Chapter Twenty One

1315 Words
"Nandiyan na ba lahat ng gamit mo?" Nabaling ang atensyon ni Sabrina sa tanong ng asawa. Zacheo was busy carrying their baggage papasok sa trunk ng kotse nila. Siya naman ay abala sa pagtitig sa kalangitan. Masama ang panahon at tila'y maya-maya lang ay uulan na. "Ouhm yeah. Nandiyan na lahat!" She responded. Tumango si Zacheo saka inakay na siya papasok sa kotse nito. Pinagbuksan siya nito ng pinto saka inalalayan sa pagbuckle ng seatbelt niya. Pagkasara nito sa pintuan ng kotse niya ay dumiretso na ito sa driver's seat, binuhay ang engine at nagsimulang magmaneho. Ngayon ang alis nila papuntang San Diego. Ipapakilala raw siya nito sa daddy at sa asawa ng daddy nito. Natanong niya sa binata kung kilala siya ng mga magulang nito pero ang sagot nito ay hindi. Ayon kay Zacheo, nagpakasal sila sa France. They were in their 3 years of relationship. Alam ng pamilya nito ang tungkol sa marriage life nito pero pinanatiling isikreto ni Zacheo dahil sa issue nito noon sa previous lover ng asawa. Alam ng pamilya ni Zacheo na nagpakasal siya 2 years ago pero sa attorney lang iyon. Ni kahit isa sa kanila walang nakakita sa asawa ni Zacheo. She's being so curious about Zacheo's life. Hindi niya maintindihan kung bakit noon pa man ay sa ibang bansa sila nagpakasal at hindi sa Pilipinas kung saan nandito ang relatives nito. Business matter na naman ba? Pinisil-pisil ni Sabrina ang kanyang kamay. Ngayon siya ipapakilala nito sa pamilya nito. Nagdadalawang-isip isip siya kung magpapakita siya sa mga ito. Malay niyang hindi pala siya magustuhan ng mga ito at ipagtabuyan siya. Hindi na siya makapag-isip ng maayos. Hindi niya rin namalayan na nakatulog na pala siya. Tatlong oras ang byahe papuntang San Diego. Medyo natagalan pa sila dahil lumakas ang ulan. Kailang nilang mag-ingat para iwas aksidente. Nang marating nila ang destinasyon ay agad ginising ni Zacheo si Sabrina. Napamulat si Sabrina saka tumingin sa labas ng bintana. Malakas ang ulan. Namangha pa siya dahil sa laki ng bahay. It's not just a house. It's a mansion. Ngayon alam niya na kung gaano kayaman ang lahi ng asawa niya. Nagising siya sa katotohanan ng tanggalin ni Zacheo ang seatbelt niya saka binuksan ang pinto sa gilid niya. Nakatayo na ito sa labas. May dalang payong. Inalalayan siya nito pababa na agad niyang dinaluhan. Napatigil siya nang makaapak siya sa mismong lanai ng bahay. She remember something in her past. Parang nangyari na ito sa kanya. Dejavu? "May masama ba sayo?" Napansin ni Zacheo ang pagkabalisa niya. Umiling lang siya at tuluyan ng naglakad papasok sa malaking bahay. Pagkapasok na pagkapasok palang ay manghang-mangha na siya sa mansyon. Napakalawak nito mapa-living room man. Walang-wala sa bahay nila kung sa laki pagbabasehan. She dreamed a mansion like this. Kaso, gusto ni Zacheo na simpleng bahay lang dahil sila lang naman at ng magiging anak nila ang titira doon. "Zacheo hijo, kumusta na?!" Bati ng isang babaeng tantya niya ay nasa mid 50's na. Ito siguro ang asawa ng daddy ni Zacheo. "Okay lang naman tita Bella!" Zeo responded and kissed the forehead of his stepmom. Masaya itong nakita si Zacheo. Nasa likod lang siya ni Zacheo kaya hindi siya napansin ng stepmom nito. "Diba sinabi ko na sayo Zeo, mommy nalang! Anak narin naman kita! Why would bothered?" Anito. Ngumiti lang si Zacheo saka siya binalingan sa likuran niya. Hinigit pa siya nito sa bewang at hinarap sa Donya. "By the way, I would like to introduce my wife to all of you!" Malakas ang pagbigkas na iyon ni Zacheo na umabot hanggang sa hagdanan ng mansyon kung saan magkasamang bumaba sina Charlotte, Lucas at ang daddy nito. Nakatingin narin ito sa gawi nila. Gulat at hindi makapaniwala ang lahat sa sinabi ni Zacheo. "Vivien!" Bulalas ng Donya na nakapagpatigil sa ngiti ni Sabrina. Maging sina Lucas ay napatigil sa pagbaba at gulat na tiningnan ang direksyon nila. "Anong ibig sabihin nito?" Nagtataka at may bahid na kaba ang namutawi sa bibig ng Donya. Aniya'y nakakita ito ng multo dahil sa nakikita nito ngayon sa harapan. Nakababa narin sa hagdanan ang Don kasama nina Lucas at Charlotte. Pati ang mga ito ay nagtataka sa nangyayari. Tulala sila dahil sa nakita. Si Vivien buhay na buhay. Hindi narin iyon ipinagtataka nina Lucas at Charlotte dahil kahapon lang ay nakita nila ito sa mall sa kabilang bayan kung saan sila nag shopping ni Charlotte. Ang nagpapagulo lang ng isipan nila ngayon ay kung bakit ito narito kasama si Zacheo, ang stepbrother niya. "Siya ba ang sinasabi mong asawa Zeo?" Isang matamis na ngiti ang ginawad ng binata sa Donya. "Opo bakit may problema ba sa asawa ko?" Doon ay napalunok silang lahat. Napakuyom pa ang kamao ni Lucas. Is this man joking? "You look Vivien! No? You really look like her!" Aniya ng Donya na nakapagpataas ng kilay ni Sabrina. Napalingon pa siya sa gawi nina Lucas, and there she spotted the two strangers she encountered sa mall kahapon. Ito rin ang tumatawag sa kanya ng Vivien. Kung ganon, may kamukha nga siya? "Sabrina po ang pangalan ko. Hindi ko po alam kung bakit niyo ako tinatawag ng Vivien siguro po kamukha ko lang yung tinutukoy niyo?" Paliwanag niya sa mga ito na naguguluhan parin sa nangyayari. "Tita! She's Sabrina yung kinukwento ko sa inyong hidden wife ko. We've been together for three years and we're married 2 years ago. You know all about that!" Zeo inserted. Napa-awang ang bibig ni Lucas. Na-ikwento nga pala nito ang buhay sa ibang bansa. Pero bakit magkamukhang magkamukha talaga si Vivien at ang Sabrina na ito. Are they twins? Siguro ba? Kasi kung tutuosin Vivien hasn't grew with a family. Siguro nagkalayo sila ng kakambal nito kung meron man. All of them was in the air of tense. They haven't take any possible answers in thier questions. They were hanged full of exploded bomb inside their thoughts. "Then was that baby in her womb was yours?" Ang kanina'y mabibigat na tagpo ay mas lalo pang bumigat nang tanungin iyon ni Lucas. Nagkatinginan pa si Sabrina at Zeo before Zeo raised his brows towards Lucas. "Absolutely mine! Ano bang nangyayari sa inyo? Matagal ko na siyang kinuwento sa inyo and yet now you all keep insisting that my wife Sabrina is that you so called Vivien!" He vigorously said. Tulala parin ang Donya ang Don at si Lucas. While Charlotte finally understand the situation. Nasa tabi lang siya ni Lucas at panay ang irap. "Pasensya kana hija inakala talaga naming ikaw si Vivien! My apologies." Pagpa umanhin ng Donya kay Sabrina. They were in the middle of their dinner dahil pagkatapos ng tagpo nila kanina ay napag usapan na nila ang buhay nina Sabrina at Zeo sa ibang bansa. Magkamukha lang talaga sa akala nila si Vivien at Sabrina yet they don't know Sabrina was really Vivien on the other side. "Ayos lang po tita!" Kiming ngiti niya bago hiwain ang steaks sa plato niya. Nagulat siya ng abutan siya ng Don ng isang putahe at pinaglagyan pa siya nito sa plato niya. "Nakakabuti iyan sa baby hija. So you should eat that for your health." Aniya. Napangiti si Sabrina. Ang bait ng mga magulang ni Zacheo sa kanya. Although anak lang ito sa labas ay welcome na welcome ito sa kanila. Sa kabilang banda, Charlotte was just simply irritated sa nakikita. All of the attention seems focused to Sabrina and Zacheo. Ni siya ay na itsupwera na. Binalingan niya ng tingin si Lucas. Tahimik lang ito at tila'y walang gana sa pagkain dahil kunti lang ang nabawas sa sinandok nitong ulam kanina. "Here babe!" Matamang tiningnan ni Lucas ang inabot na ulam ni Charlotte sa kanya. Kanina pa siya wala sa mood at dinagdagan pa ito ng inis. Inis hindi dahil sa inasta ni Charlotte kundi naiinis siya sa isiping Sabrina was not Vivien.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD