Chapter 03
Arc
ABALA ako sa pagsulyap kay Clarence na kasalukuyang nag-e-exercise sa kabilang balkonahe habang iyong dalawang alaga ko naman ay naglalaro sa crib nila. Ito ang paborito kong view kapag narito sa bahay ng mga amo ko at nakasanayan ko na gawin para gumanda ang araw ko. Kuntento na ako sa ganito at wala din naman ako balak na sabihin sa kanya ang nararamdaman ko kahit pa kaedad na nitong kambal na alaga ko ang feelings ko para sa kanya.
Three years of unrequited love.
Ngayon lang ako nakatagal na nagka-gusto sa iisang lalaki sa loob ng tatlong taon. Siguro dahil siya palagi ang nakikita ko at hindi naman kasi talaga ako nakakagala dito sa Denmark. Ang pinaka-gala ko lang talaga ay kapag mag-iikot kami ng kambal sa village hanggang sa playground. Iyong solo na gala, wala talaga simula ng magtrabaho ako sa mga De Luna. Kaya ganito na lang kalala ang admiration ko kay Clarence hindi lang sa pisikal na anyo kung ‘di pati na sa ugali. Mabait siya, maalaga, magalang at lahat na yata ng positibong M ay maaring ipanlarawan sa kanya. Iyon nga lang may isang M pa siya na hindi nagagawa kaya kung umamin ako balewala din.
Iyong M na iyon ay ang salitang move on.
Hindi pa maka-move on si Clarence sa pagpanaw ng asawa dahil sa komplikasyon sa panganganak kay Dean. Nakakalungkot at iyon ang palagi ko nakikita sa mga mata niya kahit pa nakangiti. Sabagay mahirap talaga mag-move on kapag mahal na mahal mo ang isang tao. Napakurap ako ng biglang dumilim at may kung sino na humarang sa maganda ko na view. Sinubukan ko na lumipat para makita si Clarence kaso sinundan ako ng dilim na sumira at pumutol sa pagpapantasya ko.
Ang panirang iyon ay si Andrew na agad ko tinapunan ng masamang tingin. Inirapan ko siya saka nilapitan na ang mga alaga ko upang pulutin ang mga laruan nila na binato mula sa crib. Si Andrew talaga ang panira sa araw ko at makita lang siya kahit malayo ay kumulo na ang dugo ko. Hindi ko pa rin malimutan iyong pag-aakusa niya sa akin at para lang hindi kami magtalo, lumalayo na ako gaya ng bilin ni Dr. Addie sa akin.
“I’m taking the twins out today.” Kaswal niyang sabi sa akin.
“Sige po, ihahanda ko iyong mga gamit nila.”
“Sasama ka. Hindi ko naman sila kaya na buhatin o akayin mag-isa,”
“Wala po ba ibang choice?”
Humalukipkip siya saka ngumisi. Hindi ko gusto iyon at malamang hindi ko rin magugustuhan kung ano ‘man ang lumabas sa kanyang bibig.
“Meron naman ibang choice.”
“Ano po?” Inosente kong tanong sa kanya.
“Hand me your resignation so you can go now,” Nanlaki ang mga mata ko at wala naman nagbago sa ekspresyon niya. Talagang sinusubok ng lalaki ito ang pasensya ko! “choose now, Arcelia.”
“It’s Arc! Arc, okay?”
“Whatever.” Simple niyang sagot saka tumalikod na sa akin. Inambahan ko siya ng suntok sa hangin dahil sa sobrang inis na nararamdaman. Gusto niya talaga akong mawala dito pero hinding-hindi iyong mangyayari!
Never!
Tingnan natin kung sino unang sumuko sa ating dalawa at hindi ako iyon! Itaga niyo sa bato!
Argh!!!
***
SA ISANG museum kami dinala ni Andrew na ngayon ko lang napuntahan. Hindi naman interesado ang kambal doon at si Chase nga ay nakatulog habang nasa baby carrier bag. Active na active naman si Chance na kalong ni Andrew at panay ang turo sa mga painting na daanan nila. Andrew seems fine but whenever he opens his mouth, everything’s change. Nakakainis na siya lalo kapag ramdam-ramdam ko iyong pang-aasara sa tinig niya.
Hindi talaga maganda na pagsamahin kaming dalawa sa iisang bubong pero hindi naman ako pwedeng umalis lalo’t sa pangangalaga ko naiwan iyong kambal. Dalawang araw palang ang nakakalipas simula ng umalis iyong mag-asawa ngunit parang matagal na silang nawawala. Iniisip ko palang iyong dalawang buwan na wala sila tapos kasama ko itong si Andrew, hindi kaya pulutin na ako sa mental institution?
“Oh my God, Arcelia? Oo ikaw nga!”
Nakuyom ko ang kamay ko ng marinig na naman iyong buong pangalan ko. Ang hilig nila ako tawagin sa buo kong pangalan na hindi ko naman mawari kung bakit. My second name sounds like elite name and I preferred to be called by that too aside from Arc. Tatlong letters na lang babanggitin nila pero binubuo pa! Nang lumingon ako bumungad sa akin ang mukha ni Zydney. Kaklase ko siya sa high school at ang totoo ay wala na akong contact sa kanila simula noong maka-graduate. Nag-nursing ako pero hindi pa nakakapag-take ng board exam kaya hindi ko masabi kung may narating na ba talaga ako.
“How are you? Dito ka na din nakatira? Is that your baby?” Sunod-sunod niyang tanong na hindi ko malaman paano sasagutin lahat.
Base sa itsura niya mukhang nakaka-angat na siya kaysa sa akin at inaatake ako ng panghihina ng loob. Dapat ko ba sabihin na tiga-alaga lang ako dito sa Denmark at natupad iyong sinabi ng nanay nila sa akin na gaya ni Mama magiging ganito lang din ako. Dating domestic helper si Mama pero dahil sa katandaan, hindi na nakabalik at tinapos lang talaga ang pag-aaral ko kaya imbis na magtuloy pa sana sa pagdo-doctor ay pinagpaliban ko muna. Wala naman masama sa trabaho pero nahihiya ako sa hindi ko malamang dahilan. Ganito yata kapag nakakakita ng mga kakilala na nakakaluwag na sa buhay.
“Ah hindi nagta-trabaho ako dito.” Sagot ko sa kanya.
“Doctor ka na ba dito? Uyy, ang galing –“
“Hindi.”
“Hindi rin? Eh, anong trabaho mo dito?”
“Nanny. Alaga ko ang batang ito at naging kagaya ako ni Mama.” Natahimik si Zydney bigla matapos marinig ang sinabi ko. Alam ko na mali na maliitin ang trabahong nakapagpatapos sa akin sa pag-aaral na siyang trabaho ko na rin ngayon. Disente naman itong trabaho ko kaya lang kapag ganitong inaantake ako ng matinding inggit at hiya nawawala ako sa katwiran. Pilit akong ngumiti at pinalis ang biglaang lungkot sa aking mga mata. “Ikaw, dito ka na ba nakatira?”
“Oo. May asawa ko na CEO tapos nagta-trabaho ako dito sa museum na ito bilang curator.”
May mga pagkakataon talaga na hindi sabay-sabay inaangat ang mga tao. Baka ngayon ay oras niya at iyong akin naman ang susunod pero kailan? Gusto ko na rin may maabot kaso kailangan ko pa magtiis dito ng ilang tao bago masunod ang mga pangarap ko na nahinto pansamantala.
“Arc, let’s go. Chance is hungry.” Sambit ng baritonong tinig na pumukaw sa amin pareho ni Zydney. Nakita ko ang pagliwanag ng mga mata niya tila ba natipuhan si Andrew sa hindi ko malaman na dahilan. May asawa na tapos lalandi pa dito sa kapatid ng amo ko.
“Who is he?” Mahinang tanong sa akin ni Zydney.
“Arc.” Tawag sa akin uli ni Andrew.
“B-boss ko. S-sige una na ako,”
“Ipakilala mo ako, Arcelia!” sigaw pa ni Zydney na hindi ko naman ginawa.
Sinuswerte ba siya?
Doon na lang siya sa asawa niyang CEO!
Mabilis ko na nilapitan si Andrew na mukhang naiinis na dahil nakadalawang tawag na siya sa akin kanina. Yari na naman ako sa matalas niyang dila nito dahil para mag-antanda ako bago tuluyang lumapit sa kanya. Inaya niya ako na maglakad-lakad kahit may dala naman siya sasakyan sa buong siyudad para humanap ng maari namin kainan. Hindi ko alam kung nanadya siya o talaga gusto niya akong pasukuin dahil nakakaramdam na ako ng pananakit ng mga paa at balikat. Hindi naman kasi magaan at maliit na bata iyong kambal ano!
“Let’s eat here,” aniya saka tuluyang pumasok sa loob. Iritado naman akong sumunod sa kanya matapos magpapadya sa labas na parang batang inagawan ng candy. Lalo lang sumakit ang paa ko at balikat dahil sa ginawa kaya naman inunahan ko na siya sa pakikipag-usap sa receptionist ng restaurant.
“Hej! Er der et ledigt bord til to?” (Hello! Is there a vacant table for two?)
Ngumiti sa akin iyong receptionist saka sandali na tumingin sa hawak nitong tablet.
“Ja frue, lad mig vise vejen for dig indeni.” (Yes ma'am, let me lead the way for you inside.)
Tiningnan ko si Andrew at pagkamangha ang nabanaag ko sa mga mata niya. Hindi niya siguro inakala na marunong ako magsalita sa lengwahe ng mga Danish people. Sa tagal ko ba naman dito hindi pa ba ako matuto?
“Tara na sa loob, boss.” Sabi ko sa kanya at nagpatiuna sa kanya. One point na sa akin at sa wakas naka-score din!
Sinamahan kami ng receptionist sa loob hanggang sa marating namin ang bakanteng lamesa na bandang dulo. Nag-request ako ng dalawang high chair para sa kambal ng sa gayon ay makakain din ang mga ito.
“When did you learn to speak Danish?” tanong ni Andrew sa akin.
“Curious ka? Bakit? Ang talented ko ba masyado?”
“Nevermind I ask.” Ngumisi ako at sumimangot lang siya. Inabutan kami ng menu ng waiter at ako na ang pumili ng pagkain na pasok sa budget ko. Hindi ko kasi sigurado kung ililibre ba ako nitong kapatid ni Dr. Addie. Iyong sa pagkain na lang kambal ang in-order ko na mahal dahil malamang bayaran iyon ni Andrew bilang pamangkin naman niya ang dalawa. “Are you sure with your order?”
“Ililibre mo ba ako boss?” Diretso kong tanong sa kanya.
“Hindi pa naman ako ganun kasama para hindi pakainin ang tiga-alaga ng mga pamangkin ko,”
Agad ko binawi ang menu sa waiter at nagdagdag ng order ng marinig ang sinabi niya. Iyon lang naman ang hinihintay ko na marinig para hindi na magpigil pa. Sakto makakatipid na naman ako madadagdagan ang ipon ko. Pagka-alis ng waiter, agad ko nilibot ang tingin ko sa paligid namin. Karamihan ng kasama namin doon ay turista. Mabuti pa sila pagala-gala lang at hindi na pino-problema ang pangkain sa araw-araw.
“Stop comparing your chapter one to other’s chapter ten.” Biglang sambit ni Andrew. Napatingin ako sa kanya upang alamin kung ako ba ang kausap niya o hindi. Agad na nagtama ang aming mga mata at bigla naman ako nakaramdam ng pagka-ilang. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at binaling iyon sa kambal ko na alaga. Both of them were smiling from ear to ear while talking to each other. Napangiti ako at napalis noon ang mga iniisip ko.
“I’m comparing myself to them.” Simple kong sagot kay Andrew. White lies iyon at hindi naman ako basta-basta aamin sa kanya. Hindi naman kami magkaibigan at mas tama nga sabihin na magka-away kaming dalawa simula noong muntik na niya akong ipakulong.
“Oh, yeah? Hindi kasi iyon ang nababasa ko sa mga mata mo.”
“Nakakabasa ka ng isip ng tao? Woah! Hindi naman ako na-inform na supernatural pala ang kapatid ni Dr. Addie.”
“Don’t push it, Arcelia.” Ma-awtoridad niyang sabi sa akin. Tumabang ang ekspresyon ko ng banggitin na naman niya ang buo ko na pangalan.
“Arc nga kasi ang itawag mo sa akin!” Giit ko sa kanya.
“What is wrong with your full name?”
“Basta!” Hindi ko rin alam bakit ayoko na nagpapatawag sa buong pangalan ko. Nasanay kasi ako sa nickname lang at hindi naman talaga siya problema talaga. Pinalalaki lang nitong si Andrew ang lahat ng bagay kaya kung minsan mas mukha pa siyang stress sa akin na agad ko namang na-a-absorb. Madalas iniisip ko na lang na stress sponge ang tingin niya sa akin kaya niya ako inaasar lagi.
“As what I’ve said, stop comparing your accomplishment to others. We have our own time, and you have yours. Always look at the bright side of the things happening to you right now.”
“Bakit ko sinasabi sa akin iyan?”
“Wala lang masama ba?”
“Oo kasi hindi naman tayo close dalawa,”
“Fine, but I already said it, and I won’t take that back.”
Napatanga ako sa sinabi niya saka parang wala lang nasabi na binalingan ang kambal na nasa tabi namin pareho.
Ano ba naman itong si Andrew?
Is he a friend or a foe?