Chapter 26 MY PHONE kept on ringing and even if I didn't look at the caller ID, I already know it's Clarence. Ilang araw ko na siya iniignora pati tawag at text niya. Nagpaalam na ako kay Dr. Addie at Dr. JD na gagamitin ang nalalabi kong araw dito sa Denmark bilang bakasyon. Gusto ko magkaroon ng oras para sa sarili ko dahil sa loob ng tatlong taon ko rito, ngayon lang ako makalibot na mag-isa. Hindi ko sinabi kay Andrew pero tingin ko alam na rin naman niya dahil madaldal ang kanyang brother-in-law. Bumilang lang ako ng ilang segundo ay tumunog na ang doorbell ng flat ko. Malalim akong huminga at marahang tumayo para pagbuksan si Andrew. "Sinabi ko na sayo na hindi ko na kailangan ng tour - Clarence! Hi!" Biglang binundol ng kaba ang aking dibdib lalo na ng makita na nangunot ang kany