Chapter 4

1616 Words
Sa likod ng bahay, sila dumaan patungo sa pilapil para walang makakita sa kanila wala silang pakialam magkakapatid kahit madumi at maputik ang kanilang mga suot, hindi nila iyon pinansin. Ang mahalaga sa kanila ay makatakas sa kanilang mapang-abusong mga kamag-anak. Sa wakas nakarating sila sa kalsada walang nakakita sa kanila, naghihintay silang magkapatid sa bus papuntang bayan ng San Antique. Palingon lingon si Cassandra taimtim na nagdarasal na wala makakita sa kanila. “Lord, kayo na po ang bahala sa amin gabayan ninyo po kami magkapatid.” Piping dasal niya. Lumipas ang sandali may dumating na bus agad nilang pinara. Magkakapatid ang akala nga nila ay hindi sila hihintuan. Nakahinga nang maluwag si Cassandra ng huminto ito sa mismong tapat nila. Bumukas ang pinto ng bus. At dumungaw ang konduktor tinangnan muna sila bago ito nagsalita. “Mga ineng saan ba kayo, papunta? Nagtataka tanong ng ginoo sa magkakapatid. Bakas sa mukha ng ginoo naguguluhan. Nagpalinga-linga pa nga ito na tila may hinahanap. “Sino kasama ninyo? Tanong muli ng ginoo “Mga magulang ninyo, asan?!” Muling tanong nito. “May kasama ba kayo. Matanda?” Umiling-iling naman silang magkakapatid. “Wala, po kaming kasama kami lang pong magkakapatid.” Wika ni Cassandra. “Nagmamakaawa po kami, sasakay po kami pauwi sa San Antique.” Nakikiusap na wika ni Cassandra. "Please, po sana po ay maawa kayo," malungkot na sabi pa ng magkakapatid. Walang nagawa ang konduktor naawa ang mga ito kaya sa huli ay pinasakay sila ng konduktor at driver. Tinitingnan naman sila ng mga kapwa pasahero. May nagtanong kung saan ang magulang nila. Nagkwento sila magkakapatid, may naawa sa kanila at may nag aabot ng pera. Pati ang driver ng bus, hindi na sila pinagbayad, binigyan pa nga sila ng pera. May gusto pa nga na samahan silang magkakapatid sa pulis upang kasuhan raw ang mga kamag-anak nila dahil sa pang aabusong ginawa ng mga ito dahil bawal daw ito sa batas ng pag abuso ng mga katulad nilang bata pa. Ngunit ayaw na ni Cassandra ng gulo, bata pa sila pero marami na silang pinagdaanan. Nakauwi silang pito sa kanilang bahay, wala pa ang kanilang Ama kaya hindi pa nito alam ang nangyari sa kanilang magkakapatid. Maraming mga useserang kapitbahay nila ang nagtatanong nakikimarites ngunit kahit isa ay wala silang pinagsasabihan. Lalo sumama ang loob ni Cassandra sa mga kamag-anak nila na hindi man lang sila tinanong ng lola at mga kapatid ng kaniyang ina. Para nga lang silang hangin sa mga mata ng mga ito. Lumipas ang isang linggo saka lang dumating ang kanyang ama sa bahay nila. Doon ay katakot-takot na sermon ang natanggap nila sa kanilang ama. Pilit pa nga silang magkakapatid na bumalik sa bahay ng lola nila ngunit hindi na sila pumayag. At wala ng nagawa ang ama nila. Hindi na rin sila pinilit pa. Nagpatuloy ang buhay nilang magkakapatid, nakapagtapos siya ng elementary. Ngunit napatigil siya ng dalawang taon dahil habang tumatagal, lumalala ang Papa nila, halos hindi na ito umuuwi. Linggo-buwan padalhan lang sila ng pera, pero kulang pa rin. Halos hindi na nga sila kumakain, eh, ang mga kalapit-bahay nila, kamag-anak, ay wala man lang din naibigay sa kanila. Dahil kulang pa rin sa mga ito. Hanggang siya ay kumilos sumama siya sa mga batang namamasura para magkapera upang makabili siya ng pagkain para sa mga kapatid. Sumama rin sa kanya ang kapatid na si Jenna at Ferlin. Para makatulong sa pang gastusin. Dahil wala na talagang pag- asa tumino ang kanilang ama dahil lahat ng pera kinikita nito ay naubos sa pangbabae. Palagi raw itong pumunta sa mga bar sa kanilang bayan kaya pala wala na halos nauuwi ang kanilang ama. Ganoon ang naging takbo ng buhay nila hanggang magdalaga sya at bumalik sa pag-aaral ng high school makalipas ng dalawang taon. Kahit walang baon, pumapasok siya para makatapos lang, tulad pa rin ng dati, inaapi pa rin sila ng kanyang tiyahin, at sa iskul ay binubully sila. Ang papa naman niya medyo nagbabago na, marahil natauhan nang sinagot niya ito noong minsan. Napuno na kasi siya nang maospital ang bunso niyang kapatid dahil sa pagtatae. Doon niya inilabas ang lahat ng sama ng loob sa Ama kaya siguro medyo natauhan ito. Nagtapos siya ng high school at nagtrabaho bilang isang tindera ng mga damit sa bayan. Nag-iipon siya upang makapag-aral sa kolehiyo. nineteen years old na siya ngayon at gusto niya makapagtapos ng pag-aaral. "Oi Cas!" siko ni Leila sa kanya. Kaya napatingin siya sa kaibigan at kasamahan niya sa tindahan ng mga damit. "Ano 'yon?" tanong niya nang maikli. At muling binalik ang mga mata sa ginagawa niya dahil nagbibilang siya ng items dito sa store. "Tingnan mo nga, kanina ka pa nakatingin sayo si Patrick!" Pabulong na sabi ni Leila na tila kinikilig ito. nakanguso itong nakatingin sa likuran niya. Kinabahan naman ang puso ni Cassandra at lihim siya napangiti. Dahil sa sinabi ng kaibigan nito. Matagal na niyang crush ang katrabahong si Patrick. Ngunit hindi niya pinapahalata sino ba naman ang hindi magkakaroon ng gusto rito sa ubod ng bait at may itsura rin ang binatang katrabaho niya marami ngang babae na nakikipag kilala rito. "Ah! Pasimple siyang tumingin rito tama nga ang kaibigan niya nakatingin ang binata sa kanyang ng magtama ang kanilang mga mata ay kumindat ito na nagpabilis ng t***k ng puso niya. Nag iwas siya ng tingin at ibinalik sa kanyang ginagawa napakagat labi pa siya dahil sa nadaramang kilig. "Diba tama ako nakatingin sayo ang Crush mo? Bulong pang muli ni Leila kanina ka pa tinitingnan ni Patrick, siguro may gusto din ‘yan sayo Best!" bulong ni Leila sa kanya. "Shhh, huwag kang maingay baka marinig ka!" Saway ni Cassandra sa kaibigan. "Oi, tignan mo, Best lumalapit na dito! Mahinang turan pa bg kaibigan niya hanag may impit na tili sinamahan pa ng paghampas nito sa kanyang braso. Pinagdilatan naman niya ito ng mga mata. Para tumigil sa ginagawa para kasing bulate itong inasinan. “Tumigil, ka nga bka isipin pa ng tao pinaguusapan natin siya,” saway pa ni Cassandra sa kaibigan. Naramdaman ni Cassandra na mayroong lumapit sa kanyang likuran at alam niyang ang binata ‘yun dahil sa bilis ng pagtibok ng puso niya. "Hi!" naririnig niya ang boses ng binata. Na lalong nag pakaba sa dibdib niya. "Hi raw, Cas!" nakangisi na sabi ni Leila. Na parang tinutukso pa siya nito, kaya pinagdilatan niya ito ng mga mata. Dahan-dahan naman lumingo si Cassandra sa likuran niya at nakita nga niyang nakatayo roon ang binata na may malawak na ngiti sa labi nito. “Hello! Nakangiti sagot naman niya. “Cassandra, tama ba ako?” Nakangiti tanong nito sa pangalan ng dalaga. Marahan naman tumango si Cassandra. “O-oo, bakit!” Nauutal niya sagot lihim niya kinurot ang sarili dahil sa pag uutal niyang magsalita. Napakamot naman ang binata sa kanyang ulo, na tila nahihiya ito. “Ahh,,, ehh, wala naman, gusto ko sanang makipag kaibigan sayo! Ako nga pala si Patrick!” Nakangiti pag papakilala ng binata kasabay ng paglalahad nang kamay nito sa kanyang harapan. Napatingin naman siya sa kamay nito. Kung hindi pa siya siko ng kaibigan na si Leila. Ay hindi siya magigising sa pagkatulala. Kaya napatingin siya sa kaibigan. Pero pinaglakihan lamang siya ng mga mata at nakanguso ito. “Nagpapakilala!” Ani pa ni Leila sa kanya. Kahit nahihiya ay tinanggap niya ang kamay nitong nakalahad. “Ahh, Cassandra! Nakangiti sagot niya rito kasabay ng pagtanggap nito sa kamay. Naramdaman niya ang pagpisil nito sa kanyang palad. “Pwede, ba kita ayain mag meryenda?!” Aya nito ng magbitaw ang aming mga kamay. “Okay lang ba!” Nahihiya wika nito ng hindi siya sumagot agad. “Oo, payag ‘yan!” Si Leila na nag sumagot. Kaya kinurot niya ito sa tagiliran. “Huwag ka nang magpakipot pa Best, para magkaroon ka na ng jowa.” Pabalik na bulong naman nito. “Sige!” Tanging naisagot niya sa binata. Doon na nagsimula ang lahat sa pag aaya ni Patrick ng meryenda hanggang sa nagsabi itong kung pwede daw siyang ligawan. Umabot rin ng tatlong buwan bago niya sinagot ang binata. “Talaga, sinasagot mo na ako?!” Masayang tanong pa nito. Inaya siya nitong makipagdate araw pa naman ng puso ngayon at ito rin ang plano niyang sagutin ang lalaki. Kita naman niyang mahal siya nito at maalaga sa kanya patu sa lahat ng kanyang kapatid. Kaya sa lumipas na tatlong buwan at sinabi niya sa buwan ng pag-ibig sasagutin niya si Patrick. “Oo, sinasagot na kita!” Nakangiti sagot ni Cassandra. “Girlfriend,mo na ako!” Aniya pa rito. kitang-kita niya ang kasiyahan sa mukha ng binata. At sa sobrang saya nito ay nahalikan siya sa labi na tinugon naman niya. “I love you!” Bulong pa nito. “I love you too!” Sagot naman niya sa kasintahan. Naging official na magkasintahan silang dalawa. Naging masaya si Cassandra sa feeling ng kaniyang boyfriend na si Patrick. Lalo naging malambing kasintahan sa kanya nang maging sila. Sa dalawang taon na silang magkasintahan ni Patrick, wala siyang masabi sa binata, hanggang yayain siya nito na mag-date sa kanilang anibersaryo. Napakasuwerte ni Cassandra dahil sa dalawang taon na silang magkasintahan ni Patrick, hindi ito nagkulang sa pagiging malambing ng binata. Sa katunayan, lalo pang naging sweet sa kanya si Patrick kaya naman nainggit ang kanyang Tiyahin na si Marisol. Napakasaya ni Cassandra sa relasyon nila ni Patrick at wala siyang masabi sa kabutihan at pagmamahal na ipinapakita ng binata sa kanya. Sa kanilang anibersaryo, nagkaroon sila ng espesyal na pagkakataon upang mag-date at ito ay isang malaking sorpresa para kay Cassandra.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD