Chapter 39 DAYS and months passed so fast, and I’m finally here, sitting on the couch beside Andrew, and on his lap is his laptop. Patuloy iyon nag-lo-loading at kapag natapos na lalabas na yung result ng board exam na matagal ko rin inabangan. Lagi ko sinasabi na baka hindi ako pumasa dahil parang ‘di ko masyadong nabuhos ang best ko noong mag-exam. Andrew kept telling me then and now that I should feed my mind with positive thoughts always. Tinuruan niya ako laging gawin iyon para hindi ako mag-grow as a negative person. Sa relationship namin, masasabi ko na mas marami ako natutunan sa kanya. May na-contribute naman ako bukod sa kalokohan at pang-aasar sa kanya. I never expected that dating a matured guy could be like this. Mas madalas na mag-adjust sa akin si Andrew lalo na sa set-up