Chapter 06
Arc
"BOSS, I need -" Nahinto ako sa pagsasalita ng nadatnan ko si Andrew sa labas may kausap na magandang babae. The lady is sinfully beautiful but I don't see any reaction in Andrew's eyes. Parang mas nangingibabaw iyong galit. Tama, hindi ako pwede magkamali dahil may pakinabang naman ang pagiging tsismosa ko. "M-mamaya na ako mangungulit."
Akma akong tatalikod at hahakbang paalis ngunit hindi ko nagawa dahil hinila ako ni Andrew pabalik. Doon palang alam ko na agad ang susunod na mangyayari dahil napanood ko na ito. I don't want to be in the middle of two people who still love each other, and I can see it by looking at their eyes.
"What do you need, Arc?" Seryosong tanong sa akin ni Andrew.
"Uhm, ano… kasi," Bigla akong nawala at nakalimutan ko ang dapat na sasabihin ko. Tiningnan ako ng masama ni Andrew kaya naman umayos na ako. Pinalis ko ang kamay niya na nakahawak sa braso ko. "Pedia, right! We need to bring the twins to their Pedia now."
Binalingan niya ang babaeng kausap kanina bago ako umeksena.
"See? I'm busy and I can't spare time for you, Kayla." Basta na lang ako hinila papasok ni Andrew matapos masabi iyon sa kausap niya. Mukha ba akong basahan na basta na lamang hinihila?
"Teka nga…" Sinubukan ko na bawiin sa kanya ang kamay ko kaya lang masyado siyang matangkad kaysa sa akin. Kaya naman nagpatianod na lang ako hanggang sa kusa siya huminto at bitiwan ako. "Bakit ka ba hila ng hila?"
"Bihisan mo na yung kambal at aalis tayo."
"Hindi ba ako pwede magtanong?"
"No."
"Wala bang freedom of speech sa bansang ito?"
"Ask the lawyer if you want to know."
I pouted my lips out. Tumaas ang isang kilay na hindi ko naman pinagtuunan ng pansin. Saktong pasok ni Clarence sa bahay kasama si Dean kaya hindi na niya nagawang sabihin ang dapat na sasabihin sa akin.
"Fine. I'll ask the lawyer now." Dagdag points din na alamin ko ang nature ng trabaho ni Clarence habang inaaral ko yung pangarap ko na maging doktor. Naisip ko bigla na kailangan ko pala ng abogado na kilala sa field na papasukin ko. In cases of non-accidental or accidental malpractice.
"I didn't say to do it now, Arc."
"Whatever!"
Nag tuloy-tuloy lang ako sa paglakad hanggang makalapit ako sa mag-ama. Kinausap ko si Clarence at binilin niya sa akin si Dean dahil may mock trial na pupuntahan sa university kung saan nagtuturo ng law. Tinanggap ko naman kahit nitong mga nakaraang araw ay hindi na ako makagawa ng ibang bagay dahil sinusumpong lagi ang kambal. Baka na-miss na nila sina Dr. Addie and Dr. JD na may dalawang linggo na rin nasa ibang lugar. Ano naman ang magagawa ko ngayon na nasa Hawaii ang mga amo ko?
Ang meron lang ako ngayon ay isang moody na piloto at gwapong abogado. Buti na lang talaga gwapo si Clarence kaya may pambalanse sa ambiance dito. Gwapo naman si Andrew kaya lang ubod ng yabang, sungit at napaka-lakas ng trip. I should stop myself from complimenting him. Yes, Arc, stop complimenting him.
"Addie, tell me that you want to be a doctor someday. In what specialty? Addie is a neurologist while our father is a family medicine doctor."
Pagkabalik ni Clarence bandang tanghali, umalis na kami ni Andrew at pumunta dito sa ospital para sa check up ng kambal. Isa ito sa mga mahigpit na pinagbilin ni Dr. Addie sa akin bago umalis papuntang Hawaii.
"I know that already, boss." Sabi ko sa kanya.
Three years na ako na yaya ng kambal kaya alam ko na ang tungkol sa ugnayan ng mga Dominguez at De Luna. Bukod sa in-laws, may political views sharing din ang dalawang pamilya kaya si Andrew talaga ang naiiba. Palibhasa puro mali ko nakikita ng mokong na 'to kaya hindi napapansin na masyado akong tutok sa whereabouts ng pamilya niya at ng mga De Luna. Specially pala dahil nararamdaman ko na magiging De Luna ako.
"I'm just saying…."
Naningkit ang mga mata ko bigla. Simula ng pumunta kami dito sa ospital iba na ang kinikilos niya. Hawak niya si Chance na kapareho ni Chase na tahimik lang. Parang mas kinakabahan pa siya kaysa sa kambal na ipapa-checkup naming dalawa.
"Does the hospital scare you?"
"What are you saying? Kasasabi ko lang na doctor ang kapatid ko at tatay -"
"Pero naging piloto ka kaya wala kang takas."
"Can't I just be a pilot because I want to?"
"Whatever you say, Captain."
"So why be a doctor?"
"It's been a dream ever since I was a kid. Curious ako bakit nagkakasakit ang mga tao. Why some choose not to visit hospital? Is it a scary place for others? Maging Neurologist din ang gusto ko gaya ni Dr. Addie at Dr. JD."
Andrew didn't utter a response to my answer. Wala na rin namang pagkakataon dahil tinawag na kami ng nurse para pumasok sa loob. Sa loob, in-examine ang kambal mula sa timbang ng mga ito pati na tangkad. Regular checkup iyon na si Dr. Addie ang sumasama lagi at kung minsan assistant ako. Kapag magkasama kami, napapa-kwento lang ako kung gaano ako kadesidido na maging doctor.
"So, you want to be a doctor?" Tanong sa akin pedia nina Chance at Chase.
"It's a childhood dream, Doc," I answered as I fixed the twins' clothes. "Do you have any advice for me?"
"Hmm, don't forget to enjoy it while you study. Stress is there, always there, but at the end of the day, it is the patient you helped that matters the most."
"Alright, we're done here. Thank you, Dr. Sullivan." Andrew cut us off and pulled the twins and me near him.
"What's your problem?" Mahina ko na tanong kay Andrew.
"Don't you get the sign, Arc? He is hitting on you."
"Wala akong nakikitang masama."
He heaved a deep sigh. "Fine. Go on, flirt here, and I'll take the twins home."
Ugh! Napaka-moody talaga kahit kailan!
Nagpaalam ako kay Dr. Sullivan saka mabilis na sumunod kay Andrew. I am holding Chance while he has Chase and their baby bag. Ang bilis niyang maglakad at hinihingal na ako tapos ang bigat pa ng kalong ko. Moody na pikon pa siya at sobrang nakakainis! Kapag talaga naabutan ko siya kakaltukan ko ng malakas para magising sa katotohanan!
"Take the twins to their room now," utos sa akin ni Andrew ng makabalik na kami sa bahay. I heard it but I have no plan of doing it anyway. Hindi naman siya talaga ang boss ko at narito lang naman siya para bantayan ako kaysa bantayan ang dalawang pamangkin. "Don't you hear me?"
"Pwede ba magtanong kung ano problema? Your sister-in-law's brother-in-law told me that there is freedom of speech everywhere. Iba-iba lang ang variations dahil magkakaiba din ng klase ng government."
Naningkit ang mga mata niya siguro maharil ay sa sinabi ko pero ayon ang mga na-extract ko sa explanation ni Clarence kanina. Words were inhuman and I felt like Clarence came from another dimension a while ago. Pinilit ko i-digest kasi crush ko yung nagsasalita para hindi naman ako magmukhang tanga. Talent ko na lang talaga na tandaan lahat ng mga sinasabi sa akin ng nakakausap ko.
"All I hear is bla bla blaa, Arc."
"Ewan ko sayo. Moody ka na, pikon ka pa."
"Ikaw pa ang galit? Are you disappointed that I interrupted Dr. Sullivan's motive for flirting with you?"
"Hindi. Gusto mo talaga na lagi ako hinuhusgahan kasi gusto mo na mawala na ako dito ng tuluyan. I'm not the kind of woman you'll on the streets that will throw herself to a man like Dr. Sullivan. Sinabi ko na sayo na at alam mo na kung gaano ko kagusto na maging isang doctor. Masama ba na magtanong o humingi ng advice sa taong may medical profession?"
Natahimik siya pero napuno na ako kaya hindi ako basta-basta tatahimik lang. I cannot leave the twins here alone nor Dean. Pinagkatiwala sila sa akin ng mga amo ko pero tao lang din naman ako.
"Hindi ako yung tipo na lalandi habang nagtatrabaho. Flirting or love isn't part of my priority. Hindi mabubusog ang pamilya ko o makapagtapos ng pag-aaral ang mga kapatid ko."
Iyon lang at tinalikuran ko na siya. Alam ko na mali na nag-away kami sa harap ng mga bata pero nakaka-puno siya talaga. Sa kwarto lang ako ng kambal nag-stay hanggang sa sumapit ang gabi. Hindi ko alam kung may nagluto ba ng pagkain o wala dahil ayoko talaga bumaba. Sinamahan ako ni Dean at pilit na inaaliw dahil nakita niya ako na umiiyak. Ganun din ang ginawa ng kambal at hindi sinabayan o dinagdagan ang stress ko sa tiyuhin nilang judgemental.
"Hey!" It was Clarence when Dean opened the twins' room. "I heard what happened but not in full detail."
"Kasi si Dean ang nagsabi sayo?"
Clarence chuckled. "Yeah, putol-putol ang kwento niya kanina nang umuwi saglit para kuhain ang bag niya." Ngumiti ako kay Clarence saka binalik ang atensyon sa mga laruan na nilligpit ko. Tulog na ang kambal at si Dean, naupo lang sa sahig at nag-umpisa ng magkulay ng assignments dahil wala na manggugulo. "You okay? I bought ice cream because it can make Dean happy, right Dean?"
"Yes, especially when it's chocolate flavored."
"It's chocolate flavored, Dean." Sabi ko sa bata.
"It's yours. Dad bought it for you, Ate Arc."
Inabot sa akin ni Clarence ang tub ng ice cream na binili niya para sa akin. Clarence is sweet and it moves me.
"Ayos naman ako. Napikon lang din siguro kasi nahusgahan na naman ako. Hindi naman ako nagpunta dito para maglaro."
"I know that. Kuya told me,… you know," he froze and then laughed.
"Pamilya kayo ng mga tsismoso?"
"You got it right, Arc." Parehas kami tumawa. Tiningnan kami ni Dean sandali bago binalingan ulit ang ginagawa. "You know what, Arc, I admire you so much."
Hindi ako naka-sagot agad dahil masyado akong abala sa pagbubukas ng ice cream tub. I scooped a spoonful of ice cream and ate it before I focused my eyes on him.
"You admire me? Kindly elaborate what kind of admiration, Clarence." Iba kasi ang naiisip ko kaya kailangan niya linawin bago ako mag-isip ng ibang bagay.
"I admire you for being too selfless. Nagparaya ka at nagtatrabaho dito sa Denmark para suportahan ang pamilya mo."
"Lahat naman tayo kayang gawin ang ginagawa ko ngayon."
"Probably not me. I'm selfish, Arc." Huminto siya sandali saka tumingin kay Dean. "You know that time when the doctor told me that only one between my wife and Dean can survive. I didn't hesitate to choose my wife over Dean. Hindi ko alam kung ano magiging reaksyon niya kapag nalaman ito paglaki pero sana hindi siya magalit."
Huminga siya ng malalim bago nagpatuloy sa pagsasalita. Alam ko na masakit para sa kanya na alalahanin ang lahat at gusto ko na siyang pigilan ngunit paano ko gagawin iyon.
"She asked me to choose our child. No matter what happened, she said that I should love this kid more than I love her because Dean was her only memory."
Iyon na yata ang pinaka-masakit na hiling ng taong buong puso mo na minahal. Ang piliin ang tanging alaala na maiwan sayo. Matapang din si Clarence para kayanin ang lahat ng ito at siya ang dapat na mas hangaan ko.
"He will not, and it's not selfishness. You both love them, but you can save only one. Kahit ako nasa sitwasyon mo, I'd rather lose a child than a husband. Being a parent doesn't require you to conceive one. Out there, there are millions of babies who got abandoned or lost their parents, which you can give home. A happy home with someone you love the most."
Clarence smiled at me. The kind of smile that I can feel. It's warm, real and bright. That very moment, I must admit that I was completely swooned by him. Siya iyong klase ng lalaki na handa ko mahalin na tingin ko na naman ay kayang suklian ang nararamdaman ko.
Yata?