Julia POV
"Contestant number twelve your in, pumila ka na dito kasama nila," sabi ng nag-announce nang mga pumasa sa screening na si Mama Lang.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Talagang kinabahan ako ng sobra matapos malaman na napili ako. Simula na ng totoong laban ngayon dahil sigurado ako na hindi rin naman patatalo ang mga ibang contestant na napili gaya ko.
Tulad ko ay lahat kami gustong manalo. Pare-pareho kaming naghahangad ng korona lalo at ang malaking prempyo na katumbas nito.
Malaking tulong ito sa pamilya ko lalo na at sa hirap ng buhay ay maswerte na kami kung may isang libo kami sa bulsa kapag lumubog ang araw.
Sa grand prize na dalawampung libo ay malaking tulong na ito sa akin at pamilya ko kaya kahit nangangatog ang tuhod ko at ang lakas ng kaba sa dibdib ko ay tumayo ako saka naglakad palapit sa pila ng mga dalagang napili na siyang pumasok sa top fifteen na siyang maglalaban sa grand finals sa pista ng barangay.
"Bakit sumali ka pa Julia? Hindi naman ito mukhang palengke ng barangay na pwede kang maglako ng isdang tinda mo araw-araw," mataray na sabi sa akin ng babaeng alam ko abot hanggang langit kung maliitin ako dahil sa anak mahirap ako.
Nagkunwari na lamang akong walang narinig at pumila kasunod nito. Kahit naiinis ako na nagtatawanan sila dahil sa sinabi ni Monique ay hinayaan ko na lang lalo na at noon pa ay nasanay na ako sa matabil na bibig nito na walang ibang ginawa kun'di ang laitin ako.
"Julia saan ka kumuha ng lakas ng loob ma sumali dito?" mahinang taong ni Letty ang katabi ni Monique na kasabay nitong tinawanan ako kanina.
Tinaasan ko ng kilay ang dalawa bago nagsalita dahil hindi ko hahayaan na lagi na lang akong minamaliit ng dalawang ito.
"Ano ba ang pakialam n'yo? Isa pa, hindi n'yo naman pag-aaari ang kontest para pagbawalan akong sumali," palaban na sagot ko.
"Abat-" akmang lalapitan ako ni Monique para siguro sampalin pero bigla ay binaba nito ang kamay ng makitang may nakatingin sa amin saka ngumiti ito na akala mo ay may masaya kaming pinag-uusapan.
Ang plastic niya talaga. Daig pa niya ang orocan na puno ng masangsang na tubig kanal na basta na lang na nanalasa kahit saan.
Kung sabagay ganito na talaga ang ugali nito kahit noon pa kaya hindi na ako nagtataka kung bakit gigil ito laging awayin ako lalo na ngayong isa ako sa makakalaban niya sa darating na pista ng aming barangay.
"Ayos ka lang ba Julia?" seryosong tanong ni Zenith na lumapit sa amin matapos tawagin din ito bilang isa sa mga napili rin gaya ko.
Ngumiti ako dito at hindi nagpahalata na may nangyari sa pagitan namin ni Monique at kaibigan nito.
Alam ko na iiwas din sila na awayin ako dahil sigurado ako na ma-disqualified sila oras na magsimula sila ng gulo dito.
"Ayos lang ako Zen, wala 'yun," nakangiting sagot ko.
Tumango lang ito at tumayo ng tuwid sa tabi ko. Typical na ugali nito na lagi ay malimit walang kibo at mas gusto na nag-iisa o kaya naman ay bihirang makisalamuha kaya akala ko noon ay suplada siya.
"Girls, paghandaan n'yo ang susunod na laban. Kailang maganda ang presentation na gagawin natin. Malaki ang premyo ngayong taon, galante si mayor at si governor kaya sikapin n'yong lahat na mabigyan natin sila ng magandang show. Naiintindihan n'yo ba?" malakas ang boses na tanong ng organizer ng pageant.
"Opo Mama Lang," halos sabay-sabay na sagot namin.
"Bweno, more praktis ha. Magaganda kayo pero ilan sa inyo baliko ang mga paa. Ang ilan naman sanay na sa pageant lalo na at taon-taon na kasali pero kailangan n'yo ng maayos na training para manalo kayo," sabi pa nito.
Lahat kami ay nakikinig sa mga sinasabi nito. Kahit nangangalay ang mga paa na nakatayo gamit ang high heels na sapatos ni Bhelle ay nagtiis ako.
Para sa premyo at sa pera kaya lalakasan ko ang loob ko. Tama naman si Mama Lang, malaki ang premyo kaya dapat tumbasan namin ito ng effort na gagawin namin para sa finals.
"Taas ang mga kamay ng baguhan at first timer na sumali sa kontis sa inyo," sabi ni Mama Lang sa amin.
Mabilis na nag-angat ako ng kanang kamay dahil kasali ako sa binanggit nito.
"Kayo na mga baguhan, kailangan n'yo nang extra praktis sa bahay. Bet ko ang batch na ito dahil lahat kayo ay magaganda at halatang may ibubuga. I hope you guys won't disappoint me," malakas ang boses na sabi nito na sinuyod kami ng tingin.
Malakas ang kabog ng dibdib ko nang tumapat sa akin ang mga mata nito. Hindi ko mabasa ang kung anong pinapahiwatig niya pero kinabahan ako ng todo.
Siguro nga ay hindi niya rin ako gusto lalo na at mukhang suplada rin ang dating nito.
"Ilang taon ka na ulit?" tanong nito ng ngumiti ako.
"Eighteen na po," nahihiyang sagot ko.
"Maganda ka, mabuti at sumali ka ngayong taon. Good luck," nakangiting sabi nito sa akin.
"Salamat po Mama Lang," nag-iinit ang pisngi na sagot ko.
Nahihiya kasi ako lalo na at hindi ko inaasahan na maririnig dito mismo ang purihin ako.
Mukha siyang strikta at matapang, oo mga at may pagkamasungit siyang tingnan pero mabait naman pala siya kaya dapat lang talaga na hindi ko siya hinusgahan na mataray dahil lamang sa first impression ko.
Para akong nabunutan ng tinik dahil sa narinig na sinabi ni Mama Lang. Medyo bumaba rin kasi ang self confidence ko matapos ang mga sinabi ni Monique at kaibigan nito lalo na at mukha umano akong galing palengke na naligaw dito.
Minsan talaga may mga ibang tao na walang pakundangan kung magsalita at hindi iniisip na nakakasakit na sila ng kapwa.
Masyadong mapanghusga ang mundo pero dahil ako si Julia na matapang at malakas ang loob ay susugal at lalaban ako.
Para sa pamilya at pangarap ay hindi ako dapat mag-paapekto sa mga taong tulad ni Monique na wala ng ibang ginawa kun'di ang laitin ako at apakan ang pagkatao ko dahil lamang sa hikaos ako sa buhay at hindi isinilang na maraming pera na siyang tinitingnan ng laha bilang estado sa buhay.