Ace Villaruiz POV. Exactly five months today simula ng natagpuan ko ng hindi sinasadyang pagkakataon ang babaeng nakahiga at wala pa ring malay sa harap ko. Tahimik na pinagmamasdan ko ito gaya ng araw-araw na ginagawa ko. Ginagawa ko ang lahat para mabuhay ito maging ang mga batang nasa sinapupunan nito. Malaki na ang tiyan niya ngayon pero hindi ko pa rin alam kung sino ito. Wala siyang kahit na sinong kapamilya na naghahanap dito na natagpuan ko kaya minabuti kong alagaan ito at nanatili sa poder ko na sinang-ayunan naman ni Daddy ko. For the first time in my life nasabi nitong proud ito sa ginawa ko at tama na hindi ko ito iniwan sa kalsada ng mga panahong nabangga ko ang babaeng nasa harap ko. Simula noon ay naging malapit sa akin ang Daddy ko matapos na magkaroon kami pareho ng