Lander POV Madilim na ng makarating ako ng bahay. Tulad ng dati sobrang lungkot ang nararamdaman ko tuwing papasok ako dito. Gustuhin ko mang gumaya kay Xander na walang pakialam sa paligid at kinalimutan ang mundo para takasan ang sakit at lungkot ng pagkawala ni Julia ay hindi ko kaya. Hindi ako pwedeng maging mahina dahil maraming tao ang umaasa sa akin. Mula sa mga magulang ko na umaasa na kaya kong isalba ang papalugi na pala naming kumpanya at mga taong umaasa sa akin dito sa hacienda. Sabayan pa ni Xander na ikinulong ang sarili sa apat na sulok ng silid namin. Umaasa s'ya na babalik si Julia at gusto n'ya na sa oras na bumalik ito ay naroon s'ya at naghihintay sa asawa namin. Gustuhin ko man na sumuko sa bigat ng responsibilidad na nasa balikat ko ay hindi ko ginawa. Umaasa ako