[Dreaming Alone]
RIN DANIEL's POV
May humahaplos sa ulo ko, dinadama ang hibla ng buhok ko habang ang mata ko ay nakapikit, nakahiga ako sa binti niya at siya kumakanta ng paborito niyang kanta noon bata pa siya.
“Twinkle, twinkle, little star
How I wonder what you are"
Lalo akong na himlay sa piling niya, para akong batang hinihele ng mahal niyang ina.
"Up above the world so high
like a diamond in the sky"
Dinilat ko ang mata ko at tinitigan ang maganda niyang mukha, ngumiti siya sa’kin.
"Twinkle, twinkle little star
How I wonder what you are"
Matapos niyang tapusin ang kanta ay unting unti siyang nawawala at nagiging transparent sa paningin ko.
"Rin.” tawag niya sa’kin pero hindi ako makagalaw at walang na labas na boses sa bibig ko.
"Rin.” Marfie saglit!
"RIN!” Napabalikwas ako at habol ang hininga ko, tumitig ako sa mga palad ko at inikot ang mata ko sa buong kwarto.
"Okay ka lang?” Na bigla ako at na patayo sa kama ko.
"Ma-marfie? A-anong ginagawa mo dito?” Tinaasan niya ko ng kilay.
"Ha? Masama ba pumasok sa kwarto mo? Pinapagising ka sa’kin ni tita Reyly so get up and get change! May pupuntahan tayo.” hinubad niya ang sandals niya at sumalampak sa higaan ko, tinulak-tulak niya ko gamit ang paa niya.
"Teka saan tayo pupunta?” Inamoy niya ang unan ko kaya agad ko ‘tong inagaw sa kaniya at pakiramdam ko namumula na ang mukha ko.
"Sa school niyo, ‘di ba teacher ka doon? Igala mo lang ako then if ever na magustuhan ko mag a-apply na rin ako doon for good.” napaupo naman ako at nagtataka sa kaniya.
"Doon tayo grumaduate remember, nakalimutan mo na ba?” ngumiti lang siya sa’kin at tumalikod.
"Wala lang gusto ko lang na ipasyal mo ko this summer.” nagbikit balikat na lang ako, akala ko talaga hindi na siya si Marfie na kilala ko pero ito siya sa harap ko katulad pa rin ng dati siguro nag iba lang siya ng pananamit at ayos pero siya pa rin naman siya.
Akala ko nga maiilang kami sa isa’t isa pero ngayon parang bumalik lang kami sa age naming sixteen kung saan lagi niya kong ginigising para pumasok kami ng sabay sa school.
Pumasok ako sa CR at naligo, mga ilang minuto lang ay lumabas na rin ako at na gulat ako nang andoon pa rin siya.
"Hoy Marfie!” Lumingon siya sa’kin habang busy na nilalaro ang pusa kong si nekochan.
"What?” Nag make face siya at tinaasan ako ng kilay, teka binabawi ko na ang sinabi ko kanina, ang dating Marfie na kilala ko ay hihiyaw agad makita lang akong nakahalf naked or kung may hindi siya gustong na gawa ko pero ngayon? Nakatapis lang ako sa harap niya wala pa rin siyang paki?
"Hindi ka ba lalabas?” Ako tuloy ang nahihiya ngayon.
"Tsk, nakita ko na ‘yan kaya wag kana mahiya.” halos malaglag ang panga ko sa sobrang pagkabigla! Kailan niya nakita ang katawan ko!
"Ke-kelan?” Tumayo siya at lumapit sa’kin.
"Nung bata pa tayo, pagpinapaliguan or binibihisan ka ni tita remember? Minsan nga sabay pa tayo maligo so whats the point?” Feeling ko masisiraan ako ng ulo sa mga pinagsasabi niya sa’kin ay hindi lang ‘yun sobrang lapit niya pa sa’kin.
Nang aasar ba ang isang ‘to.
"Pwede lumabas ka muna magbibigis lang ako.” ngumuso siya at binuhat si neko chan sabay sara ng pinto.
"Faster Mr.Geek.” at narinig ko ang yabag ng paa niya papalayo, nakahinga naman ako ng maluwang at na madaling magbihis.
Inayos ko ang baduy kong buhok at sinuot ang makapal kong salamin, ano naman kayang gagawin namin sa school sa ganitong kaagang oras?
Bumaba ako at pumunta sa dining area ng mansion at nakita ko sila Mama at Papa na kumakain kasama si Marfie, nagkukwentuhan sila at mukhang masaya naman sila.
"Oh Rin andito ka na pala tara sabayan mo na kami dalian mo at hindi na makapag intay si Marfie.” Kumaway-kaway si Marfie at pinapa upo ako sa tabi niya sa dating pwesto ko nung andito pa siya.
"Dalian mo kumain, kumain na ko sa bahay kaya paspasan mo ang subo,” sabi niya habang nilalaro ang pusa namin.
"Okay.” iyon na lang ang na sabi ko at kumain ng kumain katulad ng sabi niya, sila mama naman ay busy sa pakikipagkwentuhan sa kaniya.
Tungkol sa anim na taong pagkawala niya, ayon sa kwento niya busy siyang masyado doon at hindi na nagawang sumulat pa or mangamusta, kasama kaya doon ang mga sulat ko na wala man lang siyang sagot?
"Eh wala ka namang naging boy friend doon?” Tumawa siya ng malakas
"Madame po.” napabuga ako ng kape na iniinum ko.
"Oh Daniel na paghahalataan,” sabi ni papa kaya namula ako at agad na pinunasan ang kape sa shirt ko.
"Magpapalit lang ako ng damit,” sabi ko at tumayo na, na madali akong umakyat sa hagdan habang habol nila ako ng tingin.
Nakakahiya Rin! Pero na gulat lang talaga ako na iyon ang sasabihin niya, hindi naman lingid sa kaalaman ko na pwede siyang magkaboyfriend doon pero hindi niya sasabihing madame!
"Arrgh.” nasabunutan ko ang sarili ko pag kasarado ko palang ng pintuan ng kwarto ko.
Nakakahiya talaga ‘yung nireact ko kanina, wala naman akong karapatan sa kaniya kaya dapat hindi ako apektado ng ganito, pero anong magagawa ko? Mahal ko kasi ‘yung kababata ko.
*Knock Knock*
"Rin ano tapos ka na ba?” Namadali akong tumakbo sa harap ng aparador ko at hinalungkat ang mga damit ko, kumuha na lang ako ng kahit ano doon at sinuot iyon.
"Okay na tara na,” sabi ko sa kaniya saka ko siya nginitian, wag ka papahalata rin Daniel nakakahiya.
"Hindi mo pa tapos ‘yung pagkain mo,” sabi niya at ni lapag ang buhat-buhat niyang pusa.
"Nope busog na ko tara na.” binuksan ko na lang ang librong dala ko para hindi ako matense habang kasama ko siya.
"Alis na kayo?” Tanong ni papa at tumungo lang ako.
"Bye tito tita balik kami mamaya.” kumaway siya kala mama at lumabas na kami ng pinto.
"Hey hindi tayo magba-bike?” Nilingon ko siya at parang hinahanap niya ‘yung bike na lagi kong gamit para iangkas siya.
"Ah next time na lang kung ayos lang sayo.” ayoko muna madikit sa kaniya natataranta talaga ako eh.
"Fine.” mataray niyang sagot, teka na asar ko ata siya.
"Teka gusto mo ba?” Tanong ko pero inunahan niya na ko maglakad.
"Wag na ayaw mo eh, hmp.” at ‘yun naglakad kami papuntang school, malapit lang naman eh, kaya hindi gaanong nakakapagod kung lalakarin mo at isa pa wala naman siyang kapaguran hindi katulad ko na hinihingal na nang makarating kami sa school.
"Nakaka miss.” tumigil kami sa tapat ng gate ng school, bakasyon ngayon walang tao dito at halos bumalik lahat ng memorya naming dalawa sa isang igla lang.
Nakatayo lang kami doon habang pinagmamasdan ang school, napatingin ako sa kaniya.
Ang ganda ng madilaw niyang buhok at asul niyang mata, ‘yung manipis niyang labi at hindi naman katangusang ilong at kung pano hanginin sa mukha niya ang iilang hibla ng buhok niya na parang sapot ng gagamba na kumikinang sa sinag ng araw.
Pakiramdam ko bumalik kami sa sixteen years old naming panahon, ‘yung naka uniform kameng dalawa at sabay papasok sa school tapos dala ko ang bisikleta kong angkas siya at hahanginin ang maganda niyang buhok na gustong gusto ko laging nakikita.
“Rin.” tumingen siya sa’kin at nag smile.
Sorry.” hindi ko alam pero parang biglang na basag ang imahinasyon ko at sumakit ang dibdib ko, wala pa naman siyang sinasabi pero isang sorry niya lang feeling ko magbe-break down na ko.
“para saan?” Kinalma ko ang sarili ko.
"Hindi na tayo pwedeng maging tulad ng dati.” iyon lang ang sinabi niya at na una nang maglakad papasok ng school.
Sabi ko na eh, iba ‘yung sorry na yun, napahawak ako sa dibdib ko at pilit pinapakalma ‘to, sumasakit ‘to pakiramdam ko hindi ako makahinga.
‘Yung paglakad niya hindi ko mahabol!
Palayo siya ng palayo sa’kin at katulad ng panaginip ko hindi niya marinig ang tinig ko.
“Marfie.” hinihingal ako, dahil ba sa matagal naming paglalakad ‘to o dahil sa na saktan ako sa sinabi niya?
Tanging nakikita ko lang ay ang likod niya na papalayo na sa’kin, napaluhod ako at habang hawak ang dibdib ko bumagsak na ko sa lupa.
••*••
"Wag kang umalis teka.” pilit kong inaabot siya pero sobrang layo niya na ng biglang may humawak sa kamay ko.
"Daniel gising! Ano bang nangyari sayo.” pagmulat ng mata ko nakita ko si Claire ‘yung kaibigan namin since high school at co-teacher ko ngayon.
"Si si Marfie?” Nagbuntong hininga siya.
"Bumili muna ng pagkain sa labas, hay nakaw buti na lang talaga at nagkataon na andito ako kundi walang tutulong sa inyong dalawa.” umupo ako at hawak ang ulo ko.
"Ano bang nangyari?” Tanong ko rin dahil hindi ko talaga alam kung bakit andito ako.
“Nakita ko si Marfie kaya agad akong lumapit sa kaniya para batiin siya tapos bigla na lang kami nakarinig ng lumagapak kaya paglingon namin nakita ka na namin nakahiga sa simento.” Hinawakan ko ang ulo ko na medyo nahihilo pa.
"Ilang oras na kong walang malay?” Tanong ko.
"Mag dadalawang oras lang naman, na pagod ka ata sa paglalakad niyo kanina papunta school, buti na lang at na sa’kin ‘tong susi ng clinic.” sabay taas niya ng mga susi, ngumiti na lang ako.
Siya ‘yung classmate namin nung high school kasabayan namin nila Bienne, naging malapit din kami sa isa’t isa at magkakasama kaming apat noon.
Siya ‘yung tipong parang lalaki kumilos pero babaeng babae kung mag-alala, mabait ‘yan at hanggang ngayon inaalagaan pa rin niya ko kasi nga daw sakitin ako at iyon pare-pareho kaming kumuha ng course na Teacher pero iba’t ibang major ng subject ang kinuha namin, ako sa music siya sa math at si Bienne naman sa PE or physical health. Kami kami ang magkakasama nung na wala si Marfie at hanggang college pati ngayon sa work iisa ang pinapasukan namin.
"Sa susunod nga wag ka magpagod masyado, mayaman naman kayo ayaw mo pa mag commute or bumili ng sarili mong sasakyan.” sermon niya.
"Malapit lang naman kasi.” bumusangot siya at piningot ako.
"Malapit nga pero tignan mo nangyari sayo nung naglakad ka!” Pinipingot niya ko at napapangiwe ako sa sakit ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Marfie na nakasimangot dala dala ang mga pagkain.
"Nakakaistorbo ba ko?” napatingin kameng dalawa ni Claire sa kaniya at binitawan na ni Claire ang tenga ko.
"Hindi tara dito Marfie.” pag anyaya niya kaso inirapan siya nito.
Ano bang problema niya ngayon?
"Nope hindi na, uuwi na muna ako next time mo na lang ako ilibot dito rin at saka nga pala pinasundo na kita.” inilapag niya ‘yung mga pagkain at umalis na agad.
Naiwan kaming dalawa doon at nagkatinginan.
"Anong nangyari dun?” Tanong niya.
TO BE CONTINUED