Chapter 13 "HOW was your date, Cinderella?" Iyon ang tanong na agad ko narinig at siyang pumukaw sa aking atensyon. Napatingin ako sa paa ko at doon napagtanto ko ang dahilan kaya tinawag ako ni Andrew na Cinderella. Bakit ba siya nasa labas pa? Hinihintay ba niya ako? Huwag assumera, Arc. Masyado ka na pinagpala ngayong araw. Hanggang sa mga oras na ito iniisip ko pa rin ang confession ni Clarence na hindi ko talaga inaasahan. Nang mga oras na iyon pakiramdam ko ang haba-haba ng buhok ko dahil gusto din ako ng lalaking gusto ko. Ginalang niya ang pananahimik ko at bago pa ako makapasok kanina, marahan akong hinila ni Clarence saka magaan na pinatakan ng halik ang aking noo. Gaya ng sabi niya, naging memorable nga itong gabi na ito para sa aming dalawa lalo na sa akin na walang experi