“Shut it, Monique!” ramdam ko ang panginginig ng katawan ko, I’m not anyone’s toy. Nagbaba ako ng tingin at kinagat ang ibabang labi ko to calm myself down.
“Oh look, acting as damsel in distress. Ganun mo ba nakuha si Duke? Nagpapa awa” I clench my hands into a fist, hindi dapat ako nagpapa apekto sa mga sinasabi niya. But my body is not listening to me. Ramdam ko ang panlalamig ng katawan ko.
“Monique, I’m warning you!”
“C’mon, Prince. Girl’s fight yan, hindi ka dapat nakikialam” rinig kong sabi ng lalaki na kasama ni Ms. Monique. I took a deep breath, hindi dapat ako natatakot, ayokong kaawaan but my body has its own mind.
“Shut up Connor! Kalalaki mong tao you are letting your date bully another woman.”
“Who’s bullying who? I’m just telling the truth” Bahagya akong nag angat ng tingin, tumingin si Ms. Monique sa direksyon ko. Hindi dapat ako yumuko, alam ko sa sarili ko na walang katotohanan lahat ng sinabi niya but her words are affecting me. I’m emotionally weak kahit gaano ko pa gustong ipakitang malakas ako. That’s why gusto ko tahimik lang ang buhay ko, no words can hurt me by that kind of life. Every word she said makes me uncomfortable.
“Hey, b***h! How many times did you open your legs to Duke?” I will never open my legs to anyone, naiisip ko pa lang ay bumabaliktad na ang sikmura ko. “How many nights did you guys did it?” Never, it will never happen. Bakit ba sobra akong affected? I feel my chest tighten, gusto kong masuka, gusto kong magtago. Parang pakiramdam ko lahat ng tao sa event ay nakatingin sa akin ngayon.
Nag angat ako ng tingin, I saw her opening her mouth to say something pero wala akong marinig. A certain memory flashes into my mind, I don’t want to remember everything. I don’t want to hear her disgusting words; I want to go home.
Nakita kong tumayo si Ms. Monique at akmang aalisin ang maskara ko, gusto kong umiwas pero hindi nakikinig ang katawan ko sa nais ko.
A hand grab Ms. Monique’s hand.
“What are you doing?!” unti-unting bumalik ang init sa katawan ko ng marinig ang boses niya. That voice was like a sun giving warmth to my body. Tiningnan ko ang nag mamay ari ng boses na iyon.
“Why are you here, Grey?” walang suot na mask si Sir Grey, kaya kitang kita ko kung paano magsalubong ang kilay nito ng tumingin sa akin. Galit ito.
“It’s Mr. San Diego for you, Ms. Hutton.” Kita ko ang pag ngiwi ni Ms. Monique.
“You are hurting me” mahina pero rinig kong sabi ni Ms. Monique. Tumayo iyong lalaking kasama niya at hinawakan ang kamay ni Sir Grey.
“Stop it, Grey! Nasasaktan mo si Monique” galit na tumingin si sir Grey doon sa lalaki.
“You should’ve done that Connor, but you did not stop your date when she bullies Mari. Lalaki ka pero you are ungentle man. Ano bang aasahan sa anak sa labas na gaya mo? Manners doesn’t run through your veins” kita ko ang galit sa mata nung Connor. Pabalyang binitawan ni Sir Grey ang kamay ni Ms. Monique, kita ko na namula ito.
Pansin ko na pinagtitinginan na kami, mahina kong hinila ang dulo ng suot na suit ni mSir Grey. Tumingin ito sa akin.
“Let’s go, I’ll drive you home” akmang aabutin ko ang kamay ni Sir Grey ng dumating si Sir.
“What’s happening here?” nagpalipat lipat ang tingin ni Sir sa amin ni Sir Grey. Hinawakan ni Sir Grey ang kamay ko at inalalayan akong tumayo.
“We are leaving” hindi na nito hinintay na makapagsalita si Sir at agad akong hinila palabas ng event. Sir Grey embrace me as we leave the venue.
“Your date is irresponsible, iniwan ka doon habang nakikipag usap siya tungkol sa negosyo. A weak and incapable man” rinig kong sabi ni Sir Grey. Pagkalabas ng venue ay rinig ko ang boses ni Sir na tinatawag kami. Mabilis itong humarang sa amin habang may iilang butil ng pawis sa mukha nito.
“San mo dadalhin ang date ko?” kunot noong tanong nito kay Sir Grey. Kita ko ang inis sa mukha nito.
“I’ll drive her home.”
“Ako na. I’m her date” akmang hahawakan ako ni Sir ng iniwas ako ni Sir Grey sa kaniya.
“Just go back inside, Duke. Baka hindi ka pa tapos makipag usap tungkol sa negosyo mo” nagsalubong ang kilay ni Sir sa narinig.
“Magpapaalam lang ako loob tapos ako na ang maghahatid sa kaniya. I’m her date, Grey. She’s my responsibility” ramdam ko ang bahagyang paghigpit ng pagkakahawak sa akin ni Sir Grey. Hindi naman sobrang higpit kaya hindi ako kumibo.
“Responsibility? Then you are not responsible enough! Iniwan mo si Lili sa table niya mag isa, letting your ex insults her andun pa yung half-brother mo. And now you’re telling me, she’s your responsibility?!” tumaas ang tono ng boses ni Sir Grey.
“Bumalik ka na sa loob, your responsibility ends when you left her” akmang lalagpasan namin si Sir ng humarang uli siya sa daraanan namin.
“Uulitin ko, I’m her date Grey. Ako maghahatid sa kaniya pauwi” rinig kong himinga ng malalim si Sir Grey, kita ko ang pagtitimpi sa mukha nito.
“Umalis ka sa harapan namin, Duke. You won’t like it kapag naubos ang pasensya ko sayo” mariing tinitigan ni Sir si Sir Grey. Wala itong balak umalis, bumuntong hininga ako.
“Sasama na lang po ako sa kaniya, Sir Grey” natigilan silang dalawa at sabay na tumingin sa akin. Kita ko ang pagkunot ng noo ni sir Grey. Ngumiti ako ng kaunti to assure him.
“Sigurado ka?” tumango ako. I heard him sighed.
“Fine, pero nakasunod yung kotse ko sa kotse ni Duke. I want to see that you are safe.”
“Hindi na kailangan, wala akong masamang gagawin kay Lili” sabi ni Sir, masamang tumingin si Sir Grey dito.
“I don’t need your opinion, Duke. Ihahatid ko siya o ihahatid mo siya habang nakasunod ang kotse ko sa inyo. End of discussion” nagsalubong ang kilay ni Sir sa narinig, bumuntong hininga ito at inabot ang kamay niya sa direksiyon ko.
“Let’s go” tiningan ko si Sir Grey, tumango ito at inalis ang kamay niya sa pagkaka akbay sa akin.
“Wait” sabi ni Sir Grey, hinubad nito ang suot na suit at pinatong sa balikat ko. Ramdam ko ang init nito, alam ni Sir Grey paano ako pakalmahin.
Muli itong tumango, lumakad ako sa direksiyon ni Sir at hindi inabot ang kamay nito. Akmang aakbyan ako nito ng umiwas ako. Natigilan siya at naging isang linya ang kaniyang labi.
“Hindi po ba muna kayo magpapaalam sa loob?” sabi ko habang naglalakad sa direksiyon ng kotse niya. Sumunod si Sir sa akin.
“No need, I’ll just text the organizer later” maikli pero seryosong sabi nito, tumango ako. Tumingin ako sa likod at kita ko na naroroon si Sir Grey na nakasunod sa amin.
Nang makarating sa sasakyan ni Sir ay binuksan nito ang pinto. Pumasok ako at mahinang nagpasalamat. Pagsakay ni Sir ng sasakyan ay tiningnan ako nito. Hinubad ni Sir ang suit niya at inabot sa akin.
“Ito ang isuot mo” tiningnan ko ang suit na hawak ni Sir at umiling. Sinuot ko ang suit ni Sir Grey na nakapatong sa balikat ko. His suit makes me comfortable.
Rinig ko ang pagbuntong hninga ni Sir at pinaandar ang sasakyan. Habang nasa biyahe ay tahimik lamang akong nakatingin sa labas ng sasakyan. 11 p.m na ng tumingin ako kanina sa cellphone ko. Marami pa ding sasakyan sa kalsada pero hindi na ganoon karami.
“You like him?” basag ni Sir sa katahimikan. Hindi ko siya tiningnan.
“Sino?” mahinang tanong ko.
“Grey. You like Grey” pagkabanggit niya sa pangalan ni Sir Grey ay gumaan ang pakiramdam ko.
“Hindi” simpleng sagot ko. Hindi ko naman talaga gusto si Sir Grey bilang isang lalaki, para ko siyang nakakatandang kapatid. He makes me feel comfortable na hindi nagagawa ng ibang tao sa akin. Siguro dahil nandoon siya noong panahong kailangan ko ng tulong. Marami siyang nagawa para sa ikabubuti ko, he’s the only person I trust. Kung ibang babae siguro ang ginawan ng kabutihan ni Sir Grey ay malilito kung nahulog na ba sila sa kaniya dahil sa sobrang bait nito, pero alam ko sa sarili ko. I’m not capable of loving someone romantically.
“I saw it, iba ang tingin mo sa kaniya.” Tiningnan ko si Sir. Marahan akong umiling.
“Hindi ko siya gusto”
Laking pasasalamat ko ng hindi na muling nagsalita si Sir habang nasa biyahe. Pinatay nito ang makina ng sasakyan ng makarating kami sa tapat ng bahay.
“I won’t say sorry sa ginawa ni Monique, but if you need compensation for the emotional damage tell me” Hindi makapaniwalang tiningnan ko si Sir. Ano bang ieexpect ko? Hindi siya katulad ni Sir Grey, na mabait at mapagkumbaba. Rich people like him always thinks na kailangan ng compensation ang isang tao if they did something wrong, nakakalimutan ata nila ang salitang sorry.
“I don’t need your compensation, sir. Gusto ko lang tuparin mo yung 1-week na sinabi mo. Even though alam kong nasa cebu ka by that time” kita ko na natigilan si sir sa narinig pero ilang sandali pa ay tumaas ang isang sulok ng labi nito.
“But I didn’t lie, right? Hindi kita guguluhin ng 1 week, hindi ako pupunta sa café, sa bar at sa school mo” tumango ako.
Tok!
Tok!
Tok!
Lumingon ako sa bintana, nakita ko si sir Grey na seryosong nasa labas ng sasakyan. Bahagya akong napangiti.
“Tsk! Hindi daw gusto” rinig kong bulong ni sir pero hindi ko siya pinansin at agad na lumabas ng sasakyan.
“Okay ka lang?” concern na tanong ni Sir Grey, tumango ako.
“Let’s go” hindi pa man kami nakakalayo ay agad na nagsalita si Sir.
“Where are you going?” kumunot ang noo ni Sir Grey habang sinulyapan niya si Sir.
“Kakausapin ko si Lili”
“Sa bahay niya mismo?” mas lalong nagsalubong ang kilay ni sir Grey sa narinig.
“Why? Is there any problem?” kita kong umiling si sir habang may naiinis na ngiti sa labi nito.
“Pwede naman kayong dito sa labas mag usap, bakit sa mismong loob pa ng bahay?”
“Wala akong gagawing masama kay Lili, I’m not like you” mabilis na nakarating sa harap ni Sir Grey si Sir.
“What did you say?!”
“Hindi ako katulad mo na ipipilit sa isang tao yung gusto niya kahit ayaw naman ng iba” kitang kita ko ang inis sa mukha ni Sir.
“Baka nakakalimutan mo na may girlfriend ka, Grey. If she kne—”
“Tell her then” putol ni Sir Grey sa sinasabi ni Sir.
“What?” halatang hindi makapaniwala si Sir sa narinig, masyado kasing malisyoso ang isip niya. Mabait si Sir Grey at alam naming lahat kasama na doon ang girlfriend niya na Sir Grey can’t cheat on her. Matindi ang assurance ni Sir Grey sa girlfriend nito, balita ko ay 4 years hinintay ni Sir Grey yung girlfriend niya kahit walang sila before. Noong nagpaulan ng green flag ay sinalo niya ata ang lahat kaya siguro walang natira kay Sir.
“Tsk!” inilabas ni Sir Grey ang cellphone nito at nagdial sa harap ni Sir.
“Hello, Love?” rinig namin sa kabilang linya nakaloud speaker. Mapapa sana all ka na lang talaga sa Love call sign nila, though kung ako yun ay pagtataasan ako ng balahibo sa buong katawan.
“Love, kakausapin ko sa si Lili sa loob ng bahay niya. May isang malisyosong tao kasi ang gustong magsumbong sayo, let’s call him Duke Terrance Hart.”
“Nandyan ba si Duke?”
“Yes”
“Loudspeaker mo”
“Done, love”
“Duke Terrance Hart, huwag mong igaya sayo ang boyfriend ko! You’re total opposite person, may respeto yang boyfriend ko sa babae unlike you. Noong umulan ng green flag siguro tulog ka nun kaya walang natira sayo. Masyado kang malisyoso akala mo naman good looking ka!” kita ko ang pagngiti ni Sir Grey, kapag inlove si Sir Grey ay napaka halata nito.
“What?” hindi makapaniwalang sabi ni Sir “You know what? Magsama kayong dalawa ng boyfriend mo”
“Ofcourse magsasama talaga kaming dalawa niyan, akin yan eh. Pero ikaw? Goodluck finding a girl na tatagal sa ugali mo!” kita ko na namula ang dulo ng tenga ni Sir Grey halatang kinilig ito.
“Love, okay na. Baka umiyak si Duke niyan” natatawang sabi ni Sir Grey habang si Sir ay may naiinis na ekspresyon sa mukha nito.
“Okay, pag inaway ka niyang feelingero na yan. Tell me. Uwi ka dito pagkatapos mong kausapin si Lili” kung kanina ay parang nakikipag away yung girlfriend ni Sir Grey ay ngayon naman ay malambing ito.
“Sige po, good night na. I love you.” Pagkatapos patayin ni Sir Grey ang tawag ay nakangising tumingin siya kay Sir.
“Let’s go” tumango ako rito at hindi na tinapunan ng tingin si Sir.