Chapter 4

1624 Words
Sunday ngayon at wala akong pasok sa school at trabaho. Naisipan kong magbasa ng isang libro, while reading ay napansin ko ang cellphone ko. Agad ko yung kinuha at sinagot ang tawag. “Hello, Pa! Napatawag ka?” napangiti ako sa sagot nito. “Okay lang naman po ako dito, mababait yung mga boss ko sa trabaho. Kayo? Kamusta na kayo nina Mama?” masaya ako habang kausap ko si Papa. Almost 2 weeks ng tahimik ang buhay ko, walang nang gugulo, nangungulit. Mukha namang gumana yung 1-week na hiningi ko at nakapag isip isip siya sa offer niya sa akin. I sighed in relief habang inaayos yung mga upuan dito sa bar. Maaga pa at sarado pa ang bar pero may iilang tao ang nandito. “Lili!” napalingon ako sa tumawag sa akin. “Bakit po, ma’am Sydney?” kita ko ang pagtaas ng isang kilay niya. “I already told you to stop calling me ma’am. We’re friends, remember?” tumango ako sa sinabi niya at pormal na ngumiti. Acquaintance “By the way, Kamusta ka dito? Hindi ka naman pinapahirapan ng two-face mong boss?” tukoy nito kay Sir Grey. Umiling ako, mabait si sir Grey. “Hindi naman po, mabait nga po si sir eh” tumango-tango pa si ma’am Sydney pero halatang hindi ito naniniwala. “Oo nga pala, ang aga mo naman? Diba mamaya pa dapat ang duty mo? Sarado pa ang bar sa ganitong oras” sarado pa yung bar pero nandito na sila. Umiling ako “Mag papaalam po sana ako kay sir kung pwede magleave” “Leave? Pwedeng pwede, pag hindi ka pinayagan nung lalaking yun sabihin mo sa akin. Isusumbong ko sa boyfriend ko” masungit na sabi ni ma’am Sydney. Kapatid ni sir Grey yung boyfriend ni ma’am. Ngumiti ako. “You’re here, my love so sweet” agad na nawala ang ngiti ko at tiningnan ang lalaking akala ko ay hindi na guguluhin ang buhay ko. Pagkakita ko palang dito ay nakaramdam ako ng pagod. “By the way, nakita mo ba yung girlfiend ko? Ito siya oh” nabuhayan ang loob ko sa narinig, may girlfriend ito siguro ay hindi na niya ako kukulitin. Inabot niya sa akin ang phone pero kumunot ang noo ko ng makita ang mukha ko sa phone nito dahil naka open ang camera niya. Sumimangot ako sa nakita, ano pa bang aasahan ko. “So, now girlfriend. Labas tayo” hindi iyon tanong kungdi statement. “Hindi ko po kayo boyfriend, sir” ngumiti lang ito sa narinig. “1 week ng delay ang sagot mo sa tanong ko, though kasalanan ko kasi out of the country ako this past 2 weeks. But delay means a Yes.” “No demand, no delay. Hindi ka nagdemand kaya walang answer, also what are you doing is called harassment. You are making Lili uncomfortable” tumingin sa gawi ko si sir saglit bago nilingon si ma’am Sydney. “Wow! May natutunan ka din pala sa accounting, Night told me you’re dumb in accounting specially sa law subject” he slowly clapped his hands na halatang nang aasar. Umirap si ma’am Sydney dito. “Never akong lalaiitin ng boyfriend ko, Duke. Hindi naman siya tulad mo na walang pake sa feelings ng ibang babae. And can you please stop targeting Lili, walang ginagawang masama yung tao sayo. Spare her with your games” napatingin ako kay ma’am Sydney. Paano niya nalaman na kinukulit ako ng lalaking toh. “No.” seryoso at flat na sabi ni sir. Tumingin ito sa gawi ko. “So? —” humugot ako ng malalim na hininga. Ayoko namang idamay pa si ma’am at gusto ko na din matapos toh. “Fine” kita ko ang pag ngiti nito “Pero 1-month lang” agad na nabura ang ngiti niya. “1 month? No! Masyadong maikli, how can we have dates kung 1-month lang? I’m out of the county by next week and puno yung sched ko by the following week. 1 month is not worth it for 100 million rewards” napaisip ako, nakalimutan kong mayaman ang isang ito. Siguradong madalas ko namang hindi siya makikita dahil may business itong aasikasuhin. Nawala sa isip ko dahil kung sumulpot ito ay parang hindi ito bilyonaryo. “3 months?” “No! 1 year” agad akong umiling “How about wag na lang? Sa iba mo na lang ialok yan, sir” akmang lalagpasan ko ito ng humarang siya. “Fine. 3 months, amuse me and don’t fall. Start tayo bukas and unblock me” ngumiti pa ito at kumindat sa akin sabay labas ng bar. Napabuntong hininga ako, feeling ko ay nadrain lahat ng energy ko sa katawan. “Hey, pwede mo naman siyang tanggihan. I can talk with Grey para tulun—” I cut her off. “It’s okay, ma’am. Magsasawa din po yun” kita ko ang pag aalala ni ma’am Sydney kaya naman ngumiti ako rito to assure her. Pagkalabas ko pa lang galing sa school ay nakita ko agad si sir. Masyadong eye catching ang suot nitong black polo pero kulang ng butones, kulang na lang ay ilabas nito ang dibdib niya sa pagkakabukas ng suot nito. Nakayuko ito habang nagcecellphone kaya hindi niya ako nakita, ngayon ko lang napagmasdan ng maigi si sir. His eyes look cold nung una ko siyang nakita, pero yung smirk sa labi niya ay pilyo kung titingnan. Medyo mascular at nasa 5’11 ang height sa sobrang tangkad ay hanggang leeg niya lang ako. Katulad ni boss ay kulay green din ang mata niya though he looks fierce kung ikukumpara kay boss. Gwapo pero mukhang redflag, hindi pa marunong rumespeto ng personal space. Naisipan kong umalis ng hindi niya napapansin tutal ay busy ito sa cellphone niya, liliko na sana ako ng nag angat ito ng tingin. Ngumiti ito sa akin. Hay! Bagsak balikat akong lumapit sa kaniya. “Para sayo” sabay abot nito ng isang bungkos ng red rose. Umatras ako ng bahagya. “Allergic po ako sa bulaklak, sir” napatigin siya sa hawak niyang bulaklak at walang pasabing inabot iyon sa dumaang estudyante. Natigilan yung estudyante, natigilan ako at mas lalong natigilan si sir. Tinuro pa ng lalaking estudyante ang sarili niya. Tiningnan niya si sir mula ulo hanggang paa atsaka inabot ang bulaklak at ngumiti. “Salamat” mahina pero mahinhin na sabi ng lalaking estudyante at masayang tumakbo palayo. “f**k” rinig kong mura ng kaharap ko. Masama ako nitong tiningnan. “Tsk” problema nito? “Pasok” turo nito matapos buksan ang front seat ng sasakyan niya. Umiling ako, ngayon pa lang na kasama ko siya ay uncomfortable na sa akin. Paano pa kaya kung nasa isang maliit na space ko siya kasama, baka magpanic ako. “Ayoko” nagsalubong ang kilay nito. “Diba sabi ko magdadate tayo, kaya sakay na” muli akong umiling at umatras. “Don’t you dare run!” bumuntong hininga ito pero halata ang inis sa mukha niya. “What’s the problem ba? You know you are lucky na makakasakay ka sa isang Nissan 370Z, I just bought this yesterday for our date. And then you will just reject me again” napalunok ako, wala naman akong sinabing bumili siya ng sasakyan pero kung makakonsensya ay parang kasalanan ko pa. Ilang paglunok at pag hinga ang ginawa ko. I gather my courage. “Fine” para matapos na, hindi pa kami nagsisimula ay nadrain na agad ako. Kaya ko toh Lumakad ako palapit dito, I flinch ng maramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko. Nahalata niya ata yun dahil agad siyang bumitaw at pinagsarhan ako ng pinto matapos kong umupo. Umikot ito at sumakay sa driver’s seat. Habang nagdadrive ay pansin ko ang pasulyap sulyap niya sa akin. Huminga ako ng malalim. “Bakit, sir?” muli na namang nagsalubong ang kilay nito. “Sir?” napakagat ako ng ibabang labi ko, hindi ko maalala ang pangalan niya. “Ano bang pangalan mo?” wrong question ata dahil mas lalong kumunot ang noo ito. “Seriously? Hindi mo talaga ako kilala?” umiling ako, kilala ko naman siya. “Kilala naman kita sa mukha, yung pangalan mo lang talaga ang nakalimutan ko” “Tsk!” natahimik ito pero ramdam ko na inis na inis siya sa akin. Ilang sandali pa ay nagslita ito. “Duke. Duke Terrance Hart. Remember the name of your boyfriend” time ko naman para kumunot ang noo ko. “Hindi kita boyfriend” “Konti na lang talaga ay ja-jackpot ka na” hindi ako nagpatinag sa sinabi niya, kahit uncomfortable ay tinapangan ko. “Hindi naman talaga kita boyfriend. Pumayag ako sa game mo na Who Falls First? Pero hindi ibig sabihin boyfriend kita, gusto ko lang talagang matahimik ang buhay ko after nito” “So ingay ako?” hindi ako nagsalita dahil kita ko na nagtitimpi ito. “Damn!” mahinang mura nito, ilang beses siyang huminga para siguro kumalma. “Fine. Hindi na kung hindi, but if someone ask, I’ll tell them that you’re my girlfriend para hindi mahaba ang explanation kung bakit magkasama tayo.” “Pwede namang friend na lang” bulong ko nilingon ako nito at inis na tiningnan ako. “You’re saying?” umiling ako para matapos na ang usapan. Ilang minutong katahimikan bago ko naisipang magtanong. “Saan nga pala tayo pupunta?” kita ko ang pagtaas ng isang sulok ng labi niya. “Because this is our first date, syempre dapat magpa impress ako sayo. That’s why I’m taking you to a racetrack, for sure you will fall first pag nakita mo akong manalo mamaya.” I doubt that.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD