“Te nagreview ka ba?” bungad sa akin ni Tenshi, midterm exam namin ngayon. Naghanda naman ako pero hindi ko masasabing super focus ako sa pag rereview.
“Sakto lang” totoong sabi ko sa kaniya. Tinaasan ako nito ng kilay, magtataray na naman siya.
“Sakto pero highest sa exam, wag nga ako! Scam ka eh!” kita mo toh, ikaw na nagsabi ng totoo sinungitan ka pa.
“Kung yung pag scan ng mga notes ay pagrereview then oo, nagreview ako.”
“Scan? Sapat ba ang scan para sa midterm natin? Inborn talent mo talaga yung pagiging matalino” hindi ko alam kung pinupuri niya ako o iniinsulto, lalo na yung way ng delivery niya ay may pagsarcastic. Napailing ako.
“Mataas naman mga score mo ah” wrong choice of words dahil pinandilatan niya ako ng mata.
“Tingnan mo toh?” sabay turo niya sa singkit niyang mata.
“Ang laki ng eyebags ko! Tapos ikaw mukhang fresh at relax lang. Shuta! Kung pwede lang talaga mangnakaw ng brain yung sayo yung nanakawin ko” exaggerated na sabi nito.
“Nakaw talaga pwede namang hiram”
“Oh edi pahiram ng brain”
“Kung hihiramin mo yung akin kailangan ng transplant, mamatay tayong dalawa Tenshi” biro ko dito na bahagyang natawa.
“Alam mo yung humor mo talaga madalas wala minsan dark. Wag kana magjoke, ako na, magiging clown na lang ako para happy ka everyday” magiging clown daw siya eh puro reklamo naman sinasabi niya sa akin at madalas puro kaharutan sa crush niya.
Pagpasok sa classroom ay naging tahimik na si Tenshi, ganito talaga siya kapag nasa loob ng classroom. Sa akin lang pinapakita pagiging bakla niya, tapos mga kaklase naming babae crush siya. Ewan ko ba sa kaniya ayaw pa maglantad. Mag itsura naman si Tenshi kaya wala siyang pag asa sa mga crush niya kasi mas may itsura siya sa mga yun at hindi nila alam na bakla siya.
“Good morning, Gusto ko lang makita sa table niyoay pencil, 1 scratch paper at exam permit” seryosong sabi ng magbabantay sa amin sa exam. Siya yung secretary ng isa sa prof namin.
Nilabas ko yung permit ko, pencil at isang yellow pad. Inabot na isa-isa yung mga bubble card and test paper. Unang test namin ay Intermediate Accounting 1. Binasa ko yung exam paper.
1. X, Y, Z company provided the following transactions affect---
Hanggang ngayon nagtataka pa din ako kung hindi A, B, C company ay X, Y, Z company naman. Nakakapagtaka na hanggang ngayon ay hindi pa din sila bankrupt. Matibay din sila.
Gamit ang isang scratch paper ay busy ako sa pagsagot ng mga problems, may mga journal entry pa na sinama sa exam which for me ay super daling gawin basta tanda ang meaning ng Debit at Credit. After kong magjournal entry ay sa True or False naman na may 4 na choices. Yung True or False nung high school na 2 lang yung pagpipilian if True ba or False ngayong college mas naging komplikado. Katulad ng 1st statement is True, and 2nd statement is False and so on. Kaya isa si Tenshi sa pinaka ayaw ang True or False eh, at aaminin ko nakakalito din talaga siya.
“Miss pakipulot yung papel sa baba” napatigil ako sa pagsosolve at nag angat ng tingin, nasa harap ko ngayon yung nagbabantay. Nagbaba ako ng tingin at may nakitang papel sa tapat ko lang. Nagtataka man ay pinulot ko yun.
“Akin na” sabi nung proctor, dahil hindi naman akin yung papel ay inabot ko sa kaniya yun. Kita ko na binuksan niya yung papel at tiningnan ako habang nakataas ang isang kilay.
“Talk to me after your exam” seryosong sabi nito sabay alis sa tapat ko, nagtaka naman ako at tumingin sa direksiyon ni Tenshi na ngayo’y may nagtatanong na mukha. Nagkibit balikat ako at muling sumagot sa exam.
After 2 hours ay nagring yung bell hudyat ng pagtatapos ng 1st exam namin. Nag double check na ako sa sagot at kita ko naman na nasagutan ko ng maayos yung mga tanong. Pagkapasa ng exam ay nagsilabasan yung mga kaklase ko. Inabot ko yung papel ko kay ma’am.
Imbes na isama ang bubble card ko sa bubble card ng mga kaklase ko ay hiniwalay niya iyon.
“Tara sa office” seryosong sabi nito sabay kuha ng bubble card ni Tenshi. Pagbalik ko sa upuan ko para kunin yung bag ay nagtanong si Tenshi.
“Anong nangyari?”
“Ewan nga eh” sinukbit ko yung bag sa balikat ko.
“Sama ako” tumango ako sa kaniya.
Sabay kaming lumabas ni Tenshi ng room kasama yung proctor, pagdating sa faculty office ay nilapag nito ang mga bubble card at test papers sa lamesa. Pagka upoay inabot nito yung papel kanina na pinulot ko.
“Tingnan mo” kinuha ko yung inabot niya at binuksan iyon, nahulog yung puso ko ng makitang mga sagot ang nandodoon.
“Ma’am hindi po akin toh!” nagpapanic na ako! Hindi talaga sa akin yung papel, never akong gagawa ng ganung bagay.
“Nasa tapat mo yung papel” mariin akong umiling, agad hinablot ni Tenshi yung papel sa akin.
“Ma’am kahit naman nasa tapat ni Lili yung papel hindi ibig sabihin sa kaniya na” pagtatanggol ni Tenshi sa akin, tumango ako. Scholar ako ng school, ang laki ng mawawala sa akin sa cheating issue na toh.
“I understand Mr. pero answers key ang nakita ko sa tapat ni Miss Hope” mula kay Tenshi ay tumingin yung proctor sa akin.
“Now tell me Miss Hope, if umamin ka hindi ko na ito palalakihin pa or if you will insist na hindi sayo mapipilitan akong sabihin ito sa professor mo” gulat ko siyang tiningnan. Bakit ako aamin? Hindi naman talaga sa akin yung papel na yun!
“Miss that’s unfair! Wala kayong ebidensya na kay Lili yan, also scholar si Lili ng school”
“Exactly! She is a scholar, another reasons para gumamit siya ng answer key during exams” pag insist nito. Bakt pinagpipilitan niya na akin yun kahit hindi naman.
“What happen here?” tanong ng isang prof sa amin na kakapasok lang sa faculty.
“Ito kasing student sir, nahulihan ko na may answer key na nakasulat sa papel pero tinatanggi na sa kaniya” I can’t believe her! She is twisting her words.
“Ma’am excuse me, pero hindi naman po talaga akin yan, nagulat na lang po ako na may pinapakuha po kayo sa tapat ko na papel. Pagka abot ko po sa inyo sabi niyo I’ll talk to you after exam po. Ngayon ko lang nalaman na answer key po yan” paliwanag ko, she is being unfair.
“May katibayan ka ba na hindi sayo yung papel?” tanong nung prof na lalaki, hindi ko siya makapaniwalang tiningnan. Seryoso!
“Sir hindi ko sulat kamay yung nasa papel”
“Also, sir wala namang ebidenysa na kay Lili yung papel lalo na hindi naman mismo nakita ni ma’am na hawak niya yung paper” pagtatanggol sa akin ni Tenshi, laking pasalamat ko talaga na nandito si Tenshi para tulungan ako. Kasi kung ako lang mag isa ay baka mag mental block na lang ako.
Isa isang nagsipasok yung mga prof na may dala dalang pagkain. Isa na doon ang prof ko sa inter accounting 1. Tumayo yung proctor namin at hindi maganda yung kutob ko sa sasabihin niya.
“Sir may students po kasi dito na nahulihan ko ng answer key na nakasulat sa papel. Ano po gagawin natin?” nilingon ako ni Sir at kumunot ang noo.
“Sino? Ikaw ba Lili?” umiling ako kasabay ng pagtango nung proctor.
“Siya nga sir” she’s starting to annoy me.
“Sir hindi akin yun, kanina ko pa po pinapaliwanag. Yung papel po nasa tapat ko at pinakuha ni ma’am without me knowing na answer key yun. Pagpunta ko po dito doon ko lang po nalaman na answer po siya.” Tumango yung prof at umupo sa desk niya.
“Patingin nung papel” inabot ni Tenshi yung papel kay Sir at tiningnan niya yun.
“Hmmm….” Nag angat ng tingin si Sir sa akin.
“May nakita ka ba kung sino nagtapon nito sayo? Or baka si Mr. Tanaka nakita niya” umiling ako.
“Sir focus po ako sa pagsagot ng exam, bigla na lang po akong sinabihan ni ma’am na pulutin yung papel sa tapat ko po” tumingin si Sir kay Tenshi.
“Same po sir, nagulat na lang po ako na sabi ni ma’am gusto niya kausapin si Lili after exam” tumango si Sir.
“Ganito na lang, serious issue kasi ang cheating lalo na first year pa lang kayo. Kausapin ko na lang parents mo Lili” natigilan ako at kinagat ang ibabang labi. Parang may mabigat na bato sa dibdib ko.
“Sir wala po akong parents” mahinang sabi ko habang nagyuko ng tingin. Bakit kailangan pa silang ibring up.
“Mother or kahit Father mo lang” wala na nga po.
“Sir pareho pong patay na yung parents ni Lili” hindi ko man nakikita ay alam kong nagtitimpi na lang si Tenshi.
“Sorry, my bad. How about any guardian?” muli na namang tanong nito. Umiling uli ako.
“Wala po akong guardian or any kamag anak, Sir” nag angat ako ng tingin pilit na tinatatagan.
Kita kong tumingin si Sir sa proctor namin.
“Kailangan na may makausap kami tungkol sa cheating issue mo” gulat kong tiningnan si Sir. Pati siya ay naniniwala na nagcheat ako?!
“Sir pasensya na po, pero nakakabastos naman. Wala naman pong proof si ma’am na kay Lili talaga yung papel pero pinagpipilitan niyo po hanggang ngayon na sa kaniya yun. Scholar si Lili, matalino, alam niyo yan sir. Bawat quiz, activity, or pa surprise exam pa, lagi siyang number one. Kaya naman hindi ho ako makapaniwala na maniniwala kayo na nagcheat siya!” inis na sabi ni Tenshi, namumula na ito.