Chapter 12

2076 Words
Chapter 12 GUMAAN kahit paano ang ginagawa ko sa mansion ni Dr. Addie dahil sa pagdating ng parents nila. Ang mga ito na ang umaasikaso sa kambal at ang ginagawa ko na lang iyong pagpapaligo saka paglilinis ng mga kalat nila. I'm also checking on Andrew who just came out of the hospital. Dumaan siya sa mabilis na operasyon para maalis ang bato sa kanyang kidney. Tama ako ng hinala tungkol sa iniinda niya na nakuha dahil sa trabaho bilang piloto. Andrew has been through a lot of stress due ever since he came to Denmark which is related to Kayla. "Arc, are you free tonight?" Tanong sa akin ni Clarence. "Uhm, tingin ko naman oo." "Great! Can we eat outside?" "You mean on a date?" Diretso ko na tanong kahit na hindi ko sigurado kung tama ba ang aking interpretasyon. "Probably a friendly date." "No, I mean, yes, it's a date." "Kasama si Dean?" "No. Tayo lang dalawa. My parents are here, too." May kasama din si Dean kaya hindi na problema ang pag-iiwanan sa anak niya. Pero kanino ba ako dapat magpaalam? Ayoko kay Dr. JD dahil baka tuksuhin niya lang ako saka kapatid niya si Clarence. I'll ask Dr. Addie's permission as well as Andrew. "S-sige magpapaalam ako." "Alright. I'll meet you outside at seven, hmm?" Tumango ako saka nagpaalam na papasok sa loob. Galing ako sa garden at hinatiran ng pagkain iyong kambal. Kinuha ko iyong marumi nilang damit at ang ginamit na feeding bottle para hugasan na. Nasalubong ko lang si Clarence na pakiramdam ko ay ako talaga ang hinahanap. I won't cancel this time. Never again. "Arc, do you see my -" Hindi natuloy ni Andrew ang dapat na sasabihin sa akin dahil agad akong lumapit sa kanya saka hinawakan siya sa magkabila niyang braso. "Andrew, inaya ako ni Clarence na lumabas mamaya." "Ayos 'yan. Saan kayo pupunta?" "Hindi niya nabanggit pero tingin ko sa malapit lang. Tingin mo papayagan ako ni Dr. Addie?" "Why not? Nandito naman parents namin at ayos na ako kaya huwag ka na mag-cancel kay Clarence." Ngumiti ako pagkarinig sa sinabi niya pero ngumiwi siya kaya mabilis na napalitan ng pagsimangot ang ngiti ko. "May susuotin ka na?" "May disente naman akong damit. Pwede na iyon siguro." "You're kidding, right?" "Hindi. Seryoso ako." "Finish your chores first, and we'll go out." "Saan tayo pupunta?" "Basta." Hindi na ako nakapagtanong pa ng tumalikod si Andrew at iwan ako doon. Ginawa ko na lang ang sinabi niya at pagkatapos at umalis nga kaming dalawa. Pinayagan ako ni Dr. Addie pero hindi ko napaalam ang tungkol sa paglabas namin ni Andrew. Tinanong ko naman siya at sinabi niyang ayos lang itong pag-alis namin sa kanyang mga magulang. Mabait naman ang mga ito at abot-abot ang pasalamat nila sa ginawa ko na pagbabantay kay Andrew. "Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko habang nasa biyahe kaming dalawa. "I'll treat you to a makeover. First date mo kaya dapat effort-an." "Hala, seryoso ka ba?" "Yes. Ako na bahala kahit muntik mo na ako patayin." "Hoy, hindi kaya. Marunong talaga ako magdrive, maingay ka lang kaya natataranta ako." Iyon naman talaga ang totoo kaya may kasalanan din siya kaya panay ang pag-swerve namin sa daan. Binalingan ko siya at matamang tiningnan. "Seryoso ka nga sa makeover na ito? Hindi naman kailangan saka zero budget ako para dito." "Treat ko nga kaya huwag mo na problemahin ang budget mo. I already wired your salary plus bonus." Agad ko tiningnan ang banking app ko para hati-hatiin na iyong sahod ko. Ganun lagi kapag sahod, hinahati ko na para alam ko kung magkano ang mapupunta sa ipon ko. Halos lumuwa ang mga mata ko ng makita ang sahod na binigay ni Andrew. "Bakit ang laki?" "Why? Is it not enough?" "Sobra-sobra ito, Andrew. Ibabalik ko na lang yung -" "It's yours. Think about yourself too. Puro ka trabaho at hindi na nagpapahinga para suportahan mga magulang at kapatid sa Pilipinas." Hindi ako makapagsalita dahil tama naman si Andrew. Puro nga ako trabaho simula ng mapadpad dito sa Denmark. Kailan lang ako nakagala dahil sa kanya at kahit may alaga akong dalawang makulit, nag-eenjoy naman ako. Rest is an overrated word for me since I was not born rich. "Thank you," "Welcome." Huminto ang sasakyan niya sa tapat ng isang clothing boutique at magkasabay kami bumaba na dalawa. Sa itsura ng establishment halatang mamahalin na ang mga damit doon. Pagpasok namin agad ako inasikaso ng mga staff habang si Andrew naman ay kinausap ng may-ari. Kung ano-ano ginawa ng mga staff sa aking mukha pati na sa buhok kaya ng matapos ay halos hindi ko na makilala ang sarili ko. I never thought that I could be like this once in my life. I look elegant on my above the knee length nude color lace long sleeves dress. Bukas ang likod noon na may ilang disenyo na tingin ko na siyang nagpamahal sa presyo nito. Hindi ako sanay sa high heels kaya muntik na ako matumba ng humarap na ako kay Andrew. Mabuti ay maagap niya ako nahawakan at naalalayan na bumaba mula sa maliit na platform. "Ako ba talaga ito?" Nagkibit balikat lang si Andrew saka hinawakan ang magkabilang balikat ko at nagtama ang mga mata namin sa salamin. "Nagmukha akong tao, Andrew." "Yeah, hindi ka na mukhang monster killer." "Bwisit ka talaga." Nanatiling nakatingin sa akin si Andrew at ako din ngunit una ako nagbawi saka tinuon sa itsura ko ang atensyon. Kapag nakita kaya ako ni Clarence ano ang magiging reaksyon niya? Pareho ba ng reaksyon ni Andrew? Normal lang naman yung reaksyon ni Andrew hindi gaya sa reaksyon ng mga napapanood ko sa TV. I don't see any adoration in his eyes and he even teased me minutes ago. "Smile, Arc at mag-chin up ka. Act like a confident lady. I'm pretty sure Clarence's jaw will drop later." "Bakit ikaw hindi ka ba nagandahan sa akin?" Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa ng paharapin sa kanya. "No." "Tss!" I said and frowned at him. *** "HOW do I look, Dean?" Hindi nagsalita si Dean at nakatitig lang sa akin. Kasama siya ni Clarence ng sunduin nila ako sa bahay ni Dr. Addie. Kaparehong reaksyon iyon na nakuha ko sa mga magulang ni Andrew at sa kambal na alaga. Muntik na nila akong hindi makilala pero nag-stand out pa rin ang pang-aasar ni Andrew hanggang sa makalabas ako. Pagkatapos ako paayusan ay aasarin lang. Matalino talaga at magaling umisip ng paraan paano ako mapipikon. "You're beautiful, Arc." Si Clarence na ang sumagot at hindi ko alam kung nahalata ba niya ang pamumula ng aking mga pisngi. Tumakbo si Dean papasok sa bahay at hindi na sinagot ang tanong ko. "That is his way of telling how beautiful you are." "He walked out?" Clarence chuckled. "He is shy." Tumango ako bilang sagot. "Shall we?" Ngumiti ako saka umabrisete na sa kanya. Lalong lumutang ang kagwapuhan ni Clarence sa suot niyang gray three piece suit. He smells like the most expensive men's perfume. I can't help but to look at him and memorize each part of his face. Parang may paro-paro sa loob ng tiyan ng mga oras na ito at iyong ritmo ng puso ko ay hindi magagawa mabasa ng kahit anong aparato. I have to breathe normally but how do I do it when you're sitting next to the man you like? Nang tingnan niya ako agad ako umiba ng tingin at pinagpag ko ang suot ko na damit. Date talaga ito at hindi gaya noong na-cancel ko noong una. Kami lang dalawa tapos ang suot namin ay gaya lahat sa pelikula na napanood ko. I heard Clarence clearing his throat and tapping his finger on the steering wheel. Dapat nag-uusap kami pero ano ang magandang topic? Kahit ano siguro para hindi awkward iyong hangin. "Uhm, where are going?" Tanong ko sa kanya. "Yeah, sorry, I didn't let you know." He said, pulling his phone out of the side compartment. "The menu is there, and all you need to do is to choose from there. Kung ano ang order mo iyon na rin sa akin. The passcode is my birthday - you knew it?" Mabilis ko kasing na-key in iyong passcode kahit hindi pa niya sinasabi. Wallpaper nila ni Dean ang bumungad pag-ilaw noon kanina. Nawala iyong kaba ko na makita na yung dating asawa niya ang makikita ko roon. "O-oo kasi ano," Clarence chuckles. "Nakakahiya." "It's okay. Choose our order now," Agad naman ako pumili pero wala ni-isa sa mga pagkain ang nakain ko na. It's a menu from an expensive and famous restaurant in Denmark. "You can't choose?" "Wala akong ideya sa mga pangalan ng pagkain. Ano ba ang best seller nila?" "Choose from the pasta and steak lists. I read too many reviews about them last night." "Akala ko kumain ka na dito," "Not yet. Ito ang unang beses na nakipag-date ako. I'm not familiar now with the basics. Sabihan mo ako kung ano dapat gagawin." Wala din ako alam sa mga ganito pero sige gagamitin ko na iyong natutunan ko sa pelikula. Dapat pala nagtanong ako kay Andrew dahil bihasa iyon sa mga ganito saka shala ang mga nakaka-date noon base sa research ko. Bakit ba ako nag-research tungkol kay Andrew? Arc, let's stop thinking about him and focus your attention on Clarence. "Wala pa rin ako date experience at odd ang reference ko," "What is your reference?" "M-movies?" Tumawa si Clarence ng malakas. Ang gwapo pa rin niya kahit natawa lang at walang na masyadong efforts. "It's odd, but okay, let's make this night memorable for a first-timer like us, shall we?" "We shall." Clarence held my hand and what he did next made my heart beat faster. He planted a soft kiss on top of it, and it made my cheeks turn red. Oh, God, ganito pala iyon. Salamat po sa experience! *** CLARENCE and I walked around the village when we arrived earlier than the curfew time that I set. Sabi ko sa kanya dapat twelve midnight naka-uwi na kami dahil gumigising ang kambal ng ganung oras. Pumayag naman siya kaya umalis kami sa restaurant ng alas diyes at nakauwi ng pasado alas onse na. May isang oras pa kaya naisipan naming maglakad-lakad muna at mag-usap tungkol sa kung ano-anong bagay. Patuloy kami sa paglakad hanggang sa makarating kami sa mini park sa loob noon. "Did you enjoy our date, Arc?" Tanong ni Clarence sa akin. "Sobra at ang sarap ng mga kinain natin. May ikukwento ako kay Mama kapag tumawag ako sa kanila bukas." Lagi ko nagkukwento kay Mama kapag may bago ako na-experience o di kaya naman ay kapag may problema. Na-kwento ko na sa kanya na may crush ako sa kapatid ng boss ko pero sabi niya unahin ko muna iyong pagbabalik ko sa pag-aaral gaya ng pangako ko sa kanila. Wala naman daw kaso na mag-boyfriend ako basta hindi nakakaapekto sa lahat ng gawain ko. Ngumiti si Clarence pagkarinig sa sinabi ko. "I'm glad that you like it and you enjoy this night." Lumakad ako at naupo sa swing saka marahan iyon ginalaw. I watched Clarence walk behind me and help me sway the swing carefully. "Ikaw nag-enjoy ka ba? Hindi ba sobrang daldal ko?" "Nope, sakto lang. I love it, by the way," "Ang alin?" Umalis siya sa likod ko at nagpunta sa aking harapan. "Everything about you, Arc. I like it. I like you." Pinaglapat ko ang mga labi ko. I didn't expect to receive a confession from the guy I like. Lagi kasi ako ang nauuna na umamin kapag may crush ako tapos lalayo sila sa akin. Ganun ang akala pero kabaliktaran ang lahat. Clarence likes me too and this is the best feeling ever. Iyong crush ka rin ng crush mo, that's heaven! "I know this quite fast, and it's okay if you don't answer now, but I want to say it all to you still. I want to court you. I want us to go on a date when you're free. I want to be in a relationship again, Arc." Huminga siya ng malalim saka tumingin diretso sa mga mata ko. "No pressure intended, hmm? Maghihintay ako hanggang sa makapag desisyon ka na. Alam ko na marami pa kailangan na ayusin, yung trabaho mo kay Kuya tapos mag-aaral ka pa pagbalik mo sa Pilipinas at si Dean. We'll take everything one step at a time, Arc."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD