Dinala ako ni sir sa isang mamahaling salon sa angeles. Hindi lang siya isang simpleng salon dahil may mga nakadisplay din ditong mga mamahaling gown.
“We are going to attend a charity event at 6 p.m. But I’m sure hindi agad magsisimula yun, so you can take your time until 6:30 p.m.” tiningnan ako ni sir mula ulo hanggang paa.
“Make me amaze” tumango iyong gay stylist at lumapit sa akin. Pinaupo ako nito sa tapat ng mahabang salamin.
“I’ll trim your hair ma’am. Lagyan na rin natin ng konting highlights then ku—”
Ilang oras din inayos ang buhok ko, which makes me uncomfortable. Hindi ko gustong may humahawak sa akin, but I stayed still hanggang matapos siya sa ginagawa. Pagkatapos ay pinasuot niya sa akin ang isang royal blue dress. Laking pasasalamat ko naman na hindi masyadong daring at kinulang sa tela ang dress. Hindi siya backless, strapless at hindi maikli. Paglabas ay tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa habang tumatango pa.
“Gusto mo ba medyo daring yung dress?” mabilis akong umiling.
“Okay na po toh” muli itong tumango at hinila ulit ako sa inuupuan ko kanina. Ngayon naman ay naglagay siya ng make up sa mukha ko at dahil hindi naman talaga ako naglalagay niyon ay nag iinstruct pa siya sa akin kung kailan ako pipikit, mumulat at pagdidikitin ang labi.
Sana hindi mangati ang mukha ko after nito. Rinig ko kasi kay Tenshi na may ibang babae na allergic sa make up.
After niya akong gupitan, bihisan at ayusan ay kitang kita ko na nasiyahan siya. Proud pa niyang pinakita sa akin ang resulta, pagtingin ko sa salamin ay bumilis ang t***k ng puso ko. Gusto kong umalis ngayon. I don’t like how I look. Oo, maganda pero ayoko.
Bahagya kong kinuyom ang kamay ko, I’m fighting myself to calm down. Charity event lang naman iyon, no one will know me dahil nakamaskara ako. I don’t have to worry about the others. Namalayan ko na lang na nasa harap ko na si sir, katulad ng dati ay nakakunot na naman ang noo nito.
“You, okay? You look pale” tumingin siya sa stylist “Anong color ng foundation gamit mo? Masyadong pale in comparison to her skin” ilang beses akong huminga.
“Can I get a warm water, please” natigilan si sir sa pagtatanong sa stylist at senenyasan ito.
“What happened to you?” inalalayan ako ni sir paupo sa isang mahabang sofa. Umiling ako.
“Nervous, hindi kasi talaga ako naglalalabas ng bahay maliban sa work at school” hinawakan ni sir ang kamay ko pero agad kong binawi, everything makes me uncomfortable.
“Your hands are cold” inabot ni sir sa akin yung warm mug na dala nung stylist.
“Thank you”
“You don’t have to worry, hindi kita iiwan sa event. I just badly need a date sa event” tumango ako at dahang dahang ininom yung warm water. Kahit papaano ay gumagaan ang pakiramdam ko, the warmth from the warm water transfer it’s heat to my body. Tumingin ako kay sir matapos maubos ang warm water.
“Aalis na ba tayo” mariin ako nitong tinitigan.
“Are you sure that you’re okay now?” tumango ako, gusto kong matapos na ang araw na ito. Gusto ko lang humilata sa kama at matulog. Tumayo si sir at inabot ang kamay niya sa akin.
“Let’s go” at dahil hindi ko naman kailangan ng tulong para tumayo ay hindi ko iyon inabot. Kita ko na naman ang pagkunot ng noo nito.
“Una ka na sir”
“It’s Duke, and don’t call me sir later.” Tumango ako
“Okay Duke”
“Tsk”
Agad na naunang lumakad si sir, sumunod ako sa kaniya. Katulad ng dati ay pinagbuksan ako nito ng pinto ng sasakyan kaya sumakay na ako sa loob.
Habang nagmamaneho ay hindi ako mapakali, maya’t maya kong tinitingan si sir.
“Why?” mabilis ako nito tiningnan.
“Yung mask?”
“In the compartment, sa harap mo” agad kong binuksan yung compartment, may pulang box doon.
“Ito?” tumango siya kaya naman binuksan ko yung box. May dalawang half mask doon, kulay black ang isa at kulay blue naman ang kapareha nito. May mga designs din sa mask pero hindi ko na pinansin. Kinuha ko yung blue mask at sinuot.
“Careful or you’re going to mess your hair” alam ko naman.
Pagkaraan ng ilang minuto ay hininto na ni sir ang sasakyan sa isang magarbong mansyon, hindi ko din alam kung saang parte pa ba toh ng Pampanga dahil tanging angeles at san Fernando lang ang alam kong puntahan. Bahagya akong lumayo ng makitang lumapit si sir sa akin.
Taka ko siyang tiningan “Bakit?” tumingin siya sa lap ko at muli akong tiningnan.
“Suot mo sakin yung mask” kumunot yung noo ko sabay abot ng mask sa kaniya na nasa lap ko.
“Here” nagsalubong ang kilay niya.
“Suot mo sa akin” tumingin ako sa mask at muling tumingin kay sir. Bumuntong hininga ako.
Ano na naman kayang trip niya.
Habang isinusuot ko ang mask sa kaniya ay bahagya itong tumawa.
“Relax. Your hands are shaking, I know I look good pero ako lang toh.”
Ang dami talagang bad traits ni sir. Maliban sa mahangin ay tornado din siya.
“Okay na, happy?” ngumiti ito at tumango pero bigla ding sumeryoso.
“Huwag mong bubuksan ang pinto, I’ll do that for you. Maraming mga guests dito at media.” Tumango ako.
“Sige sir, gentleman ka eh” mariin itong tumitig sa akin.
“It’s Duke”
“Okay Duke” hindi pa din nito inaalis ang tingin sa akin. Tumango tango pa ako.
“Alam ko Duke”
“Be polite”
“Sige”
“Lambingan mo”
“Okay”
“Lili!” bumuntong hininga ako.
“Hindi naman ako magsasalita doon eh” titig na titig pa din siya sa akin. Para matapos na kahit nagtataasan ang balahibo ko ay ginawa ko ang gusto nito.
“Can you open the door for me, Mr. Hart” sa pinakasweet at malambing na boses ko, yung mga balahibo ko sa katawan nag sisitaasan dahil sa pandidiri na ginawa ko.
“You know what, wag ka na lang magsalita” kinagat nito ang ibabang labi niya na parang natatawa.
Kita mo toh ang sama ng ugali, sinunod ko yung gusto niya tas pagtatawanan din ako.
“Can you open the door for me, Mr. Hart” pang gagaya nito sa sinabi ko kanina. “Damn! You’re funny” gusto ko na lang umuwi ngayon, walang kwenta kausap ang isang ito.
“Alam mo, ako na lang magbubukas ng pinto” akmang bubuksan ko ang pinto ng agad itong lumabas ng sasakyan sabay ikot sa pwesto ko para pagbuksan ako. Inabot nito ang kama niya sa akin.
“Hold my hand, Lili” mahinang sabi nito, hindi ko naman siya gustong ipahiya at ayoko ding pag usapan ako kaya naman inabot ko ang kamay niya.
Iginaya niya ang kamay ko sa braso nito, humawak ako doon.
“Relax, your hands are cold and shaking” mahina nitong bulong sa akin sabay ngiti at tingin sa camera na nakatutok sa amin. Napapikit pa ako ng sunod sunod na nagflash ang mga camera.
“Mr. Duke, can we ask who this beautiful lady besides you?” ngumiti si sir at tiningnan yung lalaking nagtanong.
“She’s someone special” kinilabutan ako ng tumingin sa akin si sir ng may pagmamahal at sobrang tamis ng ngiti nito. Hindi ako natutuwa.
Rinig ko na nagsitilian ang iba at ang ilan naman ay tinutukso kami.
Seryoso sila diyan?
“So, Mr. Duke totoo yung balitang hiwalay na kayo ni Ms. Monique?”
“Sorry, sino ulit?”
“Si Ms. Monique Hutton” bahagyang umiling si sir.
“Ms. Hutton and I are acquaintance. I neither denied nor claimed that we are in a relationship. So, I don’t think that there’s a need to break a relationship that never took place.” Tumango ang mga reporters pero mukhang hindi satisfied yung lalaking nagtanong.
“Pero madalas po kayong makitang kasama si Ms. Hutton?”
“Maybe because their company is cooperating with our company kaya you often see us in same place. But gentleman, I never dated her. Also, we should focus on the charity event than my personal life” tumingin sa akin si sir at masama ang pakiramdam ko sa tingin niya.
“At diba medyo nakakabastos na pag usapan natin ang ibang babae sa harap ng” mariing tumingin sa akin si sir habang nakangiti. Diniin ko ang pagkakahawak ng kamay ko sa braso niya, I saw his eyebrows twitched “Sa harap ng babaeng nagpapasaya sa akin ngayon” mabibilis na flash ng camera ang tumutok sa mukha ko. Dapat talaga ay hindi na ako sumama sa kaniya.
“If you’ll excuse us, I believe late na kami” natatawang sabi ni sir at hinila ako papasok ng venue.
Pagpasok pa lang ay ramdam ko ang paninigas ng bawat hakbang ko, lahat ng mga tao sa event ay nakatingin sa gawi namin. To be exact ay nakatingin sa kaniya at damay ako dahil kasama ko siya. Ginaya ako nito sa isang table, hinila nito ang isang upuan at pinaupo ako. Umupo si sir sa tabi ko.
“Hey, loosen up. Masyado kang tense, those people won’t know you. So, you don’t have to worry” bulong nito sa tabi ko, tumango ako at pilit pinapakalma ang sarili.
“You’re on time” rinig kong sabi ng katabi ni sir, tumingin ako sa direksiyon ng nagsalita. Hindi ko kilala kaya binalewala ko na lang ito at tumingin sa lamesa. Ayokong tumingin kung saan saan dahil ramdam ko pa din na pinagtitinginan kami.
“You brought Lili” muli kong tiningnan yung lalaki dahil narinig ko ang pangalan ko. Pero hindi ko pa din kilala yung lalaki.
“Hey, Lili. It’s me Prince” tumango ako kahit hindi ko siya matandaan. Familiar ang pangalan pero hindi ang mukha siguro dahil naka mask ito.
“By the way, your half-brother is here together with Monique” rinig kong sabi ng lalaki kay sir. Hindi ko pa din sila tiningnan.
“What? Why is he invited?”
“I don’t know.”
“Tsk!”
“Also, Mr. Hutton is here. Hinahanap ka sa akin kanina”
“Damn!”
“Lili” hinarap ko si sir.
“Oh?” rinig ko ang mahinang tawa ng katabi niya.
“I need to go to another table, may kakausapin lang ako saglit. Remember Prince?” tumingin ako sa tabi ni sir at umiling.
“Ako yung nasa racetrack kahapon” tumango ako, now I remember.
“Prince will take care of you, pag may kailangan ka tell him. Saglit lang talaga ako” nilingon niya iyong Prince.
“Bro, take care of her while I’m gone” tumango naman yung lalaki.
“Seryoso, take care of her. Napilit ko lang yan”
“Sure. Hindi ko iiwan si Lili, while you were gone” muli akong tiningnan ni sir sa mata.
“Sandali lang talaga ako, wag kang aalis sa tabi ni Prince”
“Okay” marahang tumango si sir at bahagyang pinat ang ulo ko bago umalis.
Pagka alis ni sir ay lumipat sa upuan niya iyong Prince.
“So, paano ka napalit ni Duke? Last time I saw you, it’s look like you hate crowded place.” mariin ko siyang tiningnan.
“C’mon you can tell me.”
“Sabi niya hindi niya ako kukulitin for 1 week kaya pumayag ako” tumawa ito ng may kalakasan sa narinig, takang tiningnan ko siya. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko.
“Damn!” pansin ko mahilig silang magmura, ganoon ba pag mayaman. Prince leans on my direction bahagya akong umurong, natigilan ito pero ngumiti lang.
“Lili, Hindi ka talaga makukulit ni Duke for 1-week kasi nasa cebu siya tomorrow. 1-week sya doon” natigilan ako at tumingin kay sir na nasa ibang table habang may kinakausap na lalaki na may edd na. Muli kong tiningnan si Prince na ngayon ay umiinom ng wine.
“So, nagsinungaling siya” mahinang sabi ko, umiling si Prince.
“Sa pagkakakilala ko kay Duke, I’m sure he didn’t lie. He didn’t lie but, He didn’t tell you the whole truth” in short hindi nagsinungaling pero nagdahilan.
Natigil ako sa pag iisip ng dalawang emcee ang tumayo sa entablado at nagsalita. Nagsimula ang charity event ng may nagbibid sa mga mamahaling bagay na nasa stage. Dahil hindi naman ako interesado ay hindi ako nakinig sa buong event. Nagkaroon ng 20 minutes break bago simulan ang pinakahuling bidding. Wala pa din si sir sa table namin at mukhang seryosong nakikipag usap sa kabilang table.
“Oh, Look who’s here? A new w***e for Duke” napatigil ako sa pag iisip ng may babaeng mapang insultong umupo sa tapat namin.
“Shut up, Monique!” sabi ni sir Prince, walang suot na maskara ang babae. Siya pala si Monique yung tinanong ng reporter kanina kay sir.
“Why? All of us knows that she is his new toy.”