Nakangiting pinark ko ang sasakyan ko sa labas ng café. I miss my love so sweet, for sure namiss niya din ako denial lang. Pagkapasok ng café ay nakangiti akong dumiretso sa counter, not much customer kaya naman wala itong madadahilan kung kakausapin ko siya. Siya lang din mag isa sa counter wala yung barista nila.
“Hello, my love so sweet!” I smile sweetly at her, rinig ko ang pagbuntong hininga nito. Good mood ako kaya hindi ko yun papansinin.
“Akala ko sunod sunod na ang araw na tahimik ang buhay ko” she mumbles under her breath, but I heard that.
“I still have 3 months to date you” nakangiting sabi ko, seryoso itong tumingin sa akin.
“For your information sir, 2 months and 2 weeks na lang ang laro natin. After that, goodbye.” natigilan ako.
‘2 months and 2 weeks?’
“That’s foul! 1-week akong wala, hindi dapat kasama yun. Inuutakan mo ako”
“That’s the rule, kung hindi ka naman payag pwede naman nating ihinto yung Who Fall First game mo.” Seryoso ko iyang tiningnan. Damn, this girl!
“Fine. 2 months and 2 weeks don’t cry if you miss me after those 2 months and 2 weeks” she shrugs her shoulder as a response. Tsk! Sigurado naman akong mamimiss niya ako after that timeline.
“Let’s go on a date” I directly ask her, iyon naman talagang ang pinunta ko dito. I genuinely miss her.
“Ayoko.” Plain na sabi nito, I frowned upon hearing that.
“We still have 2 months and 2 weeks for me to date you. So, why reject me?”
“Kasi kung saan saan mo po ako dinadala, first date natin bigla mo akong dinala sa manila para lang sa racetrack at dolomite beach. 2nd date dinala mo ako sa charity event na hindi ko alam kung saan sa Pampanga yun sir. Ayoko na pong sumama sa inyo, kung saan saan niyo ako dinadala. That makes me uncomfortable” that’s why it’s a date, dadalhin ko talaga siya sa lugar na tingin ko maiimpress siya. But since she feels uncomfortable ay failed ako sa bagay na yun.
“Fine, date me then” natigilan siya, that’s makes me smile.
“Ano?” hindi makapaniwalangg tanong niya, I lean closer to her na siyang ikinalayo niya.
“Sabi ko idate mo ako, you’re not comfortable sa mga place na pinuntahan natin. That’s why it’s your decision kung saan mo gustong magdate tayo.”
“Pwedeng wag na lang” mahinang bulong nito, earning a glare from me. She sighed.
“Fine, pero ikaw ang magpaalam sa boss ko” napangiti ako. Easy.
Natigilan ako pagkalabas namin ng sasakyan, I looked at Lili’s direction. Seryoso ito pero feeling ko nakangiti ang mga mata niya. Damn! I mean sorry for the curse.
“Sigurado ka bang sa simbahan tayo magdadate?” tumango siya, da—I mean fine!
“Sabi mo kung saan ko gusto, Sunday ngayon. Simba tayo baka sakaling bumait ka sir” eto naman yung nakakainis niyang sagot at yung sir niya. My name sounds more expensive than being called Sir for a hundred times.
“Don’t worry hindi ka naman siguro masusunog pagpasok” Lili looked at me from head to toe. Inis ko itong tiningnan. This ungrateful girl, wala pa akong tulog from the flight at dumiretso agad ako sa café para makita siya. Tsk!
“May misa ba?” umiling ito mas lalo akong nainis, pinagtitripan niya ata ako.
“Hindi tayo aattend ng misa, magdadasal lang. Sa likod ng simbahan na toh may small chapel, tahimik doon, konti lang tao” I looked at the church, tabi toh ng isang sikat na University sa Pampanga. I never knew na may small chapel sa likod ng simbahan.
A roam my eyes as we enter the small chapel. Maliit lang siya at totoong konti yung tao. Konti kasi wala namang ibang tao lumabas na kanina before we enter. Pagkaupo ko ay lumuhod si Lili.
“Yes, I accept” nagmulat ito ng tingin at kunot noong tiningnan ako.
“Anong yes?”
“I accept your proposal that’s why you don’t have to kneel” Lili glared at my direction.
“Wag kang maingay” seryosong sabi nito sabay pikit ng mata. I roam my eyes around, kaming dalawa lang yung tao sa simbahan. It’s my first time entering a small chapel. Ginaya ko si Lili, I kneel and close my eyes then I open my right eye, looking at Lili’s direction. Obviously, she’s not my type but she makes me happy. Okay naman pala itsura niya. Not devastatingly beautiful pero may itsura. I looked in front, sa mismong altar. Hindi ako palasimba, feeling ko napaka hypocrite ko if I asked for forgiveness but still doing the same sin again and again. It doesn’t make sense for me.
Pagkalabas namin ng small chapel ay muli akong nagtanong kay Lili.
“San mo gusto pumunta next?”
“Gusto ko sa tahimik” I nodded.
“Gusto ko magbasa ng libro” I still nodded but then stopped. Sounds boring to me.
“That sounds…. Library”
Hindi makapaniwalang nakatingin ako sa tapat ng isang public library. Public library? Date? Is this a new trend? Dam—Fine!
“We can go to something fancier, a coffee library perhaps” Lili shakes her head.
“Madalas ako dito, konti lang ang tao tapos libre” tumingin siya sa akin.
“Sabi mo it’s my decision, pwede ka namang umalis if ayaw mo.”
Tsk! Tingnan mo toh, konti na lang magmumukha na siyang madre. Conservative na siya boring pa.
“Fine. If this makes you happy, then why not?” I sighed in defeat.
“Good afternoon po!” mahinang bati ni Lili sa guard.
“Uy sipag ah!” the guard said, tumingin ito sa gawi ko.
“Kuya mo?” kumunot ang noo kosa narinig. Ako, kuya?
“Hindi po. Ninong ko yan” hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Ako. Ninong? Ninong?! NINONG! Do I look like her NINONG?!
Masama kong tiningnan yung guard nung tumango ito.
Kumamot ito ng ulo ng makita niya ang tingin ko.
“Guard magkano araw mo?”
“Po?”
“I said magkano sahod mo every day?” ulit ko.
“500 po sir” agad akong bumunot ng 1,000 sa wallet ko.
“Guard I’m her boyfriend” sabay turo ko kay Lili. Inabot ko yung 1,000 sa kaniya.
“Sino nga ulit ako?” ngumiti yung guard.
“Boyfriend ka ni Ma’am” tumango ako at kinuha nang guard yung 1,000 sa akin
“Pag wala ako then someone flirts with her sabihin mo my gwapo siyang boyfriend” muling tumango yung guard habang binubulsa yung pera.
“Don’t worry sir. Bagay na bagay nga kayo ni ma’am eh” sinamaan ako ng tingin ni Lili, but I’m not afraid. Good mood ako ngayon.
“Let’s go” akmang aakbayan ko si Lili pero agad itong umiwas at umalis sa harap ko. Nakangiting sinundan ko siya.
“Sige sir, mahalin niyo ang isa’t isa” mahina akong tumawa.
Lili was right, wala ngang masyadong tao sa public library. I followed Lili habang tahimik itong umupo sa isang upuan. Nilagay niya yung bag niya sa lamesa at kumuha ng libro doon.
Huh? All this time she has a book. Tapos gusto niya sa public library magbasa? Pwede naman sa coffee shop, maganda pa ambiance.
At dahil wala akong magawa ay kinalabit ko siya, inis itong tumingin sa akin.
“I’m bored” kumunot ang noo nito.
“Ano gagawin?” tumingin uli ito sa librong binabasa. Muli ko siyang kinalabit, salubong na kilay na tiningnan niya ako.
“Alam mo if bored ka, try reading books” Dam—Fine! What do I even expect sa sagot nito. Dinate niya nga ako sa library tapos magbabasa siya mag isa at hindi ako papansinin.
Tumayo ako at kumuha ng libro, kahit anong libro pampalipas oras lang.
Pagbalik ko dun ay padabog kong binagsak yung libro sa lamesa.
“Shhhhh! Quiet please!” muli na namang sumama ang tingin ni Lili sa akin, hindi lang siya, kasama na din Librarian. Mahinang umupo ako at binuksan ang libro.
Fu—Fudge!
A children’s book!
Lumingin ako sa tabi ko at natigilan nang nakatingin din sa librong hawak ko si Lili.
“What?!” mahina pero puno ng gigil na sabi ko. Umiling ito pero kita ko na tumaas ang isang sulok ng labi niya. I breath hard trying to calm myself. Fine, matutulog na lang ako tutal wala pa akong tulog.
I put the children’s book aside at hiniga ang ulo ko sa lamesa habang nakatingin sa direksiyon ni Lili. Walang pasabing inagaw ko ang kanang kamay nito at pinagsiklop iyon. Her hands are cold and she’s a bit shaking. But who cares? Punishment niya toh sa pagdala sa akin sa library at sa mga kahihiyang nangyari sa akin ngayon.
Pilit niyang inagaw ang kamay niya sa akin pero hindi ako bumitaw. Sinamaan niya ako ng tingin.
‘Bahala ka diyan’
I closed my eyes.
“I can’t read.”
“Kamay ba ginagamit sa pagbabasa?” I said while keeping my eyes closed.
“Paano ako maglilipat ng pages?” This time I opened my eyes and looked at her. I sighed at bumangon. Kinuha ko yung libro sa kamay niya at inilapag iyon sa lamesa.
“Use your other hand” maiksing sabi ko sabay higa ulit ng ulo ko sa lamesa. I closed my eyes while still holding her hand.
Pero hindi siya magiging si Liliana kung hindi ito magrereklamo. Pilit pa din nitong binabawi ang kamay sa akin, her hands are still shaking and it’s cold.
Nagmulat ako at inaantok na tiningnan siya. Nakakunot ang noo nito.
“Let me sleep Lili” mahinang sabi ko at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay niya. I closed my eyes and this time ay hindi nito binawi ang kamay niya. I smiled inwardly.