Chapter 02

1692 Words
Arc Present time... “AKALA mo kung sino - gwapo ka lang pero ang pangit ng ugali mo!” sigaw ko sa picture na tinitingnan ko habang naglalakad pabalik sa kwarto ng kambal. Natapos ang araw ko na inis na inis kay Andrew. Kahit nag-sorry siya kanina, na alam ko namang labas sa ilong, hindi ko parin magawang magpatawad. Kailangan ko gumanti pero paano? Iniisip ko palang na makakasama ko siya sa bahay nina Dr. Addie at Dr. JD parang gusto ko na lang iwan ang trabaho ko dito. Sabihin ko kaya na doon na lang sa flat ko alagaan ang kambal at si Dean? Hindi, Arc, 'di mo gagawin iyon. Kapag umiwas ka, talo ka. Makikita ng Andrew na 'yon ganti ng babaeng api! Inalis ko na sa search bar yung pangalan niya at nag-umpisa na mag-order ng sapatos na hiling sa akin ng kapatid ko. Pagpasok ko sa flat ko, agad ko silang tinawagan kahit na hindi pa nagpapalit ng damit. “Hi Ate! Kumusta ka dyan?” tanong na bungad sa akin ni Marcelia. “Mapusyaw na kulay ni Ate, 'Ma, 'Pa.” Napangiti ako dahil sa sinabing iyon ng kapatid ko. Agad naman naglapitan ang mga magulang ko upang tingnan ako. Miss ko na sila at gustong gusto ko nang umuwi para lang mayakap sila. Maliit pa ang ipon kaya imposible pa na makauwi ako. May bakasyon na naman na binibigay sina Dr. Addie at Dr. JD kaso ayokong tanggapin. Uuwi ako kapag nakaipon at hindi na babalik dito. Ayoko na kasing malayo sa kanila at by that time, I maybe attending medical school. “May boyfriend ka na siguro dyan, Ate.” tanong ni Dennis sa akin. Napaka-atribida talaga nitong kapatid kong lalaki kahit na kailan. Talagang na-isingit pa iyon gayong hindi nga ako magkandaugaga sa pag-aalaga sa kambal. Natawa ako nung batukan si Denis ni Papa. “Mag-do-doctor pa ang Ate mo kaya hindi 'yan magbo-boyfriend muna.” Si Mama naman ang umalma dahil paano daw kung buong buhay ko ay nag-aaral ako? Gusto daw niyang magka-apo sa akin kaya ayos lang daw kung makipag-date ako sa ibang lahi. I have a crush and that is Atty. John Clarence De Luna. Kaso 'di naman ako mapapansin ng isang iyon na masyadong focus sa pagiging consultant at tatay kay Dean. Hindi pa din yata nakaka-moved sa yumaong asawa. “Saka na 'yang love life. Ipon muna kaya kayong dalawa, mag-aral kayo mabuti. Ayos lang kung walang honor basta maka-graduate ha.” Bilin ko sa mga kapatid ko na sinang-ayunan naman ng mga magulang namin. “Kumusta ka naman dyan, Arc?” tanong ni Mama. “Ayos naman po ako saka mabait mga amo ko. Eto nga oh at nasa bahay na ho ako kahit maaga pa,” pagmamalaki ko sa kanilang dalawa. Nagpaalam na yung dalawa kong kapatid na mag-aaral pa daw. “huwag niyo na po ako masyadong isipin dito. Makakauwi din po ako dyan at pangako ko sa inyo, magkakaroon kayo ng doctor na anak.” “Huwag mo pababayaan ang sarili mo dyan. Salamat sa sakripisyo mo, Arc. Alam naming labag sa loob mo 'yan pero sumugal ka para makatulong sa amin.” I wiped the tears that rolls down from my eyes. Grabe naman kasi itong si Mama kung magpaalala. Labag nga sa loob ko itong pagtatrabaho dito pero ito lang yung choice na naiisip ko. In a span of three years na-pa-ayos ko na yung bahay namin. Nakababawas na din sa mga utang namin sa mga kapitbahay at kamag-anak. Settled na yung kaso ko sa dating employer ko. Inayos lahat ni Dr. JD iyon at nagawa pang pagbayarin yung agency ko na pinili ko ding ipadala kina Mama at Papa. Ngayon, kalahati ng sahod ko sa mga De Luna ay mapupunta na sa ipon ko. Inabot ko yung bank book ko kung saan lahat napupunta yung ipon ko. Maliit pa iyon para pangtustos sa pag-aaral ko pagbalik kaya kailangan ko pa kumayod ng husto dito. Konting konti na lang, Arc. Laban pa! ~•~•~ TUMABANG ang ekspresyon sa mukha ko nang si Andrew ang mabungaran paglabas ko sa malawak na garden ng mga De Luna. He is wearing a plain white shirt and above the knees shorts. Tinernuhan iyon ng white sneakers at nakasuot pa ng shades. Mukhang may lakad si Lucifer at never ko siyang ba-batiin. As in never! “Ate Arc!” sigaw na nagmula sa likuran ko. “Dean!” I gently pinched his reddish cheeks then hugged him. Sabik na sabik lagi sa yakap itong batang ito at sobrang sweet. “I have an early meeting. I thought you're not awake yet,” wika ni Clarence sa akin. Ang gwapo niya at gumanda na yung mood ko dahil sa kanya. Ganito siya palagi sa akin. Nagsasabi ng lakad niya at bilang feeling-era akong klase ng babae, kung ano ano na tuloy tumatakbo sa isip ko. Wala naman masama kung magiging stepmom ako ni Dean. I think gusto din ni Dean ang ideyang iyon kaso kailangan ko muna ligawan ang tatay niya. “Ako na bahala kay Dean. Ingat ka!” Parehas kaming kumaway ni Dean kay Clarence na naglakad na agad papunta sa kotse nito. Someone scoffed and that caught my attention. “You're too obvious,” komento ni Andrew saka lumakad na din paalis. Hinihingi ko ba opinyon niya? Mema lang? Nako, kung 'di siya kapatid ni Dr. Addie tatampalin ko na talaga siya. Nakakainis! Pumasok na kami ni Dean sa loob at doon naabutan naming naglalaro sa lapag si Chase at Chance. Agad na lumapit dito si Dean para makipaglaro habang ako naman nilabas ang gamit sa couch at tinali ang may kahabaan kong buhok. Gusto ko na nga iyon pagupitan kaso pag-uuwi na ay tinatamad na akong gumala. Nadadalas ang pagpapa-uwi sa akin ni Dr. Addie ng maaga para siguro bigyan ako ng time para sa sarili ko. Hindi ko naman napapabayaan ang sarili ko saka masaya ako sa ginagawa ko kaya hindi gaanong dama ang stress. “I already talk to him. Sinabihan ko na siya na tigilan na ang paghabol sa babaeng iyon.” Napalingon ako kina Dr. Addie at Doc JD. Si Andrew ba ang pinag-uusapan nila? Imposible naman kasing si Clarence dahil workaholic 'yun saka reserved na siya sa akin. Naka-video call sila sa amin at nakatutok ang camera kambal. “Maybe Arc can help him,” Agad na nanlaki ang mga mata ko nung mabanggit ang pangalan ko. “I'm so bright, babe. Si Arc ang sagot sa problema mo dahil nakita ni Clarence kung paano niya sindakin si Andrew kahapon.” Ang tsismoso rin ni Clarence at na-kwento pa sa mag-asawa iyong maliit na eksena namin kahapon. Maliit lang naman talaga iyon at pinalaki lang ni Andrew. “You're crazy. Gusto mo bang magiba ang bahay? Hindi ka na naawa kay Arc na may tatlong inaalagaan.” wika ni Dr. Addie. “Hindi naman aalagain ang kapatid mong iyon nga lang ma-attitude.” Gusto kong matawa sa mga sinasabing rants ni Doc JD kay Andrew. Mukhang hindi sila gaanong close at alam ko na may history iyon pero ayokong magtanong pa. Kung mayroon 'man akong gustong alagaan, si Clarence iyon at wala ng iba. “Don't mind my husband. Maglayo na lang kayo ni Andrew para peaceful diyan sa bahay, okay?” Bilin sa akin ni Dr. Addie na nadagdag sa mga bilin na may kinalaman sa kambal at kay Dean. “He's a brat but soft sometimes. May pinagdadaanan kaya intindihin mo na lang.” “He's a brat even without a problem.” Pagtatama ni Doc JD na kinangiti ko. Hinampas ito ni Dr. Addie pero tumawa lang imbis na uminda. “Aalis na kami at ewan ko kung nasabi sayo ni Clarence pero hindi yata uuwi ang isang 'yon. Dean has no companion later. Pwede bang mag-stay si Dean kasama mo just for tonight?” “Sige po. Wala naman po akong gagawin na kapag nakatulog na ang kambal.” “See? Ang bilis niya kausap pag si Clarence ang nangangailangan.” Naiilang lang akong pinuntahan na ang mga alagang kong abala sa paglalaro. Pare-pareho kaming nagpa-alam sa mag-asawa kong amo at gaya ng lagi kong turo sa kambal, humalik sa hangin at nag-ba-bye lang sila sa mga magulang nila. Hindi na humabol o kaya naman umiyak na dati'y palagi kong kalbaryo. Nung nalilibang sa paglalaro yung tatlo, nagligpit ako ng ibang kalat at inumpisahang ihanda yung tutulungan nila. Gano'n ang routine nina Chance at Chase lagi at kapag tulog na ang mga ito, saka naman kami mag-aaral ni Dean. I mixed their milks and followed everything what Dr. Addie taught me. Hindi na ako nahihirapan na patulugin yung kambal. Kung minsan sila pa ang lalapit sa akin para magtimpla ng gatas saka hihiga at gagawin unan ang magkabila kong dibdib. “Dean, open now your books and let's start doing your assignments.” wika ko kay Dean na sinunod naman agad nung bata. Dati hindi ko tinatanggap yung bayad ni Clarence sa pag-aalaga kay Dean kaso nakagawa ng paraan at kinutsaba pa si Dr. Addie na i-diretso sa bank account ko yung bayad. Isang rason kaya mabilis akong naka-ipon at lagi nang may extrang padala sa pamilya ko. “What should I answer about this Ate Arc? It says that I need to describe my mom,” Naantig ang puso ko doon at bakit naman kasi ang insensitive nitong gumawa ng assignment ni Dean. He has no biological Mom but is given a foster Mom in the persona of Dr. Addie. I'm also a Mom to him but I cannot say that. “can I just write how you and Mama Addie take care of me?” “Pwede naman 'yon.” Ngumiti si Dean saka nag-umpisa na magsulat. Dumaan sa gilid namin si Andrew na dire-diretso lang tumungo sa kitchen. Ramdam ko yung titig niya pero sabi nga ni Dr. Addie, iwasan ko na lang dahil may pinagdadaanan. Saka anong bang problema niya sa akin? Inaano ko ba siya? Ugh, ang hirap talaga maging santa kapag may kasamang kampon ng kadiliman!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD