Chapter 2

1280 Words
After class ay mabilis akong nagcommute papapuntang Angeles kung nasaan ang Happy Café. Kung dati ay jeep ang nasasakyan ko, ngayon ay may iilang minibus na pang commute, swerte naman dahil pagbaba ko ng overpass ay may minibus na naka-abang. Mas prefer ko yung minibus kase walang elevator at 4th floor pa ang room na pinapasukan ko, kaya naman pawis na ako pagkagaling sa school mas dumagdag pa pag siksikan sa jeep. Atleast sa minibus ay malamig. “Magandang tanghali” bati ko kay Tenshi pagdating sa café, dalawa lang kaming nagtatrabaho sa café. Ako yung cashier, si Tenshi ang barista. “Magandang tanghali” Pagkatapos magbihis ng uniform ng café ay tumingin ako sa iilang customer dito nang mahagip ko ang isang pamilyar na lalaki, pamilyar pero diko matandaan kung saan ko nakita. Dibale hindi naman siguro ito importante. Pansin kong pasilip silip si Tenshi doon sa lalaki, lumapit ito sa akin habang may malaking ngiti sa labi. Nanalo ata toh sa weteng. “Ang swerte natin Lili! May big time tayong customer” “Ha? Gaano kalaki ang tip mo?” kumunot ang noo ni Tenshi “Anong tip? Wala pa akong natatanggap na tip simula last week!” ngayon yung noo ko naman ang kumunot. ‘Ha?’ “Diba sabi mo big time? Paano naging big time kung di ka binigyan ng tip? Ang gulo mo” “Sira! Apaka mo talaga babae ka, kita mo yung poging yun” sabay turo nito doon sa lalaki na pamilyar sa akin. Tumango ako. “Oh tapos?” “Ang pogi diba?” “Nababakla ka na naman. Anong kinalaman ng itsura sa big time? Unless—” “Ahuh” nakangiti at tumatango pa si Tenshi. “Artista ba yan? Pang hingi mo ako authograph baka sakaling mabenta ko” mahinang hinila ni Tenshi ang buhok ko at nang gigigil na tiningnan ako. “Ganda lang ang meron ka Lili, jusko! Hindi mo kilala si Duke Terrance Hart?” kinagat ko yung ibabang labi ko habang umiling iling, OA na napahilot sa kaniyang sentido si Tenshi. ‘Eh sa hindi ko kilala. Dapat ba kilala ko lahat ng sikat na tao sa Pilipinas, di ko nga kilala sino konsehal namin’ “Te sikat na sikat yan sa social media at sa mga balita. Youngest Billionaire sa Pilipinas at 29, may ari ng airlines at shipping company sa Pilipinas. One of the Most Eligible Bachelor in the country. Hot, Yummy, Mayaman na si Duke Terran Hart!” bulong nito sa akin pero rinig ko yung tinis sa boses niya. “Edi nabakla ka na naman” akmang hihilain uli nito ang buhok ko ng umatras ako. “Oo na, oo na. Ayusin mo naman kasi, halatang halata ka na, Tenshi ha! Atsaka malay ko ba? Hindi naman ako nagtatravel para malaman kung sino ang may ari ng airlines?” “Ewan ko sayo, babae! Ganda lang meron sayo” agad akong tinalikuran nito na ikinailing ko. “Waiter!” agad kong tiningnan iyong babae na nagtaas ng kamay, nakaupo siya doon sa table nung pamilyar na lalaki. “Hala ka! Waiter daw, eh wala naman tayong waiter dito. Sa liit ng shop natin, jusko si ate girl!” biglang sulpot ni Tenshi at eksahadera itong nagcomment. “Ikaw na! Oras mo na toh para lapitan yung idol mo” tinaasan ako ng kilay ni Tenshi. “Kung pwede lang eh, pero nagpapahatid ng kape si boss sa office niya. Kaya go! sabihan mo na lang ako kung gaano kagwapo si sir!” nailing na lang ako kay Tenshi, nagpapahatid pala ng kape si boss pero nauna pang chumismis. Agad kong nilapitan yung table ni ma’am. Nang makalapit ako ay titig na titig yung lalaki sa akin, that makes me uncomfortable. Ayoko sa lahat ay yung tititigan ako ng isang lalaki regarding sa intention niya. “Magandang tanghali po, welcome to Happy Café! Can I get your order?” ngiting sabi ko habang nakatitig kay ma’am. “Do you have a menu?” natigilan ako sa tanong niya. Ngumiti ako ng alanganin. “Sorry, ma’am. Wala po kaming menu list, pero nakalagay naman po sa menu board namin yung mga list of drinks and dessert na pwede niyong orderin” napasinghap si ma’am sa narinig at tumingin kay sir. “Omayghad babe! Ano ba tong coffee shop na napili mo, simpleng menu lang wala sila? Napaka cheap” napapikit yung lalaki at hinawakan ang sentido nito. Ngumiti yung lalaki sa akin. “Just water, please” “Okay, sir” ngumiti ako at agad na nagsalin ng tubig. Hinatid ko agad yun sa table nila. “You can go, thank you.” “Babe! I’m hungry!” “Shut it!” dahil mukhang mag aaway yung mag jowa ay agad akong bumalik sa counter. Kasabay nun ay bumalik na din si Tenshi galing sa office ni boss. “Ano? Kamusta? Gwapo diba?” sunod na sunod na tanong nito sa akin. Inalala ko yung itsura nung lalaki, sakto lang naman. Pero hindi ko sasabihin yun kay Tenshi dahil baka sabunutan ako nito. “Oo” agad namang nagsalubong ang kilay ni Tenshi. “You asshole! Jerk!” sabay kaming napalingon ni Tenshi doon sa babae. Ganun na lang ang pagkagulat ko ng makitang basang-basa iyong lalaki ng tubig. Agad na nag walk out yung babae at padabog na binuksan yung pinto. “Tissue, please” mabilis na kumilos si Tenshi at lumapit doon sa table ng lalaki. Ako naman ay agad na inasikaso yung bagong dating na customer. Hindi ko pa nae-enter yung order nung customer nang bumalik si Tenshi. “Ako na diyan, kunin mo yung order ni sir. Ikaw ang gusto” tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa sabay irap at inagaw yung pwesto ko. Bumuntong hininga ako sabay punta sa table nung lalaki. “Can I get your order, sir?” nakahalumbaba yung lalaki habang nakatingin sa akin. Kanina pa toh. “We meet again” habang may malaking ngiti sa labi nito. Pilit kong inalala kung saan ko siya nakita pero hindi ko matandaan. Tipid na ngumiti ako. “Sorry, sir. Saan ulit tayo nagkita?” napadiretso ito ng upo at seryoso akong tiningnan. Na offend ko ata siya sa tanong ko. “Seriously!” mahinang bulong nito na rinig ko naman. “Ako lang naman yung----” mariin ako nitong tinitigan at tila nafrustrate na hindi ko siya matandaan. Lumapit pa ito sa akin na siyang ikinalayo ko. “You did it again! Layo ka ng layo, even though I don’t have a contagious disease!” magkasalubong at naiiritang sabi nito sa akin. Tinitigan ko lang ito kasi hindi ko talaga siya maalala, huminga ito ng malalim at muling tumingin sa akin. “Fine. You blocked me after you gave your number to me, no one has done that to me. Now, I’m interested” may mapaglarong ngiti sa labi nito. Now, he mentions it. Naalala ko na kung saan ko siya nakita, siya yung feelingero sa bar the last day. Mabilis kasi akong makalimot lalo na sa mga taong alam kong iba ang lebel sa akin at yung mga medyo mahangin. Sabi ni Tenshi, Billionaire daw siya. Hindi halata. “I remember you asked for my number at binigay ko yun. Pero hindi ko naman sinabing hindi ko kayo ib-block, sir” naningkit ang mata nito. Muli itong lumapit sa akin at agad ako umatras, natigilan ito at napasuklay sa buhok niya. “You know what, I’m into it” pinagkrus nito ang kaniyang braso sa kaniyang dibdib at ngumiti sa akin. “Do you want to play a game with me?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD