Chapter 5

1430 Words
Pumayag naman si Cassandra sa pag aaya ng boyfriend niyang si Patrick na lumabas dahil gusto nito. Manood ng sine, day off naman niya sa trabaho para icelebery ang ika dalawang taong anibersaryo bilang magkasintahan. “Saan tayo, punta?!” Nakangiti tanong niya sa kasintahan. Ngumiti sa kanya ang boyfriend. Bago ito sumagot. “Sa mall, kakain lang tayo tapos manonood ng sine, palabas na kasi ‘yun gusto kong movie,” sagot pa nito. “Pwede, magsimba muna tayo, linggo rin kaya gusto niyang magsimba at magpasalamat sa panginoon.” “Hmmm, sige!” Tanging nasagot ni Patrick. Hindi nga nagtagal ay sa simbahan muna sila nagpunta. Pagpasok nila sa simbahan ay kakasimula pa lang ng misa. Naghanap sila na pwede upuan. Sa lumipas na isang oras ay natapos na rin ang misa, agad na nagyaya si Patrick sa mall hindi na sila sumakay pa dahil malapit lang naman ang mall sa simbahan. Kaya magkahawak kamay sila naglalakad. Sa isang fastfood siya dinala ni Patrick. Bakas sa mukha ng kasintahan ang kasiyahan lalo na na gusto raw nitong manood talaga ng sine. Ng matapos sila sa pagkain nagpahinga lamang sila saglit at niyaya na siya ng kasintahan na bumili ng tickets upang makanood na sila ng movie gusto nito. Bumili muna sila ng popcorn at maiinom para meron daw silang makain sa loob habang nanood ng sine. Pagpasok sa loob ng sinehan ay parang iilan lang ang nanood. Pinakadulo pa ang inupuan namin ni Patrick. Hindi na lamang pinansin pa ni Cassandra kung bakit iilan lang ang tao sa sinehan. Nagsimula na ang movie hanggang nasa kalagitnaan na ng naramdaman niya ang kamay ng kasintahan na humahaplos sa kanyang hita. Agad siya napatingin rito na nakatitig lamang ang mga mata sa screen ng sinehan. Bahagya niya inaawat ang kamay ni Patrick dahil, pakiramdam niya tumaas agad ang balahibo niya. Dahil sa pagkailang ayaw niya ang pakiramdam na hinahawakan siya sa parte ng kanyang katawan. Ngunit sadyang makulit ang kanyang boyfriend. Muli nitong binalik ang kamay sa kanyang hita. “Pat, ano ba yung kamay mo!” Tila naiinis niya sabi rito. Ngunit imbis na sagutin siya nito ay akmang halikan siya nito sa labi agad niyang iniiwasan niya ang labi nito. “Ano, ba Pat? Hindi tayo pumunta dito para sa ganyan?!” Galit na ang boses niyang wika rito. “Halik, lang naman ang gagawin ko bakit parang ayaw mo Boyfriend mo naman ako diba?!” Galit rin na sagot nito. “Pero, Pat!” Saad niya ngunit hindi nanag salita pa ang kanyang kasintahan. At inalis na rin nito ang pag akbay sa kaniya. Hanggang matapos ang pinapanood nila, hindi na siya kinausap pa ng lalaki. "Umuwi na tayo, Pat!" Aya niya sa kanyang kasintahan. Wala na rin siyang gana pang mamasyal dahil sa ginawa nito. "Mahal mo ba ako, Cas?" Seryosong tanong sa kanya ng binata. Ng makalabas sila sa mall. "Oo naman, Pat!" Tugon niya rito. “Ano, bang klaseng tanong ‘yan alam mo naman na mahal na mahal kita!” Saad pa niya rito. Nakahinto lamang ito at seryoso nakatingin sa kaniya. "Patunayan mo!" Sambit nito. “Patunayang mong mahal mo talaga, ako Cas!” Dagdag na wika pa ni Patrick sa kaniya. Sa loob ng dalawa taong mag boyfriend ngayon lang niya nakita sa mga mata nito ang kakaiba at seryoso makatingin. “Diba, gusto mo bumuo tayo ng sariling pamilya,” sabi pa nito habang hawak ang kaniyang kamay. "Ah!" Naguguluhan si Cassandra sa inakto ng kanyang kasintahan. “Hindi kita maintindihan, Pat!” Usal niya rito. Hindi ito nag salita bagkus hinawakan nag kamay niya at naglakad hindi niya alam kung saan sila patungo. Kinakabahan siya dahil parang nag iiba ang ugali ng boyfriend niya ngayon. Hanggang sa mapahinto sila sa isang gusali at binasa niya ang nakalagay sa karatula. At ganoon na lamang gimbal niya ng makita isang hotel pala ang pinagdalhan sa kaniya ni Patrick. Napalingon siya rito. “Anong, gagawin natin dito!?” Tanong niya at bumitaw siya sa pagkakahawak ng kamay nito. Kahit alam na niya ang gustong mangyari ni Patrick ay nais pa rin niya marinig mula sa bibig nito. Kahit dalawang taon na sila ni Patrick ay hanggang halik lang sa pisngi ang ginagawa nito pati na ang paghawak lamang sa kamay. Ngayon bakit iba ang gusto nitong mangyari. "Patunayan mong mahal mo talaga ako Cas!" Nagsusumamong saad pa nito at hinawakan muli ang kanyang kamay. “Cas! Usal nito. Bumuntong-hininga muna si Cassandra bago magsalita. Oo, mahal niya ang lalaki ngunit hindi pa siya handa sa mga bagay na gustong mangyari ng kasintahan. Dahil ayaw niya sa huli ay magsisi. Lalo maraming tao ang nakapaligid sa kaniya. Na naghihintay na masira siya. “Kailangan ba talaga, ng ganito. Pat mahal kita alam mo ‘yan! Saad niya. “Huwag nating gawin ang isang bagay sa huli tayong dalawa ang mahihirapan at magsisi.” Sambit ni Cassandra sa kasintahan nito. "I'm really Sorry, Pat, ngunit hindi pa ako handa sa nais mong gawin natin. Mahal na mahal kita hindi naman ito ang basihan para maparunayan ko mahal kita!” Saad pa ni Cassandra rito. “Alam mo naman na marami pa akong pangarap para sa aking mga kapatid, diba!" Aniya niya sa kanyang kasintahan. Ngunit imbes na sumagot ito naghakbang ito palapit sa kaniya at kitang-kita niya ang pagdilim ng mukha nito. "Sabihin,mo lang na hindi mo ako mahal, kaya hindi ka handa!” Galit na wika nito sa kanya. “Ang sabihin mo, mga kapatid mo lang ang iniisip mo at hindi ako ang kasama sa pangarap mo. Simple lang ang hinihingi ko Cassandra!” Mariing pa nito wika. "Mahal kita, Pat, pero hindi sa ganitong paraan para maipakita kung mahal kita!" Umiiyak niyang wika. “At hindi ganoong kasimple ang gusto mong gawin natin,mga kinabukasan natin ang magiging kapalit nito once na pumayag ako. Mag isip ka naman Patrick hindi ganitong para kang bata!” Nagsusumamong wika niya rito. “Di ba may mga magulang kang umaasa sa'yo pati na rin ang kapatid mo? Isipin mo sila Pat.” Paliwanag pa niya rito. Sunod-sunod naman itong umiling na hindi matanggap ang aking mga paliwanag.. “No, sabihin mo lang ayaw mo dahil hindi mo ako mahal! Dalawang taon na tayo halik nga sa labi ayaw mong magpahalik. Siguro may iba kang lalaki kaya ka ganyan. Tama nga ang tita mo na malandi ka!” Galit na wika nito. “Ano, hindi totoo ‘yan alam mong ikaw lang ang naging boyfriend ko!” Pagtatanggol niya sa kanyang sarili. “Kailan, pa kayo nag uusap ng tita ko!?” Mariing tanong niya rito. Umiling-iling muli ito. "Tapos na tayo, Cas,” sambit nito. “No, hindi galit ka lang kaya mo sinasabi ito!” Saad niya rito. “Hiwalayan na kita dahil sa simpleng kahilingan ko ayaw mo ibigay!" Mariing saad pa ni Patrick. “Hindi ko na kaya pang maghintay pa ng ilang taon, bago mo ibigay ang gusto ko mabuti pang tapusin na natin ito!” Saad nito at pagkatapos tumalikod na ito iniwan siyang mag isa sa kalsada. Ganoon lang ba ‘yun kung hindi maibigay ang gusto. Iiwanan na lang basta. Ganon ba ang pag-ibig sukatan. Naitanong niya sa kanyang sarili. Umuwi si Cassandra sa kanila habang umiiyak, samahan pa ang malakas ng buhos ng ulan. Lumipas ang dalawang linggo, simula ng hiwalayan siya ni Patrick hindi pa ito nagpakita ang lalaki. Gusto niya makipag ayos rito at iniisip na lang niya ibigay ang gusto nito dahil mahal na mahal niya ang binata. "Iniisip mo pa rin ba 'yung lalaki na iyon?" tanong ni Leila sa kanya. "Hindi ko maiwasang hindi isipin si Patrick," saad niya sa kanyang best friend. “Alam mo naman mahal na mahal ko siya diba!?” Usal niya rito. “Iniisip ko nga na makipag balikan sa kanya, at ibigay na ang gusto nito.” Sabi ni Cassandra sa kaibigan. “Anong, mangyayari kapag binigay mo ang sarili mo sa kaniya. Sigurado ka bang hindi magloloko ang boyfriend mo?!” Seryoso saad ni Leila sa kaniya. "Anong klaseng boyfriend siya kung ang hinihingi niya ay pagsisisihan ninyo sa huli? Paano ang mga kapatid mo kung mabuntis ka niya?" ani pa ng dalaga. “Ang matinong lalaki Hindi, hinihingi ang isang bagay na alam nila sa kanilang girlfriend ay mahalaga.” “Sa totoo, lang nag sisi ako kung bakit nilakad pa kita sa bwesit na lalaking ‘yung na walang kwenta.” Anas nito. Bigla naman natauhan si Cassandra sa mga pinagsasabi ng kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD