Brigitte POV. Katulad ng mga nakaraang buwan, heto ako, parang tanga na nanonood kung paano magpakalunod sa alak si Xander habang halos hindi na kami magkita ni Lander na hanggang ngayon ay tila baliw na hinahanap ang malanding si Julia. Biglang naging katulong ang role ko sa mansyon na ito at para akong tagapag-alaga ng nagwawalang bata. Pero okay lang sa akin ang lahat dahil isa ito sa paraan para tuluyang makuha ko ang kambal na matagal ko ng pinapangarap at inaasam. Inayos ko ang higaan ni Xander at kahit mabigat at malaki siyang tao ay nagawa ko na maihiga sa kama at napadagan ako dito ng hindi sinasadya. Malimit ay ganito ang ginagawa ko tuwing tulog ang lalaking mahal ko at wala sa sarili. Ito lang ang pagkakataong ko na mayakap at ma halikan si Xander bagay na nagpapasalamat ak