“I understand your concern Tenshi, pero sana maintindihan mo din kami. We don’t tolerate cheating” sabay tingin sa akin ni sir. “May possibilities na hindi nga kay Lili yung paper pero pwede namang siya ang papasahan nun” nagsalubong ang kilay ko, ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Parang pinagkkaisahan nila ako sa bagay na hindi ko ginawa.
“Walang cctv sa loob ng classroom kaya hindi natin makikita kung kanino galing yung answer key, isa pa pwede naman nating tanungin yung mga kaklase niyo kung kanino talagayung papel” umiling ako.
“Walang aamin sir” mahinang sabi ko habang nakayuko.
“Ano yun Lili?” nag angat ako ng tingin.
“Wala pong aamin tungkol sa answer key” may kalakasang sabi ko. Tumango tango si Sir.
“Pwede nating subukan”
“Sir hindi aamin yung mga yun, hindi nila gugustuhing mapahamak” singit ni Tenshi. Natahimik ako, tama si Tenshi, walang aamin sa ganung bagay kaya baka ako lang din ang maparusahan.
“Good afternoon may dala po akong lunch para sa lahat” napatingin kami sa lalaking pumasok sa loob ng faculty, nakangiti siya na may dala dalang fast food. Sa likod niya ay yung ibang students na may dala ding pagkain.
Tumayo si Sir.
“Hala Sir Owen nag abala pa po kayo, salamat” nakangiting sabi ni Sir habang kinukuha yung inabot ni Sir Owen. Tumingin si Sir Owen sa direksiyon namin ni Tenshi, nag iwas ako ng tingin.
“Anong meron? Bakit may student?”
“Ahhh sir ano lang, may pinag uusapan lang po kami” dahilan ng prof namin. Tumango si Sir Owen.
“Pinagbibintangan po kasi si Lili ng cheating dahil sa isang papel na nasa tapat ng upuan ni Lili” gulat kong tiningnan si Tenshi na ngayo’y seryosong nakatingin kay Sir.
“Tenshi!” gulat na sabi ni Prof. Dali daling tumingin si Prof kay Sir Owen.
“Sir wala lang po yun, inaayos na po namin yung cheating issue ni Lili”
“Hindi nga po kay Lili yung papel!” mariing tumingin yung Prof namin kay Tenshi. Kitang kita ko yung inis ni Prof. Mahina kong hinila yung dulo ng uniform ni Tenshi para patigilin siya, thankful ako kay Tenshi pero ayokong madamay pa siya.
“Sir Owen inaayo—” sumenyas si Sir Owen para huminto yung prof at tumingin kay Tenshi
“Shhh! Go ahead tell me the details.” Saglit akong tiningnan ni Tenshi, umiling ako sa kaniya.
“During our exam’s sir, sinabihan po ng proctor namin si Lili na kunin yung papel sa tapat niya. Hindi po alam ni Lili kung anong nakasulat sa paper na yun at pinapunta po siya dito sa office. Ngayon lang po namin nalaman na answer key, wala po silang evidence na kay Lili yung papel. Feel ko lang po na ang unfair naman na dahil sa papel na yun baka matanggalan ng scholarship si Lili.”
“Sir kaya nga po pinapatawag po namin parents ni Lili o kahit guardian” depensa naman ng Prof namin.
“Patay nga po yung parents ni Lili, Sir. Wala na din siyang kamag anak. Lili excels in her academic subjects. Kahit sinong prof po namin yung tanungin, she is always the number one sa class.” Mariin akong nakatingin kay Tenshi na pinagtatanggol ako, I admit wala akong kinikilalang kaibigan. Masyado kong sinara yung sarili ko sa ibang tao pero kahit ganun may iilan pa din pa lang tao na may care sayo. Yung kahit pwede siyang madamay, tutulong pa din siya. A selfless person like Tenshi deserves all the love. Ano bang ginawa kong tama to deserve someone like Tenshi, Sir Grey and Sir Midnight care.
“Lili, do you want to add some details” nilingon ko si Sir Owen at huminga ng malalim.
“Hindi po akin yung papel, busy po ako sa pagsosolve nung tinawag po ako ni Ma’am para pulutan yung paper. Hindi ko din po sulat kamay yung nasa papel, Sir.” Tumango si Sir Owen sa narinig.
“Pero Sir pwede kasingi pinasa talaga sa kaniya yung papel. Alam mo naman po ngayon yung mga pasaway na student nagpapasahan ng sagot.” Sabi nung proctor.
“Tama ka, pero ikaw na nagsabi, mga pasaway na student. Pasaway ba si Lili?” sabay tingin niSir Owen sa prof namin. “I assume student mo siya, Prof?”
“Yes, sir” tangong sagot ni Prof.
“Then pasaway ba siya?” saglit na tumingin sa akin si Sir at muling tumingin kay Sir Owen. “Sa klase ko hindi naman, Sir. Pero diba hindi naman yun yung basehan kung kaya bang gaw—”
“So saan natin ibabase Sir? Sa evidence? Wala namang evidence maliban sa papel, hindi naman nahuli sa akto. Hindi naman huli sa cctv lalo na at walang cctv sa loob ng room” sunod sunod na sabi ni Sir Owen, kita ko ang pagtango tango ni Tenshi.
“Ganito na lang, pwede ko bang makita yung scratch paper mo Lili?” tiningnan ko si Sir, nagtataka man ay tumango ako sabay kuha ng yellow paper ko na puno ng solving.
“Asan na yung bubble card ni Lili at yung sinasabing answer key?” inabot ng Prof namin yung bubble card ko at yung papel. Umupo si Sir sa desk at nilapag yung scratch paper, bubble card at answer key.
“Okay sa number one” tumaas ang isang kilay ni Sir sa nakita. Alam ko number one pa lang solving na agad. “Number one may solution si Lili, letter b yung nandito sa scratch paper. Sa bubble card niya, same. Sa answer key” natigilan si Sir Owen at tumingin sa Prof at proctor “Letter C sa supposedly answer key.”
Next na kinompare ni Sir yung sagot ko sa iba pang number, yung iba dun pareho sa sagot ko sa bubblecard pero karamihan ay iba yung answer ko na nasa bubble card at yung sagot na nasa papel.
Muling tumingin si Sir Owen sa Prof namin at proctor na pinagpapawisan na.
“So, Sir and Ma’am ituloy ko pa ba toh” nakangiting sabi niya pero may pagkasarcastic ang boses ni Sir Owen. “Oh! Hanggang number twenty lang yung answer key. Yung sagot ni Lili hanggang 120.” Nakangiti niyang dugtong habang nakatingin pa din kay Sir. Nagpunas si Sir ng pawis niya.
“Hindi na Sir” tumingin sa akin si Prof “Okay na Lili. Pasensya ka na mahigpit lang talaga pagdating sa ganito” tumango ako pero aaminin ko nag iba yung tingin ko kay Prof.
“Alam kong mahigpit ang school sa ganitong issue pero huwag nating idiin yung student, Sir. Baka matrauma or matrigger sila if ever na stressed sila sa exam. Hindi naman maganda na ganito natin ituturing yung mga student. Hindi naman lahat pasaway. Kaya Sir next time investigate muna ha, before natin ipatawag parents ng student” mabilis na tumango si Prof. After kong kunin yung scratch paper ko ay nagthank you ako sabay labas ng faculty. Nakaka suffocate sa loob.
“Grabe! Patapos na yung break time, hindi tuloy tayo nakakain” reklamo ni Tenshi habang naglalakad kami sa hallway.
“Pasensya ka na Tenshi, dahil sa akin hindi ka tuloy nakakain” tiningnan ako ni Tenshi sabay taas ng isang kilay niya.
“Bakit ikaw ang humihingi ng pasensya? Sila dapat yun! Inubos nila yung oras natin, hindi ko alam na close minded pala yung prof natin. Alam mo tinitiis ko lang green joke nun sa subject natin eh pero grabe pala mindset nun. Nakakairita!” mabilis kong hinila yung uniform ni Tenshi.
“Baka marinig ka” mahinang bulong ko sabay tingin sa paligid, minsan talaga yung bibig ni Tenshi walang pinipili lalo na kapag galit siya.
“Wait!” sabay kaming lumingon ni Tenshi at nakita namin na tumatakbo papalapit sa amin si Sir Owen habang may dalang jolly hotdog. Oo, jolly hotdog.
“Oh, hindi pa ata kayo kumain. A sign of sorry na rin dahil sa nangyari kanina” nahihiyang sabi pa nito habang inaabot yung jolly hotdog sa amin.
“Okay lang sir” tanggi ko pero umiling ito at hinawakan yung kamay ko, I flinch a little pero mabilis lang din binitawan ni Sir yung kamay ko pagka abot nung Jolly hotdog. Sir Owen hand is cold.
“Hindi okay na walang pagkain, may exam pa kayo mamaya. So, you need to eat” ngiting sabi nito. Sumabay sa amin si Sir sa paglalakad.
“By the way Sir, salamat po pala kanina. Kung hindi kayo dumating baka naging cheater na toh si Lili” Sir Owen shakes his head.
“Lili won’t become a cheater kahit na pagbintangan pa siya, kung hindi mo yun ginawa it means kahit anong sabihin nila you won’t be a cheater. You won’t become someone you are not just because someone labels you as such.” Seryosong sabi niya, napatango ako. May point si Sir Owen.
“Ganda ng word of wisdom, Sir” biro ni Tenshi, natatawang umiling si Sir Owen.
“Oo nga po pala, ano pong subject tinuturo niyo, Sir? Or baka head po kayo ng department?” curious na tanong ni Tenshi.
“I’m not a professor or a Head of the Department.”
“Kung hindi po kayo prof bakit po feeling ko superior ka po nila? Baka ikaw yung dean Sir?!” hinila ko yung bag ni Tenshi para patigilin siya, masyado ng madaldal baka mairita si Sir Owen.
“Babae yung dean natin” bulong ko dito, rinig ko ang mahinang pagtawa ni Sir Owen.
“Hindi ako prof or dean. Anak ako ng may ari ng school” natigilan ako, natigilan din si Tenshi at natigilan si Sir dahil tumigil kami.
“Weh?” biglang umiling si Tenshi na parang natauhan “Ay sorry, Sir” natawa si Sir Owen.
“It’s okay, marami talagang hindi alam kasi hindi naman ako madalas pumunta ng university. Hindi ko din naman pinagkakalat kasi it’s not an achievement, it’s not my achievement.” Ang down to earth ni Sir Owen. Matalino, mabait at hindi mayabang. Iilan lang yung nakilala kong mayaman na katulad niya.
“Wow! Grabe Sir speechless ako sa revelation niyo. Ang bait niyo po kasi, iba pala talaga ang real life compare sa teleserye” napailing ako, kahit kelan talaga si Tenshi.
Tumigil si Sir Owen sa paglalakad.
“So, paano ba yan. Dito na ako if you guys need help. Lalo ka na Lili” tumitig sa mata ko si Sir Owen “Call me, nakay Tenshi yung number ko” tumango ako.
“Thank you po” ngumiti siya at kumaway bago tumalikod.
“Ah, Sir.” Muling tawag ko sa kaniya, lumingon si Sir Owen. “Lili Hope” kita ko na naguluhan pa si Sir sa sinabi ko.
“Lili Hope, walang profile pic. Yan po yung name ko social media” sabi ko sa kaniya at mabilis na hinila si Tenshi patakbo.