Chapter 23 HINDI ko inaasahan na si Andrew iyong pag bubuksan ko ng pintuan sa kalagitnaan ng madaling araw. Patulog na dapat ako kaya lang biglang may kumatok at siya nga iyong hindi ko masabi ko unwanted guest ba o hindi. "Madaling araw na, Andrew." Sabi ko sa kanya saka niluwagan ang bukas ng pintuan para makatuloy siya. “I know, and I still can’t sleep.” Huminga ako ng malalim saka inaya siyang magtungo sa mini kitchen ng flat ko. Pinaupo ko siya sa harap ng breakfast table at matama akong naghanda ng tsaa na maiinom niya. Nang umalis ako kanina sa bahay ni Dr. Addie, umalis din siya bitbit ang gamit papunta sa rest house ni Dr. JD. Mga dalawang oras ang layo noon dito sa flat ko kaya kung uuwi siya ngayon, baka sa daan pa antukin at maaksidente. Ibig sabihin dito ko siya patutulug