Chapter 10
"ANONG problema mo?" Tanong na pinukol ko kay Andrew ng makita siyang marahang nalakad papunta sa couch. Ang isang kamay niya ay nakasuporta sa kanyang baywang. Gusto kong matawa kaso may bahagi sa isip ko na naawa sa kanya. Ibinaba ko hawak na basket ng mga feeding bottles saka nilapitan siya.
"It's just a back pain. Don't mind me here," sagot niya sa akin.
"Parang hindi lang iyan back pain. I can help you. Natutunan ko sa internship ko noon kung paano iyan solusyunan." Akma akong lalapit pero pinahinto niya ako. "Why? I'm a nursing graduate."
"Not a licensed nurse, Arc." Sumimangot ako pagkarinig sa sinabi niya. Hindi ko naman siya papatayin at ang tulungan siya ang tanging balak ko. Hindi ako kumibo saka binalikan iyong mga basket ng feeding bottles. Tulog ang alaga ko kaya nakakagawa ako ng ibang bagay dito sa bahay nina Dr. Addie.
"Arc, iiwan ko si Dean - what happened to you, Drew?" Clarence said when he entered the living room.
"This is just back pain. Folks, can you leave me alone? Take her too, please? I want peace while resting."
"Arc can help you. She's a nurse, right, Arc?"
"Sabi ko nga sayo kaya ko solusyunan iyan," dagdag ko pa sa sinabi ni Clarence.
"She's not a licensed nurse. What if something happened to me?" Clarence chuckles. "Tama naman ako, 'di ba?"
"Yeah, but harsh." Si Clarence lang talaga nakakaintindi sa akin talaga sa pamamahay na ito. Dagdag pogi points na rin. "Anyway, epekto lang iyan ng diet mo."
Andrew scoffed.
"Coming from someone who's also on a diet for what, seven years?"
"Hindi ka sure,"
Wala akong maintindihan sa boy's talk nila. Ano kaya iyong diet na pinag-uusapan nila? Imposible namang diet si Andrew dahil kain siya ng kain pero hindi lang nataba. Fit din si Clarence at araw-araw ko siya nakikita na nag-e-exercise sa veranda ng bahay niya. Iyon nga ang paborito kong panoorin sa umaga at kung minsan sabay pa silang mag jogging ni Andrew sa umaga. Gusto ko na nga sumama sa kanila kaya lang may alaga ako kaya kailangan i-set aside ang pansariling motibo.
"Wait, are we still talking about his back pain or not?" Hindi ko na napigilan pa na magtanong.
I heard Andrew heave a deep sigh.
"C, take her away, please,"
Muling tumawa si Clarence saka nilapitan ako at kinuha iyong basket ng feeding bottle. Inaya niya ako umakyat at habang naglalakad kami, binibilin niya na si Dean sa akin. May assignment na naman daw ang bata na mahirap intindihin at kailangan ako. Hindi naman ako tumanggi syempre si Clarence na iyong nakikiusap sa akin dahil walang nakakatagal na ibang tutor kay Dean. Lahat hirap na pakitunguhan ang bata at sa akin lang nasunod bukod sa kanilang dalawa ni Andrew.
"Ano yung diet na pinag-uusapan niyo?" Tanong ko kay Clarence.
"Uhm, it's - I have to go. Ikaw na bahala kay Dean. I trust you, Arc."
My eyes blinked twice after he gave me back the basket. Clarence, trust me? But, it's not the answer I am looking for. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa tuluyan na mawala. Inisip ko maigi iyong narinig ko na usapan nila ng walang makapang sagot sa utak ko ay sumuko na ako. Agad ako pumasok sa kwarto ng kambal at inimis ang ilang kalat doon.
Tulog pa sila Chance at Chase kaya nagkaroon ako ng oras para magbasa ng ilang medical books na hiniram ko sa study room ni Dr. JD. Nagpaalam naman ako ng tumawag sila kanila para mangumusta. As usual, tinukso lang ako ni Dr. JD dahil bukod sa malapit ako kay Clarence, hindi na rin kami gaano nag-aaway ni Andrew. Andrew was serious when he told me that he'll help me when it comes to my feelings for Clarence. So far, with Andrew's help, I learned to interpret Clarence's gestures.
Maasahan naman siya kaya lang may mga oras na tinotopak at pag ganun, hindi na ako mangungulit pa. Curious si Dr. JD kung ano ginawa ko kay Andrew at bumait daw sa akin. Wala naman ako matandaan na nagawa ko dahil pagkatapos ng huling away namin, naglie low na siya sa paninita sa akin. Was it after he saw me cry? Imposible, Arc, Andrew is not as soft as Clarence and he knows when to draw boundaries.
Ano ba itong iniisip ko? Makapagbasa na nga lang…
***
KANINA pa kinukulit ni Chase si Andrew pero hindi ito gumagalaw at panay lang ang pagdaing na masakit ang likod. Inawat ko na ang alaga ko kaya lang binabalikan niya lagi ang tiyuhin para kausapin tapos maya-maya ay kukulitin na. Katatapos ko lang turuan si Dean at iniimbita ako ni Clarence na kumain sa kanila pagtulog ng kambal. Hindi pa ako napayag dahil walang kasama itong mokong na kapatid ng amo ko. Hindi pa naman ako sobrang masama na iwan siya na namimilipit sa sakit.
"Chase, let's go there and play with Chance," sabi ko sa isang alaga.
"No," sagot sa akin ni Chase.
"No? But, he's sick. Uncle's back is aching due because of his age,"
"It's not because of my age, Arc." Natawa ako pero hindi ko gaano pinahalata sa kanya. "What do you want, Chase?"
"I want to ride a bicycle outside,"
"It's dark outside, Chase. Look at the window now. It's sleeping time also." Lumungkot ang mukha ni Chase pero hindi ako sigurado kung naiiyak ba siya o hindi. "We'll ride a bike tomorrow, okay?"
"Okay…"
Chase faced me and asked me to carry him. Tinawag ko na din si Chance para patulugin na sila bago ako magpunta sa bahay ni Clarence. I don't know if it's a date or not. Baka simpleng dinner lang bilang pagtanaw ng utang na loob dahil lagi ako naka-alalay kay Dean at sa kanya. Habang tinatapik ang dalawa kong alaga, iniisip ko iyong likod ni Andrew na masakit pa rin hanggang ngayon. Ayaw naman niya magpunta sa ospital para matingnan iyon na pakiramdam ko ay lala lang kapag ginalaw ko pa.
Pagtulog ng dalawang alaga ko, agad ako nagpalit ng damit at naghanda sa pagpunta sa kabilang bahay. Dumaan ako sa living room at sinilip si Andrew. Tulog siya pero ang alam ko ay hindi nakain ang mokong na 'to. Paano kakain kung hindi nga makagalaw masyado, Arc? Ano ba ang dapat ko gawin?
"Where are you going?" Tanong na pumukaw sa aking atensyon. Nilingon ko si Andrew at nakita ko na dahan-dahan siya kung bumangon. I heard him groan too.
"Dinner with Clarence,"
"That explains the dress, huh?"
"Pangit ba?"
"No, it's okay. Mukha kang tao kapag nakaganyan."
"Masakit na lahat ang likod mo ang pangit pa rin ng tabas ng dila mo," Inirapan ko siya pero hindi pa rin ako umalis. "May kailangan ka ba? Food, water, o gamot?"
"I'm fine here. Umalis ka na at makipagdate,"
"This is not a date."
"Kasama niyo ba si Dean?"
"No, kaming dalawa lang,"
"Then, it's a date." Tumingin ako sa kanya at tumawa lang siya habang nailing. Sinabi ni Andrew na tingin niya may gusto sa akin si Clarence. Ayoko naman umasa dahil baka naduduling lang itong mokong na 'to. "Tulog na ang kambal?"
"Yes. May natirang pagkain sa lamesa gusto mo dalhin ko dito?"
"I'm fine here, so go now,"
"Sure ka?"
"Oo nga."
Alangan 'man ay tumalikod pa rin ako at naglakad na palabas ng bahay. Sa kabilang side lang naman ang bahay ni Clarence kaya hindi siya talaga malayo. Habang naglalakad si Andrew pa rin ang iniisip ko at iyong nanakit niyang likod. Alam ko na may dapat akong gawin bilang kapalit ng mga advice niya at hindi pang-aaway sa akin nitong lumipas na araw. Maiintindihan naman siguro ni Clarence kung unahin ko muna ngayon si Andrew. Wala naman malisya ang gagawin ko at kahit hindi tanggap ng mokong na iyon, kaibigan ang turing ko sa kanya.
"Hey, come in, Arc." Bungad na sabi sa akin ni Clarence ng pagbuksan niya ako ng pintuan.
"Uhm, Clarence, pwedeng sa susunod na lang ito? Ano kasi, kailangan ko tulungan si Andrew kahit hindi part ng trabaho."
"Masakit pa rin likod niya?"
"Oo."
Ngumiti si Clarence pagrinig sa sagot ko.
"Okay. Reschedule na lang natin. That giant baby needs help," Natawa ako sa sinabi niya. "Tawagan mo ako kapag kailangan siya dalhin sa ospital, okay?"
"Okay. Thank you, Clarence!"
"Anything for you, Arc." Hindi ako nakakibo agad. Anything for me? Anong response ang dapat ko sabihin? Kinikilig ako na nag-aalala kay Andrew at sa likod niya. Nakaka-confuse naman na nakapanghinayang itong date namin. Mauulit pa naman siguro? Sana nga… "go now, Arc. Andrew needs you."
"Yeah, right. Thanks again!"
I immediately walked back to my boss' house to attend to Andrew's needs. Nakaka-konsensya na hindi tulungan gayong tinulungan naman niya ako. Mahirap talaga kapag inborn na ang pagiging mabait at kahit prinsipe ng kadiliman si Andrew ay iniisip ko pa rin.
"Andrew!" Nabitin ang tangka niyang pagkuha ng pagkain ng tawagin ko siya.
"Bakit ka bumalik? Hindi naman gising ang kambal, ah."
"Tara, tutulungan kita umakyat sa kwarto mo." Andrew automatically crossed his arms to chest. "Luh, hoy, anong iniisip mo? Tutulungan kita para malapat mo iyang likod mo. Ihahatid ko na lang pagkain at gamot doon."
"Ah, okay." Nilapitan ko siya at pina-akbay sa balikat ko ang isang kamay. "Bumalik ka para tulungan ako?"
"Plus points din ito sa langit,"
Andrew chuckled.
"Anong sabi ni Clarence?"
"Tawagan ko siya kapag kailangan ka na dalhin sa ospital." Lahat ng bigat niya ay napunta sa akin at medyo matagal bago kami nakarating sa kwarto niya. Pagpasok doon, dahan-dahan ulit kami lumakad at pinaupo ko siya sa kama. "Be glad that I am kind, inhumane and pretty."
"The pretty part, can you erase it?"
"Ang sama mo talaga kahit kailan,"
"Ayos lang kay Clarence?"
"Oo naman. Mas mabait ng 'di hamak iyon sayo."
"Mas gwapo pa rin ako."
"Share mo lang 'yan?"
Hindi siya kumibo at 'di na rin ako nagsalita. Iniwan ko siya sandali para kumuha ng pagkain at gamot. Nang makita ko na wala ng painkillers, lumabas pa muna ako para bumili sa malapit na convenience store bago binalikan si Andrew. Bumili din ako ng back patch na makakatulong pang-alis ng kirot at para makatulog siya. Magtiis siya sa amoy ngayon dahil ayaw naman niya magpunta ng ospital. Sigurado na ako ngayon na may takot talaga siya sa ospital kaya last choice iyon lagi.
"Thanks, Arc. I really appreciate this kahit may halong galit ang paglagay mo ng back patch kanina,"
"Imagination mo lang yon." Inabutan ko siya ng gamot at isang baso ng tubig. "May itatanong pala ako,"
"What is it?"
"Iyong pinag-uusapan niyo kanina ni Clarence, tungkol saan iyon?" Muntik na malunod sa isang basong tubig si Andrew matapos madinig ang tanong ko. Kinuha ko iyon sa kanya at inabutan naman siya ng pamunas. "Ano ba iyan? Mas magaling pa uminom ng tubig sayo ang mga pamangkin mo."
"Why do you need to know?"
"Curious lang ako kaya sabihin mo na para makatulog na ako,"
"It's about s*x, Arc."
Umawang ang labi ko bigla. "S-s*x?"
"Yeah,"
Naalala ko iyong sagot ni Clarence kanina na hindi sure si Andrew kung totoo nga na naka-diet siya. Ibig sabihin - oh my God. What kind of a kind are they? Manwhore? Past time nila ang s*x? Nanginig ang kalamnan ko bigla ng dahil sa naisip. May alam ako sa s*x dahil tinuro sa high school at college pero iyong actual, wala. Hindi naman kasi iyong parte ng curriculum at ang tanging nabanggit lang sa s*x education ay kapag nagsama ang egg at sperm cell, baby ang mabubuo. Ganun ka-limited ang alam ko kapag ganito ang usapan.
"What do you prefer, Andrew? With experience or without?"
"Experience to what?"
"Sex."
"With." Tumango ako. "Bakit mo natanong?"
"Tingin mo ano prefer ni Clarence?" Napansin ko ang agad na pagrehistro ng gulat sa mukha ni Andrew. "Dali na para may ideya ako,"
"I don't know, Arc. Bakit ba ganito usapan natin? Can we go back to the normal exchange of topics? Anything aside from s*x,"
"Gusto ko lang naman malaman,"
"With or without experience, it doesn't matter. Love is not only about s*x. It is about the connection between a man and a woman."
I'm speechless at that very moment. Si Andrew ba talaga itong kausap ko o umepekto na ang gamot na iniinom niya?