Julia POV.
Matapos iwanan ako ni Ate Sabel at turuan ng mga gamit sa kusina ay nagsimula na akong maglinis.
Laking pasasalamat ko at naka-organize ang mga kagamitan kaya mabilis akong nahanap ang mga kailangan ko sa panglinis.
Tama nga maalikabok na ang sahig at hindi lang halata dahil sa disenyo nito. Mukha pa rin kasing makintab at malinis ang marmol na tinatapakan ko pero ramdam ko ito lalo pa at naka paa lamang ako.
Matapos kong linisin ang sala, hagdan at pasilyo sa taas ay nakaramdam ako ng gutom. Alas singko na rin pala ng hapon at hindi ko namalayan ang oras sa sobrang abala ko sa ginagawa.
Pasalamat ko talaga kay Ate Sabel dahil nagpadala ito ng pagkain ko sa anak nito kanina.
Agad akong kumain at ininom ang orange juice na nakita ko sa ref. Sabi naman ni Ate Sabel ay okay lang daw na galawin ko ang mga pagkain 'wag lang daw ang fresh milk ng kambal.
Dahil nag-iisa ay hindi ko tuloy maiwasang hindi isipin ang pamilya ko habang sumusubo ng pagkain.
"Kumusta na kaya sila ngayon? Ano kayang ulam nila? Siguro sa mga oras na ito siguradong kumakain na din sila dahil ganon kami sa probinsya.
Wala naman kasing ibang mapaglibangan kaya nga siguro dumami kami kasi padilim pa lang naghahanda ng matulog.
Agad na tinapos ko ang pagkain at saka mabilis na nilinis ang kusina. Alas otso na rin ako natapos dahil marami masyadong gamit na kailangan linisin.
Saglit akong nagpahinga at saka naligo.
Nanlalagkit narin kasi ako sa maghapong trabaho at pakiramdam ko puno ng alikabok ang buong katawan ko sabayan pa ng pawis.
Total maaga pa naman at wala pa ang mga amo ko kaya naupo muna ako sa maliit na sofa na nasa kwarto ko. Hindi ko akalain na sa sobrang pagod ay naidlip ako at hindi namalayan ang oras.
Tahimik ang paligid ng magising ako at nanlaki ang mga matang napatingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding.
"Hala, naku po lagot, mag-alas dyes na. Patay ka Julia," pupungas-pungas na sabi ko sa sarili. Agad akong napatayo at walang pakialam sa ayos ko na lumabas ng pintuan ng silid ko.
Agad kong tinungo ang kusina at naghanda ng dalawang baso ng gatas para sa mga amo ko. Alam ko kasi na late na ako kaya naging mabilis ang kilos ko lalo pa at kabilin-bilinan ni Ate Sabel na alas nueve pa lang ay dapat naihahid at nadala ko na sa silid ng mga amo ko ang gatas na iinumin ng mga ito sa Gabi bago matulog.
"Naku po, 'wag sana akong pagalitan. Sana lang ay hindi sila magsumbong sa Mama nila at sigurado na mananagot ako. Kapag nagkataon pa baka mawalan agad ako ng trabaho at isipin nila na tamad ako," kinakabahan na kausap ko sa sarili habang hawak ng mahigpit ang tray na dala at mabilis na umakyat ng hagdan papunta sa silid ng mga amo ko.
Hindi alinlangan sa akin ang laki at lawak ng lugar dahil sa takot at kaba na nararamdaman ko kaya mabilis na narating ko ang silid ng nga ito.
Ilang buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ako kumatok ng mahina.
Alam ko na may tao sa loob dahil bahagyang nakabukas ang pintuan at nakabukas na din ang ilaw.
Kanina sigurado akong sinarado 'yun ni ate Sabel bago kami umalis.
"Pasok…" sagot ng baritono na boses.
Isang malalim na buntong hininga pa ang pinakawalan ko at saka ako dahan-dahang humakbang papasok.
Halos maputol ang hininga ko sa kabang naramdaman ko ng sa wakas nakaharap ko ang lalaking kanina lang ay tinitingnan ko sa larawan.
"Ahm, good evening po sir. Pasensya na po late ko ng nadala ang gatas n'yo," mahinahong sabi ko sabay yuko dahil katulad ng ina nito hindi ko rin kayang salubungin ang mga tingin nito na tila ba kakaiba na hinuhukay ang pagkatao ko.
"Ikaw ba ang pinadala ni Mommy mula Manila?" kalmado na tanong nito.
"Opo Sir," maikling sagot ko.
"Okay, paki-lapag nalang sa mesa," sabi nito.
Hindi ko maiwasang mag-angat ng tingin ng maibaba ko ang hawak na tray.
"Anong pangalan mo?" narinig kong tanong nito.
"Julia po sir," nahihiyang sagot ko.
"Nice name," komento nito.
"S-salamat po." Nauutal na sagot ko.
Kahit sino siguro ay kakabahan o nangangatog ang tuhod kung ito ang kaharap. Bukod sa napaka-tiim nito kung tumitig ay awkward pa ng sitwasyon namin lalo na dalaga ako at nasa kwarto ako nito.
Siguro para sa kanila sanay na sila dahil laging may naghahatid ng inumin nito sa gabi. Pero iba sa side ko na ito ang unang beses na pumasok ako sa kwarto ng isang lalaki.
Oo nga, nakakapasok ako sa kwarto ni Belle kapag may importante kaming assignment noon pero mas babae naman sa akin ang isang 'yon.
"How old are you Julia?" maya-maya ay tanong nito.
"Eighteen po sir," nahihiyang sagot ko.
"I'm Lander," sabay abot ng kamay sa akin.
Matagal akong napatitig sa nakalahad na kamay nito at hindi malaman kung aabutin ko ba o ano ang gagawin ko.
Napatingin ako dito ng tumikhim ito.
Mabilis kong inabot ang kamay nito at nakipag-kamay.
"Nice to have you here Julia. Nice to meet you," malambing na sabi nito.
Ewan ko ba kung guni-guni ko lang ba 'yon o ano. Pero kasi ang lambing ng dating ng boses nito lalo na ng bangitin niya ang pangalan ko.
"Baka natural na ganyan lang talaga s'ya magsalita," sagot ng kabilang bahagi ng isipan ko.
Hindi ako nakasagot at namumula ang mukha na pilit ngumiti dito.
"Salamat po sir," tanging na sabi ko.
Gusto ko na sana hilahin ang kamay ko dahil hawak-hawak pa rin nito at nakatitig sa mukha ko pero nahihiya akong gawin 'yun.
Pakiramdam ko ang bastos ko naman kung gagawin ko 'yun.
Tunog ng bumukas na pintuan ang nagbalik sa akin sa katinuan ng lumabas ang lalaking galing sa loob na sa tingin ko ay banyo.
Nag-palipat-lipat ang tingin nito sa amin ng lalaking nakahawak pa pala sa kamay ko ng lumapit ito.
"Seems we have a guests here," nakangiting sabi nito na lumabas ang biloy sa kanang pisngi ng ngumiti ito.
"She's Julia, pinadala ni Mommy na makakasama natin dito," si sir Lander na ang sumagot.
So, sila pala ang mga amo ko, hindi maitatanggi na magkapatid nga ang mga ito dahil magkamukha na magkamukha silang dalawa
"Wow," tanging sagot nito saka lumapit sa akin.
Kung kanina nangangatog tuhod ko sa kaba, ngayon ay kasama na ang malakas na kabog ng dibdib ko at pagkatuyo ng lalamunan ko.
Nakailang lunok na ako at ewan ko kung napapansin ito ng mga kasama ko.
"Hi, I'm Zander," pakilala din nito.
Aabutin ko sana ang kamay nito ng naalala ko na hawak pa pala ni sir Lander.
Marahan ko itong hinila at inabot ang kamay na nakalahad ng kapatid nito.
Napa-awang ang labi ko ng pisilin nito ang kamay ko at mahigpit na hinawakan.
Katulad kanina sa kapatid niya ay gusto ko rin sanang hilahin na lang ang kaso ay nahihiya ako at baka sabihin na wala akong modo.
Sa hiya ko, nagbaba ako ng tingin para lang manlaki ang mga mata sa nakita ko.
Wala palang suot na kahit ano ito at tanging puting tuwalya lang ang nakabalot at nakapulupot sa baywang nito na tila ba any moment ay malalaglag mula sa pagkakabuhol sa bewang nito.
Pilit akong nag-iwas ng tingin sa taong nakatayo sa harap ko lalo pa kita ng dalawang mata ko kung paano naglandas ang butil ng tubig mula sa dibdib nito pababa sa mabatong bahagi ng tiyan nito.
"Your so beautiful Julia," tila wala sa sariling sabi ng kaharap ko saka hinaplos ang mukha ko.
"Innocent face and look so young," dagdag naman ng isa sa tabi ko.
Awang ang labi na nag-angat ako ng mukha at tiningnan ito. Bahagya nitong hinawi ang hibla ng buhok sa mukha ko saka inilagay sa likod ng tenga ko.
"Ahm Sir, mauna na po ako. Gabi na po at kailangan n'yo na rin po na magpahinga," magalang na paalam ko dahil habang nagtatagal ako sa loob ng silid na ito kasama ng dalawang tao sa harap ko ay para akong sinisilaban ng kaba at pagkabahala.
Nakakatakot ang gesture na ipinakita ng dalawa sa akin. Kahit probinsyana ako alam ko naman ang pagkakaiba ng dapat na treatment ng amo sa isang katulong hindi ganitong pa-sweet sila sa akin.
"Sweet nga ba? Baka imahinasyon mo lang," buska ng isip ko sa akin.
We'll sabihin na natin na exaggerated ako pero kasi hindi maalis sa akin ang ganon. Babae ako at lalaki sila, kasama ko dito sa iisang kwarto tapos ganito ang trato nila sa akin.
"Alright, kailangan mo na rin magpahinga. You seem so tired," sabi pa ni sir Xander na hinaplos ulit ang mukha ko.
Hindi ko tuloy naiwang hindi napapikit sa ginawa nito. Iba ang epekto nito sa akin at hinayaan ko na lang ito sa ginawa.
Ilang saglit pa ay maiinit na labi ang naramdaman ko na dumampi sa labi ko at bahagyang gumagalaw at sumipsip sa pang-ibaba kong labi.
Sa gulat napamulat ako ng mata at nakapikit na mukha ni Sir Xander ang nakita ko habang nakangiting nakatingin sa amin si sir Lander.
Biglang rumagasa ang kaba at tensyon sa katawan ko kaya naitulak ko ito at malakas na napaatras.
"Walang hiya ka! Hindi porket amo kita may karapatan ka ng halikan ako!" gigil na duro ko dito habang nakataas ang dalawang palad nito na tila sumusuko.
"Hey baby, I'm sorry," mahinahong sabi nito.
"Wala akong pakialam sa sorry mo! Bakit maibabalik ba n'yan ang ninakaw mo na first kiss ko!?" gigil na sigaw ko. Nag-iinit ang ulo ko sa kapangahasang ginawa ng Isa sa lalaking kaharap ko na bigla na lang akong hinalikan ng walang pasabi.
Tila nagliwanag naman ang mukha ng dalawang tao sa harap ko.
"Really, first kiss mo si Xander?" tanong ni Sir Lander.
"What a lucky man," bulalas pa nito sabay suntok sa balikat ng kapatid na tinawanan lang ito.
Sa inis, pumadyak ang paa ko na gusto kong sipain ang dalawang ito sa harap ko.
Pulang-pula ang mukha na tumalikod ako kaya lang may humila sa akin na ikina-atras ko pabalik.
"My brother have a kiss so dapat meron din ako," sabi ni Sir Lander saka mabilis na naabot ang batok ko at siniil ng halik sa labi ko. Mas mariin, mas malalim, kumpara sa halik na natanggap ko kay Sir Xander.
Nanlalaki ang mga matang nagpumiglas ako para lang hindi makagalaw ng maramdamang may yumakap sa likod ko at bumaon ang mukha sa leeg ko.
"Our search is over. Natagpuan ka na namin," bulong nito dahilan para matigilan ako habang nanayo naman lahat ng balahibo sa katawan ko.
Hindi ako makagalaw dahil mahigpit ang yakap ni Sir Xander sa likod ko na panay halik sa leeg ko. Hindi naman ako makareklamo lalo pa hindi binibitawan ni sir Lander ang labi ko.
Humihingal at habol hininga ako ng bitawan nito at nakangiting tila nanalo ng lotto.
"Now it's fair," sabi nito saka pinaraanan ng hintuturo ang basa pang ibabang labi ko na pakiramdam ko nangapal sa paraan ng paghalik nito.
Inapakan ko sa paa si sir Xander kaya nabitawan ako nito.
"Kayong dalawa, walang hiya ako!" gigil na bulyaw ko. Wala na akong pakialam kung masesanti ako at matanggal sa trabaho basta makabawi lang ako.
Galit na naabot ko ang mga bagay na nahagip ng kamay ko na hindi ko alam kung ano at pinag-babato sa mga ito.
Panay ang salag ng nahagip kong si sir Xander nalaglag ang tuwalya na nakapulupot sa bewang nito at nahantad sa akin ang hubad na katawan nito.
Napatakip ako ng mata matapos kong makita ang bagay na hindi ko dapat makita.
Namumula ang mukha na dahan-dahan akong lumabas ng kwarto ng mga ito at walang imik na kumaripas ng takbo papasok ng kwarto ko.
Humihingal at abot-abot ang kaba na napasandal ako sa likod ng pintuan ng maisara ito at makapasok ako
Halos i-untog ko ang ulo ko sa pader sa kahihiyan na nangyari sa akin kanina lang matapos kong makakita ng jumbo hotdog at itlog.
"Naku paano na kaya bukas? paano ko haharapin ang dalawang 'yun?" Malay ko ba naman kasi na sa unang pagkikita namin ng mga amo ko magiging disaster ito.
"Bahala na nga bukas. Sila naman ang may kasalanan sa akin, kaya bakit ako natatakot?" pang-aalo ko sa sarili.
Nakahalukipkip ako habang nag-iisip ng posibleng gagawin ko para maiwasan ang dalawang malanding amo ko.
Nanlaki ang mga mata na nagbaba ako ng tingin sa dibdib ko na ngayon ay malinaw na nababanag sa manipis na puting tee-shirt na suot ko.
"s**t Julia, bakit humarap ka sa kanila ng walang suot na bra?" inis na tanong ko sa sarili.
Napasigaw ako sa frustration at kahihiyan. Ang tanga ko, ang tanga-tanga ko. Kaya pala ganon ang treatment nila sa akin ay baka inisip ng mga amo ko na ina-akit ko silang dalawa.