Chapter 00

1846 Words
Arc “ADDIE we can’t be late to our flight.” Napangiti ako ng marinig ang reklamo na iyon ni Dr. JD kay Dra Addie. Ito kasing si Doc, hindi pa maiwan-iwan ang kambal sa akin kahit dalawang oras na lang flight na nila papuntang Hawaii. Nagpaalam ang mag-asawa sa akin na dalawang buwan silang mawawala para isang seminar na may kinalaman sa kani-kanilang propesyon. I once dreamed of being a doctor someday. Iyong tipong bago ‘man lamang ako lumakad sa aisle ng simbahan ay sa aisle muna ng ospital ang gusto kong lakaran suot ang doctor’s gown ko na may kumpletong pangalan ko sa may dibdib. Dr. Arcelia Dawn Morada… “We can rebook our flight incase, JD.” sagot naman ni Dr. Addie na pumukaw sa akin na nangangarap ng gising. Doon na akong pumagitna sa kanilang dalawa na malapit ng magbangayan. Ito kasing si Dr. JD ang hilig inisin ang asawa niya, akala mo naman mananalo kapag nakipagtalo na. “Ako na po diyan at kabisado ko na po mga bilin nyo.” sabi ko saka kinuha ang mga gamit nila Chase at Chance. “Nandito na lahat ng kakailanganin mo kaya hindi mo na kailangan pa umakyat sa baby's room. Make sure na lagi sila iinom ng tubig at orasan mo yung pag-inom nila ng gatas.” Inulit na naman ni Dr. Addie ang bilin iyon na palagi ko namang nadidinig sa tuwing iiwanan niya sa pangangalaga ko yung kambal na anak. But, this time is different. Matagal silang mawawala kaya naiintindihan kung bakit siya nagkakaganito. Three years old pa lang yung kambal na anak niya pero kailangan na para sa isang seminar sa ibang lugar. Sobrang mabait yung mag-asawa kong amo at ang laki na ng naitulong nila sa akin. Kaya siguro minalas ako nung unang tungtong ko dito sa Denmark dahil ma-pa-padpad ako sa mga kamay nila. “Hun, let's go now. See? Arc already memorized that, and you might wake up the twins.” Nagmamadaling sabi ni Dr. JD kay Dr. Addie. “I'm making sure lang saka hindi pa naman seminar bukas doon kaya bakit ka ba madaling-madali dyan?” Ayan na naman sila, mag-aaway kuno pero sa bandang huli, na-ka-ka-langgam na sa sobrang sweet ang mga banat sa isa't isa. I admire their love story. Kahit alalahanin lang yung mga kwento nila ay kinikilig pa rin ako. They met here but it was an unpleasant meeting but Dr. JD paved his way to Dr. Addie's heart. Gusto ko din ng ganung klase ng love story at alam ko namang kaya hindi pa binibigay ay dahil na rin 'di pa ako handa. Pamilya muna bago ang lahat. Kailangan makatapos ng mga kapatid ko tapos babalik pa ako sa pagrereview para sa board at saka papasok sa medical school. Suportado nina Dr.Addie at Dr. JD ang plano ko at palagi nila ako tinatanong kung kailan ko gusto bumalik para mag-take na ng board sa Pilipinas. Hindi pa sapat ang ipon ko kaya hindi ko muna iniisip ang sarili kong pangarap. Sabi ko nga kanina, pamilya muna bago ang sarili ko. Mahirap kami at salat sa edukasyon sina Mama at Papa ngunit hindi hadlang yun para tanggalan kami ng karapatan na makatapos saka maging propesyonal. Nagpaubaya lang ako dahil hindi na talaga kaya nila Mama at Papa. Bilang panganay, kailangan ko na tumayo para sa kanila. Tatlong taon na ako dito sa Denmark. Tatlong taon na akong malayo sa kanila at sa mga video call ko lang sila nakaka-usap. Nakaka-homesick pero balewala na iyon kapag gusto mong makatulong talaga. Balewala na yung lungkot dahil pagkatapos nitong shift ko, uuwi ako sa flat ko, kakain mag-isa tapos matutulog na. Itong si Chase at Chance lang kausap ko palagi. “Ate Arc!” sigaw ng isang batang lalaki na nagpalawak ng ngiti ko. Si Dean iyon na kabilang sa mga barkada ko dito sa bahay ng mga De Luna. Minsan kasama namin yung ibang pamangkin ng amo ko pero madalas itong tatlo talaga ang kausap ko. “Oops, sorry. Did I wake them up?” Huminto ito nung makita na natutulog yung kambal. “No dear, but don't shout like that again, okay?” Niyakap ni Dr. Addie si Dean saka hinalikan sa noo. “He's always excited to see Arc.” Napatingin sa akin si Dr. JD. Yung klase ng tingin na may halong panunukso. It is his brother who's talking now. Atty. John Clarence De Luna. May crush ako sa kanya pero si Dr. JD lang may alam na ubod kasi ng pagka-tsismoso. Nagpaalam na sa akin yung mag-asawa at maya maya pa'y sumunod na si Clarence na umalis. Naiwan kami ni Dean na nagkukulay ng assignments niya habang binabantayan pa din yung kambal. Sobrang lalim ng tulog nung dalawa na gumigising kasi kada madaling araw. Nararamdaman ko na ngang o-offer-an na ako nung mag-asawa na mag-stay dito para may katulong silang dalawa. Offer na paulit-ulit na tinatanggihan ko at ngayon lang pumayag dahil matagal sila mawawala sa Denmark. Kung kasipagan lang din naman ang pag-uusapan, bida na doon yung dalawang amo ko kahit pa mga galing sa kilalang pamilya. I remembered my parents reactions when I told them that I got hired in one of the Presidential son's household. Takang taka sila bakit dito sa Denmark nakatira ngayon nasa Pilipinas ang Presidente. Personal choice, iyon ang sabi sa akin ni Dr. JD kaya nandito sila. Yung environment dito nakatulong kay Dr. Addie at sa kambal. Tahimik at malayo pati sa panganib dito. “Ate Arc, gising na si Chase.” wika ni Dean sa akin. Agad ko nilapitan si Chase saka kinalong. Balak kong pabalikin sa pagtulog kaso ayaw na at nagising pa si Chance. Mahirap mag-alaga ng kambal pero iba itong dalawang alaga ko. Konti lang bisyo at palatawa pa. Manang mana kay Dr. JD na certified tsismoso. “Okay, let's prepare the twins' food.” Inaya ko si Dean sa kitchen habang inalalayan ko naman sa paglakad sina Chase at Chance. Mahina pa ang balanse nila pero natutuwa pa din sa improvement nila. Gamit na gamit ko nga sa tatlong batang ito yung mga inaral ko at yung ginawa kong pagbe-babysit sa mga anak ng kapitbahay namin pandagdag sa baon. Wala talaga ako halos trabaho dito dahil bago umalis si Dr. Addie, ready na ang lahat mula sa pampaligo hanggang sa pagkain. I-se-serve ko na lang iyon saka tutulungan sila kumain. “What is that?” Sunod sunod na tanong sa akin ni Andrew na hindi ko namalayan dumating pala. “Are you trying to kill the twins? Dean come here and we're going to call a police.” Kill? Sinong papatayin ko? Nababaliw na ba siya at wagas mag-akusa? Pulis? Bakit siya tatawag ng pulis? Ano bang ginawa ko? Papakainin ko lang naman yung kambal na alaga ko tapos dumating itong Andrew na 'to na handa akong ipa-pulis. “Hello, I'd like to report someone.” Na-alarma ako bigla nang may kausap na si Andrew sa cellphone. Mabilis akong lumapit at pilit iyong inagaw sa kanya. “I'm not gonna harm the twins.” sabi ko sa kanya pero wala yatang tainga ang isang ito. Nagpumilit akong abutin iyon hanggang sa pareho kaming nabuwal sa sahig at umibabaw ako sa kanya. Nagkaroon ako ng pagkakataon na agawin na yung cellphone at patayin. “I'm not a bad person.” sabi ko sa kanya. I try to keep my cool even if his manly smell abusing my nose already. Gwapo siya kaso judgemental lang at parang nakita ko na yung mukha niya somewhere. Ang hirap alalahanin lalo't naging abot abot ang aking nerbyos. Mahirap kasing makulong sa ibang bansa tapos baka ipatapon pa ako pabalik ng Pilipinas at ma-ban dito sa Denmark. Magugutom ang pamilya ko kaya hindi pwedeng mangyari iyon. “Arc? Andrew? What are you --” Parehas kaming napatingin sa pinanggalingan ng tanong na iyon. Lagot na at hindi ko magawang paniwalaan ang nakikita. It was Clarence who’s a little puzzled right now. Hindi maganda ang posisyon naming dalawa. Nasa ibabaw lang naman ako ng lalaking hindi ko talaga magawang maka-sundo kahit na kailan. Itong si Andrew na inakusahan ako na akala mo kung sino! Gwapo ka lang huy! Lumapit si Dean sa akin saka yumakap. Mabilis akong dinaluhan ni Clarence saka tinulungan na makatayo. “She's trying to poison the twins.” Giit ni Andrew. “Bakit ko naman gagawin 'yon? Matagal na ako nagtatrabaho dito at hinding hindi ko magagawa yung inaakusa mo,” sabi ko na halos pasigaw na nga. “Oh, yeah? They’re allergic to cinnamon. Kung matagal ka na dito, dapat alam mo ‘yun.” “Let's continue talking about this inside the study room.” Inirapan ko si Andrew at mabilis na in-asikaso si Dean pati na yung dapat na pagkain nila Chance at Chase. Inalis ko na iyong cinnamon na hindi ko naman talaga alam na bawal pala sa kambal. Mabuti nalang hindi pa huli ang lahat. Ngayon lang ako naghanda ng pagkain ng kambal dahil kapag pupunta ako dito, all is set na at pag-aalalaga na lang aking gagawin. Eskandalosong lalaki pa din si Andrew na kung makapag-akusa akala mo naman ang perpekto! Hindi ako pinalaki para gumawa ng masama sa kapwa ko lalo na ng mga bata. Sa dami kong naalagaan ngayon lang ako may na-encounter na ganitong akusasyon. Panira ng araw kahit pa ang gwapo niya. Dalawang beses ko na siyang pinuri at nakakangilo na. Kriminal ang tingin niya sa 'yo, Arc at demonyo naman siya sa paningin ko. Akala mo talaga ang perpektong tao nitong lalaki na 'to. Nakakairita talaga siya! Ngayon lang ito nangyari at hindi ako papayag na basta na lang akusahan ng sinuman dyan na walang maayos na basehan. Chase and Chance were like my own kids. Pakiramdam ko nga second mother na ang turing nila sa akin lalo na si Dean na laging excited kapag nakikita ako. Sina Clarence, Dr. Addie at Dr. JD ang higit na nakakakilala sa akin. I've been working for them for a year. Napaka-imposible talaga nung akusasyon niya sa akin. Mali ako pero mali din siya sa pag-aakusa ng basta-basta. “Okay pwede bang pareho kayong kumalma?” Hindi ko magawang sundin si Clarence. “Andrew, Addie forgot to tell Arc that the twins are allergic to cinnamon. Nagkataon lang na si Arc ang naghahanda ngayon dahil umalis ang dalawa para sa isang seminar sa Hawaii.” “She could’ve asked you or texted my twin sister?” Bakit parang mas abogado pa itong si Andrew kung umasta kay Clarence. Alam kong hindi sila gaano close pero mali pa din siya at dapat lang na mag-sorry siya sa akin. Tatawag agad ng pulis. “Nalimutan nga -” “I’m not talking to you,” sarkastiko ang sabi ni Andrew sa akin. “Are we done here? Walang kasama yung kambal at anak mo sa labas. Tumayo si Andrew at dire-direchong lumabas sa study room ni Clarence. Ngayon lang talaga ako naka-encounter ng lalaking pinaglihi sa sama ng loob! Ugh, nakaka-inis!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD