Chapter 40 “HALA! Kita ko ang buong Manila mula dito.” Tuwang-tuwa ko na sabi habang nakamansid sa veranda ng hide-out ni Andrew. Hindi naman ito talaga mukhang hide out kasi pwedeng tirahan din at para siyang bahay talaga. Nilabas ko ang cellphone ko sa bag para kunan ng litrato yung magandang view sa harap ko. Natigil ako ng may mapansin ako sa cellphone ko. “Oh? Hindi ka pwedeng masira ngayon.” Pagka-usap ko sa cellphone ko na kinuha agad ni Andrew bago pa tuluyang masira. “Hindi ito sira. Wala talagang signal dito sa taas.” “Eh? Bakit?” Nagkibit-balikat lang siya at pinalapit ako sa kanya. Sumunod naman ako at naupo sa tabi saka pinagmasdan ang view sa harapan namin. “So, bakit mo ako dito dinala? Humingi ka ba ng permiso kay Papa na bukas na ako uuwi?” “Yeah, bago tayo umalis kani