Chapter 27 HINDI ko sukat akalain na magiging ganito ka-emosyonal ang paghihiwalay namin ni Clarence. Matapos namin gumala, hinatid na niya ako sa airport at eto na nga ang pinaka-mahirap na parte sa lahat. Aalis ako pero hindi ko siya kasama kaya tingin ko mali na pumayag pa akong mag-date kami bago humantong dito. May pumipigil tuloy na umalis sa akin at gawin ang dapat na balak pag-uwi sa Pilipinas. Kanina pa ako iyak ng iyak na para bang hindi na kami magkikita na dalawa kaya panay ang pag-patahan niya sa akin. "Gagawa ako paraan para makapunta kami ni Dean at mag Pasko kasama mo," ani Clarence habang magkadikit ang noo naming dalawa. "Magiging magkaiba ang oras natin," sabi ko sa kanya. "We'll make it work no matter what happens, Arc. Ayos lang ako dito at hindi mo na kailangan ma