Chapter 24 "ANDREW, paano malalaman kapag red flag na lahat sa isang relasyon?" Maang na tumingin sa akin si Andrew pagkasubo niya ng kutsara na may ice cream. After eating dinner, we walked around the village where my flat is situated. May nakita akong ice cream parlor at inaya ko siya doon para ilibre. Give and take, that’s what our friendship looks like right now. If Andrew treats me to dinner, which he always does, I’ll pay for our dessert. Nabasa na niya ang essay ko at naayos na rin kaya handa ko na iyong isend mamaya pag-uwi ko. May ilang linggo pa bago ang Christmas break sa Pilipinas pero hindi ako umaasa ng reply ngayon. Hula ko baka sa unang linggo ng bagong taon sila makapagreply sa akin lahat. Kung matagalan 'man may pagkakataon pa ako na maka-review dahil sobrang tagal ko