Chapter 05
Arc
TININGNAN ko lang ng masama si Andrew habang nag-a-almusal siya kasama ang kambal ko na alaga. Andrew is busy feeding both of them while I am just watching him do that on my behalf. Hanggang ngayon wala pa rin siya sa tiwala sa akin matapos iyong insidente noong nakaraan. Naiintindihan ko siya ng bahagya pero ngayon masyado na siyang OA at naiinis na ako. My thoughts we’re halted when I heard my phone ringing.
“Good morning there, Arc!” Masayang bati sa akin ni Dr. JD pagkasagot ko sa video call nilang mag-asawa. “Where our twins?”
I smiled. “Good morning, Doc.” Bati ko pabalik saka tinutok ang camera kay Andrew. “I’m not slacking off here. There’s someone here who cannot trust me because of one mistake.”
“Is that Andrew? Hey, Drew, wala kang flight?” Tinig iyon ni Dr. Addie.
Binalingan kami ni Andrew at diretso siya tumingin sa amin.
“I am on leave, sister; therefore, therefore I’ll oversee everything in here until you both come back.”
Inalis ko ang pagkakatutok ng camera kay Andrew at itinutok iyon sa mukha ko. I heard my boss laugh and I didn’t like their reaction either. Pakiramdam ko talaga ay pinagsakluban ako ng langit at lupa dahil sa narinig na rebelasyon ni Andrew. Ibig sabihin lang noon ay impyerno ang magiging buhay ko dito sa mga susunod na araw at buwan.
“Try not to make another twin babies there, Addie.” Huling sabi pa ni Andrew at narinig ko ang violent reaction ni Dr. Addie.
“He should loosen up and find a woman there,” Dr. Addie said but definitely not to me. Alam ko na si Dr. JD ang kausap niya at hindi ko kailangan na isatinig ang aking komento tungkol sa sinabi niya na dapat gawin ni Andrew. Hindi ko alam kung makakahanap pa ang isang ito sa ugaling meron siya. Moody at malakas ang trip niya at napatunayan ko na iyon.
“How will he loosen up if your twin brother focus’ remains to one person only?”
“That’s why I am setting him up on dates after dates, but no one succeeded his heart,”
Doon tumingin sa akin si Dr. JD at base palang doon ay may binabalak siyang hindi ko magugustuhan.
“Tingin ko mas okay kung mag-uusap kayo privately,” sabi sa kanila. “We’re fine here and as you can see, everything is under his control.”
Pilit akong ngumiti saka nagpaalam sa kanilang dalawa. Umirap ako pagkatapos masabi iyon saka binalingan ang mga feeding bottle na kailangan ko hugasan. Pagkatapos nito ay paliliguan ko na iyong dalawa at tuturuan si Dean sa mga assignments niya. This is how I spend my life every single day here in Denmark. No spice at all and romance isn’t a part of my system. Lalo kapag kasing pakielamero ni Andrew ang lalaki.
Why am I even considering him?
Hay nako, Arc, kailangan mo ng breather. Right, a breather will do, but what is it that I consider as a breather?
Napangiti ako ng marinig ang tawa nina Chase at Chance. They’re the breather I need right now.
***
RIGHT NOW, I am like a complete lunatic who’s trying to entertain my boss’s babies. I am holding a broom, wearing a pail in my head, and finding the monsters under the twin’s bed. This is the life I choose after deciding to go and work here in Denmark. I am lucky to have a decent job despite the problems I encountered at first. Kasasabi ko lang kanina na itong dalawang cute na alaga ko ang breather na kailangan ko para kalimutan ang tiyuhin nilang menopausal lagi. But I forgot that the man I wanted to forget is here with us. Now, he’s watching us with a sheepish smile on his face.
“What are you two doing?” tanong niya sa kambal paglapit sa amin. Agad na nagpakalong sa kanya ang dalawa sa kanya at ako naman nanatiling nakatingin sa kanila habang may hawak pa rin na walis tambo. “There’s no monsters, Chance, Chase.” aniya saka binalingan ako. “Take that off now.” utos niya sa akin.
Sinunod ko naman siya agad dahil nakakahiya na talaga ang itsura ko ngayon. Inalis ko agad ang timba sa ulo ko at nilapag iyon sa sahig. Naupo rin ako doon saka nilapag sa tabi ko ang walis tambo.
“Wala ka talagang ginagawa sa buhay mo na iba?”
“Huminga at maging gwapo,”
“Ha-ha, funny.” Inirapan ko siya at ngumisi lang siya. “Come on, Chance, Chase, let’s watch your favorite show.”
“Coco!” Sabay na sabi ng kambal.
Tumayo ako at inayos na ang papanooran nilang dalawa. Lumapit sila sa akin at nagpa-aalalay na umupo sa kanilang upuan. Inayos ko ang upo nila at bahagyang nilayo sa TV gaya ng bilin ni Dr. Addie.
“Aside from working, what are you doing in your free time?”
“I don’t have free time.” Never in my life, I have free time to seat in a nice place and slack off. Kailangan ko kumayod para sa pamilya ko kaya wala akong karapatan na huminto at mag-enjoy. “Kailangan ko ng pera para mabuhay ang pamilya ko sa Pilipinas,”
“I’m sorry that an insensitive question.”
“Accepted. Sanay na ako,”
“Never get used to it. People will take advantage of you if you act like that always. This is Denmark even if we’re Filipinos, fitting in or getting used to things that against you will never be nice.”
Tiningnan ko siya ng maigi at dahil sa narinig ko para akong sandaling nawala sa momentum ko. Pati atensyon ko sa panonood ay naagaw. What is wrong with this guy? May sakit ba siya na may maraming personality? I am curious with that condition since I’m eager to be a medical practioner someday, and I will be soon.
“You’re weird.”
“So as you, monster warrior.”
“Tse!”
Sabay kaming pinatahimik ng kambal dahil sapaw na sapaw ng pag-uusap namin ang pinapanood nilang dalawa. Umayos ako ng upo at nakinood na din sa kanila.
“I’m ordering food; what do you want?”
“At least know how to cook hindi iyong puro order ka,”
“Wow. Did you scold me?”
“Yes, angal ka?”
“What’s the difference though?” Mahina pa niyang sabi na hindi ko naman na pinansin. Bahala siyang mag-isip ng pagkain na i-order niya diyan. Naiiling ako na muling nag-focus kay Coco at sa problema niya kay Ernesto Dela Cruz.
***
PAGKATULOG ng kambal, lumabas ako sa malawak garden ng mansion ng mga amo ko. Iniisip ko pa rin iyong mga sinabi sa akin ni Andrew kanina. Una sabi niya huwag ko ikumpara ang achievements ko sa iba tapos ngayon pinayuhan niya ako na huwag masanay sa pagiging insensitibo ng mga tao. Hindi ko talaga siya ma-gets at out-of-the-blue nagiging ganito siya bigla na para bang gusto niya na makipaglapit sa akin. Ako lang ang nag-iisip noon o talagang gusto niya makipaglapit sa akin?
Para asarin ako?
Posible na iyon ang dahilan niya at madali lang naman ako asarin kahit mga kapatid ko ay nadadalian. Naiiling akong tumingin sa buwan at inisip ang pamilya ko na nasa Pilipinas. Miss na miss ko na silang lahat at kung ako lang, gusto ko na umuwi at hindi na umalis kaya lang kulang pa ang ipon ko para sa kanila. Kulang pa para tuparin ko ang sarili kong mga pangarap sa buhay. Wala naman siguro masama kung ganito ako mangarap kahit sinabi nila na huwag natin masyadong taasan dahil masakit kapag nahulog.
“You really love being alone, huh?” Nabaling agad ang atensyon ko sa nagsalita. “Here, I cooked that, nakakahiya naman sayo.”
“Pinagluto mo ako?” Nagliwanag ang mga mata ko ng tanggapin ko iyong pagkain na binigay niya.
“Ang dali mo talaga suhulan ano? I really doubt your sense of protection ever since I met you,”
Sumubo muna ako ng pagkain, nginuya iyon saka nilunok bago magsalita.
“FYI, wala ka na talaga tiwala sa akin noon pa. Sinabi ko na sayo hindi ko sasaktan ang kambal dahil anak na ang turing ko sa kanila. Sila lang ang meron ako dito sa Denmark. Tiga-alis ng lungkot kapag naalala ko ang pamilya ko. Malungkot kaya dito sa malamig na bansa na ito. Walang kaibigan at walang ibang ginawa kung ‘di ang magtrabaho.”
Nahinto ako bigla ng maalala ang mga sinabi ko. Nag-iwas ako sa kanya ng tingin at nagpatuloy sa pagkain.
“Sorry I blurted all out to you,”
“It’s okay, human nature na iyan.”
“Piloto ka ‘di ba? Bakit iyon ang kinuha mo? I mean, doctor kapatid mo, iyong isa engineer, tapos laywers ang mga pinsan mo at iyong businessmen.”
“Para maiba lang.” Walang gatol-gatol niyang sagot sa akin. Kumpirmado na wala siyang kwenta kausap. Walang babaeng makakatagal sa isang ito at kahit bilugin pa ay hindi din magtatagal. “I followed someone that’s why I took the leap of fate and be different. You’ll everything you can for love, Arcelia.”
Tumabang ang itsura ko ng tawagin na naman niya sa buo kong pangalan.
“Fetish mo ba ang tunay ko na pangalan.”
“Thank me after when you searched for your name’s meaning.”
“May meaning ang pangalan ko?”
“Yeah, and every name does have it.” Sinamaan ko lang siya ng tingin. Anong ibig sabihin noon? Nag-search ba siya ng tungkol sa pangalan ko? Why? Sabi ko nga crush niya ako kaya siya ganito sa akin lately. Ang ganda ko talaga! “What are you thinking there? Stop smiling like that.”
Hindi ako nagpatinag at patuloy lang na ngumiti habang nakain.
“You’re unbelievable. Nalagyan mo agad ng ibig sabihin ang lahat kahit wala naman talaga?”
“That’s a talent, boss.”
“A talent you should hide and let no one know.”
“Ang sama mo talaga kahit kailan! Diyan ka na nga!”
“Thank you sa pagkain!”
Nilingon ko siya at yumukod sa kanya. “Thank you, your highness!” Sarkastiko ko na sabi sa kanya.
***
KINABUKASAN, maaga akong nagising at ng silipin ko ang kambal ay tulog pa sila. Ayos makakapaglinis ako ng mabuti ngayon na hindi ko nagagawa nitong mga nakaraang araw dahil palagi silang nauuna na gumising sa akin. Kinuha ko iyong walis at inuna ko na walisan iyong kwarto ng mga amo ko saka alisan ng alikabok iyong mga pasimano. Pagkatapos doon ay nilipon ko ang mga feeding bottle ng kambal at marahang dinala iyon sa kusina para hugasan. Nang maka-hugas na ako, sunod ko hinanda ang almusal ng mga alaga ko kasama na iyong isang baby damulag.
Nasa kalagitnaan ako ng pagluluto ng may nag-uusap na biglang pumasok sa kusina. Gracious God, why did You sent your angels so early? Si Andrew iyon saka si Clarence na parehong basa pa ng pawis dahil sa pag-jogging nila sa labas. Maganda ang sinag ng araw ngayon bagamat may kalamigan ang simoy ng hangin sa labas. Kailan ba ako masasanay sa klima dito? Tatlong taon na ako sa lugar na ito pero wala, lamigin pa rin ako kaya may heat pad pa ang higaan ko kahit sa apartment na tinutuluyan ko.
“Are you cooking for breakfast?” tanong sa akin ni Clarence.
I gulped as I watched his sweat rolls down his face. Nasira lang iyon ng biglang may kamay na humilamos sa aking mukha.
“Don’t be too obvious, Arcelia.” Bulong ng demonyong kapatid ng amo ko. “He doesn’t like girls who drooled as they sleep.”
“You watch me sleep?” Hindi ako amkapaniwala sa aking narinig. Para akong biglang natakot dahil may demonyong nakabantay sa akin habang natutulog ako. Nagkibit balikat lang siya kaya lalong lumala ang aking mga agam-agam.
“Hey, what’s wrong? What did he say?”
Umiling ako sa ngumiti kay Clarence. “Nonsense things.”
“I’ll wash up and get Dean. Dito na kami kakain para matikman ko luto mo,” Clarence said and gently tap my head again. Tumalikod siya at agad ko hinawakan iyong parte ng ulo ko na hinawakan niya.
Lord, okay na po ako kahit may nakakainis kayong pinadala na tunay na demonyo.
Kinikilig akong nagpatuloy sa pagluluto. Kailangan masarap ang maihain ko para kay Clarence at keber na sa magiging reaksyon ni Andrew. Hindi siya ang kailangan ko na pasikatan dito. Kay Clarence lang naka-focus ang mga mata ko. Siya lang at wala ng iba pa.
Period. No erase. Cross my heart don’t let me die early. Kailangan ko pa maranasan na ma-inlove, Lord.