Chapter 8

2582 Words
Julia POV Hating gabi na ng makarating kami sa cubao. Hindi ko alam ang pasikot-sikot sa lugar kaya laking pasasalamat ko talaga na nakatagpo ko si Manang Rose. Halos mahilo ako sa nagtataasang mga gusali. Hindi ko inaasahan na ganito pala kalaki ang ciudad malayo sa kung paano ito naka-picture sa isipan ko. Nakakatakot ang dami ng bulto ng mga taong nakikita ko. Pakiramdam ko ay mawawala ako kapag mag-isa lang pala akong dumating dito sa Manila at hindi kasama at si Manang Rose. "Julia, halika na sumakay ka na dali," sabi ni Manang Rose habang buhat ang dalang bag papasok sa taxing pinara nito. Dali-dali akong sumunod dahil takot akong maiwan at mawala sa lugar. Makita ko lang ang dami ng mga tao sa paligid ay kinakabahan na ako. "Tuloy na tayo sa mansyon," sabi ng katabi ko habang ang mga mata ay nakatutok sa daang binabagtas ng taxi na sinasakyan namin. Tanging tango lang ang ginawa ko dahil hindi ko rin naman alam ang lugar na pupuntahan namin kaya hindi na ako nag-komento. Ngayon ako nakaramdam kasi ng labis na kaba. Maaaring nabigla ako sa bumungad na tanawin sa akin dito sa Maynila kaya heto, mag-adjust pa ako. Isang malaking gate ang bumungad sa akin ng bumaba kami ni manang Rose ng taxi. "Ito ang bahay ng mga amo ko, halika pasok tayo," sabi nito sabay baba sa taxi at mabilis na nag-doorbell sa malaking bakal na gate. Isang naka-uniform na gwardya ang bumungad sa akin ng pag-buksan kami ng gate. Halos malula ako sa laki ng bahay na nasa harap ko. Mukha itong kastilyo gaya ng napanood ko sa mga palabas. Karamihan din salamin ang bahay at nagkikislapan ang kasangkapan. Kinakabahan man ay sumunod ako papasok kay Manang Rose. "Good morning madame," bati ni Manang sabay yuko sa kaharap na maganda at naka-pusturang babae. Ngumiti ako dito ngunit blangko lamang ang mukha nito at tinanguan si Manang Rose. "Mabuti naman at nakabalik ka na Rose. Sino 'yang kasama mo?" seryosong tanong nito. Nasa boses nito na puno ito ng authority kung mag-salita. Halata sa ayos nito na hindi lang ito basta babae na may sinabi sa buhay. Nababakas kasi ang yaman ay kapangyarihan kung paano ito kumilos at magsalita habang nakasuot ng magandang damit. "Madame, si Julia po, anak ng ka kilala ko sa probinsya," magalang na sagot nito. Tinitigan ako nito mula ulo hanggang paa at hindi nakaligtas sa akin ang pagtaas ng kilay nito at malamig na mga mata. "Okay, pero hindi ko na kailangan ng bagong katulong ngayon dito. May pinasok si Auring noong isang linggo. Total na isama mo na rin 'yan dito ipadala ko na lang siya sa mansion sa Batangas. Kailangan ng tagalinis doon. Maliwanag ba?" mataray na sabi nito. Sabay kaming sumagot ni Manang Rose ng 'yes madame' bago kami tinalikuran nito at umakyat sa magarang hagdan. Okay lang kahit saan ako mapunta ang mahalaga ay may trabaho na ako at bukas magsisimula na ako. Malaking bagay na iyon sa akin at lubos na nagpapasalamat ako sa tulong ni Manang Rose sa akin. Masaya akong natulog katabi ni manang Rose ng may ngiti sa labi. Alam ko kasi na ito na ang simula ng pangarap ko. Finally, may trabaho na ako at makakatulong ako sa pamilya ko Nakakatuwa lang na bukod sa hindi ko na galaw ang sampung libong piso na hawak ko ay may trabaho na agad ako. Hindi ko na kailangan na makipagsapalaran maghanap dahil mismong trabaho na ang lumapit sa akin. Sana lang maging maayos ang sitwasyon ko sa bahay na pupuntahan ko bukas sa Batangas. "Thank you po Papa God," dasal ko bago tuluyang nakatulog. Kinabukasan.. Dahil first time ko nakitulog sa ibang bahay ay hindi ako mapakali kaya maaga akong bumangon. Alas-kwatro pa lang ng madaling araw ay mulat na ang mga mata ko at kahit pilitin ko ay hindi na ako makatulog pa. Tahimik ang buong paligid at tulog na tulog pa rin si Manang Rose na naghihilik pa sa tabi ko. Gusto ko sanang bumangon at bumaba para uminom ng tubig kaya lang nag-aalangan ako kung alin ang pwede kong puntahan. Hindi ko pa gamay ang pasikot-sikot at takot akong maligaw lalo na at napakalaki ng buong kabahayan. Mahirap na baka kung ano pa ang mangyari kaya minabuti ko na pumikit ulit pero sa maraming pumapasok sa isip ko hindi rin talaga ako nakatulog pang muli. Magkahalong kaba at excitement ang naramdaman ko. Hindi ko kasi alam kung paano ako magsisimula. Ito ang first job ko sa labas ng bayan namin kaya bago sa akin ang lahat ng ito. "Basta Julia, relax ka lang, wag kang kabahan. Kaya mo yan," paalala ko sa sarili. Nakahiga lang ako habang nag-iisip ng mga nakikita ko sa paligid. Shock pa rin kasi ako sa mga nakita kong nagtataasang building at mga bakod ng bahay dito sa lungsod. Malayong-malayo talaga ang buhay nila kumpara sa buhay namin sa probinsya. Para lamang langgam kung ikukumpara ang mga bahay namin sa laki at lawak ng mga bahay na nakita ko. Lalong sumidhi sa akin ang kagustuhang makapagtrabaho at makapag-padala sa probinsya. Alam ko na malaking tulong ang trabahong nakuha ko sa ngayon para matulungan ang pamilya ko at mapa-aral ang mga kapatid ko. "Julia anak, hindi ka ba natulog?" tanong ni manang Rose. Nagisnan kasi nito akong makaupo na sa gilid ng bintana habang pinagsasawa ang mga mata sa paligid. "Good morning po Manang Rose," nakangiting bati ko dito. "Kakagising ko lang din po at maaga akong bumangon. Namamahay po kasi ako. Ito po ang unang beses na nakitulog ako sa ibang bahay," sabi ko pa. Mahigpit kasi ang mga magulang ko at hindi ako pinayagan na makitulog sa ibang bahay kahit pa minsan ay pinagpaalam ako ni Belle. Para sa kanila ay mahalaga na sa sariling bahay ako matulog. Hindi umano maganda na dalaga na ako ay makikitulog pa ako sa ibang bahay. Babae raw ako kaya dapat lang na alagaan ko ang sarili ko dahil oras na mapahamak ako ay wala na kaming magagawa kun'di ang umiyak sa sulok. "Ganon ba? Mabuti pa ay maligo at magbihis ka na at maaga ang dating ni Macario ang driver na maghahatid sa'yo sa Batangas," paalala nito sa akin bago tumayo na ng kama at nagsimula ng ayusin ang sarili. Matapos kong gawin ang sinabi nito ay bumaba akong kasama ni Manang Rose. Tama talagang hindi ako bumaba kanina dahil ngayon pa lang halos malula na ako sa laki ng bahay na nakikita ko. "Good morning manang," bati ng mga babaeng nadatnan ko sa kusina na pare-pareho ng uniforme na suot. Tanging kami lamang ni Manang ang hindi nakabihis ng kagaya ng mga ito. "Good morning, kumusta kayong lahat dito?" tanong ni Manang habang kumukuha ng tasa sa loob ng drawer. "Katulad pa rin po ng dati Manang," sagot ng isa. Tumango lang ito at hindi sumagot. "Ito nga pala si Julia taga Bicol din," pakilala ni Manang Rose sa akin sa mga taong kaharap ko. Dala ng kagandahang asal ay binati ko ang mga ito na mga nakangiti naman sa akin. Magaan ang pakiramdam ko na kausap sila kaya naging panatag ako na kumain kaharap sila. "Bilisan mo na Julia at baka abutan ka ni Macario na hindi ka pa nakahanda. Mapapa-galitan ka ni Madame. Ayaw na ayaw noon ng naghihintay. Agad naman akong sumunod dito at uminom ng mainit na kape sa harap ko. May sinangag, pritong hotdog, manok at itlog na nakahain sa mesa kaya naman lahat kami ay ganado sa kumain ng almusal. "Kumain ka ng marami Julia at ba-byahe ka pa pala papuntang Batangas. Tanghali ka na siguradong makakarating doon," sabi ng isang katabi ko na nagpakilalang Arlene kanina. Kahit nahihiya ay inabot ko ang sinangag at hotdog. Inabutan naman ako ni Manang ng pritong manok na agad ko namang kinuha. Iba talaga kapag mayaman, almusal pa lang nila dito parang pagkain na namin tuwing may birthday sa amin o kaya pasko. Naisip ko tuloy ang pamilya ko kung ano ang pagkain nila ngayon sa hapag. Piniling ko ang ulo ko at agad na nagsimula kumain. Hindi ako pwedeng mag-daydreaming dahil may trabaho akong haharapin. Hindi pa ako tapos kumain ng may isang naka-uniform na lalaki ang pumasok sa kusina. "Manang Rose, pinapunta ni Madame ang kasama mo raw kagabi sa kaniya. Nasa sala si Madame at naghihintay," sabi nito. Kinabahan ko sa narinig dahil kahit hindi n'ya sabihin ang pangalan ko ay alam kong ako ang tinutukoy niya. Agad kong nalunok ang karne ng manok na nasa bibig ko dala na rin ng biglang bilis ng dibdib ko. Alam ko na magkakaharap kami ni Madame anumang oras lalo na at amo namin ito, pero nakakatakot kasi ang awra nito na parang kasing lamig ng yelo kung tumingin ang mga mata. Kinakabahan na uminom ako ng tubig at mabilis na tumayo saka sumunod sa lalaking tumawag sa akin ng hindi nakapag-paalam kay Manang Rose. Nadatnan ko itong printeng nakaupo sa sofa kaya kahit nanginginig sa kaba ay tumayo ako ng tuwid sa harap nito. "Good morning madame," nag-aalangan na bati ko dito. Hindi ako nito sinagot at tulad kagabi tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa na walang repleksyon ng kahit anong emosyon sa mukha. Nangangatog ang tuhod ko dahil never pa akong nakaharap ng ganitong uri ng tao. Hindi ko magawang tingnan ito kaya nag-yuko ako ng ulo at itinuon ang paningin sa makintab na sahig. "Anong pangalan mo? Ilang taon ka na at taga saan ka?" masungit na tanong nito sa akin. "Julia po, Julia Marasigan po ang pangalan ko Madame. Taga Masbate po ako at labing pitong taong gulang," kinakabahan na sagot ko. "Sige, total ipinasok ka dito ni Rose ay tatanggapin kita. Pero itong tandaan mo, kasama ng pagtanggap ko sa'yo ay kailangan mong sumunod sa patakaran ko," derect to the point na sabi nito saka inabot ang tasa ng kape sa harap. "Una, ayaw ko ng malikot ang kamay, sinungaling at pala-away. Pangalawa, ayaw ko ng malandi. Hindi kita tinanggap dito sa pamamahay ko para makipag-landian sa gwardya at driver namin dito o maging sa labas ng bahay ko. Maliwanag?" mataray at seryosong sabi nito sa akin. Nakakakilabot ang kalamigan ng boses nito kaya tumango ako bilang pagsang-ayon. "Sagot! Hindi ka ba marunong sumagot ng maayos!?" Bulyaw agad nito sa akin kaya napatayo ako ng tuwid. "Y-yes Madame naiintindihan ko po," nau-utal na sabi ko. "Bweno, ihanda mo na ang gamit mo. Nariyan na si Macario at ihahatid ka sa bahay ko sa Batangas. Isa pa, pala ayaw ko ng tamad. Tungkol naman sa sweldo mo fithteen thousand ang isang buwan mo. Libre ang pagkain at mga person na kailangan mo," sabi pa nito. 'Yun lang at pinaalis na ako nito sa harap n'ya at pinakuha lahat ng gamit ko. Ganito pala kapag mayaman, parang robot ang dating. Parang kakain ng taong kaharap at parang dragon na anumang oras ay tila magbubuga ng apoy. Lihim akong napangiti sa naisip. Kung kasama ko si Belle ay 'yan ang siguradong sasabihin nito. Matapos kong nagpaalam at magpasalamat kay Manang Rose ay agad akong sumakay sa likod ng sasakyang naghihintay sa akin. Abot-abot ang bilin ni Manang na mag-iingat ako at mag-text o kaya tumawag sa kan'ya kapag may kailangan ako. Nalaman ko na mayordoma pala ng mansion si Manang Rose kaya naman iginagalang ng mga kasamahan. Habang nasa byahe kami ay panay ang tingin ko sa labas. Mabait at palatawa ni Kuya Macario, ang driver na kasama ko. Marami akong nalaman sa kan'ya tungkol sa lugar na pupuntahan ko sa Batangas. Isa umano itong bahay bakasyunan ng pamilya at tanging ang dalawang anak ni Madame ang nakatira dahil namamahala umano ito ng negosyo ng plantasyon sa hacienda ng mga ito. Mayaman daw talaga ang pamilya, pero mabait daw ang mga ito. Pwera nalang kay Madame na tinubuan umano ng kasungitan. Kung gaano daw ka bait ang mag-a-amang Robles ay kabaliktaran naman umano ng ugali ni Madam Amanda. Natatawa ako sa mga hirit ni Kuya Macario kaya naging mabilis para sa akin ang oras at nakarating kami bago mag-tanghalian. Tama nga sila may kalayuan din ang lugar, dito para akong bumalik sa probinsya namin. Maraming puno at tahimik ang lugar. Nakangiti akong bumaba ng sasakyang at magaan ang pakiramdam na pumasok sa malaking bahay ng magiging amo ko. Nilinga ko ang paligid at tanging si Kuya Macario lang ang naroon at ako. "Julia, parating na si Manang Sabel, siya ang katiwala dito. Kapag may kailangan ka sabihin mo sa kan'ya. Siya din ang namamahala ng lahat dito sa mansyon," paliwanag nito. Umupo kami sa upuang nasa tabi ng garahe habang hinihintay ang tinatawag na Manang Sabel. Panay ang tawa ko sa mga kwentong kwela ni Kuya Macario ng dumating ang may edad na babae. "Magandang umaga Ate Sabel," bungad dito ni Kuya Macario. Maamo ang mukha nito kaya naman magaan ang pakiramdam ko ng ngitian ito. "Abay magandang umaga din, sino ang kasama mo Macario?" tanong nito na nakatingin sa akin. "Pinadala ni madame para makatulong mo dito sa mansyon habang nasa bakasyon si Magda," paliwanag ni Kuya Macario. "Abay ka gandang dalaga mo naman hija," sabi nito. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapangiti sa sinabi nito, lalo na sa punto ng pananalita. Nakakatuwa ang tunog ng pagsasalita nito na bago sa pandinig ko. "Ganyan siguro kapag tagalog," sagot ng kabilang bahagi ng isip ko. "Naku eh, pumasok na kayo," sabi pa nito saka na una ng pumasok ng mabuksan nito ang pintuan. Namangha na naman ako sa nakita ko sa loob ng bahay ng makapasok ako. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin sanay ang mga mata ko sa mga magagara at maranyang mga bagay. Puno ng paghanga na tiningnan ko ang paligid. Malaki at malawak ang sala at mataas ang pader ng hallway na dinaanan namin papasok sa kusina. Naiwan na si Kuya Macario sa labas at sinabing aalis na ito pabalik sa Maynila at si Ate Sabel na umano ang bahala sa akin na dinala ako nito sa isang silid sa dulo ng pasilyo. "Ito ang magiging silid mo Julia, sa itaas nakatira ang anak ng mga amo natin. Malimit sa gabi lang sila naririto at ikaw lang sa maghapon dito sa bahay. Kada isang beses sa isang linggo nag-ge-general cleaning tayo dito sa mansyon at may mga tauhan na pumupunta dito para maglinis. Ang trabaho mo ay panatilihing malinis dito sa loob ng isang linggo at gawin ang ipag-uutos ng amo natin. Malimit sa hacienda o sa labas sila kumakain kaya hindi mo sila kailangan pag-luto. Pero sa gabi gusto ng kambal ng fresh milk kaya i-serve mo ito sa kanila sa kwarto tuwing alas nueve ng gabi," paliwanag ni Ate Sabel sa akin. Nakasunod ako habang nagpapaliwanag ito hanggang nakarating kami sa ikalawang palapag. Maraming pinto at napakahaba ng hallway dito sa taas. Nakakalula at nakakalito ang pasikot-sikot ng buong kabahayan. Siguro kung ako lang ay maliligaw ako kaya tinandaan ko ang bawat lugar na pinuntahan namin ni Ate Sabel. Mabuti na lamang at narito siya para turuan ako dahil baka mabaliw ako kung bigla na lang akong iniwan na mag-isa ni Kuya Macario kanina. "Ito ang kwarto ng amo natin, dito mo ihahatid ang gatas nilang dalawa bago matulog. Kumatok ka muna bago ka magbukas mg pinto o kaya kung wala pa sila bago mag-ten o'clock iwanan mo na lang sa center table ng kwarto nila. Binuksan nito ang pintuan at tumambad sa akin ang malawak at mabangog silid. Napatingin ako sa isang picture frame na nakapatong sa isang sulok. Nakita ko ang mukha ng dalawang lalaking magkatabi at parehong seryoso ang mga mukha na nakatingin sa akin. "Sila kaya ang mga amo ko? Ang pogi naman nila, parang mga artista," lihim na laman ng isip ko habang nakatingin sa larawan ng mga lalaking tila nakatingin din sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD