Chapter 3

893 Words
Pagkalabas ko ng school ay isang pamilyar na lalaki ang sumalubong sa akin, akmang lalagpasan ko ito ng humarang siya sa daraanan ko. “Hello, my love so sweet. Hatid na kita?” napabuntong hininga ako, ilang araw na itong nagpapakita sa akin simula ng tanggihan ko ang alok nito. Humarap ako sa direksyon niya. “Billionaire ka daw?” tumaas ang isang sulok ng labi nito sa narinig. Tumango ito sa akin. “Do I look like one?” “Hindi” mabilis ko siyang nilagpasan. That guy, mukhang scammer. May billionaryo bang nag aaksaya ng oras sa isang college student. Hindi ba’t dapat puro business ang asikasuhin nito at hindi puro walang kabuluhan. “Hey—” mabilis kong binawi ang braso ko at umatras ng hawakan niya ito ng walang pasabi. “Please stay away, your presence makes me uncomfortable. Please, respect my personal space” hindi ko hinintay na magsalita ito at agad akong naglakad paalis. “Good afterno—” kumunot ang noo ko ng makita kung sino ang nasa harapan ko during my working hours. “Hi! I would like to order­--- you” saglit kong binaba ang tingin ko sa screen at agad na muling tumingin sa kaniya. “Wala pong kaming you sa menu, sir” bahagyang kumunot ang noo nito. “You it means ikaw. Ikaw ang gusto kong orderin” muli akong nagbaba ng tingin sa screen at tiningnan siya uli. Marahan akong umiling sabay sabing “Wala din po kaming ikaw sa menu, sir” malakas itong bumuntong hininga na parang napipikon at mariin akong tiningnan. “Fine, One tiramisu cake and Americano, regular” simpleng sabi nito at agad na inabot yung 1,000 sa akin. Inabutan ko siya ng order buzzer pero tiningnan niya lang iyon. “Mag b-buzz po ito, sir. It means pwede niyo ng kunin yung order niyo sa counter” paliwanag ko. “I know, but I want you to deliver it on my table” mabilis akong iniwan nito at dirediretsong naglakad sa upuan kung saan ko siya nakitang umupo before. Napabuntong hininga ako. After a few minutes ay ready na yung order niya, busy si Tenshi sa pag gawa ng mga order ng ibang customers kaya naman napipilitang naglakad ako patungo sa table ni sir. “Here’s your order, sir” pormal na ngumiti ako sa kaniya, tiningnan ako nito ng mariin and it only makes me uncomfortable. Itinago ko sa aking likod yung bahagyang panginginig ng kamay ko. Nang mapansin kong hindi ito nagsalita ay ngumiti ako at mabilis na bumalik sa station ko. I sighed in relief. After my shift, palabas pa lang ako ng store ay bumungad muli sa akin sa pangalawang pagkakataon ang mukha ni sir. Hanggang ngayon ay lagi ko pa ding nakakalimutan ang pangalan niya. “Hey!” hidi ko ito pinansin at dirediretsong naglakad. “Lili, my love so sweet” napapikit ako at mas lalong binilisan ang lakad. Agad ako nitong nilagpasan at humarang sa harap ko. “You know what, sa sobrang pakipot mo at hindi pagpansin sa akin mas lalo akong nagiging interesado sayo. Is this your plan?” kumunot yung noo ko sa narinig. “Hindi ko na po problema kung hindi kayo sanay ng nirereject. Also, hindi lahat ng tao magkakagusto sa inyo. So please excuse me, sir” akmang lalagpasan ko siya ng muli itong humarang. Nagsisimula na akong mairita. “Sabi nila Bilyonaryo ka, pero bakit sobrang dami mong time mangulit? So please, sir, act at your level at wag niyong pansinin ang tulad ko” ngunit tila wala itong narinig at lumapit pa sa akin. Umatras ako. “I am. Billionaires are patient, kaya nga habang lumalayo ka mas nagiging interested ako. I have all the time in the world para mapa oo ka. That’s how patient I am.” Bumuntong hininga ako. “Anong bang makukuha mo kapag nag yes ako sa alok mo?” he’s starting to annoy me, hindi namanito oras oras sa paligid ko pero pasulpot sulpot siya this past few days tapos biglang mawawala if makatanggap ng tawag. “I’ll be amused, you know. I’m bored as f**k, no challenged. Pagdating man sa Negosyo, pera o babae. I think you can entertain me here and there, hindi naman oras oras guguluhin kita, Pag free time ko lang. Basta wag kang mafafall or you’ll cry, that’s why the game called Who Falls First?” muli na naman akong bumuntong hininga. “Ano namang mapapala ko?” ngumisi siya sa narinig. “I give you 100 million after the game. Pag nabored na ako, we’ll end the game and ill give you the money. You don’t need to work anymore; you can do whatever you want with that money” mariin akong tumingin sa kaniya. “Okay” ngumiti siya sa akin. “Nice, we’ll start tomorr—” “Okay, pag iisipan ko” mabilis na nabura yung ngiti sa labi niya at nagsalubong ang kilay. “Give me a week, tatawagan kita after a week. So, please don’t try to call me o kaya ay puntahan ako sa trabaho or sa school” mabilis ko siyang nilagpasan at hindi na hinintay ang reply niya. After a week ay sana marealize niya na wala siyang mapapala sa akin. Hopefully by that time ay tumigil na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD