Arc
Three years ago...
MAY mga pagkakataon talaga na malas ang tingin mo sa iyong sarili. Gaya ngayon ng sitwasyong kinasadlakan ko. I came here in Denmark for work but the agency sent me to hell. Hindi naman ako aware na kampon pala ng demonyo yung magiging amo ko. Now, I keep on hiding with the authorities because I just escape.
Wala na akong alam na pwedeng taguan dito na hindi nila ako mahahanap. Idagdag pa na naubos na yung allowance ko. Saan na ba ako pupulutin nito? For sure sa kangkungan pero walang gano'n sa Denmark. I can see myself dwelling on the street waiting for some kind hearted people to lend me a krone.
Hindi ako dapat mag-give up dahil may pamilya akong umaasa sa akin sa Pilipinas. Hindi din niya pwedeng malaman na ganito ako kinasadlakan ko sa ibang bansa. I have to find a good employer then asked their help to settle the problem with my previous employer. Kaso saang lupalop ako ng Denmark hahanap ng gano'n? They say Denmark is a happiest place on Earth, but why am I not happy?
Gusto ko ng umuwi at mayakap sina Mama at Papa. Iyon nga lang pare-parehas kaming magugutom. Gugustuhin ko ba ang bagay na iyon? Syempre hindi kaya kailangan ko tatagal pa ang loob ko at kapalan ng mukha. Walang Pinay na sumusuko sa laban. Kaya ko ito! Kaya ko... yata?
“I can cook, clean and do laundry.” sabi ko sa Danish na babae na parang hindi ako naiintindihan. “I just need a job and a place we're I can sleep. I'm not a bad person and I can assure you that.”
Iyong pagpupumilit ko, naging mitsa lang para tumawag yung babae ng pulis. Wala na akong choice kung 'di ang kumaripas ng takbo. Hindi nila ako pwede mahuli at ibalik sa Pilipinas. Hindi pwedeng dito matatapos ang hirap nila Mama at Papa para ma-igapang yung pang-placement fee. Lintek na agency 'yon, makikita nila kapag nakahanap ako ng maayos na employer dito babalik ako at dudurugin ko sila!
Chika lang syempre, pero babalikan ko talaga sila pati na yung walang hiya employer na gusto akong gawing mistress. Dinala ako ng paa ko sa mataong central park kaya naman binagalan ko na ang takbo. Mahihirapan na silang hanapin ako ngayon dahil sa dami nitong mga tao dito. Ganito lang ang buhay ko dito sa loob ng halos isang buwan. Buti na lang na-sabihan ko ang mga kapatid ko na hindi muna ako magpapadala dahil kuripot yung among napuntahan ko.
“That would be fifty krone and twenty-five cents.”
Konting pagkain lang iyon pero gano'n na agad ang presyo. Nagbilang ako sa harapan ng kahera saka dinampot na yung napili kong kainin. That's my first meal for the day and I still don't have a job that will sustain my daily needs. Pabawas ng pabawas yung allowance ko. I sat outside the convenience store and laid the newspaper that I bought a while ago.
Nag-umpisa akong tumawag sa mga naka-post doon pero lahat pala iyon at sarado na ang hiring. Nag-search din ako sa cellphone ko ng mga hiring. Libre naman ang wifi dito at mabilis pa. Mag-cha-charge na lang ako mamaya bago umalis dito sa convenience store. Kailangan na kailangan ko na talagang maghanap ng trabaho.
Napadaan ako sa isang posting na galing sa isang clinic na malapit lang sa kinaroroonan ko. They're in need of a babysitter asap. Papatusin ko ba? May experience naman ako sa pag-aalaga ng bata. Saka magiliw ako sa mga gano'n lalo na kapag baby. Kinuha ko yung number at tinawagan kaso walang sumasagot. Nag-iwan ako ng message dahil iyon naman ang sabi ng operator na nakausap ko. If they're in need, tatawag at tatawg sila sa 'kin. Sana talaga mabait na ito at hindi kampon ng demonyo...
~•~•~
GAYA ng inaasahan ko tumawag nga yung may-ari ng post online. Pinapunta niya ako sa address na sinend via w******p. Doktor yung sender at pamilyar yung apelyido saka hindi Danish na siguradong sigurado ko. Hindi kaya scam lang ito ulit? Bahala na nga si God sa akin. Hindi naman Niya ako ipapahamak lalo't kanina pa ako dasal ng dasal sa Kanya na nawa'y dininig na nga Niya.
Malaki yung bahay at makita lang iyon ay iisipin na agad na sobrang yaman nang mga nakatira. Nagtuloy tuloy ako sa pagpasok hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko sa komedorng bahay. Elegante ang disenyo ng staircase maging ng mga chandeliers. Napadpad ang tingin ko sa mga picture frame at literal na napanganga ako nung makita sa mga iyon ang mukha ng Presidente ng Pilipinas. Tama ba ako ng address na pinasok? Tinanong ko yung guard sa labas at nag-oo naman sila na dito nga nakatira si Dr. John Dawson De Luna.
“HI! You must be Arcelia, right?” The guy who asked me is tall in height. Hair is slightly blond and oozing with s*x appeal. Stop it, Arc. May asawa na siya at tandaan mo trabaho ang punta mo dito. “I'm Dr. John Dawson De Luna, husband of Dra. Claire Addison De Luna.”
“Uhm, hi! You can call me Arc. Ang baho pakinggan ng Arcelia, sir.” Natawa siya bigla sa sinabi ko. Pero totoo naman kasi iyon. Hindi ko maintindihan bakit iyon ang ipinangalan sa akin nina Mama at Papa. “Nasaan na po ba yung aalagaan ko?”
“Wala pa,” he answered.
“Wala pa? Scam po ba 'to?”
Lalong natuwa si Dr. De Luna dahil sa tanong ko pero ang weird kasi na wala pa akong inaalagaan pero nag-ha-hire na sila. Idagdag pa na mga pinoy sila pero hindi ko naman nilalahat. May ilan lang talaga na kapwa ko mas gugustuhin manloko kahit dito sa banyagan bansa.
“No. This is not a scam, Arc. Manganganak palang ang asawa ko any day this week.”
They decided to hire a nanny that can help Dra. Addie in taking care of their twins. Weekdays lang naman daw ang pasok dahil matatagalan bago pa makalipat ang parents ni Dr. JD sa Denmark.
“Bakit ang aga niyo kumuha ng nanny? Pareho kayong doctor so alam nyo dapat na mas magandang naka-experience ng baby yung kalinga ng mga magulang nila.”
“I know you would say that.” Huminga siya ng malalim bago nagsalita muli. Naramdaman ko na ngayon ang kaseryosohan sa kanyang himig. Kanina kasi parang komedyante lang si Dr. JD. “Mag-undergo sa ceasarian operation ang asawa ko at kambal ang anak namin. She has a rare condition that can harm her and our babies. Gusto ko pagkapanganak niya, hindi siya gaano makaka-kilos, ma-i-stress at mag-iisip. We hired you to help us in nursing our twins.”
Tumango-tango lang ako sa sinabi nakita ko ang pag-alwan ng reaksyon sa mukha ni Doc dahil naintindihan ko naman kung bakit nila iyon pinlano.
“Ang swerte naman ng asawa mo, Doc. You hired someone like me to help her in nursing your babies. Bihira na ang ganyang lalaki ngayon.”
“I have to disagree with you, Arc.”
“Bakit may kilala ka po ba? Ipakilala mo naman sa akin kasi sobrang tagal ko na naghihintay. Like buong buhay ko na yata.” He laughed and that filled the entire living room where we at. “Makatawa naman Doc, nakaka-offend, ha.”
“You'll meet him soon. Naniniwala ako sa destiny because it works for us. Exactly four years today when I met my wife here in Denmark. This is indeed the happiest place on Earth.”
Gusto ko siyang salungatin sa mga huling sinabi niya dahil the past few days ang lungkot dito sa Denmark. May araw kung minsan ay gabi pa na naiyak ako dahil sa nangyari sa akin. Pagala-gala ako at na-asa sa private lounge kung saan pwede maligo at magpalit ng damit. Wala talaga akong maayos na tulog simula nung tumakas ako.
“Ang romantic naman.” Komento ko na muling kinatawa ni Doc. We stopped from talking when a beautiful pregnant woman came out of the rooms upstairs. “Ang ganda niyo naman, ma'am. Totoo po ba kayo?”
“Silly girl. Anyway, babe this is Arc. The one I told you that I hired to help you when you give birth.” Pakilala ni Doc sa akin kay Ms. Addie. “... and Arc, this is my wife.”
“Hi! Akala ko na-luwagan na ng turnilyo ang isang ito kaya tawa ng tawa,” sambit ni Ms. Addie sa akin.
“Ang babaw niya nga po. Madali lang patawanin at pu-pusta po ako na kahit hindi nakakatawa ay tatawa 'yan si Doc.”
“I like her. You can start right away.”
Literal na nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Ms. Addie. May trabaho na ako sa wakas at ang kailangan ko na lang humanap ng matutuluyan. Kinausap ako ni Doc JD ng ilang minuto at pumirma ng kontrata. Nabanggit ko sa kanya yung nangyari sa akin at tutulungan niya daw akong ma-settle iyon at kakapalit lang ay yung maayos na trabaho at loyalty. I told him about the reason why I'm here and why I didn't take board right away.
Sinabi pa nila na sobrang nangangailangan ng nurse at doktor sa Pilipinas. Ngunit dahil sa mababang compensation at palasak na health care system, napipilitan na mangibang-bansa na ang lahat. Inaayos na naman lahat daw ng Presidente na tatay pala talaga niya. Kaunti na lang daw at magiging maayos na ang Pilipinas na matagal ko ng hinihintay. Umalis ako sa bahay ng mga De Luna na may malawak na ngiti sa labi. Sa wakas matapos ang ilang araw na paghahanap, may trabaho na akong matino!