CHAPTER 4

1831 Words
[Letters] RIN DANIEL's POV Naiwan kaming dalawa ni Claire sa clinic at inintay niya muna dumating ang sundo ko bago siya tuluyang umalis. "Master, tara na po nag iintay ang sasakyan niyo sa labas." nagbuntong hininga ako, hindi ko pa talaga gusto umuwi dahil wala na naman akong ibang gagawin kundi magbasa sa kwarto ko. "Ah pwede dito muna ako? May tatapusin lang ako tawagan ko na lang kaya mamaya pag-uuwi na ko." ngumiti ako sa kanila habang hawak ko pa rin ang ulo ko. "Sigurado po kayo master?" Tumango ako at doon umalis na sila, pumunta ako sa music room at binuksan ang case ng keyboard ng piano. Pinundot ko ang kakaunting parte nito na nakagawa ng maliliit na ingay sa buong kwarto, medyo tahimik na sa school at palubog na ang araw. Napatingin ako sa labas ng bintana at kulay orange ang ulap, lumapit ako para buksan ang bintana ng matanaw ko ang isang babae na nakaupo doon sa garden ng school. Kulay palang ng maganda niyang buhok alam ko siya na 'yun. At alam ko rin na naramdaman niya na na nagmamasid na ko sa kaniya kaya nilingon niya ko at inirapan. Natawa na lang ako at pumunta sa kinauupuan niya. "Akala ko umuwi kana?" Sabay upo sa tabi niya. "Nag bago isip ko." matipid niyang sagot at tumingala sa langit sabay buntong hininga. Pakiramdam ko may tinatago siya sa akin at may mga bagay siyang ayaw sabihin katulad na lang kanina anong ibig sabihin ng sorry na 'yun at hindi na kami mababalik sa dati? "Marfie galit ka ba sa'kin?" Hindi ko rin alam ba't ko na tanong, siguro ramdam ko lang na galit siya sa'kin? "Im being straight to the point, naiinis ako sayo kaya tinatarayan kita kaso hindi ko pala kaya." lumingon siya sa'kin sabay ngite na pilit. "Bakit naman? Ano bang na gawa ko?" Wala talaga akong alam. "Anong na gawa mo? Actually wala. Kaya ako na iinis kasi wala kang ginawa." na confused naman ako. "Ha?" Nagbuntong hininga siya. "Hindi mo man lang ako sinulatan! 'yung kwento ko kaninang umaga? Na busy ako? Oo busy ako kaso hindi ako na palya kada araw na magtanong kung may sulat ka ba tapos nalaman ko na lang din nakablock pa ko sa sss mo." Na gulat naman ako at na patayo sa galit. "Ako ang hindi pumapalyang magsulat sayo kada linggo at ikaw ang walang response kahit chat man lang tas ikaw ang nang block sa'kin!" Nakita ko ang pagkabigla rin sa mukha niya. "What? Papaano!! Ako ang nag iintay sa sulat mo!" Umiling ako "No! Ako!" Tumayo na rin siya. "Hindi! Ako ang pinaasa mo!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ako pa paasa eh, binigay ko lahat ng oras ko sa pag iintay ng reply niya na miske hi or okay wala. "Ako! Ako ang nag intay sa reply mo! Araw-araw hindi ako makapag-concentrate sa pag-aaral ko kakaisip sayo! Kung kailan ka mag re-reply at kung nakalimutan mo na ba ako!" Nawala ang pagkatahimik kong tao dahil na ilabas ko lahat ng nasa loob ko. Nakita ko siyang tulala at nakanganga labas pa ang pangil niya. "What did you say?" Papaulitin niya pa sa'kin? Actually hindi ko na matandaan kasi lumabas na lang talaga sa bibig ko 'yun. "Your waiting for me at lagi mo kong iniisip?" 'yung gulat niya napalitan ng pamumula ng mukha niya. Hindi lang siya kundi triple ang balik sa'kin nung makita ko ang reaksyon niya, crap! Mukha na kong kamatis nito. "Ah eh, syempre 'di ba childhood friend tayo tapos parang kapatid na kita." okay Rin you lie! Parang storya 'yun ng mama at papa niya. "Ah sabagay." teka bakit parang na disappoint ko siya? May inaasahan ba siyang kailangan kong sabihin? Wala na saming nag salita pagtapos nun dahil wala na rin akong maisip sabihin kaya binalot na kami ng katahimik at awkward na atmosphere. Pero pinagmasdan na lang namin 'yung garden ng school kung saan kami madalas kumaing apat. That's bring back memories, 'yung panahon na naging close namin si Bienne at si Claire tapos nun araw-araw na kami magkakasamang apat. Sapat na sa'kin silang tatlo noon kahit hindi ako napapaligiran ng maraming kaibigan ay ayos na ko sa kakaunti basta totoo sa'kin. Aanhin ko naman 'yung madame kung karamihan sa kanila ay peke? Mas okay na ko sa kakaunti basta tunay. "Nakakamiss talaga." napatingin ako sa kaniya at siya nakatingin lang sa paligid. "Marfie bakit mo nasabi na hindi na tayo pwedeng maibalik sa dati?" na gulat siya sa tanong ko at umiling lang. "Wala-wala wag mong isipin 'yun nababaliw lang ako haha." hindi ako kontento sa sinabi niya. Ewan ko ba simula nung bumalik siya ang dami niyang sikreto at kilos na na iba. Tinitigan ko siya at sinuri kung totoo ang sinasabi niya, alam ko kasi pag nagsisinungaling siya at iiwas niya ang tingin niya sa'kin at gagalawin niya ang dalawang hintuturo niya sabay ipapaikot sa isa't isa. "Wag mong basahin ang iniisip ko Rin, basta this time hayaan mo muna mag enjoy tayo bago ang lahat." hindi siya umiwas sa'kin ng tingin at daretsyong tumitig sa'kin. "Trust me." this time sumuko na ko pero may mga bagay pa talaga akong gusto itanong sa kaniya. "Okay I'll trust you pero sagutin mo muna ko." lumaki ang mata niya at hinawakan ang dalawa niyang pisnge. "Sagutin ka? Wait Rin hindi ka pa nanliligaw eh." nasapo ko na lang ang noo ko. "Don't get me wrong, yung mga tanong ko ang sagutin mo." tumawa siya at pinaghahampas ang likod ko feeling ko tuloy madi-dislocate ang mga buto ko. "Go on ask me." nag puppy eyes siyang humarap sa'kin at nakangite ng malawak. "Ba't ganiyan ang porma mo ngayon?" Tumingin siya sa suot niya, masyado itong revealing at manipis. "Ah ito? Hmm kasi tinuruan ako doon nung kasama ko na maging more womanly kasi daw nineteen na ko." nagbuntong hininga ako. "Hindi eh, hindi bagay sayo." daretsyo kong sabi at mukhang na offend ko ata siya. "Ah so alam mo ang babagay sa'kin eh, ikaw ang baduy pumorma," sabi ko na babanatan niya ko. "I mean 'di kasi bagay sayo ang mga ganiyang damit ang bagay sayo ay 'yung mag mumukha kang disente." nag cross arm siya. "At ano naman tingin mong disente ngayon?" hinubad ko 'yung polo ko at sinuot sa kaniya, may t-shirt pa naman ako kaya okay lang. "Yan ang disente 'yung hindi kita ang makinis mong balat." ngumiti ako sa kaniya at na gulat ako ng bigla siyang tumalikod sa'kin at pinaghahampas ako. "Ano na naman?" Humarap siya sa'kin na pulang pula. "Wag ka nga mag sasalita bigla-bigla ng ganiyan binibigyan mo ko ng sakit sa puso." tumayo siya at nag madaling maglakad. "umuwi na nga tayo!" Sabi niya at ako sumunod na lang sa kaniya kahit nagtataka. Ano bang sinabi ko sa kaniya? Na inis na naman ba siya? "Hays." napabuntong hininga na lang ako habang sinusundan siya maglakad, tinawagan ko na 'yung sundo namin at hinatid kami sa bahay. ••*•• "Rin tingin mo asan 'yung mga sulat mo?" nag bikit balikat din ako at hinubad 'yung t-shirt ko. "Kyaaaaaahhh!! ba't ka bigla bigla naghuhubad sa harap ko!" Ano daw? Baliw ba siya? "Kaninang umaga nakatapis ako hindi ka nag rereklamo ngayong may pants at boxer pa ko humihiyaw ka na agad!" Tumalikod siya sa'kin at nagtakip ng mukha, katulad ng ginagawa niya dati. "Iba na ngayon, pinipilit ko lang maging cool sa harap mo kanina kasi nga kunwari mataray ako kasi hindi mo ko kinakamusta this past six years." natawa naman ako, so lahat 'yun arte niya lang kanina. "Okay sorry magbibihis na po agad." nag suot ako ng bagong t-shirt at umupo sa sahig. Humarap ako sa kaniya at nginitian siya, nasa harap ko na ulit siya abot na abot ko na. "Rin ba't ka ganiyan makatitig?" Napa iwas agad ako ng tingin, siya mukhang namumula rin ang awkward tuloy. "Sorry hindi ko lang maisip na andito ka na ulit masaya lang ako." humarap ako sa kaniya at nakita kong na bigla siya at pulado na naman! Bigla siyang tumayo at hinampas ako. "SABI KO WAG KANG BABANAT NG GANUN PINAPASAKIT MO PUSO ANG KO TSK! MAKAUWI NA NGA!" tatayo palang ako kaso bigla na siyang nawala sa harap ko. Ang bilis niya masyado, napabuntong hininga na lang tuloy ako. Ano na naman kaya ang na gawa ko? Ano ba 'yung na sabi ko na ayaw niya? Humiga ako sa kama at hinubad ang salamin ko, sobrang labo na ng mata ko. Pag naging ganap na bampira kaya ako lilinaw din ang paningin ko? Bibilis din kaya ang kilos ko? Gusto ko nang maging isa sa kanila kaso lagpas na ko sa tamang edad nang pagiging bampira wala pa ding sign na lumalabas sa'kin miske isa. Agnormal ba ko? O mortal? Hindi kaya ampon lang talaga ako? Natatandaan ko noon unang magkakilala kami ni Marfie ay nung six years old kami nag picnic kami sa park noon at pinakilala sa'kin nila tita Fiolee si Marfie. Una ko kasing nakilala sila tita at sabi niya ipapakilala niya daw ang anak niya sa'kin para may kalaro ako, una nun naiinis pa ko kasi babae siya, akala ko magkakaroon ako ng kaibigan batang lalaki na makakasabay sa mga larong panglalaki kaso isa siyang iyakin nun dinaig niya pa ko. Kaya lagi ko siyang tinatakot at binubully noon kasi feeling ko malakas ako dahil ako 'yung binubully dati ako naman ang nang bubully ngayon. Kaso nung binigyan ko siya ng palaka tanda ko nun inilagay ko sa damit niya 'yun at na statwa siya saka biglang nag iba ang itsura niya, pumula ang mata niya humaba ang mga pangil at naging itim ang buhok. Tapos sinung gaban niya ang leeg ko at pinadugo ng todo iyon, halos mabaliw ako sa takot nun pero aware naman akong bampira ang mga kasama ko at alam ko normal lang iyon dahil magiging ganun din ako balang araw kaso hanggang ngayon wala pa rin. Siya ang unang nakakagat sa'kin at ang dugo ko ang unang naka buhay sa pagiging bampira niya hanggang sa naging elemtary kami tago sa mga classmate namin ang pagkatao namin buti na lang 'yung teacher at principal ng school ay bampira rin kaya walang nakakalabas na balita sa iba at walang nang hihinala samin. Buti pa siya six years old palang alam na nilang malakas na bampira si Marfie samantalang ako. "Hayss." napa buntong hininga naman ako. Bakit ganun? Malakas na bampira naman si mama at si papa converted na bampira pero ako wala pa ding sign na nalabas. Si Marfie naman kaya siya ang pinakamalakas kasi si mama niya ay converted na bampira gamit ang dalawang dugo ng isang dhampir at si tito Marshall naman half vampire at royal blood ang pamilya niya. Kaya iyon parang ilang dugo ang na agos sa katawan ni Marfie? Mortal? Half vampire at royal blood. Buti pa siya kinatatakutan eh, ako?  *knock knock*  Napakingon ako sa pinto at binuksan ito. "Nak may pinapabigay ang lolo James mo." isang kahon? "Sige ma salamat." Buhat-buhat niya ito gamit ang isang kamay at nung ako na ang kumuha sa kamay ni mama ay napangiwe ako at natumba. "Ma naman 'di mo sinabing mabigat!" Tumawa siya. "Hindi naman talaga mabigat." nag make face na lang ako at tumawa siya saka sinara ang pinto. "Di daw mabigateh, halos maputol braso ko." bulong ko habang binubuksan ang kahon at pagbukasko tumambad sa'kin ang sandamakmak kong sulat para kay Marfie. TO BE CONTINUED 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD