Julia POV.
Kanya-kanyang patalbugan ang mga kandidata ng tawagin kami ng number seven at number eight para sabay na lumabas sa magkabilang pintuan ng stage.
Hindi ko na tiningnan ang mga tao sa paligid basta naglakad na lang ako sa stage ayon sa kung paano ito itinuro ni Belle sa akin.
Nakahinga ako ng maluwag ng maitawid ko ang portion na iyon dahil talagang hindi ako gaanong komportable lalo pa at kakarampot ang saplot na nakatakip sa katawan ko habang maraming tao ang nakatingin sa akin at nanonood.
Matapos ang number ko ay agad akong bumalik sa dressing room para magbihis ng gown. Laking panlulumo ko ng makita ko ang gown na isusuot ko na putol ang strap sa itaas at may punit din na tila ginupit gupit mula baywang hanggang talampakan.
Para tuloy itong inagaw sa nagwawala at galit pusa na tila ito ang mapagbalingan.
Hindi ko lubos maisip na may gagawa sa akin ng ganito lalo pa at wala naman akong kaaway at nakasagutan kahit isa sa mga kalahok sa kompitisyon para isabotahe ang damit na isusuot ko para sa finals ng pageant.
"God, paano kaya to?" natampal ko ang noo ko ng makita ang ayos nito ng ikutin ko at makita ang likurang bahagi nito na gutay-gutay at maraming punit.
Agad na sinuot ko ang T-shirt at short na suot ko saka tumalilis at mabilis na naglakad palabas para tawagin si Belle na nasa harap ng stage para humingi ng tulong dito.
Kapag kasi ganito ang suot ko sigurado akong talo na agad ako. Hindi ko papayagan ang sinumang gustong matalo ako kaya sinira ang gown ko na manalo sa labang ito.
Sa ginawa niya ay mas lalong naging determinado ako. Ipapakita ko sa kanila na hindi ako mahina at kayang lumaban ng patas at tama kahit na tinatapakan na nila ang pagkatao ko.
Hindi ako uurong dahil lang sinira nila ang gown ko. Mas magiging palaban ako para sila mismo makita nila na mali ang ginawa nilang pananabotahe sa akin.
Agad kong nakita si Belle mula sa kinatatayuan nito dahil alam ko ang pwesto niya ng makita ito sa ilang beses na paglabas ko sa ibabaw ng entablado kanina.
Kinawayan ko ito at agad naman akong napansin at mabilis na lumapit sa akin.
Tila nagtataka pa si Belle dahil alam ko na hindi nito inaasahan na makikita ako sa pinag-kukublihan ko lalo pa at dapat ay nasa dressing room a ako naghahanda para sa susunod na portion.
"Bakit narito ka? Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Belle na nasa mukha nito ang pagtataka.
"Belle, 'yong gown ko sira, bilisan mo para umabot tayo. Nagbibihis na ang iba. Hindi ko mai-suot dahil punit-punit na," sabi ko na hila ang braso nito habang mabilis na naglakad kasunod ko pabalik sa dressing room na pinanggalingan ko.
"Ano ba kasing mangyari? Ayos naman iyon ng iwan natin ah," nagtataka rin na tanong nito.
"Ewan ko, basta pagbalik ko nakita ko na lang na ganun na ang itsura," sabi ko.
Nanlaki ang mata ni Belle ng makita ang itsura ng gown ginupit ito at punit-punit.
"Paano na 'yan Belle wala tayong extra na dalang gown? Wala rin tayong mahihiraman ng ganito ka bilis," nag-aalala na tanong ko dahil isipin ko pa lang na naghahanap kami ng gown na isusuot ko ay alam kong wala ng oras at gahol na kami.
"Sandali nag-iisip ako, number sixteen na ang nasa talent portion may time pa tayo.
Isuot mo na yan dali," utos nito sa akin sabay palakpak.
Agad akong pumasok sa likod ng kurtina para mag-palit at agad na lumabas matapos kong mai-suot ang sirang gown.
Umikot-ikot si Belle sa paligid ko na tila pinag-aaralan kung anong mabuting gawin saka biglang hinaklit ang tela sa laylayan ng gown na suot ko pataas sa may hita ko.
"Belle, lalo mo namang sinira eh," reklamo ko dahil panay ang hila nito sa gown na suot ko.
"Kalma lang girl, susugal tayo para sa premyo," bulong nito dahil may mga iba ring contestant na kasama namin dito sa loob.
Inilabas nito ang laman ng bag na dala at tila nagdiwang ng makita ang hinahanap.
"Anong gagawin mo d'yan sa blade Belle?' tanong ko habang nakatutok ang mga mata sa hawak nito.
Kinakabahan ako sa mga kilos nito dahil hindi ito nagsasalita at naka-full attention sa ginagawa.
Pinutol nito ang strap na nasa likod ng kanang balikat ko at kapareho na ito ngayon ng naputol na strap sa kaliwang balikat ko at pinag buhol sa batok ko.
"Yan, okay na para hindi mahulog ang gown mo. Itong sa may tiyan at likod na lang ang aalisin ko at nakalaylay ang tela." Sabi nito habang ginagawa ang mga sinasabi.
Mabilis ang bawat kilos ni Belle at pawisan ng matapos. Labas ang tiyan at puson ko saka parang bilog na mga butas naman ang nangyari sa likod ko. Pinag hihila nito ang tela sa baba kaya humaba ang mga punit ng magkabilaang slit na umabot sa punong hita ko.
"Pak na pak na 'yan girl, ipakita mo sa gustong sumabotahe ng gown mo na hindi ka talunan. Ngayon makikita nila ang bagsik ng 'yung ganti dahil alam ko na mananalo ka at tatalunin mo sila. Go ka lang ilabas mo na ang lahat ngayon at 'wag kang nahihiya. Premyo ang isipin ko kaya gora para sa ekonomiya," sabi nito saka inayos ang buhok ko pa left side ng balikat ko at nilagyan ng hairpin.
"Ayan ang sexy ng looks mo at ganda mo na lalo. Basta ang pose pa kanan ang harap sabay konting taas ng balikat girlalo ha," bilin pa nito na tinanguan ko.
Halos hindi na kasi ako makapagsalita dahil sa tensyon at kabang nararamdaman ko. Kung bakit ba naman kasi may mga taong ayaw lumaban ng patas at kailangan pa na manabotahe gaya ng ginawa sa akin.
Hindi ko tuloy malaman kung may mga taong galit ba sa akin o nai-inggit gaya NG sabi ni Belle dahil alam ko na wala naman akong inaapakan na ibang tao.
Dahil wa ng oras ay mabilis na sinuot ko ang sandals na dala at pinahiram sa akin ni Belle at saka tumayo para pumunta sa linya ng mga kasamahan mo.
Isa-isang tinawag ang pumasok sa top six kaya naman nag-madali na ako at pumila.
Halos hindi ako makahinga sa kaba ng tawagin ang number ko bilang isa sa mga napili at pinaka huli sa bilang. Akala ko talaga ay hindi ako papasok sa finals, lalo na at pakiramdam ko ay kulang ang ginawa ko dahil nilaban ko lang ang matinding kaba na nararamdaman ko kaya nagawa kong humarap sa maraming tao.
Kay bilis lumipas ang ilang minuto at ako na ngayon ang nasa harap ng mga hurado para sagutin ang katanungan na napili ko.
"Contestant number seven Ms. Julia Marasigan, come forward please," malakas na tawag at sabi ng emcee ng patimpalak.
Agad akong humakbang palapit sa kung nasaan ito nakatayo habang hindi nawawala ang matamis na ngiti sa mga labi ko.
"Napaka-creative naman ng gown ni contestant number seven ang sexy ng dating," komento ng emcee na kaharap ko, ngumiti lang ako at hindi sumagot.
"Okay, contestant number seven, here's your question. If you could have one wish, what would it be?" tanong nito.
Hindi muna ako sumagot ng abutin ko ang microphone at nagpasalamat dito.
"Good evening mga kabarangay, I've come this far and I would not want to miss this chance. If I had one wish, thought it may be selfish, it would definitely be winning the crown of this pageant. Am I predictable?" my answer sabay tawa sa huli na sinabayan naman ng mga manonood, maging ng judge sa harap ko.
"Wow, that is one of the most honest answers I ever heard tonight. Let's see and wait for the remaining contestant. Thank you number seven, Julia Marasigan of zone four."
Isang pose pa at tumalikod na ako at humakbang pa-exit ng entablado.
Tumitili na si Belle ang sumalubong sa akin pagpasok ko ko sa dressing room bagay na tinawanan ko dahil mas excited pa ito sa akin.
"Girl kabog, pak na pak ka doon sa answer mo. Malaki chance mo girl," malakas na sabi nito na may pa pilantik pa ng mga daliri habang nangangarap na tila ba siya ang tatanggap at magsusuot ng korona.
Napaka-madaldal talaga nitong kaibigan ko. Kahit kailan ay walang kontrol ang bibig at basta na lang bubuka na walang pakialam sa paligid.
"Painumin mo muna ako, natuyuan na yata ako ng laway dahil kanina pabako panay ang lunok dahil sa kaba ano," saad ko.
Pakiramdam ko kasi ay napagod ako at hinihingal habang nagsasalita. Halo kasi ang tensyon at kaba na nararamdaman ko ngayon dahil na rin sa higpit ng laban sa finals.
Inabot ni Belle ang mineral bottle na nasa tabi nito saka inabot sa akin.
"Bilisan mo na at bumalik sa pila mo. Tatawagin kayo n'yan," utos ni Belle na kulang na lang ay ipagtulakan ako pabalik sa hanay na pinanggalingan ko.
Isa na lang kasi ang nakasalang at pagkatapos nito ay tatawagin na ang top three at saka doon na pagpipilian ang mga mananalo.
Matapos ang huling contestant sa answer portion ay pinapila na kaming lahat.
Saglit pa ay tinawag na ang fourth runner up na si number nineteen, 3rd runner up na si number Eleven. 2nd runner up na si number three, tatlo na lang kaming natira at nagkatinginan kami ni Zeneth at pati na rin ng alaga ni Florence.
"The three remaining ladies here in front of us will be the first runner up and the new Ms El Dorado this year! Sino sa tingin n'yo ang kukurunahan ngayong taon?" tanong ng emcee sa crowd.
Malakas na sigaw ng kanya-kanyang napili ang mga ito pero napangiti ako ng marinig ko na nangibabaw ang pangalan ko.
"Okay, mukhang may napili na kayo, let's see kung pareho ba ng mga hurado natin ang panlasa n'yo.
"Please come forward contestant number four, one and seven," sabi sa amin ng emcee.
Agad naman kaming sumunod at nag-hawak kamay na naghihintay ng resulta ng patimpalak.
"First runner up goes to Ms. Zeneth Napoles, contestant number four." Kasabay ng malakas na palakpakan at hiyawan humakbang si Zeneth para mai-suot ang sash at korona nito saka tinanggap ang isang kumpol ng bulaklak.
Hindi na ako mapakali ng kami na lamang dalawa ang naiwan ng katabi ko na alaga ni Florence.
Kung mamalasin ako, wala akong maiuuwi na kahit ano maski consolation prize man lang ngayong gabi.
Mukhang kahihiyan na sumali ako at naiwan sa sulok. Bigla ay pinanghihinaan na ako ng loob habang pinagmamasdan kung paano tinanggap ni Zeneth ang lahat ng para dito.
Katulad ko nanlalamig na rin ang kamay ng babaeng katabi ko. Pareho kaming tensionado dahil sigurado kami na isa sa amin ang uuwi na natalo.
Para akong malalagutan ng hininga sa kaba ng mag-picture taking pa si Zeneth at mga barangay official na nag-abot dito ng trophy at bulaklak.
"Now, dumating na ang oras na ating pinakahihintay. One of this two beautiful ladies in front of me will be the one who will have the crown. Contestant number seven and number one are you ready?" malakas na tanong ng emcee.
Dahil sa kaba at kakalunok ko ng laway ay hindi ako nakasagot kaya tumango na lang ako. Kasabay pa ng paghigpit ng hawak ng babaeng katabi ko sa kamay ko ang pamamawis ng palad nito.
Baliwala na sa akin ang itsura ko at ng punit na gown na suot ko. Ang attention ko ngayon ay kung sino ang tatawagin dahil d'yan nakasalalay ang pangarap ko.
"Okay, ang tatawagin ko pong pangalan ay ang tatanghalin na Ms. El Dorado ngayong taon. Miss number, number…" pambibitin ng host para tumaas ang excitement ng mga taong nanonood.
Para na akong mauubusan ng hangin sa baga sa kaba ng pangbibitin nito. Walang ibang tumatakbo sa isip ko kun'di ang panalangin na sana ay manalo ako.
Parang gusto ko ng hilahin ang papel na hawak nito at ako na lang ang magbasa para mapadali kami pareho.
"Number seven, Ms. Julia Marasigan of zone four." Malakas na sigaw nito kasabay ng malakas na hiyawan at palakpakan ng mga taong nasa harap ko.
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, para akong napako at pinanood ang mga taong masaya sa pagkapanalo ko particular sa pamilya ko na buo ngayon dahil talagang nanood pati ang tatay ko.
"Ms. Julia, please come forward and have your sash, trophy and crown," narinig kong pagtawag ng host sa akin.
Hindi ko na nga naramdaman kung kailan binitawan ng katabi ko ang kamay ko dahil marahan akong naglakad sa gitna kung saan naroon din si Zeneth at ang ibang runner ups.
Masigabong palakpakan ang narinig ko ng umupo alo sa upuang laan sa akin habang suot ang sash at ngayon ay nakapatong ang korona sa ulo ko at inabot ng mayor namin ang isang bungkos ng pulang rose sa akin saka nakipag kamay at inabot ang puting sobre na marahil ay premyo ko.
Halos mapaiyak ako sa harap ng mga ito, Tama nga sila kapag may tiyaga may nilaga. Nagbunga ang pagtitiyaga, ang pagod at puyat ko. Kaya naman heto hawak ko na ang magiging daan ko para mas lalo ko pang matulungan ang pamilya ko.
Matapos ang coronation ay bumaba ako ng stage at lumapit sa pamilya ko. Mahigpit na yakap ang natanggap ko sa nanay at tatay ko.
Hindi ko mapigilang hindi mapaluha ng sabihin ng tatay ko na sobrang proud siya sa akin.
Maging si Belle ay nakiyakap na din sa amin, hindi na rin kasi ito iba sa amin halos kapamilya na talaga ang turing sa kan'ya ng mga magulang ko.
"Ang galing mo girl, itinaas mo ang bandera nating taga dalampasigan. Sigurado akong pati ang mga tsismosa, usosera at mahadera mong kapitbahay ay proud na proud sa'yo ngayon," nakangiting sabi ng kaibigan ko. Kahit kailan talaga ang isang ito kung ano na lang sinasabi.
Bahala sila basta ako alam ko matapos ang gabing ito maraming magbabago...