Chapter 11

2046 Words
Chapter 11 I HEARD two snaps which made me come back to reality. Galing iyon kay Andrew na natatandaan ko na kausap ko pala. Iyong sinabi niya ang sandaling nagpahinto sa mundo ko na agad ko namang na-absorb. Love is always not about s*x. Tama siya, mas importante ang koneksyon ng dalawang taong nagmamahalan kasya yung puro makamundong pangangailangan lamang ang pinaiiral. "Oh, God!" Andrew exclaimed as he carefully stretched his body. "Magpunta na kaya tayo sa ospital. Hindi naman kita iiwan doon, promise." "Ayoko. Walang maiiwan para bantayan ang kambal." "Clarence. I'll ask Clarence; then I'll drive you to the hospital." "You know how to drive?" "That's my problem to solve but yeah, I know the basics." Umiling siya pagkatapos marinig ang sinabi ko. Parang sira talaga ang isang ito kahit kailan. Kailangan na matingnan ang likod niya para malaman kung ano dahilan ng pagsakit noon. Ayokong maniwala na dahil lang iyon sa paghiga. I know when something is wrong and that instinct developed while I'm taking my college degree. "Tatawagin ko na si Clarence." "Arc! Arcelia!" Hindi ko siya nilingon dahil desidido na talaga ako na dalhin siya sa ospital. Hindi ko naman siya iiwan doon na mag-isa kung iyon talaga ang kinakatakutan niya. I cannot imagine how managed the severe fever he had back when he was a kid. Knowing that he has a doctor father and sister. Hindi ako nahirapan pakiusapan si Clarence at agad niya ako sinundan kasama si Dean sa bahay ng mga boss ko. "Mahimbing naman ang tulog ng kambal kaya wala ka dapat ikataranta," sabi ko kay Clarence. "I know, Arc, you don't need to worry." Sinipat niya si Andrew sa labas na nakatayo sa labas ng sasakyan nito at nakakapit pa rin sa likod. "Kaya mo na ba siya? We can call 911 if you want." "Kaya na. Tatawagan ko na lang si Dr. Addie para sabihin ang nangyari." "Okay." Akma akong tatalikod ngunit napigil ng magsalita siya ulit. "Are you sure you see Andrew as a friend?" Nabigla 'man ako sa klase ng tanong niya ngunit agad din naman ako nakabawi. "Oo naman. Sige na aalis na kami," "It's a relief, Arc." Ngumiti ako. Gusto ko sana tanungin kung ano ibig sabihin noon kaya lang nagmamadali na ako. Saka ko na lang iintindihin ang sinabi ni Clarence. Ang importante ngayon madala sa ospital si Andrew kahit hindi naman ito parte ng trabaho ko. Binabayaran ako para alagaan iyong kambal kaya lang masyado ng alarming itong pagsakit ng likuran ni Andrew. I remember my father who's been diagnosed with kidney stones. Walang-wala kami noon tapos kailangan operahan at itong mga nakikita ko na sintomas kay Andrew ay nag manifest din kay Papa. Halos lahat ng kamag-anak ay hingan ko ng tulong at iilan lang sa mga iyon ang nagpa-abot ng tulong. I have to work for the operation fee. Akala ko naman ang susunod na ma-o-ospital noon pero hindi hinayaan ng Diyos. Hindi naman problema ni Andrew ang pera pero bumalik pa rin iyong takot siguro dahil kaibigan na nga turing ko sa mokong na 'to. "Hindi ka talaga marunong makinig, Arc." "Hindi kasi okay iyan. We have to know what's the cause now before it gets worse." "Why are you doing this?" "Kailangan ko pa ba sagutin iyan? Teka, paano ba 'to?" "Insert here and wear your seat belt. Wait - marunong ka talaga mag drive?" "I know the basics." "Oh, God, dito yata ako mamamatay." "Sira hindi ka mamamatay. Trust me, okay?" "Do you know where the break is and the gas?" Pinakita ko sa kanya na alam ko ginagawa ko kaya lang maling pedal naapakan ko kaya sumigaw siya. "I won't let you drive again, Arc." "Sorry, okay? Kalma lang diyan kaya ko ito." "Do you even have a license? A Danish one?" "No, hindi pa ako citizen dito." Andrew groaned loudly and it filled the entire car. Sinubukan ko siya ignorahin kaya lang panay ang sita niya kaya hindi ko maiwasan na mag swerve. Pinakalma ko siya kaya lang walang epekto at panay ang sigawan namin sa loob ng sasakyan niya. I know that this is his precious car but he needs to calm down so I can drive peacefully. Sa hinaba-haba ng pagtatalo namin, nakarating din kami sa ospital. "Remind me again to enroll you in a driving school and get you a Danish license." "Oo na, boss. Buhay naman tayong nakarating kaya nabasag yata ang eardrum ko. Iiwan kita muna at magpatingin sa ear doctor." "You said you'll never leave me here?" "Oh? You remember that?" "Whatever! How long are we going to wait here?" "Relax. Breath in, breath out." Sinunod niya ako at iyon ang pinagawa ko hanggang sa asikasuhin kami ng nurse. Hindi ako pinalayo ni Andrew sa tabi niya kahit na pinalalabas ako ng nurse at doctor. Matigas talaga ang ulo ni Andrew kaya muntik na kami mapalabas ng emergency room. I have to calm him down and distract in all possible ways. "Look at me, Andrew. Sa akin ka lang tumingin at huwag sa injection, okay?" "Distract me," "How?" Tumingin ako sa nurse na nag asikaso sa amin para kuhaan siya ng blood samples. "Alright, think of me as your girlfriend." "What? Hindi mo ako type, right?" The nurse had an opportunity to inject the needle on his arm and draw blood quickly. "Syempre oo." Sabi ko sa kanya saka marahang tinapik ang ulo niya. "X Ray ang sunod tapos sabi ng nurse gwapo ka pero napaka-ingay mo," Pinukol niya ang masamang tingin. Hindi ko siya pinansin at pasimpleng tumawa lang. May nurse na lumapit sa akin tinanong details ni Andrew for admission. Akala ko hindi kami magtatagal kaya lang mukhang nakita din ng doktor ang diagnosis ko. I have to explain it to Andrew very well without yelling at him. "Did you just admit that I am handsome?" "Ang sabi ko, sabi ng nurse. It wasn't from me." Giit ko sa kanya. Now it is his turn to tease me as if we're not in an emergency room. Inignora ko siya at kinausap ang attending nurse niya tapos iyong doktor naman na nag request na i-admit si Andrew. They continue to ask personal details of Andrew which I ask him too. Alam ko lang Dominguez apelyido niya at iyong buong pangalan ay hindi. He revealed it to me and I found it handsome. "Did you text my twin? Maybe she can help us find a VIP room for me." "Yes, and she said I look for Dr. Temperance. Dapat daw kamag-anak ang pakilala ko para hindi kailangan ng consent." "Okay -" "Hi! You're Dr. De Luna's brother?" Hindi natuloy ni Andrew ang dapat na sasabihin sa akin dahil may umeksenang blandina na doktor sa pagitan naming dalawa. "I am Dr. Temperance but you can call me Tempe. I already fix the room where you will stay for a while." Binalingan ako ng doctor at kunot noong tiningnan. "Who are you?" "I'm his -" "Wife. She's my wife, Arcelia Dominguez." The doctor lips formed an O shape as she eyed me from head to foot. Naglahad ako ng kamay kahit hindi prepared sa skit na inumpisahan ni Andrew. Iniiwasan ko nga ang ganitong eksena pero wala, talagang maiipit at maiipit ako kahit na anong iwas ko. "Call me Arc for short," I said and shook her hand. *** "OH MY GOD! Wala na ba kayong ibang palusot na maisip?" Iyon ang bungad na salita sa amin ni Dr. Addie matapos malaman na mag-asawa kami base sa records ng ospital. "Ikaw, Andrew, ilang beses na kita sinabihan na magpatingin sa Pilipinas pero hindi mo ginawa. Now, you give Arc so much burden. Ikaw magpasahod sa kanya this month plus bonus." "Ah, ayos -" Naputol ang dapat na sasabihin ko ng magsalitan ulit si Dr. Addie. Hindi niya tinigilan ang kapatid hanggang sa magtaklukbong na lang ito ng kumot. Umeepekto na rin ang painkillers na sinasaksak sa kanina kaya namumungay na ang mga mata. "I'll call you back when I got home." "Do go home yet, Arc. Sabi mo hindi mo ako iiwan dito." Andrew said under the blanket. Nagkibit balikat lang ako sa harap ng camera kahit pa pakiramdam ko ay iba na ang kahulugan noon sa dalawang kausap ko. O baka kay Dr. JD lang? Dr. Addie is very serious and she's all red because of what happened to Andrew. Concern siya na naiinis at the same time dahil pabaya sa kalusugan itong si Andrew. No one can blame an older sister even if they're twins. "What a bum? Hanggang ngayon takot pa rin sa ospital." Dr. Addie exclaimed. Pinahinga siya ng malalim ni Dr. JD saka pinakalma. "Bear with for a little more time. I asked Mom and Dad to go their to help you until he is sick." "Okay po. Hintayin ko na lang sila na dumating." Sinabihan niya na ako na natawagan na ni Dr. JD si Clarence at nasabihan na sa sitwasyon namin dito. I am glad that he is very helpful despite the cancellation I made because of Andrew. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam bakit ako bigla nag-cancel dahil lang sa walang kasama si Andrew. Idagdag pa iyong conversation naming dalawa bago kami humantong dito sa ospital. Natapos ang usapan namin at nilapitan ko na si Andrew. "Are you sleeping?" Tanong ko. "No, I can't sleep." "Wait for more minutes before the painkillers take effect." "I'm sorry, Arc." "What?" "Nothing. Pretend I'm not saying anything." "Okay." Naupo ako sa sofa at sinandal ang ulo ko sa head rest noon saka sandaling pinikit ang mga mata. As much as I miss graveyard shifts, mukhang hindi na ako sanay kaya kinakabahan na ako sa kapag bumalik ako sa school. Medical school is very demanding when it comes to duties and responsibilities. "Arc, I can't sleep." "What do you want me to do?" "Talk to me." "About?" "Anything. Ask me a question, and I'll answer." "Does every guy want an experienced woman in bed?" "I don't know." "Ang labo mo kausap. Sabi mo sasagutin mo lahat." "Why do we have to talk about s*x?" "Normal lang naman sa magkaibigan iyo. We're friends, at least for me. Wala ka naman choice kaya pumayag ka na kahit binalak mo ako ipapulis noon." "s*x is something that can be emotionally damaging sometimes. If you don't do it in the right way, you'll get attached to that one person who cannot offer long-term commitment—never settled in that kind of relationship, Arc. Do not look for a guy who will put you under his spell and take advantage of everything. Always meet halfway. Hindi pwede lamang ka o siya, dapat pantay." Andrew's advice is something that I did not hear from my friends and cousins. Sobrang malalim ang advise niya na para bang may pinaghuhugutan siya na masalimuot na daigdig. What happened to him in the past? I can sense fear, disappointment and anger in his words. Para bang sa bawat payo niya ay ayaw niyang mangyari sa akin iyong bagay na kanyang naranasan. "Who hurt you, Andrew?" Dagli ko na itanong sa kanya na kusa na lang lumabas sa aking bibig. Andrew remained silent and it's fine if he doesn't want to answer my question. Ako lang naman ang nagsabi na magkaibigan kaming dalawa at hindi siya. "She is someone I wanted to forget in all possible ways, but no matter how I tried, she kept on popping around like a poisonous mushroom." "What did she do to you?" "A lot which I can't name one by one. She hurt me, got my highest hopes, and always took me for granted. It is my fault, and I'm at fault because I let her. I'm always there when she needs a man of comfort but never did the same thing for me." Nakinig lang ako sa kanya. Mahirap ang unrequited love kahit hindi ko pa naranasan. Hindi ko naman pwedeng sabihin na unrequited itong nararamdaman ko kay Clarence. I like him but I didn't expect anything nor does he like me back. Kung ano ang ibigay tatanggapin ko ng maluwag sa puso. Hindi bale ng malayo ang lakbayin ko basta alam ko na sa bandang huli ay makakarating din ako sa dulo kung saan siya naroon…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD