Kita ko ang pagsalubong ng kilay ni sir matapos marinig ang sinabi ko.
“No! I will never agree” napahilamos ito ng mukha sa frustration, bakit siya yung nafrustrate diba dapat ako yun. After ko siyang makita sa bookstore kanina ay talagang nagulat ako at nag isip ng maigi bago siya itext. Ayokong masugod ng iba at sabihang third party kahit na hindi naman talaga seryoso yung game namin.
“Lili, you are not the third party. Yung sa amin ni Eunice, yes girlfriend ko siya but somehow nasa open relationship kami” napaisip ako.
“Open relationship?”
“Yes, open relationship. It’s nothing serious, nasa relasyon kami because of our family company not because we love and committed to each other. So, labas sa relasyon namin kung makipagdate ako” mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya. Nasa relationship siya pero pwede siyang makipagdate sa iba. Anong klaseng relasyon yun? Lokohan or ako yung niloloko niya at ginagawang third party ng walang kamalay malay. Either way ay ayoko ng gulo. And He is trouble.
“Sir—”
“It’s Duke!” pasigaw na sabi nito, kumunot ang noo ko, bakit parang siya pa yung galit.
“Fine, Duke.”
“Ayoko ng gulo o away. Kung totoo yung sinasabi mong open relationship, labas na po ako diyan. You offer me the game akala ko po single ka kaya ako pumayag, pero ngayon na may girlfriend ka. I will never agree to date you” natigilan ito at seryosong tiningnan ako.
“I’m dating you because I want to, labas yung relationship ko dun” nagsalubong yung kilay ko, akala ko dati ay red flag lang siya ngayon red forest na.
“Si—Duke hindi po labas yung relasyon niyo doon. Dinate niyo ako while may girlfriend ka, kahit sinong tanungin niyo sasabihin na third party ako. Oo pumayag ako sa game na toh pero kahit ganun matino pa naman ako at hindi ako magiging third party. Kaya please Duke, let’s stop these.”
“No!” napahilamos ako sa mukha ko, I’m starting to be annoyed.
“I already told you, it’s ope—”
“Open relationship or close pa po yan. May girlfriend kayo, ayokong madamay!” frustrated na sabi ko, bakit ba hindi niya yun maintindihan?
“Hindi ka madadamay, we are just dating hindi naman kita girlfriend.”
“Duke, dating while you are in a relationship is cheating” pilit kong pinapaintindi sa kaniya.
“I’m not cheating. It’s open relationship, both me and Eunice knew that we could date other people at makipag relasyon sa kanila while we are together” kunot noong sabi nito.
“Labas na po ako diyan sa open relationship niyo”
“Exactly! Labas ka na dun, so why stop?”
“Kasi ayoko!” sigaw ko sa kaniya, this is the first time na mawalan ako ng composure sa harap ng ibang tao after I met Sir Grey. Kita ko na natigilan siya.
“Ayokong madamay sa kahit na anong relasyon o laro ninyo ng girlfriend mo, gusto mong makipagdate habang in relationship ka? Wag po ako” seryosong saad ko.
“Pwede kayong makipagdate while in a relationship then date others. Wag ako. Ayoko.”
“Ikaw na nagsabi pwede akong makipagdate sa iba then why not you” I pinch the bridge of my nose. Bakit ba hindi siya makaintindi ng simpleng ayoko.
“Hindi niyo pa rin po ba naiintindihan yung salitang ayoko. Bakit hindi ka pwede makipagdate sa akin? Simple lang po, ayokong makipagdate sa inyo. I will never allow myself to be labeled as third party.”
“And who will label you as third party? Hindi pwedeng sabihin yun ni Eunice because she knew our arrangements.” Nauubos na ang pasensya ko sa kaniya, ngayon lang kami nagmeet sa araw na ito pero yung pasensya ko sa kaniya for the day ay ubos na ubos na.
“I don’t care kung anong arrangement niyo. AYOKO means AYOKO. That’s my decision so please leave” kita ko ang pag igting ng panga ni Sir.
“You can’t do this to me, may 2 months and 2 weeks pa ako. Hanggang hindi natatapos yun, we are still dating” huminga ako ng malalim, ngayon na lang talaga nag init yung ulo ko ng ganito katindi.
“If you don’t stop mapipilitan akong humingi ng tulong kay Sir Grey. Hindi niyo ako employee at utusan Sir. Pumayag ako sa Who Fall First game na yan kasi kinukulit niyo ako. But now, if you insist on dating me. Sasabihin ko kay Grey yung pangungulit na ginagawa mo” ayokong idamay si sir Grey perokung yun lang ang paraan for him to stop then I will do it. Ayokong maging third party and I will never be a third party.
Kita ko ang frustration sa mukha ni Sir, kinagat nito ang ibabang labi niya at inis na sumakay ng sasakyan niya. Umatras ako ng pinaandar niya yun ng mabilis. Sana naman tantanan niya na ako.
Bumuntong hininga ako at pumasok na ng bahay.
Busy ako sa pag aasikaso ng mga customer sa coffee shop. 2 days na din after yung huling pag uusap namin ni Sir, at masaya ako dahil hindi ito nangungulit sa akin or tumatawag. Payapa at tahimik yung buhay ko. Masaya na ako doon.
“Good afternoon, welcome to Happy Café” mula sa screen na nasa cashier ay nag angat ako ng tingin.
“Hi, Lili.” Kumunot ang noo ko, familiar yung mukha niya pero hindi ko maalala. Hindi ko yun pinahalata dahil customer siya at baka maoffend.
“Hello po, can I get your order” nakangiting sabi ko. Mahina itong natawa na pinagtaka ko.
“Maybe you don’t remember me” gulat ko siyang tiningnan, paano niya nalaman yun?
“It’s me Owen” sabi nito, inalala ko kung saan ko siya nakita pero hindi ko pa din maisip kung saan nga ba.
“Grabe, you just hurt my ego. Feeling ko ang panget ko because you don’t remember my face and my name” bahagya kong kinamot yung likod ng tenga ko, I feel embarrassed. Hindi ko talaga siya matandaan.
“Okay. I’m Owen yung nag pa rent sa inyo ng costume” now I remember siya yung friend ni Sir. Yung 100 guy.
“Yes, sorry. Mahina po talaga ako sa memorization” nakangiting sabi ko.
“Can I get your order sir?” ngumiti ito at tumingin sa menu board.
“What’s your favorite?”
“Po?”
“I said ano favorite mo sa menu board?” tumango ako.
“Americano and tiramisu” sagot ko dito, I like bitter coffee. Mas bitter mas masarap para sa akin.
“Then I’ll order that” ngumiti ako at tumango.
“Is that all sir?” muling pagtatanong ko after nitong tumango ay pinunch in ko na yung order nito. Pagkabigay ng beep device ay ginawa na ni Tenshi yung order niya. Nagpatuloy ako sa trabaho ko.
Napatingin ako sa wall clock. It’s already 6 p.m.
“You guys can leave now, ako na magsasara ng store” sabi ni Boss Midnight, siya yung may ari ng café.
“Ay sir, kami na lang po. Nakakahiya naman” singit ni Tenshi, napatango ako. Masyado pang maaga para magsara tapos hindi pa kami mag lilinis.
“No, ako na. Nasa balita na may bagyo ngayon, so umuwi na kayo ng maaga”
“Paano po kayo sir?” tanong ko.
“I will not leave, sa taas ako matutulog” tukoy nito sa 2nd floor ng café na ginawa nitong second house niya. Sumilip si sir sa isang table, siya na lang yung nagiisang customer ng café ngayon.
“Tell him we are closing already.” Poker face na sabi ni Boss Midnight, tsaka pumunta ng counter para tingnan yung sales for the day.
“Ikaw na kumausap Tenshi” sabi ko dito, tutal sigurado akong text mate na sila, lalo na itong si Tenshi. Hindi niyan palalagpasin ang pagkakataon.
“Ikaw na” gulat ko siyang tiningnan. Ha? Namali ata ako ng pagkakarinig.
“Ano?” tinaasan niya ako ng kilay.
“Sabi ko ikaw na magsabi”
“Bakit ako? Diba crush mo yun?”
“Kailan ka pa naging chismosa?” masungit nitong sabi, nagtatanong lang naman ako nasabihan pang chismosa.
Inirapan ako ni Tenshi sabay punta nito sa coffee machine para maglinis. Anong problema nun? Huminga ako ng malalim at ngumiti habang pupunta sa table ni Sir Owen.
“Good evening, sir.” Nag angat siyang tinginmula sa tablet nito.
“Closing na po kasi kami, so if—”
“Ang aga naman” putol nito sa akin habang nakatingin sa wristwatch niya.
“May bagyo po kasi” napatango ito. Napangiti ako ng tumayo na siya sa pagkakaupo. Naka ilang hakbang pa lang siya ay muli itong bumalik sa harapan ko.
“Do you have social media?” nagtataka man ay sumagot ako.
“Yes po”
“Then can I get your social media account name?” kumunot ang noo ko.
“Bakit po?”
“Because I asked for your number pero hindi mo pala number yun. So, im thinking to get your social media account name instead.” Mas lalo akong nagtaka, bakit kailangan pa niyang kunun yung account name ko eh nabalik naman na namin yung pinarent niyang costume and as far as I know. Walang damage yun. Isa lang yung dahilan na naiisip ko.
“Kung tungkol po ito kay Sir Duke, you don’t have to get my account name po. We are not dating anymore” seryosong paliwanag ko, tingin ko kasi gusto niya akong contakin for Sir Duke since friends sila and I blocked Sir Duke’s account and number.
Kita ko ang pag ngiti ni Sir Owen.
“Then that’s perfect.” Nagsalubong ang kilay ko.
“I know what Duke did and he doesn’t deserve you. You deserve better.” Mariin itong tumitig sa akin.
“Perhaps I can be that person.”