Chapter 07
Arc
KAHIT paano ay gumaan ang nararamdaman ko dahil sa pag-uusap namin ni Clarence. We talked randomly about personal things in our life. Sa sobra pagkalibang namin, hindi na namalayan na lumalalim na pala ang gabi. Dean is already sleeping on my lap like a baby. Napangiti ako ng pagmasdan ang natutulog na si Dean dahil kamukhang-kamukha siya ni Clarence kahit saan anggulo tingnan.
"I think we need to go home now." Sabi ni Clarence saka dahan-dahan na niyugyog si Dean upang magising.
"Tingin ko buhatin mo na lang siya. Mukhang malalim na ang tulog niya," sagot ko naman.
Sobrang lapit namin sa isa't-isa at malaya ko naaamoy ang pabango niya na hindi masakit sa ilong. Pinaglapat ko ang aking labi at sinalubong ang tingin ni Clarence. His lowered down to my lips and I'm not that stupid to know what does he want to do. Napalunok ako ng makitang unti-unting lumalapit ang mukha niya sa mukha ko. Sa sobrang kaba na naramdaman, bigla na lang ako sininok at natigilan si Clarence saka mahinang tumawa.
"We'll go now. Good night, Arc," aniya saka marahang tinapik ang aking ulo.
"Y-yung bag ni Dean," sabi ko saka inabot iyon kay Clarence.
"Thanks!"
"Thank you, din," I said and then guided him out of the twins' room.
Pinanood ko lang siya bumaba hanggang sa makalabas ng bahay habang buhat si Dean. When he was finally out of my sight, I went inside the twins' room again and as I closed the door, I felt my heart beating faster than the normal beat. Clarence almost kissed me on my lips! Sigurado akong hindi ako nanaginip at totoo iyong nangyari kanina. Kinikilig ako na nilapitan si Chance at Chase saka inayos ang kumot nila pati na mga unan sa kanilang gilid. I had a good quality time with Clarence and Dean a while ago and I'm going to treasure that in my heart.
That night I slept with a smile on my face, forgetting the ill encounter that I had with Andrew. The next morning, I woke up earlier than the alarm I set last night. Parehong routine ang aking ginawa at binawas lang iyong paghingi ng tulong kay Andrew. Naisip ko kasi na mas maigi na huwag na siya kausapin para hindi na kami nag-gigiriang dalawa at nakakasawa na rin pati. If I really want to survive here alive, I must avoid talking to the devil.
"I heard what happened yesterday." Panimulang sabi ni Dr. Addie matapos kausapin ang kambal na anak. "Kinausap ko na si Andrew bago ako tumawag sayo. I asked him to apologize, which I think he already did, right?"
Umiling ako bilang sagot. After breakfast, umalis siya at bumalik matapos ang dalawang oras. Nagkulong lang loko sa kwarto niya at lumabas noong bandang tanghalian na.
"He didn't reach out to you?"
"Not yet. Hmm, maybe next year, I guess?"
"Baliw talaga iyon. Anyway, I'm sorry on behalf of him. Nabalitaan ko na galing diyan si Kayla kahapon kaya tinopak iyong isa. Dapat talaga pina-ban ko na siya diyan. After this call, tatawagan ko si Clarence para mag file ng restraining order."
Alam ko ang ibig sabihin ng restraining order pero ayoko magtanong kung bakit. It's not Dr. Addie's to tell after all. Baka lalo pa mainis sa akin si Andrew kapag nag-usisa ako.
"Okay na po iyon,"
"It's not okay and our parents didn't raise us to be like that. Na-meet mo na si Mama, right?" Tumango ako bilang sagot.
Mabait si Ms. Jillian, palangiti at wala akong masabi iba sa kanya. Dr. Addie slightly has her character as per my observation. Hindi naman ako magaling talaga mangilatis ng tao kahit noon pa kaya nga ako niloko noong una dito. Ang gusto ko lang malaman kanino nagmana si Andrew. I've their other brother and he's nice as well as his wife. Bumisita na sila dito noon at napalagay agad loob ko sa kanila.
"I'm really sorry, Arc. Huwag ka magreresign pagbalik namin diyan. Talagang itatakwil ko kapatid ko para sayo,"
Napangiti ako. "You'll do that, Doc?"
"Yeah, and I warned him already."
Nagpatuloy ako sa pagtutupi habang kausap si Dr. Addie. Na-kwento niya na si Clarence ang nagsabi tungkol sa alitan namin ni Andrew na galing lang sa kwento ni Dean. Kulang iyon kaya napilitan ako na mag-kwento ng buo. When she already knew everything, Dr. Addie scolded me a bit. Mas matindi pa rin ang inis niya sa kakambal at hindi naman ako papatol talaga kung hindi niya sinabi iyon sa akin. Huwag na daw namin uulitin na mag-away sa harap ng mga bata.
Matapos ang tawag ni Dr. Addie, tinulungan ko iyong cook na maghanda ng hapunan na naka-kwentuhan ko rin. Gaya ko, mapalad siya na nakilala ang pamilya ng mga De Luna dito sa Denmark. Malabo na raw kasi makahanap ng matinong employer dito ngayon kaya swerte kaming dalawa. Bukod sa mabait, generous pa sa sahod at hindi na-de-delay kaya naman nakakasabay ang mga kapatid ko sa klase nila. Sabi nitong Yolly, swerte daw ng pamilya ko sa akin at mabait ako saka maasahan na kinangiti ko lang. It's more like an obligation to help my family and it's also a p*****t for what my parents have sacrificed before.
"Buti hindi mo pa naisipan mag-asawa? Mag-do-doctor ka kamo?"
"Saka na iyong pag-aasawa. I want to be a registered nurse, then take medicine, and have my license as a doctor."
"Nakaka-inspire ka naman, Arcelia."
"Arc nga kasi!"
Tumawa lang siya at sumimangot ako kaya binola-bola pa niya ako. Sa sobrang haba ng usapan namin, halos hindi na namin na namalayan na kailangan na niya umuwi. Pagka-alis niya, inasikaso ko na ang kambal at inumpisahan na ligpitin ang kalat nila sa living room. Nasa kalagitnaan na ako pagliligpit ng may bultong tumayo at humarang sa nililigpit ko. Nag-angat ako ng tingin at ng makita na si Andrew iyon ay agad ako na umiwas.
"Arc…" Hindi ko siya pinansin at tinuloy lang ang pagliligpit. "I'm sorry. I realized what I've said wasn't good at all. Buong angkan ko yata ang galit sa akin dahil sa madaldal kong kapatid."
"Lahat alam yung nangyari?"
He sighed heavily.
"Yeah. Addie called Dad and Mom when they were with my uncles and aunties. They have been bombarding my phone since yesterday last night without minding the long-distance charges."
I chuckled silently. Served him right. Masama pala ang balik sa kanya ng karma kahit na hindi ko inaasahan na buong angkan ang kakampi sa akin. May mali din naman ako nagawa at nag sorry na ako kay Dr. Addie kanina nang mag-usap kaming dalawa. Sadyang napuno lang ako kagabi pero mali na ipakita sa mga bata dahil tatatak iyon sa isip nila na akala ay tama.
"Pag-iisipan ko muna,"
"What?"
Hindi ko na siya pinansin at tinuloy na ang pagliligpit hanggang sa matapos saka umakyat na ako sa second floor para linisin ang kambal. Sinundan ako ni Andrew hanggang sa kwarto nila at ginulo sa aking ginagawa. Kahit anong gawin ko na iwas, talagang lalapit at lalapit lang siya.
"Is that a sincere apology?"
"Yes. As a matter of fact, I have a peace offering for you."
Andrew handed me a box covered with brown paper wrapper. Tiningnan ko siya sandali bago iyon binukas. Tinulungan ako magbukas ni Chase na siyang kalong ko ngayon. Si Chance naman ay abala sa pinapanood sa cellphone na malayo ang distansya sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko ng mabuksan na ng tuluyan iyong peace offering ni Andrew sa akin. Tatlong klase iyon ng libro na sinulat ng favorite author ko na pangarap ko talaga mabili. Tiningnan ko na iyon noong nakaraan na lumabas kami kaso hindi ko nabili dahil 'di kasama sa budget.
"Paano mo nalaman?"
"I saw you looking at these books the last time we went out."
Keen observer, huh?
"T-thanks, but isn't this too much?"
"Nope. Peace offering ko nga iyan saka maganda naman mga novels niya pati na movies."
"Nagbabasa at nanonood ka ng gawa ni Nicholas Sparks?" Maang siyang tumingin sa akin. I know that kind of look. "Because romance s***h tragedy concept. Hindi lang ako makapaniwala."
"Someone made me like them,"
"Kayla…" Muntik ko na mahampas ang bibig ko. Bakit ko ba nabanggit ang pangalan ng babaeng iyon? Siya ang dahilan kaya inaway ako ni Andrew. Naiinis na ako sa kanya kahit hindi ko alam ano nangyari sa kanila ni Andrew noon. "Salamat ulit. Hindi mo na pwede bawiin ito."
"Welcome." Matipid niyang sabi. "Can I stay here?"
"Bakit hindi? Bahay naman ito ng kapatid mo saka bakit ka ba sa akin nagpapaalam?"
"God, you're so chatty."
"Angal ka na naman?"
"It's a compliment."
Paano naging compliment iyon? Inirapan ko siya at pinahiga na iyong kambal sa kama para patulugin. Ganito kami lagi kapag gabi na, parang mga naghahabulan dahil ayaw magsitulog ng maaga. Mga ilang bedtime stories ang kailangan bago mapapikit ang dalawa kong alaga. Nakakamiss iyong kaingayan ni Dean kahit ngayong araw ko lang siya 'di nakasama.
Ano kayang ginawa nila ni Clarence maghapon?
"Ano iyan?" Pang-uusisa ko sa ginagawa ni Andrew.
"Paper plane." Simple niyang sagot saka tinuloy na ang pagtutupi ng papel na ginagawa. "I always love seeing airplanes up above. Akala ko noon hindi ko matutupad ang pangarap ko at mananatiling pinamamahalaan ang business ni Mommy."
"Sabi mo, naging piloto ka dahil may nagpursigi sayo." Nakalimot na naman ako. Dapat talaga iwasan ko na pagiging feeling close para hindi mapahamak. "Kalimutan mo na nagtanong ako."
Andrew chuckled softly.
"Yeah, someone made me push to achieve my dream, and that someone too broke my heart."
Hindi ko alam ang dapat na sabihin sa kanya dahil una, ano bang malay ko sa love? Crush lang naman itong nararamdaman ko kay Clarence at masyado pa maaga para pangalanan. Pangalawa, kasasabi ko lang na ayoko nga maging feeling close sa kanya. Mamaya bugahan na naman niya ako ng apoy tapos bandang huli ako din ang magsisi. Mabuti sana kung mag-sorry siya ay laging may peace offering gift saka hindi ko afford na bilihan siya ng regalo.
"Can love be that hurtful?"
"It's a package, so you must know the person before investing too many feelings. Don't be such a fool like me, Arc."
May nangyari talaga na hindi maganda sa kanya at Kayla noon. Gusto ko malaman kaso baka kapag nagtanong ako ay bugahan na niya ako ng apoy.
"Paano mo naman malalaman na siya na talaga?"
"Seriously? What am I? A radio DJ?"
Kita mo na? Masama talaga magtanong sa kanya dahil sobrang seryoso na, bigla siya mamimilosopo. Iilang linggo ko palang siya nakakasama dito pero pakiramdam ko ay kilala ko na siya ng higit pa sa isang taon.
"Parang nagtatanong lang." Mahina ko nasabi sa kanya.
Nang-aaway na naman gayong kasasabi lang niya ng sorry sa akin. Gusto ba niya na mapuno ng libro ang baggage ko at mahirapan na iuwi iyon sa Pilipinas? Kaya hindi ako gaano nagbibili dito dahil alam ko na mahihirapan din ako na iuwi kapag natapos na contract ko kay Dr. Addie at Dr. JD.
"Do you want to know what Nicholas Sparks' movie is the best?"
Tumango ako kahit na alam ko naman na The Notebook ang sasabihin niya. Aside from A Walk To Remember, The Notebook was a movie that made me cry almost the whole day. Pakiramdam ko hindi na matutuyo ang luha ko dahil sa sobrang ganda ng palabas. It is a masterpiece and I could feel the actors' emotions. Idagdag pa na gwapo talaga si Ryan Gosling.
"What?"
"For me, it's The Choice and Safe Haven."
"Why not The Notebook?" Maganda din iyong dalawang nabanggit niya pero mas gusto ko pa rin talaga ang The Notebook.
"Love is a choice as well as happiness, Arc. Pwede mo piliin ang mamahalin at magpapasaya sayo. Love is not about a fast heartbeat, current, and sparks. True love often requires sacrifice, and it is not always perfect."
"Ang lalim pero gets ko naman. Hindi ko pa lang talaga siguro nahahanap kung sino ang pipiliin ko na siyang nagpapasaya sa akin,"
"If you find him, don't let him go. Love him not more than you love yourself so you won't be a loser."
"I'll remember that."
He smiled.
And I smiled too.