. Napabuntong hininga ako, may kamay naman ako.
“Ang gentleman ko diba?” tiningnan ko ito ng seryoso, seryoso ba siya? Bigla itong nainis ng makita ang tinging pinupukol ko sa kaniya.
“Tsk! Tara na nga” akmang aakbay ito sa akin ng umiwas ako. Ginulo nito ang buhok niya at inis na tiningnan ako.
“Are you a nun?” nanatiling nakatingin pa din ako ng seryoso sa kaniya.
“Or maybe a mute?”
“Hindi ako pipi, sir”
“Duke” huminga ako ng malalim
“Hindi ako pipi at madre, Duke”
“Fine, humawak ka na lang sa polo ko para hindi ka maligaw. Baka paglingon ko biglang wala ka na” napapikit ako, ang arte. Hinawakan ko ang dulo ng polo niya para matahimik na, kita ko naman ang satisfaction sa mukha nito.
“Duke!” isang lalaki ang bumati kay sir ng makarating kami sa loob.
“Ang tagal mong hindi bumalik ah? Akala ko nga sineryoso mo na yung sinabi mong hindi ka na babalik dito matapos mong matalo sa race”
“Busy ako, kababalik ko lang galing Germany”
“By the way, congrats. Nabalitaan ko yung pagbubukas ng airlines niyo sa Belgium” tumingin sa direksyon ko yung lalaki at mariin akong tinitigan. Nagbaba ako ng tingin, yung tingin niya hindi komportable sa pakiramdam.
“Girlfriend ko” kinuha ni sir ang kamay ko sa polo nito at hinawakan niya. Balak ko sanang bumitaw pero mahigpit ang pagkakahawak niya, iginaya niya ako sa likod niya.
“Introvert siya, so please don’t stare too much.” Natigilan ako sa sinabi niya.
“Damn! Iba ata taste mo ngayon? Dati puro mga linta, maaarte, mataray, selosa ang nakakarelasyon mo. Ngayon naman Introvert, bilib na talaga ako sayo” ang dami naman ata niyang oras para sa isang bilyonaryo na makipag date.
“Tsk! Tigilan mo nga ako, tara na. I’ll be joining the race, ready your money to bet on me.”
“Heh!” hawak pa din ni sir ang kamay ko habang naglalakad kami papunta sa racetrack. Iginaya niya akong umupo. May dalawang lalaking lumapit sa kaniya.
“Duke, my man! Tagal natin di nagkita” ngumisi si sir sa narinig.
“Next time na tayo mag usap. Can’t you see may date ako?” nabaling ang atensiyon ng dalawang lalaki sa akin. Agad akong napayuko, ramdam ko naman ang pagpisil ni Duke sa kamay ko. Somehow nabawasan ng kaunti ang uneasiness na nararamdaman ko. Marunong din pala siyang makaramdam.
“I see. Hoes before bro” kumuyom ang isang kamay ko at ramdam ko ang panginginig ng katawan ko.
“Can you shut up! She’s not a HOES! Sa inyong dalawa mas hoes ka pa, remember your sugar mommy?”
“Gago ka pala eh!” sumilip ako sa direksiyon ng lalaki at kita ko na pinipigilan siya ng isa niyang kasama na lumapit kay sir.
“Wag na wag kang sumali sa race mamaya. Sisiguraduhin kong hindi ka makakalabas ng buhay sa sasakyan” dinuro nito si sir sabay alis sa harap namin.
“Tsk! Asshole” tumingin ito sa akin ngumiti siya ng alanganin.
“Don’t worry about that guy, matagal ng may inggit sa akin yun. Palibhasa milyonaryo lang siya at hindi bilyonaryong tulad ko kaya walang manners” mahanging sabi ni sir, kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.
“Duke, would you join the race?” bumalik yung unang lalaki na nakasalubong namin.
“Ofcourse, I’m going to sweep Dexter for being an asshole to my girlfriend.”
“Magkano dala mong pera?”
Ha?
Kinuha ko yung kamay ko na hawak niya pero ayaw niyang bitawan.
“Titingnan ko” tiningnan ako nito at nag ‘tsk’ bago bitawan ang kamay ko.
Agad kong kinuha yung wallet ko sa bag at binilang ang pera. Nagtataka man ay sinabi ko kung magkano ang laman nito.
“May 2,500 pa ako. Bakit?” kumunot ang noo nito pero agad ding nawala.
“Ipusta mo sa akin, X10 ang odds ko” umiling ako sa narinig, ayokong magsugal.
“Sige na, kapag natalo ako ibabalik ko sayo yung pera mo” kumunot ang noo ko sa narinig, tiningnan ko si sir at napabuntong hininga. Bahala na, kung matalo ay pambawi na lang doon sa pagtatanggol nito sa akin. Inabot ko sa kaniya ang 2,500. Malaki ang ngiti nito sa labi ng matanggap niya yung pera.
“Prince, itaya mo sa akin 2,500 and 500k” sabay na inabot ni sir ang pera ko at ang credit card nito. Tiningnan ako nung Prince sabay tingin kay sir.
“Your money, your rules” agad itong umalis sa harapan namin at binalingan ako ng tingin ni sir.
“Stay here, I’ll just get ready for the race” hindi na ako nito hinintay magsalita ng tumayo siya pero agad ding umupo. Nagtatakang tiningnan ko siya.
“Let’s just wait for Prince first” ilang minuto ang lumipas ay bumalik yung lalaki at tumabi kay sir.
“Prince, please watch over my girlfriend; if she loses even one hair, you’re dead” banta nito sa kaibigan niya.
“Tsk!” tumingin sa direksiyon ko yung lalaki.
“Okay, bilisan mo na dun. Ikaw na lang ang hinihintay” tumango si sir, at umalis sa harapan namin pero agad din siyang bumalik.
“Don’t flirt with her!” nilingon ako nito “Wait for me” mabilis itong tumakbo palayo pagkatapos.
“Tsk! Grabe” nagbaba ako ng tingin ng makitang nakatingin sa akin yung lalaki.
“I’m Prince, by the way” inabot nito ang kamay niya, tiningnan ko lang iyon.
“Lili” maikling sagot ko pero hindi pa din inaabot ang kamay niya. Rinig ko ang pagbuntong hininga niya kaya tiningnan ko siya.
“Now, I know kung bakit interested sayo si Duke. If you don’t like Duke, you can go with me. Mas better ako short tempered na yun” umiling ako, ayoko kahit kanino. Narinig ko ang mahinang tawa nito.
“I see, you like him” na misunderstood niya ata ang ginawa ko. Bago pa ako makapag salita ay may tinuro ito.
“Look, magstart na yung race. Duke’s car is the one that is black and green.” Tumingin ako sa tinuro nito, nakahilera ang apat na sasakyan sa starting line.
Nasa gitna yung sasakyan ni sir. Tumunog yung starting gun at sabay-sabay na humarurot yung apat na sasakyan. Pansin ko na nasa ikatlong pwesto ang sasakyan ni sir. Sa may palikong bahagi ng daan ay mas lalong bumilis ang takbo ng sasakyan niya at nalagpasan nito ang dalawang nasa unahan. Kita ko na nakahabol yung kulay pulang sasakyan sa sasakyan ni sir, mas bumilis ang takbo ng pulang sasakyan at binangga ang sasakyan ni sir.
“Tsk! Inis talaga si Dexter kay Duke” rinig kong sabi ni sir Prince. Kahit na nabunggo ang sasakyan ni sir ay nasa unahan pa din ito. Nang nasa pangalawang paliko na ng daan ay nasa gilid na yung pulang sasakyan sa sasakyan ni sir. Mabilis na binangga ni sir yung sasakyan na kulay pula sa gilid kaya bumangga ito sa mga gulong na nakahilera sa gilid.
Natapos ang race at masayang lumapit si sir. Umupo ito sa tabi ko at tiningnan ako.
“So, have you fallen for me now?” umiling ako.
“Hindi” simple at straight na sabi ko, kumunot ang noo ito.
“Tsk! Hindi man lang bumilis yung t***k ng puso mo kahit saglit?” tumango ako.
“Kanina” tumaas ang isang sulok ng labi nito.
“Really?” muli akong tumango.
“Kanina kasi akala ko matatalo ka na, mamomoblema ako kung sakali kasi pang grocery ko yung 2,500 eh. Kaya kinabahan ako” honest na sagot ko sa kaniya. Agad na nabura ang ngiti nito sa labi. Huminga ito ng malalim.
“You’re lucky, I’m understanding” anong connect? Hindi ko siya maintindihan.
“Oo nga pala, isasama kita sa charity event bukas ng gabi. Kailangan ko ng date” sabi nito habang nakasandal sa upuan.
“Ayokong sumama, may trabaho ako”
“Tsk! Ipapa alam kita kay Grey, don’t worry” umiling ako.
“Ayoko pa din. Bakit hindi yung secretary mo ang isama mo sa ganyang event?” sinamaan ako nito ng tingin.
“Lalaki ang secretary ko”