Julia POV. Mabigat ang mga mata at tila hindi ako makagalaw sa kinahihigaan ko pero ang malakas na paggalaw sa loob ng tiyan ko ang gumising sa akin. Isang marahang pag-haplos ng kamay ng kung sino ang naramdaman ko sa ibabaw ng tiyan ko na siya namang naging dahilan para lalong maging malikot ang kung ano sa loob ng tiyan ko. Nagtataka ako kung ano iyon dahil ito ang unang beses na naramdaman ko ang mga bagay na tila buhay na kung ano sa loob ng tiyan ko na panay ang paggalaw nito. Mainit na kamay ang humawak sa palad ko at marahang hinaplos at sinimulang pisilin na parang minamasahe ng paulit-ulit. Lihim akong natigilan dahil hindi familiar sa akin ang mga kamay na kasalukuyang panay ang haplos at bahagyang pagdiin ng daliri sa palad ko. Hindi ito si Xander at Lander dahil wala ang