Chapter 17 NATIGIL ako sa paglalakad ng makita si Andrew sa loob ng isang restaurant at may kausap na lalaki. Kakawayan ko dapat siya kaso hindi ko ginawa at inabangan ko na lang na makita niya ako. Naisipan ko gumala dahil nag-ba-bonding ang amo ko kasama ng anak nila. Ayoko naman sumingit at sabi ni Dr. JD, bakasyon muna raw ako dito sa Hawaii para hindi sayang hassle na naranasan ko. Hindi natuloy ang pakiki-tsismis ni Dr. JD sa kung ano meron sa amin ng kapatid niya dahil kay Dr. Addie. Pinaalis kasi ako nito agad kahit hindi pa tulog ang kambal. Naupo ako sa silya sa labas ng katapat na restaurant ng kinaroroonan ni Andrew. Tanaw ko pa rin siya at pati ang kunot sa noo niya at kitang-kita ko. Whatever he's tackling with that guy, I am sure he doesn't like it. Do I need to make a mov