Chapter 6

1719 Words
After akong dalhin ni sir sa racetrack ay sunod naman niya akong dinala sa isang beach. Iyong beach sa maynila na kita yung sunset, maputi yung buhangin at malinis ang tubig. Sa dolomite beach. “Anong gagawin natin dito?” ngumisi si sir, kahit naka mask ito ay alam kung ngumiti siya dahil bahagyang sumingkit ang mata nito. “Syempre manonood tayo ng sunset, you are a simple girl kaya naisip ko na gusto mo simple lang. Kaya ito dinala kita dito sa manila bay” proud na sabi nito. “Tama ka sir, simple lang ako. Kaya mas sasaya ako kung uuwi na tayo” isang ’tsk’ naman ang narinig ko sa kaniya. “Hindi ba pwedeng matouch ka na lang kasi ang thoughtful ko? Hirap mo pasiyahin” tinitigan ko ito, kakasabi ko lang na mas sasaya ako kung uuwi na kami. Napaka slow! Sino ba namang gustong makasama ang lalaking ito na mukhang gagawa ng masama, naka all black siya. Black polo, black jeans, black mask. Kulang na lang ay black na sumbrero pwede na siyang maging kidnapper na napapanood ko sa mga palabas sa TV. “Uwi na lang kaya tayo, sir” “Duke. Sir ka ng sir” tumango ako. “Geh, Duke. Uwi na tayo” “Tsk, walang ka class class. Hindi pa malambing” tingnan mo itong taong toh, mas mahirap pasayahin. “I look good right?” putol nito sa iniisip ko, hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kaniya. Tumingin ako sa kaniya, yung mata, kilay at bridge lang ng nose ang kita dahil sa mask niya. “Hindi Duke, Hindi ko din kita mukha niyo” tumaas ng bahagya ang isang kilay ni sir. “So, gwapo ako kapag kita yung mukha ko?” umiling ako, nagsalubong ang kilay niya. “Hindi din” straight forward na sagot ko, hindi naman talaga ako nagwa-gwapohan sa kaniya. Nahahanginan pwede pa. “Tsk, wala kang taste. Kapag tinanggal ko itong mask ko for sure pagkakaguluhan ako” tumango ako para matapos na ang usapan. “Ahh, okay” “Tsk!” ilang segundong katahimikan ang namutawi sa aming dalawa, mas okay na ito kasi dumadagdag lang siya sa ingay sa mga tao sa paligid. “So, who’s better looking between me and Grey?” muling tanong nito, habang patagal ng patagal ay feeling ko hindi naman talaga bilyonaryo si Duke. Diba kapag Billionaire dapat aloof, masungit at isang salita lang. Kanina pa siya daldal ng daldal. Huminga ako ng malalim. “Anong gusto mo marinig? Iyong totoo o iyong magpapasaya sayo?” bahagya ako nitong tinulak sa noo ko gamit ang hintuturo niya. “Wala kang taste talaga! mas gwapo naman ako sa Grey na yun” maliban sa mahangin ay assumero din siya. Wala pa nga akong sinasabi. “Wala naman akong sinasabi na mas gwapo siya” “Heh! So, mas good looking ako?” umiling uli ako at bumuntong hininga. “Hindi ako tumitingin sa panglabas na anyo kaya naman hindi talaga ako nakaka appreciate ng sinasabi nilang good looking people.” Muling kumunot ang noo nito. “So anong na aapreciate mo?” “Mabait si sir Grey, yun para sa akin ang good looking” “Mabait din naman ako sayo ah” tumitig ako sa papalubog na araw. “Oo na lang sir” hahaba pa ang usapan kapag kinontra ko siya, kung saan siya masaya bahala siya. “Tsk! Hindi naman mabait yung Grey na iyon, pakitang tao lang yun. Pafall in short” hinarap ko si sir, now I know. Kaya siguro pumupunta ito sa Moonlight bar. “Na fall ka sir?” tinuro nito ang sarili. “Ako? Ma fafall? Sa ating dalawa, sigurado akong ikaw ang mahuhulog?” Kumunot ang noo ko. “Si sir Grey ang tinutukoy ko” kita ko ang pagtitimpi sa mata nito. “Ikaw, kanina ka pa! Sira ang sense of humor mo, hindi nakakatawa mga biro mo” eh hindi naman ako nagbibiro, seryosong tanong ko kaya iyon. Tumayo ako habang nakamasid sa lumulubog na araw. Tiningnan ko si sir mula sa pagkakatayo. “Gusto ko ng umuwi, sir” mariin itong nakatingin sa akin na parang walang narinig, Ilang sandali pa ay bumuntong hininga ito at tumayo. “It’s Duke” “Okay, Duke” tangong sagot ko rito, habang naglalakad pabalik sa sasakyan nito ay muli siyang nagsalita. “By the way, sunduin kita bukas para sa charity event na pupuntahan natin” muli akong umiling, akala ko ay naintindihan niya sang salitang ayoko. “Ayokong pumunta sa kahit na anong event, sir” “Once again, it’s Duke. Ang ganda ng pangalan ko pero sir ka pa din ng sir” fine. “Okay” “Tsk, I don’t take no for an answer” hinarap ko siya. “Please don’t force me to do things I don’t want to” seryosong sabi ko, hindi ko gustong pumunta sa isang lugar na alam kong pagtutuunan ako ng pansin. Knowing him, siguradong sikat ito sa circle nila. Ayokong madamay at pagtinginan, uncomfortable na nga ako na lumabas kasama siya mas magiging uncomfortable ako sa event na yun. He took a deep breath. “Ganito na lang, if you’ll become my date for tomorrow, hindi kita kukulitin for one whole week. It means, hindi ako pupunta ng café, ng bar at ng school mo. Fair?” napahinto ako sa narinig. A peaceful life for a week. “Pag iisipan ko” “Tsk! Don’t worry, hindi ka makikilala doon. Masquerade charity event yun, so naka maskara ka. No one will recognize you, and hindi kita iiwan doon mag isa” Masquerade and 1-week na hindi siya mangungulit. How nice. “Fine, basta ihatid mo ako pauwi before midnight. May pasok pa ako after nun” kita ko ang paniningkit ng mata ni sir. “Hindi naman halatang ayaw mo akong nakikita?” “Hindi ba halata? Akala ko ay obvious na” “Damn” rinig kong mura nito. “Hanggang ngayon ba ay di mo narealize na ang swerte mo para makadate ang isang Duke Terrance Heart?” Tumango ako para tapos ang usapan, ang bagal niyang maglakad. Uwing uwi na ako. “Alam ko sir” “It’s Duke” “Okay Duke” “f**k” malalim itong huminga “Bilisan mo, ihahatid na kita. Nag iinit ang ulo ko sayo” siya kaya itong ang bagal maglakad. Hindi ko na hinintay si sir na pagbuksan ako ng sasakyan at agad akong bumaba ng maihatid niya ako sa bahay. Kaya nakakunot na naman ang noo nito ng makita ang ginawa ko. “You should wait for me na pagbuksan ka” muli akong tumango “Alam ko sir, gentleman ka” doon naman pupunta ang usapan namin kapag pinagbuksan niya ako ng pinto. Kita ko ang ugat nito sa gilid ng ulo niya. Mukha siyang naiinis. “Relax, calm down. Damn!” hindi ito tumingin sa akin bagkus ay nakatingin siya sa bahay na nirerentahan ko. Matapos nitong huminga ng ilang beses ay nagtanong siya. “Bahay mo toh?” pag iiba niya sa usapan matapos magmura. “Hindi. Bahay ni sir Grey, pinaparent sa akin” bigla itong tumingin sa akin. “Huwag mo sabihing may affair kayo nun? His girlfriend is a warfreak” “Mabait yung girlfriend ni sir Grey kahit masungit at wala kaming affair ni sir Grey. Ang malisyoso niyo po” muling kumunot ang noo nito. “I’m just telling you” muli akong tumango. “Okay” Sinulyapan ko ito sandali. “Pasok na ako sir, text ka na lang kapag pupunta ka na” hindi ko hinintay ang sagot niya at mabilis na nilayasan siya. Bumungad sa akin ang text message ni sir matapos kong mananghalian. Sir Ano name mo sa faceb**k? Wala akong faceb**k, sir. Twitter? Wala akong twitter, sir Insta? Wala akong Insta, sir SO, ANONG MERON KA? Hindi naman halatang galit siya, nag isip ako ng matinong isasagot dito. Nang makaisip ay nagtipa ako. Wala akong kahit na ano, sir DAMN! ANG INIT INIT, INIINIS MO AKO Tikt*k, meron ka? Ang kulit din neto, sabing wala akong kahit na anong social media. Wala akong kahit na anong social media, sir Taga bundok ka ba? Kita mo toh, mahangin na masama pa ugali. Siya na nagtatanong, nanglait pa. Oo na lang sir Fuck, gawa ka ng faceb**k ngayon. Ayokong nagtetext. “Ayaw niyang nagtetext pero nagchachat pwede, ayos din” napailing ako. Agad akong gumawa ng f*******: para hindi na siya mangulit, pagkagawa ay muli akong nagtext. Tapos na. Ano name mo sa faceb**k? Liliana Hope So, Liliana Hope full name mo? Hindi. Ano full name mo? Liliana Mari Hope Nice name Okay po. Saan dito faceb**k mo? Ano profile pic? Hello? Hey! Don’t waste my time. Wala ka na bang load? Pinaload na kita, so just reply now! Ano bang profile pic? Seriously? Oo Fine, ano yung picture mo sa faceb**k? Gets? Walang mukha ko, bilog na shape na hugis tao lang Tsk! Fine, imemessage kita. Bilisan magreply. Binuksan ko yung sss at may isang message doon. Duke Terrance Hart Lili? Bakit? I’m on my way to your home. Ano susuotin ko sa charity event? Don’t worry about that. Okay. Matapos kong magmessage ay agad akong nag hugas ng pinagkainan. Sabi naman niya don’t worry. Habang wala pa siya ay naglinis muna ako ng bahay. Beep! Beep! Beep! Sumilip ako sa bintana at kita ko na pababa si sir sa isang mamahaling sasakyan. Agad akong lumabas ng bahay. Pagkalabas ay bumungad sa akin ang mapanghusga niyang tingin. “What are you wearing?” Tiningnan ko ang suot kong black t-shirt at sleeping pants. Tipikal na pambahay. “Bakit?” “What do you mean, bakit? Diba sabi ko susunduin kita” kunot noong sabi nito. “Diba tinanong kita, sir. Kung ano susuotin ko, sabi mo don’t worry about it.” Rinig ko lalim ng paghinga niya. “Okay. Fine. Get in.” tumango ako at agad na pumasok sa sasakyan nito. Kahit naman tumanggi ako ay siya pa din ang masusunod. “Saan tayo pupunta?” tumingin ito sa akin sa gilid ng kaniyang mata. “Sa salon, to make you look human.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD