Chapter 09
Arc
"ARC, are you -" Agad akong tumayo mula sa pagkaka-upo sa kama ni Andrew at mabilis na pinunasan ang aking mga luha. Nagkunwari ako nagpapalis kahit tapos naman na ako doon. "You okay?" Tanong ni Andrew sa akin.
Tumango lang ako saka matipid na ngumiti.
"Akala ko may lilinisin ako dito. Ibaba ko na lang iyong mga marumi mong damit," sabi ko sa kanya.
"Did you cry?"
"No." Mabilis ko na tugon sa kanya. "Saan na sila Chase at Chance?"
"Downstairs, playing."
"Okay baba na ako," sabi ko sa kanya ngunit pinigilan niya ako sa pamamagitan ng paghawak sa isa kong braso. "I'm fine. Na-miss ko lang pamilya ko sa Pilipinas. Magpa-pasko na naman kasi at hindi ko sila kasama."
Dahan-dahan akong binitiwan ni Andrew at iyon na ang pagkakataon ko para lumabas ng kanyang kwarto. Huminga ako ng malalim pagkalabas bago nagtuloy-tuloy sa pagbaba. Gumaan ng bahagya ang nararamdaman ko ng marinig ang maliit na sigaw ng kambal. Sila talaga iyong panlibang ko sa tuwing nalulungkot ako at naalala ang pamilya ko sa Pilipinas. In Denmark, these cute twins and Dean are my home and whenever I am with them, I'm complete and happy.
May pinakita ang kambal na bagong laruan na tingin ko ay binili ni Andrew. Masaya sila at nakalimutan na namimiss na rin nila ang mga magulang na nasa malayo. Sila dalawang buwan lang hindi makasama ang mga ito habang ako, ito na ang pang-apat na Pasko na wala sa Pilipinas. Nang dumating si Dean, may dala din na laruan kaya nalibang lalo ang mga alaga ko. Kasama ni Dean si Clarence na may dalang ice cream tub para sa akin na comfort food ko.
"May sixth sense ka ba?" Tanong ko kay Clarence.
Clarence chuckled softly. "Tsismosong anak meron ako. He asked me to buy ice cream for you."
Ang sweet naman nitong mag-ama na ito pero hindi ako maaaring mag-assume dahil baka wala naman kahulugan ang lahat. Mahirap maglagay ng kahulugan tapos mali pala kaya ang wakas, ako lang ang nasaktan.
"Na namana sa inyo?" Tukso ko pa ngunit sa halip na sumagot ay tumawa lang si Clarence. Tinuloy ko na ang pagkain habang kinakausap sina Chase at Chance.
"Yeah, I think so too,"
Pareho kaming nagtatawanan ng bumaba si Andrew. Tumingin lang siya sa amin pagkatapos ay umalis na rin. Napatingin ako kay Clarence at nagkibit balikat lang siya saka ngumiti. Iyong ngiti na sobrang nakakagaan ng loob. In an instant I forgot that I'm sad a minute ago.
Susubukan ko na huwag muna lagyan ng kahulugan ang lahat sa ngayon. Kailangan ko muna makasiguro bago ako umasa dahil masakit kapag nabigo. I once experienced that kind of feeling when someone treated you in a special way but to that person it has no meaning at all. Normal na niyang gawain iyon sa lahat ng babaeng nakilala sa campus namin. A total jerk whom I can't still forget up until now.
Buhay pa kaya ang lalaking iyon? Bakit ko ba siya inaalala? Una, wala siyang panama sa crush ko ngayon. Clarence is handsome and his alluring blue eyes got me aside from the good attitude he portrays. Siya lang talaga ang pinaka-matagal ko ng gusto at tingin ko ay hindi na ito magbabago pa.
"Nakahanap ka na ba ng tutor kay Dean?"
"Wala at tama ka nga, ayaw ng anak ko sa iba. I tried to hire one today, but they didn't work. My son doesn't want to listen and do his assignments alone."
"Baka kailangan lang i-build up pa sila. Wala naman nagki-click sa umpisa."
"I don't know. I badly need help with the parenting department. Kuya said that I should enroll Dean in a normal school,"
"Why not try it?" Pangungumbinsi ko pa. "Don't worry, tuturuan ko si Dean hanggang sa wala ka pa nahahanap na tutor. I'm willing to help."
"Thanks, Arc."
"No biggie."
He smiled, and I did too.
Nagpatuloy kami sa pag-uusap hanggang sa sumapit ang hapunan. Nagsabi si Clarence na doon ako kumain sa bahay niya at magluluto daw siya kaya lang ng bumalik si Andrew ay nagsabi din ito na magluluto rin. I got curious with the taste of Andrew's cooking so I declined Clarence's offer just for tonight. Ngayon lang naman dahil gusto ko talaga malaman kung masarap magluto ang mokong na 'to na niyayabang niya sa akin.
"Stop staring at me, Arc. I can feel it here,"
"Hoy, hindi ako nakatingin!"
Pumihit siya paharap at nahuli niya ako kaya palasak na ang alibi ko agad.
"I know that I have a handsome back,"
"Sino may sabi?"
"Everyone."
Ang yabang talaga! Kung hindi lang ako curious sa lasa ng luto niya, baka nasa bahay na ako ngayon ni Clarence kasama ng kambal. Binalingan ko ang mga alaga ko at sila na lang kinausap kaysa ang tiyuhin nila na ubod ng yabang. Umirap ako ng makita na ngumisi si Andrew.
"You like Clarence?"
"My long-time crush."
"He's a nice guy, but -"
"But, what?"
"Hindi pa siya nakaka-move on sa asawa niya. It his one true love and I don't think he'll fall in love again,"
Ayokong maniwala sa sinasabi ni Andrew. Nitong mga nakaraang araw, iba ang pakiramdam ko sa mga kilos ni Clarence. Sabi ko na hindi ako mag-a-assume pero iba talaga iyong nararamdaman ko sa pinakikita ni Clarence.
"Pwede magtanong?"
"What is it?"
"How will you know if a guy likes a girl?"
Umubo si Andrew at maang pa na tumingin sa akin. Hindi kami magkaibigan pero tingin ko ay masasagot niya ang tanong ko. Andrew thinks that Clarence will never fall in love again. Pero bakit masaya si Clarence na kaibigan lang si Andrew para sa akin? It's confusing yet it get my hopes high.
"I don't know."
Sumimangot ako. Ang labo niya talaga kausap kahit na kailan. Dapat hindi na ako nagtanong sa kanya kung ganung sagot lang din ang makukuha ko.
"Magluto ka na nga lang diyan!"
"Don't ask questions like that?"
"Bakit naman?"
"Basta. Matatapos na ito kaya relax ka lang diyan."
Naiiling akong bumaling sa kambal at sila na lang kinausap. Mas may sense pa kaysa sa tiyuhin nila na malabong para sa tubig ng ilog Pasig!
***
THE NEXT DAY, Clarence invited me and the twins to go to churh with him and Dean. Sumama lang si Andrew dahil ayaw niya maiwan sa bahay na mag-isa. Dalawang sasakyan ang ginamit namin at doon ako sa sasakyan ni Andrew sumakay kasama ng kambal. Ito ang unang beses na magsisimba ako at hindi ko sukat akalain na relihiyoso pala si Andrew. Kanina pa ako kinakabahan na baka magliyab siya pagpasok namin sa simbahan.
"I believe in God, Arc." Giit niya sa akin nang mapansin na nakatitig ako sa kanya gamit ang rearview mirror. Nasa passenger seat ako at nasa tabi ko si Chance at Chase na nakaupo sa baby car seat nila.
"Wala naman akong sinasabi dito,"
"Those stares, it irks me."
"Arte mo naman! Bawal ka ba tingnan?"
"Yeah, especially with malice."
"Hoy, hindi kita type no!"
"Likewise."
Umirap ako saka tinuon na sa labas ang aking atensyon. Tumapat sa sasakyan namin iyong sasakyan ni Clarence at kinawayan ako ni Dean. Nasa mas maluwag na lane sila kaya nauna na sila sa amin at sumunod lang si Andrew sa kanila. Hindi ba siya sanay magmaneho ng sasakyan dito sa Denmark. Sabagay, iba ang road rules dito kaysa sa Pilipinas at mas may disiplina ang drivers dito ng 'di hamak. All pedestrian lanes are respected, as well as the road signal lights.
"This should be a date,"
"Uhm, I'm with you, so you cannot consider this a date."
"Kaya nga should ang ginamit ko,"
Marami na ako agad kasalanan hindi pa 'man kami nakakapasok sa simbahan. Hindi ko pinansin si Andrew para 'di na rin kami mag-away. Hanggang sa makarating kami sa simbahan walang naging kibuan at binalot lang kami ng katahimikan. When parked the car, Andrew came out first to help me unbuckling the twins seatbelts. Kinalong niya si Chance habang ako naman kay Chase na hinayaan ko maglakad kasabay ko.
"Ate Arc," Dean called me and held my other hand.
Sinabayan kami ni Clarence sa paglakad papasok ng simbahan at nakasunod lang sa amin si Andrew at Chance. Namangha ako sa disenyo ng simbahan dito sa Denmark at naalala iyong kasabiham na pwede ka humiling kapag unang beses mo makatuntong sa simbahan. Iyon agad ginawa ko ng makahanap kami ng pwesto na hindi kalayuan sa altar. I pray in silence and tried not to be distracted by Chase. Tinatawag niya ako kaya pinaikli ko na lang dasal ko para hindi mag-ingay pa siya.
"Tahimik naman sila kapag nag-umpisa na ang misa." Sabi ko kay Clarence at Andrew. Iyon ang sinabi sa akin ni Dr. Addie dahil sinanay na ng mga ito ang kambal na lagi nagsisimba.
"What did you pray a while ago?" Andrew whispers in my ear that gives me unexplained chills.
"Bakit gusto mo malaman?"
"Curious?"
Inirapan ko siya saka binalingan si Clarence na mahinang nakikipag-usap kay Dean. Napapansin ko na lahat ay ginagawa niya para mapalapit sa anak. Napangiti ako ng makita kung gaano sila ka-close na ni Dean ngayon kaysa noong unang taon na nagta-trabaho sa kanila.
"Don't be too obvious, Arc."
"Shut up," I hissed.
"Be more demure to be able to gain his attention."
"Totoo ba yan? Why do I have to change myself for him?"
"To get his attention?"
"Whatever!"
Hindi ko na pinakinggan si Andrew kahit panay ang pambu-bwiset niya sa akin. Naniniwala nga siya na may Diyos pero buong misa naman nangulit lang siya at parang siya pa ang inalagaan ko kaysa sa kambal. Pagkatapos ng misa, nag-aya si Dean na kumain sa labas na hindi naman namin natanggihang ni Andrew.
"Now, this is a date, and we're your chaperone."
"Alam mo ikaw ang dami mo sinasabi."
"I'm trying to help you here, Arc. Kaunting courtesy naman." Tiningnan ko siya ng masama ngunit imbis na huminto ay patuloy lang si Andrew pambu-bwiset sa akin. "Tinanong mo ako kahapon paano malalaman kung may gusto sayo ang lalaki 'di ba?"
"Na hindi mo naman sinagot." Pagpapaalala ko sa kanya.
"Men do not usually let the woman they like notice the signs."
"Bakit naman? Hindi ba mas okay kung alam ng gusto nila iyong nararamdaman nila?"
"Some are vocal while others are not."
"What do you think of Clarence?"
"He is - why do you care about what I think of him? Ang importante ay mapansin ka niya."
Oo nga naman pero gusto ko kasi malaman mula sa lalaki kung ano ang tingin niya kay Clarence.
"Tutulungan mo ako?"
"Kung gusto mo lang,"
"Why?"
"Kailangan ko pa ba sagutin iyan?"
"Syempre kaya nga ako nagtatanong."
Finding a friend in Andrew is quite unexpected. Palaisipan pa rin kung bakit niya ako gustong tulungan na mapansin ni Clarence. Baka nag-iba ang ihip ng hangin at mabait na siya ngayon sa akin. Ngunit hindi pa rin naalis iyong pambu-bwiset niya na parte din yata ng tulong na alok niya. Now, I have another human to babysit. Baka naglilibang lang din siya at hindi maalala si Kayla. Right, hindi ko pa nga natatanong kung ano nangyari sa kanilang dalawa noon at naniniwala ako na hindi niya ako bubugahan ng apoy kapag nagtanong na ako.
"I think you deserved a better man, Arc, and this is me waving a white flag now."
"Hindi mo na ako aawayin?"
"I'll try,"
I frowned at him.
"Friends na tayo? Pwede na ako magtanong ng personal na bagay sayo?"
"Not too fast, Arc. Baka sa akin ka mahulog imbis na sa kanya."
"Asa ka diyan. Hindi nga kita type."
"Likewise and whatever you say Arc."
Improving na ang pagiging tao ng isang ito at sana nga hindi na niya ako awayin. Dapat pala noon ko pa siya inayang magsimba para binasbasan ng mas maaga. May linya pa lang hindi maaring tawirin ngayon dahil nag-u-umpisa palang kaming dalawa ni Andrew bilang magkaibigan. Sana tama itong ginagawa ko at mapansin nga ako ng tuluyan ni Clarence dahil kung hindi sasakalin ko si Andrew!