Chapter 3

1636 Words
Julia’s POV. Maraming tao at mga naka posturang mga kabarangay ko ang nadatnan namin sa barangay hall kung saan magaganap ang screening ng mga lalabang kandidata. "Uy, Julia, ang ganda natin lalo ngayon, ah," bati sa akin ng isa sa mga kakilala kong si Zeneth. Schoolmate ko siya dati at laman palagi ng mga contest sa school at maging sa pa-contest ng bayan. "Sasali ka ba sa pageant?" Tanong pa nito na ang mga mata ay nakatutok kay Belle na abala sa pakikipag usap sa organizer daw ng pageant. Alam ko naman na may gusto siya sa bestfriend ko at may pagkakataon pa na inimbitahan ako niya sa party para makiusap na isama ko si Belle na Billy pa noon. "Yeah, susubukan ko kahit mahirap," sagot ko sabay tipid na ngumiti dito. Mabait naman ito at malakas ang loob. Palaban din palagi kaya laging nananalo. Isa pa, maganda din talaga ito at hindi ko maitatangging kinakabahan ako na kasali ito ngayon sa pageant. Threat, isa s'yang threat sa pangarap ko na baka hindi ko magawa kung matatalo ako. Kailangan ko talagang pagbutihan para sa premyo na inaasam ko. Malaking bagay na iyon, hindi ko maiipon ang twenty thousand pesos kahit pa magtrabaho ako at magtinda ng isda sa loob ng isang taon. "Good luck, Julia. Malaki ang potential mo. Mukhang mahigpit ang laban ngayong taon marami rin kasing mga new faces na sumali," sabi nito sabay ikot ng mata sa paligid. Tama nga s'ya, kahit barangay pageant lang ito marami ang sumasali kada taon dahil na rin siguro sa malaking premyo lalo na sa panahon ngayon na tag-hirap talaga ang buhay. "Girls, pila na kayo. Magsisimula na ang audition." Malakas na sigaw ng isang kalahi ni Belle habang pumapalakpak. Agad namang sumunod ang lahat at nakabuo kami ng isang mahabang pila. Number twelve ang bilang ko ayon na rin sa pagkakasunod-sunod namin sa pila. Bawat isa nagpakilala at nag-pose sa harap ng tatlong judge sa harap namin. Kung sino ang pumasa sa audition na ito automatic na kasama sa pageant kaya dapat hindi ako magkamali. "Next, number twelve," tawag ng isang judge sa number ko. Kita ko ang pagpalakpak ni Belle at pag-sign ng thumbs up para palakasin ang loob ko na tinanguan ko naman. "Good morning, number twelve magpakilala ka na," sabi ng isa sa mga hurado na kaharap ko. Ngumiti ako ng matamis bago nagsalita. "Hi, magandang umaga. I'm Julia Marasigan, eighteen years old, representing zone four na nagsasabing lumaki man akong walang kayamanan pero maganda ako. Basta maganda ako." Sabay bow ko sa mga kaharap ko na nakapaskil ang pinaka matamis na ngiti sa labi ko. Isang ikot pa at naglakad na ako papunta sa sulok kung saan naghihintay ang mga contestants na gaya ko. "Girl, pak na pak ang ginawa mo," pumapalakpak na sabi ni Belle sa harap ko. Hindi kasi ako matalino at may kahinaan din ang memorya ko kaya sabi ni Belle daanin ko na lang sa witty na mga banat para daw manalo ako. Actually malakas talaga ang kabog ng dibdib ko lalo na sa part na sinabi ko na maganda ako. Kulang na lang lumubog ako sa harap ng mga hurado pero ng maisip ko ang premyo, nag-taas ako ng noo sa harap ng mga ito. "Ang tanong papasa kaya 'yang tuta mo?" nakataas ang kilay na banat ni Florence. "Hoy, Florencia! Tingnan mo ang tindig, kilos, mukha at awra ng manok ko, walang sinabi iyang mukhang kasing tigas ng buhok ng kabayo alaga mo," mataray na sagot agad ni Belle. "Aba't ang talas ng dila mo, bakla." Sabad naman ng isang contestant na sa tingin ko ay alaga ni Florence. "Matalas talaga kaya tinamaan ka," patutsada na sagot pa ni Belle. Ito na, magsisimula na ang war na sinasabi ni Belle. Napaka maldita pa naman ng isang ito at talagang gigil na makaganti kay Florence. "Hayaan mo na 'yan, Belle. Hintayin nalang natin ang resulta." Mahinahong sabi ko at baka biglang magbagong anyo si Belle at masira ang mga mukha ng mga ito sa harap ko. "Naku girl, mga mahadera kasi, pareho naman panget, tse!" Natampal ko ang braso niya. Napakataray talaga ng isang ito. Minsan nakakatakot kasama at baka bigla na lang itong mapasok sa gulo dahil sa mga lumalabas sa bibig nito. Mabait si Belle, huwag lang talagang uunahan at lumalabas ang sungay, pangil at buntot nito. "Ano ka ba, Belle, hindi tayo pumunta rito para makipag away ka kay Florence. Gusto mo bang mapaalis tayo pareho kapag nagkagulo kayo? Paano na ang premyo?" Tanong ko sa kaniya sabay pinandilatan siya ng mga mata. "Sabagay, girl, tama ka. Kailangan mo ng datung at kailangan kong matalo si Florencia kaya galingan mo. Sa'yo nakasalalay ang huling halakhak ko." Loko talaga itong si Belle, sabagay kahit naman noon pa ay kami ang magka-sangga sa kahit anong problema. Para akong biglang nagkaroon ng kapatid sa kan'ya. "Alam mo baks, kung matino ka lang, I mean, kung maging straight ka lang na lalaki baka marami ka ng naging girlfriend," biglaang sabi ko rito. "Naku, girl, kilabutan ka nga sa sinasabi mo. Tatamaan ako ng kidlat sa pinagsasasabi mo," naka-irap na sabi pa nito. "Totoo naman kasi 'yon, Belle. Alam mo namang maraming nagkakagusto sa'yo dito sa lugar natin." Naisip ko kasi si Zeneth dahil kanina ko pa itong nahuhuling panay ang palihim na sulyap sa amin. Particular dito sa mataray na katabi ko na nakanguso ng marinig ang sinabi ko. "Oh my gosh, don't tell me na namaalam na si pudra ko at sumanib sa'yo ang kaluluwa nito?" Kunwari ay nanlalaki ang mga mata niya sa gulat sa naisip. "Gaga! Ako lang ‘to, ang bestfriend mo. Dinamay mo pa ang tatay mo. Gusto mo bang masuntok ka na naman ng tatay mo?" Pasaway na bakla basta ganyan ang usapan nagiging exaggerated. "Eh, bakit ba kasi pumasok ‘yan sa kukote mo? Dapat paghandaan mo ang final question and answer, may pagka-slow ka pa naman girl." Naku, kung hindi ko lang talaga bestfriend ito nakatikim na ito sa akin. "At sino ba naman kasi ang nagtulak sa akin na sumali dito sa pageant mo?" Nakairap na rin na tanong ko. Ang bruhang ito ang lakas pa talaga kasi ng boses akala mo lagi may microphone na dala at naka-full volume. "Ay s'ya, ‘wag mo kasing inaano ang pagiging babae ko para hindi kumakawag ang buntot ko," maarteng pilantik pa ng daliri nito. "Hay naku, Belle, talaga. Billy ka ano, saka hindi ka babae, binabae ka." Pinandilatan niya ako sa narinig. Ayaw na ayaw nitong maririnig ang Billy na pangalan at naalibadbaran daw kuno siya. Tinawanan ko lang ito saka pinanood ang huling contestant na lumabas sa pintuan. "Guys, break muna kayo. After half an hour, tatawagin namin kayo para sa resulta ng screening ninyo ngayon." Agad kaming nagsitayuan ng marinig ang sinabi ng nag-assist sa amin. Dahil mapilit si Belle na 'wag na akong sumama ay naupo na lang ulit ako ng iwanan niya ako para bumili raw ng pagkain at maiinom. Ayaw kasi ako nitong palabasin at pagpawisan. Masisira daw kasi ang make up na ginawa n'ya kaya mabuting maiwan ako dito. Ilang sandali pa naramdaman ko na may tumabi sa akin. Sa biglang paglingon ko nakita ko ang malungkot na mukha ni Zeneth. "Okay ka lang ba?" nag-aalala na tanong ko. Pilit itong ngumiti kahit pa nababakas ang lungkot sa maamong mukha nito. "Close talaga kayo ni Billy, ano? Siguro kung hindi lang siya bading baka naging girlfriend ka pa niya." Halata sa boses nito ang lungkot sa bawat salitang binitawan. Hindi naman lingid sa akin na matindi ang pagka gusto nito sa kaibigan ko pero wala talaga kasi akong magawa para tulungan s'ya. Mas malandi at mataray pa sa amin si Belle kaya paano ko ito mapapatino bilang totoong lalaki. "I'm sorry, Zeneth. Alam mo namang bading talaga ang isang 'yon. Kita mo nga na mas mataray pa sa atin kaya siguro dapat na tumingin ka na sa iba," payo ko dito. Hindi ko man ito naging malapit na kaibigan ay mabait naman ito kahit pa kabilaan ang popularity nito. "Sana ganun nalang kadali. Alam mo ba, kaya panay ang sali ko sa mga pageant dahil alam ko na manood si Billy. Baka dumating ang pagkakataon na mapansin na n'ya ako." Tinapik ko ito sa balikat bilang simpatya rito. Hindi madali ang magkagusto ka sa isang taong hindi ka naman kayang mahalin pabalik. "It's okay, Julia. Choice ko naman 'yon, saka wala ka namang kasalanan eh. Ako kasi eh, bakit ba kasi ako nagkagusto pa sa mas maganda sa akin?" natatawang sabi nito. "Hayaan mo, makakahanap ka rin ng taong willing kang mahalin higit pa sa kaya mong ibigay." Payo ko ulit sa kaniya sabay hawak ng kamay nito. Ilang minuto din ang lumipas at bumalik si Belle na may dalang pagkain at inumin. "Girl, ito na po kamahalan ang pagkain mo," sabay abot sa akin. Umupo ito sa bakanteng upuan na nasa tabi ni Zeneth dahil nasa pinaka dulo na ako. "Wala ka bang food, inday?" tanong nito kay Zeneth na nag angat ng mukha bago umiling. "Heto, kainin at inumin mo na ito. Lalabas na lang ulit ako mamaya total pwede naman akong umalis anytime habang hinihintay n'yo ang results." Maarteng sabi nito sabay abot ng mga hawak sa katabing si Zeneth. Nahihiya pang abutin ni Zeneth ang pagkain kaya lang ng makita niya akong tumango ay kinuha na rin niya ito saka nagpasalamat at tahimik na kumain sa gitna namin. Saktong katatapos lang namin kumain ng tawagin kami ng host na pumila muli. Isa-isang tinawag ang number ng mga pumasok at halos kumpleto na ang top 20 ng tawagin ako. "Number twelve," tawag ng host sa akin. Agad akong naglakad at tumayo sa harap nito. "Number twelve, congratulations, you're in!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD