Chapter 22 AGAD akong napabangon at pilit winaksi ang kaisipang pumasok sa aking isipan. Imposible naman mangyari iyon at alam ko na magkaibigan lang kaming dalawa ni Andrew at hindi na kami hihigit pa roon. Isa pa, malinaw sa amin na hindi namin tipo ang isa’t-isa kaya tingin nadadala lang ako ng damdamin ko. The man I like is Clarence. Period, no erase! “Uuwi na ako,” sabi ko saka pinagpag ang suot kong damit ng makatayo. “Ihahatid na kita,” he said, collecting Emily and Rousse who were sleeping now. “tara na. Delikadong umuwi ng mag-isa nang ganitong oras.” Hindi na ako nakatanggi pa at 'di na din naman niya ako hinayaan. Pagkalagay niya sa mga pusa sa higaan ng mga ito ay umalis na kami. Naghuling sulyap pa ako sa bahay ni Clarence bago sumakay sa sasakyan ni Andrew. May nagtutulak