Lander POV. Nadatnan namin ang mommy namin na nasa sala ng makabalik kami galing resorts. Inasahan ko na ang kagaspangan ng ugali nito sa amin maging sa asawa ko dahil sanay na ako at alam ko kung paano nito itrato ang lahat ng tao sa paligid nito. Sobrang proud ako sa asawa ko ng marinig ko itong sumagot sa mommy ko at ipagtanggol ang sarili nito matapos pag-salitaan ng hindi maganda ng aking ina. She's like a lion, my lionesses. Kung sa ibang pagkakataon lang ay magagalit ang anak kung sasagutin ng asawa nito ang ina lalo na at sa harap pa mismo nito pero iba sa sitwasyon namin. Sa ugali ng mommy ko, tama lang ang ginawa nito ng sagutin si Mommy para matuto ito at magising sa katotohanan na hindi lahat ng tao kagaya n'ya na pera ang mahalaga. Hindi ko napigilang hindi magpakita ng i