Chapter 04

1997 Words
Chapter 04 Arc AKALA ko naging mabait na ang pakikitungo ni Andrew sa akin dahil nagpayo na siya, kahit unsolicited iyon. May sense din ang sinabi niya kaso bumalik pa rin kami sa dati parang aso't pusa kung magbangayan. Ngayon, matalim akong nakatitig sa kanya dahil sa pagtambak niya ng mga labahan sa oras pa 'man din ang pagsulyap ko kay Clarence. Panira talaga kahit na kailangan! Gusto ko na lang hilahin ang mga araw at pabalikin na dito sina Dr. Addie at Dr. JD sa Denmark. Inis na inis ko pinag-hiwa-hiwalay ang mga de may kulay na damit saka puti bago iyon isinalang sa automatic washing machine. Mabuti na lang at tulog pa ang kambal kaya magagawa ko pa tapusin itong mga sideline na gawain. May kasama pa kaming isang katulong kaya lang mas focus iyon sa pagluluto kaysa sa mga gawaing bahay. Inako ko na ang trabaho na iyon pandagdag kita din naman kasi kaso kung ganito naman mapa-pasigaw na lang ako ng time out! Nag-exercise kaya ulit sa labas si Clarence? Muli ko tinapunan ng masamang tingin si Andrew. May araw ka din sa aking kupal ka. Crush mo ba ako? Bigla ako kinilabutan sa naisip ko. Dapat ko burahin iyong dulo dahil imposible ang naiisip ko. Sa mga nobela lang naman existing iyong love-hate-turn-to-lover-relationship. "Arcelia, pahabol nito." Nanlaki ang mga mata ko ng tawagin niya ako ulit sa buo kong pangalan at naglapag pa ng dalawang uniform sa harapan ko. "Ayos lang naman 'di ba?" Napilitan ako ngumiti kahit inis na inis na talaga ako sa kanya. "Oo naman walang kaso, boss." Lihim ko nakuyom ang aking kaliwang kamao. Pagkasabi ko noon ay basta na lang niya tinalikuran. Kita mo na hindi 'man lang marunong magpasalamat ang mokong na iyon! Naiirita ko na ginulo ang aking buhok. "Ate Arc, are you okay?" Tanong na pumukaw sa akin. Pagdilat ko agad na nakita ko si Dean na nakatitig lang sa akin. Mabilis ko inayos ang buhok ko saka yumukod kapantay niya. "Ayos lang si Ate Arc, Dean. Huwag ka tutulad sa isang iyon, ha? Paglaki mo dapat kasing bait ka ni Daddy mo," "I will, Ate." Ngumiti si Dean at lumapit para halikan ako sa pisngi. "I'll play with the twins na po." Tinuloy ko na ang ginagawa ko at hindi naman matatapos ito kung panay reklamo ko. Ipapasa-Diyos ko na lang lahat ng may kinalaman kay Andrew. May the Lord, our God, bless his son to be a good human being to a lowly person like me. "Arc? Bakit ikaw nagawa niyan?" A question from a familiar voice interrupted my prayer. Pagdilat ko, mukha naman ni Clarence ang siyang bumungad sa akin. "Bakit po? Bawal po ba gawin ito?" Clarence chuckles. Lord, pati pagtawa niya po ang gwapo! "Silly, but someone does our laundry every weekend." "Every weekend po?" Tumango-tango lang si Clarence bilang sagot sa tanong. Eh, bakit pinagawa sa akin ng kumag na iyon itong paglalaba? Umasa lang ba ako na dagdag sahod ito? "It seems like the devil tricked you today," Gusto ko sumigaw at sugurin si Andrew pero minus points kay Clarence kaya huwag na lang. "Anyways, I'll ask Kuya to add this laundry day to your salary." "Talaga po?" "Yes. Uhm, I'll leave Dean here and be back later tonight." "Sige po okay lang." "Thanks, Arc. Maasahan ka talaga." Lumapit sa akin si Clarence saka marahan niyang pinatong ang kamay sa ulo ko. "Aalis na ako." Paalam niya saka ngumiti bago ako tinalikuran. Lord, reward po ba iyon? Hinawakan ko iyong parte ng ulo ko kung saan pinatong ni Clarence ang kamay niya. Kinikilig ako na nagpatuloy sa paglalaba kahit hindi naman pala sakop ng trabaho ko. Pasalamat na lang talaga ang Andrew na ito at may Clarence na pampagaan ng mood ko. Nang matapos ako sa paglalaba, sinunod ko asikasuhin ang kambal ko na alaga. Pinaliguan ko, pinakain saka nilaro kasama si Dean. Ito na ang magiging routine ko sa loob ng dalawang buwan. Tapos may isa pa akong baby damulag na inaalagaan ngayon. I am praying for a lot of strength to carry all the responsibilities in this household. Walang lakas akong naupo sa couch matapos ko ilagay ang kambal ko na alaga sa crib na tulugan nila at Dean naman ay nasa tabi ko natutulog. Kalahating araw palang lumipas pero yung ginawa ko pang isang buwan na trabaho na yata. Kasalanan ni Andrew na pagkatapos ako alilain ay bumira ng alis. Sana hindi na siya bumalik pa dito para kaunti lang palagi ang gagawin ko. Nanakit na ang magkabilang braso ko at iyong dalawang binti ko naman tumitibok-t***k na rin. Wala pa iyong pahinga mula kahapon sa paglalakad na ginawa namin ni Andrew. "Let's eat na," sabi ni Clarence saka dumulog sa hapag kainan. Clarence invited me to dine with him inside his house when he arrived a while ago. Kasama ko iyong kambal at naglalaro sila kasama si Dean sa living room. Tanaw naman namin sila at nakasara iyong mga pinto para hindi makalabas ang mga bata. Gusto ko magtanong kung para saan itong dinner kaso inaryahan ako ng pagkamahiyain. May hiya pa naman ako kahit matagal na ako sa kanila naninilbihan. "Ang dami naman nitong niluto mo, Sir Clarence." "Drop the sir please. Hindi naman ako direkta mo na amo at magka-edad lang naman tayo." "Inaalagaan ko si Dean so ibig sabihin boss pa rin kita." He groaned and then chuckled. "Tama ako 'di ba?" "Okay but still, drop the sir." Napalabi ako bigla. Bihira sa banyagang bansa ang nagpatawag ng sir at ma'am. Kahit sa malaki at sikat na kumpanya, first name basis sila. Kaso lumaki ako sa Pilipinas kaya hindi ko maiwasan. Parang hindi katanggap-tanggap na tawagin ko sa pangalan iyong nagpapasahod sa akin kapag magkausap kami. Saka isa pa, Dr. Addie at Dr. JD ang tawag ko sa mga magulang ng kambal kaya dapat i-sir ko din itong si Clarence. Bakit ngayon ko lang naisip ito? "Ok fine, call me sir during the daytime then drop it after work hours." "Hindi naman ako sa office nagtatrabaho." Clarence chuckled once again. "Lagi ka talaga may katwiran?" "Syempre po saka tama naman iyong pinaglalaban ko," "Yeah, keep that in your spirit. I like it." Does he like it? Hala, improving na ang lahat sa amin ngayon. Matapos ang ilang taon finally, may na-unlock na akong bagong level! “Salamat po sa pagkain,” sabi ko saka nag-umpisa na kumain. Isa ang mga lutong bahay sa na-miss ko na lagi ko naranasan sa Pilipinas. Sa tatlong araw na lumipas panay lutong bahay na ang kinakain ko dahil dito ako nakatuloy sa bahay ng mga De Luna. Nagpahinga ang pantog ko sa puro noodles at ang wallet ko sa pag-gatos. "How's Andrew?" Tanong sa akin ni Clarence. "Mukhang ayos naman po siya. Ang dami niya po pinagawa sa akin." "A real devil beside you," "Exactly!" Pagsang-ayon ko kay Clarence at pareho naman kami natawa. Nilapitan kami ng tatlong bata at nakisali din sa pagkain. Inasikaso ko iyong kambal habang si Clarence naman ay kay Dean. Marami kami napagkwentuhan at kasama doon ang dahilan kung bakit sila nasa Denmark. Magulo ang buhay pulitika ng pamilya De Luna at mas ligtas sila dito sa ibang bansa kaysa sa Pilipinas. Nagtanong ako kung first choice ba talaga ang pulitika sa pamilya nila sinagot naman niya na nasa dugo na nila iyon ngunit ang Presidente na ang huli dahil wala nang sumunod pa sa yapak nito. Pagkatapos ng dinner, nagpaalam na kami ng kambal para bumalik sa main house. Kalong ko iyong dalawa ng makita namin sa balkonahe si Andrew. Agad na sumama sa kanya ang isa kambal at nabawasan iyong kalong na mabigat. "Saan kayo galing?" Tanong niya. "Sa kabilang bahay, boss." Sagot ko sa kanya. "Kumain na kayo?" Tumango ako bilang sagot. "Why can't I contact you?" Agad ko dinukot iyong cellphone sa bulsa upang alamin bakit hindi niya ako ma-contact. Doon ko nalaman na lowbat pala ako kaya naman nag-aalangan ako tumingin sa kanya. "Sa kabilang bahay lang naman kami at sinabi ko na sa iyo na wala akong masamang gagawin sa kambal. Konting tiwala naman." "Whatever. Pumasok na tayo." I mocked him behind his back as revenge. *** KINABUKASAN, may luto ng pagkain ng magtungo ako sa kusina. Hinanap ko iyong tiga-luto ngunit hindi ko makita at sa halip ay si Andrew lang ang nakita ko. Maagang bwisit na naman ito. "Tara kain na tayo," aya niya sa akin. Anong meron? Bakit bigla itong bumait? "You don't want to eat? Fine, I'll just give this to --" "Kakain na nga po ako. Salamat sa pagkain." Sabi ko saka mabilis na umupo dalawang silya ang layo sa kanya. Mahirap na lumapit dahil baka sumabog kami at gumuho pa itong bahay ng mga amo ko. Kagabi ipinagluto ako ni Clarence ngayon naman si Andrew. "Baka may lason ito?" "Eh 'di sana namatay na ako," "Pwede namang iyong plato ko lang nilagyan mo. Perfect plan to murder someone you hate the most." "Hindi ako ganun at sa ibang bagay ko pinaparanas ang galit ko," Napatanga ako sa kanya. Ano daw? Sa ibang bagay… gaya ng ano? Lihim ko nakiling ang ulo ng may ibang bagay na sumagi doon. Hindi naman siguro iyon ang ibig niya sabihin. Is this really a reward? Hindi masamang mag-assume pero sa mga oras na ito pakiramdam ko ang haba-haba ng buhok ko. I finally proved that I am not just a nobody. Gwapo naman si Andrew kaya lang masungit at parang topakin kaya mag-stick na lang ako kay Clarence. Bakit ba may pagkukumpara na nagaganap? Yung totoo, Arcelia? "Why are you smiling there?" Tanong na pumukaw sa akin. Umiling ako bilang sagot. "You are smiling. Anong iniisip mo? Nabigyan mo na ba ng kahulugan ito agad?" "Hoy, hindi kaya! Hindi kita type, period!" "Oh, yeah?" Marahan siya tumayo saka dahan-dahan na lumapit sa pwesto ko. "What are you doing?" "Walking towards you?" Agad ko binuhat iyong plato ko na may pagkain saka tumayo. Kapag ganitong sitwasyon, mas mainam na umalis kaya lang food is life kaya dadalhin ko pa rin ang pagkain ko. Masarap yung luto niya at nagugutom ako kaya keber na kung masabihan na PG. "Diyan ka lang. Tigilan mo na ang paglapit dito," sita ko sa kanya pero hindi nakinig ang loko kaya lumayo na ako pero maling galaw. Nagkaroon lang siya ng pagkakataon na i-corner ako sa sulok. "Hindi mo ako type, alam ko kaya lumayo ka na." "How do you say so?" "Type mo ako?" Mariin ako napapikit ng ma-realize ang tanong ko sa kanya. "Nevermind that -- ah!" Hindi ko nagawang ituloy ang dapat na sasabihin dahil sa pagpitik niya sa noo ko. Masakit iyon at pakiramdam ko namumula na iyong parte ng noo ko na pinitik niya. Ang pangit talaga ka-bonding nitong si Andrew, mapanakit! "Dream on, Arcelia." He said to me. "Masakit iyon!" Hinimas ko yung parte ng noo ko na pinitik niya. Iyong isang kamay ko nakahawak sa plato. "Wala ka magawa?" "Masarap ka lang asarin," "Alam ko ikaw…" Hindi ko magawang ituloy ang sasabihin ko dahil baka mamaya ay palayasin ako ng mokong na ito. Ayoko mamatay sa lamig ng klima sa labas at mahal ko masyado ang trabaho ko pati na mga amo para umalis. Bukod tanging sj Andrew lang ang kinaiinisan ko talaga. "What am I? Handsome?" He chuckles. "I know that already." "Mahangin masyado dito. Sa taas na lang nga makakain." Dali-dali ako umalis at iniwan siya doon na mag-isa. Hindi din talaga siya matino kausap at confirmed na pakitang tao lang ang itong kabaitan niya ngayon. Isa siyang tunay na demonyo na maraming ugali pero masarap magluto kaya kahit paano kaunti lang ang inis na nararamdaman mo. Madali talaga ako makuha kapag pagkain ang usapan lalo ngayon na matagal ako na-deprive sa mga lutong bahay. Ang sarap kaya sa feeling na ipinagluluto kahit hindi mo kilala. Hay, Arc, better to stay away from him to avoid inevitable things…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD