[He’s mine]
RIN DANIEL's POV
Pagtapos kong makita ang laman ng kahon ay agad kong sinuot ang hoody ko at binuhat ang kahon palabas ng bahay.
"Saan ka pupunta Daniel?” Tanong ni mama at sumakay na ko sa bike ko.
"Kala tita Fiolee po.” at sinimulan ko ng pumadyak sa bisekleta ko, hirap na hirap ako dahil mabigat ang dala-dala ko pero na kaya ko naman makarating sa mansion nila ng buhay.
"Sir Rin tulungan ko na po kayo, "nakita ko ang kakaparada palang na sasakyan nila at iniluwa noon si Jake ang head ng mga butler nila sa bahay.
"Ah salamat,” sabi ko at binuhat niya iyon gamit ang isang daliri niya dahil madame pa pala siyang bubuhatin at tig iisang supot ang bawat daliri niya sa kamay, hindi mo akalain na lagpas na nang isang daang taon ang lalaking ito dahil mukha lang siyang 30 or 40 pataas.
"Saan ka galing Jake?” Daredaretsyo nitong nag lakad papuntang pintuan.
"Pinabili ako ni Ms.Fionna ng bago niyang damit dahil ayaw mo daw ng mga suot niya.” napangiwe naman ako, ako pala ang dahilan ng pag sho-shopping ni Jake sa dis oras ng gabi.
"Ay pasensya na, bawiin ko na kaya ‘yang kahon ako na magbibitbit,” sabi ko pero iniwas niya ang hawakan ng kahon kaya hindi ko ito nakuha.
"Ako na po Sir.Rin, tutal iisa lang naman ang pupuntahan na’tin,” sabi niya at nag bobow ang bawat taong makakasalubong niya sa mansion.
"Ay sige tama ka.” hindi na lang ako makaimik, tahimik ang malaking mansyon na ito pag wala ang mag-asawa na sila tita Fiolee at tito Marshall dahil sila lang naman ang maingay dito at isa pa puro maids at butler na ang kasama nilang pamilya bukod kay lolo James .
"Paki katok na lang po ang pinto.” utos niya sa’kin kasi puno na ang kamay niya ng mga gamit na hawak niya.
"Ah okay okay.”
*tok tok tok*
"Bukas ‘yan Jake!” Pinihit ko ang seredula ng pinto at nakita ko si Marfie na nakain sa sahig at panay ang laro sa isang bote.
"Ano ‘yan?” Tanong ko nung lumapit ako sa kaniya at na gulat siya.
"Anong ginagawa mo dito?” Hindi ko siya sinagot at tinulungan si Jake ibaba ang mga pinamili niya, pagtapos ay umalis na rin siya agad ng kwarto.
"Maiwan ko na po kayo Master, pakitawag na lang po ako kung may kailangan pa kayo,” tumango si Marfie at hinagisan si Jake ng chitchirya.
"Smile-smile ka naman d’yan.” ngumiti ng pilit si Jake at sinara na ang pinto.
"Napakaseryoso ng mga tao dito nakakabagot tuloy buti pumunta ka haha,” sabi niya sabay lagok ng dugo sa bote.
"Iniinum mo ‘yan ng ganiyan? Parang tubig lang.” hindi pa rin ako sanay makakita ng ganun kadaming dugo kaya umiwas ako ng tingin dahil nagsisimula nang bumaliktad ang sikmura ko.
"Oo, kasi mas masarap pag ganito kesa sa patagalan pang sumipsip,” sabi niya at kuha ng chips.
"Oo na oo na, teka andito ba si lolo James?” Umiling siya.
"Umalis silang tatlo kanina pagdating ko.” tumungo na lang ako.
"Ano ‘yang kahon na ‘yan?” Muntik ko na makalimutan bakit ako pumunta dito buti na lang na pansin niya ang kahon.
"Ah eto ‘yung mga sulat ko sayo bumalik lahat sa’kin kanina.” kumunot ang noo niya at binuksan ang kahon, napahawak siya sa bibig niya at tumigin sa’kin sabay yakap.
"Sorry hindi ko na basa lahat ng ‘to.” bumilis ang t***k ng puso ko, sobrang lapit niya! Dati naman ay sanay ako pag ginagawa niya sa’kin ‘to pero ngayon na na gising ako sa katotohanang mahal ko siya nag sisimula na kong kabahan at mataranta.
"Ah eh, haha ayos lang,” sabi ko sabay kamot ng ulo ko at ayos ng salamin ko sa mata.
"Babasahin ko na lang ‘to lahat mamaya.” ngumiti siya sa’kin.
Napangite na lang din ako, matatapos niya kaya basahin lahat ng iyan sa loob ng isang gabi?
"Rin.” tumigin ako sa kaniya.
"Pwede mo ba kong isakay ulit sa bisikleta mo ngayong gabi? Puntahan na’tin ‘yung mga lugar na dati nating pinupuntahan.” ngayon na talaga?
"Wala ka bang ibang gagawin?” Umiling siya at tumayo na.
"Gusto ko lang bumalik lahat sa memorya ko ‘yung mga pangyayari sa’tin dati nakakamiss kasi.” tumayo na lang din ako at na una nang lumabas sa kwarto niya.
"Tara.” aya ko sa kaniya at masaya siyang sumunod sa’kin.
Nagpaalam kami kay Jake at pumayag naman ito, umangkas siya sa likod habang nakatayo, gustong gusto niya ang ganong pwesto ayaw niyang umuupo sa harap dahil nakakangalay daw sa pwitan.
"Dalian mo naman mag pidal!” Sinamaan ko siya ng tingen.
"Gusto mong hingalin na naman ako.” binatukan niya ko.
"Palit pala tayo ako na mag di-drive.” tumawa ako at inasar siya.
"Oo nang mas mapa aga ang pagkatodas ko.” Pinagsasakay niya ang leeg ko at natatawa na lang ako.
Una kaming pumunta sa malapit na park dito sa amin, kung saan daw na buo ang pag-ibig ng mama at papa niya at kung saan una ko siyang nakita.
"Napaka-romantic ng lugar na ‘to.” natawa naman ako.
"Anong romantic sa madilim at walang katao taong lugar na ‘to Marfie?” wala na kasing dumadalaw sa lugar na ‘to, bukod sa magagandang bulaklak ay patay na patay na ang lugar na ito, walang kabuhay-buhay.
"Tanda mo pa dito tayo madalas naglalaro dati, pati sila Bienne at Claire dinadala na’tin dito noon.” umupo siya sa bench at sumunod ako sa kaniya.
"Tapos pag may away tayo dito ako lagi nagtatago sayo kaso alam na alam mo na ang galaw ko kaya mahahanap mo agad ako.” pano iisang lugar lang naman ang tinataguan mo.
"At dito rin kita madalas dinadala pag gutom ako hehe.” kinilabutan ako.
"Gutom ka ba?” Tumawa siya.
"Kinabahan ka naman? Hindi busog ako ngayon.” tumayo siya at nag ikot-ikot sa lugar, ako na iwan lang nakaupo doon habang pinagmamasdan ko siyang magpaikot-ikot sa paligid.
Madilim na at tanging liwanag lang ng buwan ang nagbibigay sa’min ng ilaw dito sa park pero siya kitang kita pa rin ang bawat detalye ng nilalakaran niya.
Ano pa bang aasahan ko eh, bampira siya?
"Ah Rin! Kilala ko ‘yung anak ng uncle ko?” umiling ako sino naman ang uncle niya.
"Uuwi daw siya dito next month, doctor ‘yun at siya ang pinakamagaling na doctor sa buong lipon nating mga bampira.”
"Ah ang galing naman sana malaman niya bakit hindi pa rin ako nagiging kaisa niyo.” lumapit siya sa’kin at umupo sa tabi ko.
"Sus! Bampira ka na naman eh.” nang-aasar ba ang isang ‘to.
"May bampira bang ganito kahina?” tumawa siya at tumango.
"Oo ikaw hahaha, pero wag mo na isipin ‘yan baka naman kasi may dahilan, itanong na’tin sa pinsan ko pag-uwi niya,” tumango na lang ako, Sana nga masabi ng pinsan niya bakit ganito ako ngayon.
"Ang galing no, sabi ni mama noon daw hirap pa ang mga bampira mamuhay sa mundo na’tin eh, ngayon kasama na tayo ng mga mortal at hindi nila alam ‘yun.” totoo madali nang mabuhay ang mga bampira sa panahon ngayon.
"Tapos salamat sa mga product ng kapwa bampira na’tin hindi tayo natatakot sa araw, atleast masusuot ko ang kahit anong gusto ko haha.”
"Ang dami na ngang nagbago, saka madami na ding bampira ang mayayaman at may trabaho kaya nagagawa na nilang bumili ng dugo hindi kumitil ng mga tao.” tumango tango siya.
"Oo nga, kaya tahimik ang buhay na’tin ngayon, pwera na lang sa mga werewolf pano kaya sila nabubuhay?” Napaisip ako.
"Mga werewolf? Hindi pa ko nakaka-encounter ng miske isa sa kanina.” lumaki ang mata niya at parang binibigyan ako ng tanga-lang-look kaya bumusangot ako sa kaniya.
"Ano ba ‘yan! Kalat nga ang amoy nila sa school kanina nakakasuka kaya lumabas ako ng building.” wala namang ibang tao doon bukod sa’min kanina pano niya na amoy yun?
"Tayo lang ang tao doon kanina.” umiling siya.
"Oo nga pero dumidikit ang amoy nila sa lugar na pupuntahan nila, nakakasuka kaya.” mataray niyang sabi, wala naman akong na aamoy na kakaiba.
"As in eh, ilang weeks na walang pasok.”
"Kahit na--.” naputol ang pag sasalita niya at napatayo sa kinauupuan niya.
"May paparating.” hindi pa ko nakakapagsalita ay hinila niya na agad ako sa kamay at pina angkas sa bisikleta.
"Ako mag di-drive humawak kang mabuti.” napangiwe ako.
"Teka teka ‘di ka marunong mag bike.” para siyang natauhan at lalong na taranta.
"GOSH OO NGA PALA!” Hinila niya na lang ako at tumakbo kami ng mabilis.
"Kung nakakalipad lang ako katulad ni papa asar!” Sabi niya at patuloy akong hinihila, ako naman ay kulang na lang ay kaladkarin niya na lang dahil sa bilis niyang tumakbo.
"Teka lang Marfie ‘di ko na kaya.” binitawan niya ko at tumindig sa harap ko.
"Tsk!” nang tumingala ako ay nakita ko pinapaligiran na kami ng higit sa apat na malalaking lalaki.
"Sino sila Marfie.”
"Aba malay ko!” Sagot niya at matalim na tinitigan ang mga lalaki na nakapaikot samin.
"Aba aba ikaw ba ang sinasabi nilang pinakamalakas?” Sabi nung lalaking nasa likod ko.
"Ako nga bakit.” mataray na sagot niya.
"Ganun?” Lumapit sa kaniya ang lalaki at hinawakan ang baba niya, napatayo ako at akmang sasapakin ‘yung lalaki pero pinigilan niya ako.
"May kasama ka pa pala? Sino siya biktima mo? Hatian mo naman kami.” matalim akong tinitigan nito na pinanglambot ng mga tuhod ko. Sh*t tingin niya palang mala demonyo na.
"Nope, akin lang siya.”
TO BE CONTINUED