Chapter 25 NATULOY ako sa amusement park pero si Andrew ang kasama ko imbis na si Clarence at Dean. Pang-aliw na rin siguro ni Andrew sa sarili ang pag gala na 'to dahil quits na sila ni Hannah. Ganun lang kabilis ang lahat na parang walang nangyari sa kanilang dalawa. Well, may nangyari at higit pa iyon sa iniisip ko. I don't think I can be as wild as Hannah. Mukhang ang mga katulad niya ang tipo ng mga lalaki ngayon. Kaya ba lagi nagka-cancel si Clarence? Do I need to make a move? "Andrew, the thing you did with Hannah, was it good?" Biglang tanong ko kay Andrew habang naglalakad kami at naghahanap ng sasakyan na rides. "Kailangan ko ba maging wild din para hindi na ako lagi i-cancel ni Clarence?" Sunod ko na tanong habang naglalakad pero wala ako natanggap na tugon. Pagtingin ko, mag